Home / Romance / You're My Everything / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of You're My Everything: Chapter 1 - Chapter 10

18 Chapters

The First Encounter

ASH...      "Uuwi ka na ba, Ash? Sabay naman tayo pa-LRT." ani Claire, isa sa mga naging malapit kong kaibigan at kasamahan sa bangko."Sige ba, magligpit ka na para saktong alas-sais maka-out tayo, ang dami pa namang pasahero sa Gil Puyat." sagot ko sa kanya."Ok." ani Claire.Mabilis naman kaming nakarating ng Gil Puyat. Gaya ng inaasahan, rush hour kaya marami na namang nakapila at nag-aabang ng tren. Maya-maya nga ay may paparating nang tren, at saktong nagbukas ang pinto sa aming kinatatayuan. Pasampa na ako sa tren nang biglang may bumundol sa aking likuran na muntikan ko nang ikatumba. "Ayos ha, walang pakundangan akala mo maiiwan ng tren." Sabay tingin ng masama sa lalaking bumangga sa akin ngunit sinulyapan niya lang ako na parang walang nangyari."Oy, wag ka na magalit gwapo naman e", bulong ni Claire na tinudyo pa ako."Anong gwapo? Kahit na ba gwapo siya kung un-gentleman naman e wala akong pakialam. Kung ako lang
Read more

Let's Have a Date

ANDY..."Bro, musta? Parang ang lalim ng iniisip mo a? May problema ba?" si Mike, isa sa mga best friend ko nung college na ngayon ay nagwo-work na sa isang construction firm."Pre, mukhang di problema kasi ang lapad ng ngiti o? Chic ba pre?", ani Jon, isa pa naming tropa na nagtatrabaho naman bilang IT sa isang sikat na telecommunication company.Sa aming tatlo, ako lang ang under-graduate. Pero kahit busy sila sa mga trabaho nila, madalas pa rin kaming magbonding dito sa paborito naming billiard & bar restaurant sa Makati. Palibhasa malapit sa mga work nila ganun din sa condo ko."Bro, may nakilala kasi akong chic." sabi ko. Kumunot ang noo ng dalawa sabay sabing, "Pa'no na si Laila?"."Oh, come on pre, iba naman yung kay Laila. Pero, itong chic na 'to, teka nde ko pa pala alam ang pangalan nya." Akmang tatayo ako, gusto kong puntahan ang babaeng 'yon para alamin ang pangalan nya,  "Pero saan?"  Mabilis nila akong pinigilan.
Read more

Getting To Know Each Other

ASH...Nang makita ko siyang naghihintay sa akin after work, sobra akong natuwa, "Ganun ba talaga siya kadesididong makilala ako?" Kaya naman naisip ko na ibigay na ang cp number ko sa kanya. Tutal two weeks na rin naman niya akong kinukulit, wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya. Pero no'ng mag-request siya na mag-snack at mag-coffee, tapos tinitigan niya ako, pakiramdam ko hawak ko ang mundo. "Napaka-gwapo naman nito para i-turned down ko." Kaya pumayag na rin ako. Mula noon, hindi na siya nagde-deposit ng 100 pesos araw-araw, pero lagi naman niya akong sinusundo after office work. Nalaman ko rin na gimik niya lang 'yon para magpapansin sa akin. "Hmmm, ang haba ng hair ko di'ba?""Wala kang work? Eh, ano lang ang ginagawa mo sa araw-araw?"Iniisip ka." sabay kindat sa akin."Seriously?!" sabi ko sabay taas ng isang kilay ko. "Hindi ka ba nagtapos ng college?""Actually, engineering undergrad ako.""Ayun naman pl
Read more

It's Complicated

ANDY..."Bro sa wakas nagpakita ka din. Almost five months ka nang missing in action ha," sabi ni Mike habang umiinom kami sa tambayan namin."Sorry guys, busy lang talaga sa school.""Ows? Sa school nga ba o sa chic? Hmm, kamusta na si Ms. LRT girl?" sabi naman ni Jon."Actually, both." sagot ko. "Pero hindi pa KAMI officially, exclusively dating pa, maybe.""Huh? For five months?" halos sabay pa nilang sabi. Kaya tumango ako."Bago yun bro, ha. Hindi ba sya nagwapuhan sa'yo? O inaalat na ang mga moves natin jan?" ani Mike."Naisip ko na rin 'yan. Kaso, iba talaga siya e. Pero sa maniwala kayo't hindi, never ko na-feel na naiinip ako sa set-up namin. Ang totoo niyan, lalo pa nga akong na-e-excite sa araw-araw na development ng relationship namin.""Siguro, patok sa akin 'yong kasabihang 'it's worth the wait'.""Good luck, pre." sabi ni Jon."Thanks." Sunday, nagsimba kami ni Ash then we decid
Read more

Let's Give It A Try

ASH...Habang nasa loob ako ng taxi, hindi ko mapigil ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ang sakit-sakit. Paanong ang isang masayang araw ay nauwi sa ganitong ending?Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko rin namang umuwi ng bahay dahil ayokong makita ako ni nanay sa ganitong kalagayan. Ilang beses pang tumawag si Andy pero nire-reject ko ang mga tawag niya. Tinawagan ko si Claire.Nagkita kami ni Claire sa isang fastfood sa Monumento. "Ash, kamusta? Ano ba'ng nangyari?" agad niyang tanong pag-upo pa lang niya."Claire..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na namang bumalong ang luha sa mga mata ko. Hinayaan niya lang akong umiyak habang hinahagod niya ang likod ko. Nang mahimasmasan ako, saka ko ikinuwento ang lahat."Hindi mo man lang ba siya pagbibigyang makapagpaliwanag? For sure, may dahilan ang lahat. Sa ilang buwang panunuyo sa'yo ni Andy, naging saksi ako sa lahat. Nakita ko ang sinseridad niya sa mga
Read more

