"Good afternoon sir. Deposit po ulit?" saka ako ngumiti ng pilit. ''Yes please. Sabi ko naman sa'yo araw-araw akong babalik e. Ibigay mo na kasi number mo." "Hay naku sir, ako ang magbibigay sa'yo .." "Claire ano ba, wag ka nga.." putol ko sa sasabihin pa nya. "O sige. Let's date then." A happy-go-lucky Australian-Filipino man change his ways for a naive and strong-willed woman, how they fell in love despite their differences and how beautiful their relationship has become after so many struggles they've met along the way. The sweetness and bitterness of their love journey and how they conquer to stand with each other from kilig moments to a whirlwind romance... Get hooked with Andy and Ash and be inspired with their love escapades.
View MoreAsh, Siya ang leading role ko sa kwento na ito. Physically, ang younger version ni Olivia Newton-John, paborito ko kasi itong singer. Siya din ang dahilan kaya ang mga kantang ginamit ko sa kuwento ay sa kanya rin. Pero ang personality ng babaeng ito as a whole, ay inisip kong ako sa totoong buhay. Ganito kasi ako in real life, palaban pero matindi rin magmahal.. Wow.. Talaga nga ba? Si Ash sa nobelang ito, ay puro pagmamahal lang ang ipinakita sa istorya. Dahil sa pagmamahal na 'yon, isinakripisyo nya ang lahat. Sinuportahan ang kanyang minamahal hanggang sa katapusan at matiyagang naghintay. Marahil, makakarelate ang karamihan na kababaihan sa character na ito. Dahil naniniwala akong, karamihan pa rin sa ating mga babae ay baliw sa pagmamahal. Pero in a sense, na nagmamahal tayo dahil alam din naman nating minamahal din tayo nang pabalik. Kasi kung hindi naman, e wag na, tapusin na. Andy,
Matagal ko nang pangarap ang makasulat ng isang nobela. Pero, sa tuwing uumpisahan ko, nahihirapan akong tapusin. Minsan naman, natapos ko na, pero para bang may kulang at hindi ako sigurado kung akma ba ang mga detalye ko sa kuwento. Ang ending, uulitin ko ulit. Pero, iba itong nobela na 'to. Hindi ko rin mapaniwalaan pero natapos ko ito sa loob lamang ng isang linggo. Nang simulan ko itong isulat, na-inspired lang ako ng pamangkin ko. That time kasi, nahihilig na siyang magbasa at magsulat sa isang app, sabi niya, tita subukan mo ulit magsulat, malay mo mai-publish din natin. Ganun na nga, sinimulan ko sa paggawa ng outline. Kumpleto nan ang title ko bawat chapter. Kumbaga, may idea na ako kung saan iikot 'yung kuwento ko bawat chapter. Araw-arae nakaka-dalawang chapter ako hanggang makumpleto ko yung 15 chapters. Syempre pa, 'yung pamangkin ko ang unang n
ANDY...Three months later... "Love, ano ba 'tong niluto mong breakfast. Andaming kamatis, tapos ang tabang. Dati naman masarap ang scrambled egg mo." reklamo ni Ash. Mula ng ikasal kami, ako lagi ang nagluluto ng breakfast namin. Ayoko kasi syang ginigising nang maaga dahil kadalasan pinupuyat ko sya sa gabi. Kahit three months na kasi kaming kasal, nasa honeymoon stage pa rin kami. Para bang nde namin pinagsasawaan ang bagay na'yon. Hindi lang kami nakapag-travel kasi, may responsibilidad pa ako sa kompanya na hindi ko maiwan-iwan. Pero pag nakaluwag ako sa schedule ko, plano kong libutin ang buong Korea kasama si Ash. "Matabang ba, love? Eh, ang lasa ko nga napaalat e. Sige kung ayaw mo, ipagluluto na lang kita ng iba." "Wag na lang, ayoko nang kumain." &n
ASH... "Love, nae-excite ako, kasi tinawagan ako ni Bianca. Ini-invite nya ako sa modelling event nya. Importante daw para sa kanya na makarating ako kasi bestfriend na daw ang turing nya sa akin. Saka first modelling event nya daw ito na sya mismo ang magpo-produce. Ano sa tingin mo?" sabi ko over the phone matapos ang pag-uusap namin ni Bianca, ang model na gf ni Jon na ngayon ay sumubok na rin sa pagpo-produce ng sarili niyang fashion event. Kaya lang wedding ang theme nito, di ko tuloy maiwasan ang malungkot kasi how I wish na sarili kong wedding ang event na iyon. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Andy sa kabilang line. "Why not love, kayang kaya mo 'yun. Isa pa, kung modelling rin lang ang pag-uusapan, di hamak na may karisma ang fiance ko kumpara sa iba jan", mas excited pa na pahayag ni Andy sa phone.
