Home / All / You're My Everything / The First Encounter

Share

You're My Everything
You're My Everything
Author: AnäLeRïeYeäN

The First Encounter

last update Last Updated: 2020-11-08 08:43:46

ASH...

      "Uuwi ka na ba, Ash? Sabay naman tayo pa-LRT." ani Claire, isa sa mga naging malapit kong kaibigan at kasamahan sa bangko.

"Sige ba, magligpit ka na para saktong alas-sais maka-out tayo, ang dami pa namang pasahero sa Gil Puyat." sagot ko sa kanya.

"Ok." ani Claire.

Mabilis naman kaming nakarating ng Gil Puyat. Gaya ng inaasahan, rush hour kaya marami na namang nakapila at nag-aabang ng tren. Maya-maya nga ay may paparating nang tren, at saktong nagbukas ang pinto sa aming kinatatayuan. Pasampa na ako sa tren nang biglang may bumundol sa aking likuran na muntikan ko nang ikatumba. "Ayos ha, walang pakundangan akala mo maiiwan ng tren." Sabay tingin ng masama sa lalaking bumangga sa akin ngunit sinulyapan niya lang ako na parang walang nangyari.

"Oy, wag ka na magalit gwapo naman e", bulong ni Claire na tinudyo pa ako.

"Anong gwapo? Kahit na ba gwapo siya kung un-gentleman naman e wala akong pakialam. Kung ako lang, nasubsob kanina, lagot talaga siya sa akin, hmp!"

Natawa na lang si Claire, sanay na siya sa ugali ko. Ilang beses na rin naman siyang naging saksi sa mga pagwawala ko sa tuwing pakiramdam ko ay naaagrabyado ako. Mabuti na lang maluwag ang tren kaya nakaupo kami. Nang di sinasadyang mapasulyap ako sa lalaking nakabunggo sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko nang magtama ang aming mga mata. Agad akong dumiretso ng tingin saka nagkunwang nakikipagkuwentuhan kay Claire. Maya-maya pa'y bumaba na si Claire sa Abad Santos at ako naman sa 5th Avenue. Isang tricycle pa ang sinakyan ko pauwi sa bahay na tinutuluyan ko kasama ang aking ina.

"Hi nay, mano po."

"Salamat. Magbihis ka na, nakapagluto na ako. Kakain na tayo."

"Ok po, nay. Na-miss kita." Yumakap muna ako sa kanya bago ako pumasok sa kuwarto para magbihis. Ganun kami kalambing sa isa't isa. Palibhasa lumaki akong walang ama. Ayon kay nanay, namatay daw ang aking ama sa isang aksidente noong ako'y tatlong taong gulang pa lamang. Mula noon namasukan na si nanay bilang mananahi upang buhayin at pag-aralin ako. Nakatulong din na masipag akong mag-aral nung elementarya kaya naman scholar ako mula high school hanggang college sa isang kilalang unibersidad.

Since high school, pangarap ko nang maging writer. Nabigyan naman ako ng pagkakataong  magsulat sa school paper namin as a journalist, at naging editor in-chief pa ako. Naranasan ko ring sumali at manalo sa mga kompetisyon sa pagsulat ng balita, editoryal at kung anu-ano pa.

Ngunit ang kursong tinapos ko ay malayo sa landas na gusto ko sanang tahakin kaya naman ang lahat ay nauwi lang sa isang pangarap. 

Nagtapos ako ng Business Administration major in Accountancy at kaagad namang natanggap bilang teller sa isang kilalang bangko. Maganda naman ang pasahod at benepisyo kaya nag-enjoy na rin ako sa career na pinili ko. Habang si nanay ay patuloy na nananahi sa isang pabrika ng mga damit pambata kahit ilang beses ko na syang pinayuhan na manatili na lang sa bahay.

Pagkaraan ng dalawang linggo...

"Hello Claire, oo eto na, nasa LRT na, malapit na ako sa Gil Puyat. Ano daw ba ang kailangan niya? Sabihin mo, mag-return call na lang ako sa kanya pagdating ko ng office. Sige salamat, ba-bye." Inilalagay ko na ang CP sa bag ko nang mapasulyap ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Tsk!" sabay ngiwi ang lalaki.

"Teka, ako ba ang nginingiwian nito," naisip ko. 

Di ko maiwasang tingnan siya, tila pamilyar ang isang ito sa akin. Nakapikit siya kaya pansin mo agad na mahaba ang pilik-mata niya. Mahaba din at wavy ang kulay brown niyang buhok, yaong buhok na pinauso noong 70's. Nakapagtataka lang na ang isang lalaking gaya niya na nasa mga mid-twenties ang edad ay ganoon ang buhok pero bumagay naman sa look niya. Matangos ang ilong, pangahan pero mestiso, mukhang may lahing amerikano at may manipis na labi. Gwapo, sa simpleng salita.