Our First Kiss

ANDY...I can't contained my happiness nang sa wakas, sagutin na rin ako ni Ashanty. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Bago ko sya ihatid sa bahay nila, dumaan muna kami ng simbahan upang magpasalamat at humiling sa Panginoon na sana'y pagpalain at gabayan kami sa aming relasyon.Pakanta-kanta pa ako nang makarating ng condo na siya namang ipinagtaka ng Mom ko. Lalo na nang isayaw ko siya at iikot-ikot habang kumakanta."Hey son, what's going on? Ano ba, nahihilo ako sa'yo?" Pero natutuwa naman siya habang isinasayaw ko siya."Well, Mom, congratulate me, because I just won someone." Nakangiti ko pang sabi at saka ko siya hinalikan sa pisngi at niyakap. Umupo ako sa sala, tumabi siya sa akin. "Oh really, son! That's good news. So when will I be able to see her? You've been boasting about her for quite sometime now. I think it's about time to meet her, don't you think?""Mom, come on.
Read more

Meet My Mom

ASH..."Uy, Ash may bisita ka," tudyo sa akin ni Claire. Pag-angat ko ng mukha ko sinalubong niya ako ng kindat.  Ngumiti lang ako. Nakita kong kumaway siya kay Claire."Ang gwapo talaga ng boyfriend mo, Ash, wala bang kapatid 'yan," Natawa na lang ako kay Claire. "Wala e." Angat talaga ang looks ni Andy kahit saan magpunta, napansin kong lahat ng kababaihan ay nakalingon sa kanya. I can't help but to feel proud. Sumenyas si Andy na kain kami, kaya tumango ako. "Ash, mag-lunch ka na, ako na lang bahala sa shift mo, basta may merienda, ha," sabi ni Gillian, kasamahan kong teller."Sure, thanks Gill." Nag-cash count muna 'ko bago ako nagpaalam sa manager namin.Sinalubong ako ni Andy, paglabas ko ng counter. "Hi, love. Na-surprise ka ba?""Medyo, bakit naisipan m'ko puntahan?""Dinala ko ang kotse ko sa Ford, habang nag-iintay ako, pinuntahan na kita. Baka kasi nami-miss m'ko e," biro pa niya."As if?" Nag-l
Read more

Our First Trip Together

ASH..."Love, pwede ka bang mag-file ng leave sa friday? Let's go on a trip, holiday naman sa monday di'ba, so we have four days to spend together.""As in out of town?" tanong ko."Yap, ayaw mo?""Wait lang, kailangan ko munang magpaalam kay nanay.""Ako ang magpapaalam para sa'yo. Saka 1st year anniversary celebration na rin natin 'yon, I'm sure papayagan tayo ni nanay."It's a good thing, pinayagan ako sa office at pinayagan din ako ni nanay. Naging mabait naman kasi si Andy sa isang taon naming relasyon kaya naging at ease na si nanay na kasama ko siya.Excited ako, first time ko mag-travel at si Andy pa ang makakasama ko. Siya ang naghanda ng lahat, from flight to accommodations and all, our destination: Caramoan Island in Camarines Sur. Sabi niya may mga friends din daw siya na makakasama namin, pero do'n na daw sa terminal magkikita-kita. Wala na daw ako kailangan intindihin, kumbaga sarili ko lang ang kailangan kong dalhin
Read more

Lover's Quarrel

ANDY...      "Love mauna ka nang maligo, maya-maya na ako, makikipagkuwentuhan muna ako kina Mike at Jon".      "Sige."       Maya-maya, kinatok ko na si Ash sa kwarto para maghapunan. Adobong manok at ginataang sitaw kalabasa na may sahog na hipon ang ulam na inihanda nina Kuya Ramil at Ate Glenda. Nakita ko, kung gaano nasiyahan si Ash sa ganoong kasimpleng pagkain, kaya ginanahan na rin ako.            Pagkatapos kumain, naiwan si Ash sa sala para makipagkuwentuhan kina Bianca at Venice. Nakakatuwang isipin na nagkakasundo sila sa kabila ng pagkakaroon ng magkakaibang personalidad. Sa tatlo, tanging si Ash ang hindi nakakaangat sa buhay, pero dahil nakatapos sya ng magandang kurso, masasabi kong madiskarte talaga sya at marunong makisama idagdag pa na sya rin ang may pinakamagandang mukha at ugali para sa akin.      Pa
Read more

Our Sweet Moments to Remember

ANDY...      "Guys, mag-ready kayo ng gamit ha, after natin mag-snorkel sa Cagbalinad, mag-overnight camping tayo sa Hunongan Cove." announce ni Andy.             "Great! That's the exciting part. I heard, dun daw nag-shoot ang Survivor before." ani Jon.       "Babe, ibig sabihin sa tent tayo matutulog mamaya? Wala bang ahas dun, or insekto or lamok kaya." sabi ni Bianca.      "Babe, don't worry. Hindi ko sila hahayaang makalapit sa'yo." tudyo ni Jon sa gf nyang model.       "Seryoso, babe. Masisira ang career ko pag nasira ang kutis ko."      "Wala naman siguro, babe. Pero may ibang gagapang sa'yo mamaya, mas matindi pa 'yon sa ahas."      "Baliw! Mahiya ka nga sa kanila o."Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.      Umakbay ako kay Ash. "How i wish i could jo
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status