ANDY... Maghapon kong tinatawagan si Ashanty pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Pinuntahan ko sya sa bangko pero nag-file daw sya ng indefinite leave dahil may importante daw syang aasikasuhin. Iniisip pa nga nila na baka nagpaplano na kaming magpakasal. How I wish 'yon ang dahilan. Nagpunta ako sa bahay nila pero sarado lang ito. Sinabi ng kapitbahay na umalis daw silang mag-ina. Araw-araw ko syang pinupuntahan sa bahay nila pero wala talaga. Nag-aalala na ko nang sobra. Isang buwan na ang nakakalipas. Pag-uwi ko, kinabukasan after namin magtalo dahil sa pagpunta nila Laila at Andre sa condo ko, nadatnan ko ang sulat ni Ash sa may tokador, saying she would leave me for good. That she wishes me to be happy with Laila and Andre. "Anong kalokohan to!" Hindi ko tinapos basahin ang sulat, nilamukos ko lang ito at itinapon sa basurahan. Binuksan ko ang mga cabinet isa-isa. Wala ni kahit isang gamit si Ashanty
ASH... Days passed..Weeks..Months.. Pero wala akong proposal na narinig mula kay Andy. Naiintindihan ko naman dahil alam ko kung gaano sya ka-busy sa trabaho nya. Alam ko ring malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang mga balikat. Ang importante masaya kaming magkasama, wala kaming pinag-aawayan at mahal namin ang isa't isa. His mom moved back to Tagaytay, while Misshelle and her family stays in Cavite. Si Marshie naman pabalik-balik sa Canada at Pilipinas. Nasa Canada ang family nya pero katulong din sya ni Andy sa pagpapatakbo ng kumpanyang iniwan ng dad nila. O mas tamang sabihin na ayaw nyang ipagkatiwala mag-isa kay Andy ang lahat lahat sa kompanya. Dahil doon, mas lalong nagpupursige si Andy na pag-ibayuhin ang trabaho nya. Dahilan para isa-isantabi niya ang relasyon namin pansamantala. Sa kabila ng lahat, ipinaparamdam ko sa kanya ang buo kong suporta. Lalo
ASH... Lumipas ang ilang buwan, naging busy si Andy sa pag-take over ng business nila. Dahil sya ang lalaki, wala syang choice kundi tanggapin ang legacy ng dad niya. Hindi ko inakalang sobrang yaman pala nila Andy. Simple lang naman kasi silang mag-ina kung mamuhay. Mayroon silang sariling Architectural Firm na kilalang-kilala di lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Mayroon din silang hotel na pag-aari sa Makati, Cebu at Davao. May shares din sila sa isang kilalang telecommunication company. At ang lahat ng ito ay ipinamahala sa kanya ng dad nya. Natuwa ako nang tanggapin nya ang alok nito. Ibig sabihin, may posibilidad na maging maayos ang anumang sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa. Pero mula noon, hindi ko na nakita ang dating masayahin at palangiting Andy. Ang laki ng ipinagbago nya. Marahil, dahil na rin sa malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya.
ASH... Graduation day. Sa wakas, nakatapos din si Andy, Engineer na siya ngayon. Tuwang-tuwa ang mom and dad nya. Nakilala ko ang dad nya, awhile ago. Nasa Australia pala ang dad nya for the last two years kaya pansamantalang nag-i-stay si tita sa condo ni Andy. Then, nagdecide sya umuwi ng Pilipinas to attend his graduation day. "Iha, I want you to meet my husband, Andrew, of course Andy's father. Darling, this is Ashanty, your son's future wife." "How are you Ashanty. Good to see you. Thank you for encouraging my son to finish his studies. He's been stubborn for so many years. It's really difficult to convince him. And here he is now, I'm just so happy to see that he's being responsible now." "O, ayan na pla si Andy." sinalubong ni tita si Andy. Katatapos lang ng graduation ceremony nila. "Congratulations son." &
ANDY... "Guys, mag-ready kayo ng gamit ha, after natin mag-snorkel sa Cagbalinad, mag-overnight camping tayo sa Hunongan Cove." announce ni Andy. "Great! That's the exciting part. I heard, dun daw nag-shoot ang Survivor before." ani Jon. "Babe, ibig sabihin sa tent tayo matutulog mamaya? Wala bang ahas dun, or insekto or lamok kaya." sabi ni Bianca. "Babe, don't worry. Hindi ko sila hahayaang makalapit sa'yo." tudyo ni Jon sa gf nyang model. "Seryoso, babe. Masisira ang career ko pag nasira ang kutis ko." "Wala naman siguro, babe. Pero may ibang gagapang sa'yo mamaya, mas matindi pa 'yon sa ahas." "Baliw! Mahiya ka nga sa kanila o."Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Umakbay ako kay Ash. "How i wish i could jo
ASH... "Uuwi ka na ba, Ash? Sabay naman tayo pa-LRT." ani Claire, isa sa mga naging malapit kong kaibigan at kasamahan sa bangko."Sige ba, magligpit ka na para saktong alas-sais maka-out tayo, ang dami pa namang pasahero sa Gil Puyat." sagot ko sa kanya."Ok." ani Claire.Mabilis naman kaming nakarating ng Gil Puyat. Gaya ng inaasahan, rush hour kaya marami na namang nakapila at nag-aabang ng tren. Maya-maya nga ay may paparating nang tren, at saktong nagbukas ang pinto sa aming kinatatayuan. Pasampa na ako sa tren nang biglang may bumundol sa aking likuran na muntikan ko nang ikatumba. "Ayos ha, walang pakundangan akala mo maiiwan ng tren." Sabay tingin ng masama sa lalaking bumangga sa akin ngunit sinulyapan niya lang ako na parang walang nangyari."Oy, wag ka na magalit gwapo naman e", bulong ni Claire na tinudyo pa ako."Anong gwapo? Kahit na ba gwapo siya kung un-gentleman naman e wala akong pakialam. Kung ako lang
Comments