"Sa'n ko ba 'to nakita?"

Tumayo ang babaing katabi niya upang bumaba sa Doroteo Jose, kaya naman naupo ako sa tabi niya. Nagulat pa 'ko nang bumulong siya sa akin, "How do I rate?"

"Huh?" pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Pero nayabangan din ako sa kanya kaya dinedma ko na lang siya. "Teka, siya 'yung lalaking bumunggo sa akin kamakailan lang. Muntikan pa nga akong masubsob. Ah, no wonder mayabang talaga. Akala mo kung sinong gwapo. Hmm, eh gwapo naman talaga. Eh, kahit pa!!"

Di na lang ako kumibo. Pumikit ako at nagkunwaring matutulog... Hanggang sa...

"GIL PUYAT STATION...GIL PUYAT STATION..."

Bigla akong napabalikwas, dali-daling tumayo at lumabas ng tren. Hala, nakatulog nga talaga ako. Pagbaba ko, meron nang bus na nakahinto papuntang Aseana, kung saan ako nagtatrabaho. Pag-upo ko, kasunod ko na ang hambog na lalaking nakasakay ko sa LRT na sa kasamaang palad ay tumabi pa sa kinauupuan ko. Kaya naman ibinaling ko ang mukha ko sa may bintana.

"Do I deserve a thank you? Kundi kita siniko, malamang nasa Baclaran ka na."

Lumingon ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin, nakangiti, sabay sabing "Ang sarap kasi ng pagkakasandal mo sa balikat ko, buti na lang naalala kong sa Gil Puyat ang baba mo."

"Ano? At paanong...ah so naalala mo ring muntikan mo na akong itumba sa LRT dahil sa pagka-barubal mo. Mas deserve ko ang sorry mo, noh!"

"Hmmm...okay. Sorry, naitulak din lang ako 'nung time na 'yun. Alam mo naman sa LRT. So, ok na, quits na tayo. I'm Andy", inilahad ang kamay niya. Tumitig siya sa akin sabay ngiti ulit nang pagkatamis-tamis. 

Hindi ko ata matatagalan ang mga titig na 'yun, ang ngiti niya na nagpalabas sa maliit na dimple sa gilid ng kanyang bibig. Nakakailang kaya sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay niya, ibinaling ko sa bintana ang aking mukha. "Loko to a, pa-cute. Saka bakit nagpapakilala? Inaakit ba 'ko nito, nakakailang kung tumingin. Teka bakit parang biglang uminit sa bus na 'to.. hey Ash, ang aga-aga ha." 

Maya-maya lumapit na ang konduktor para kumuha ng bayad at mag-abot ng ticket, so wala akong choice kundi lumingon, kitang-kita ko ang tipid niyang pagngiti kahit diretso naman ang tingin niya sa unahan ng bus. "Ugali ba talaga nito ang ngumiti, nakaka-good vibes."

Pagdating sa Aseana, "Excuse me, bababa na 'ko." sabi ko para mag-give way siya ng daan. Tumayo naman siya para padaanin ako sabay sabing "Ok. Ingat."

"Huh?" Napatingin na naman ako sa kanya, siguro para i-confirm kung ako ba talaga ang sinabihan niya nun. "Pero bakit? Siguro, friendly lang talaga siya." Tumango na lang ako saka parang natatarantang dumiretso ng baba sa bus. Grabe ang bilis ng pintig ng puso ko, parang ngayon lang ako nabati ng kung sino.

ANDY...

Monday evening..nagmamadali ako papunta ng school ni Laila, kailangan ko sunduin ang gf ko at ihatid sa bahay nila. Coding kaya wala akong dalang sasakyan. Pinili kong mag-LRT, 40 minutes or more lang ang byahe. Pasado alas sais na, kailangan kong magmadali, kundi totopakin na naman si Laila. 

Dumating ang LRT, skip train kaya nagkagulo ang mga pasahero. Nag-uunahan sa pagsakay sa di ko maintindihang kadahilanan. Nang biglang may tumulak sa akin kaya naman naitulak ko din ang babaing nasa harapan ko. Mag-so-sorry sana ako kundi lang sa pasaring na narinig ko mula sa kanya na kinainis ko. "Ah bahala ka, no use na mag-sorry ako alam mo naman ang senaryo sa LRT." Sa isip ko lang kaya sinulyapan ko lang siya na parang walang nangyari. Hindi ko maiwasang balikan siya ng tingin, dahil ramdam ko ang pagka-irita niya.

Simpleng mukha pero maganda, bilugan ang mga mata pero halatang mataray ito. Maybe nasa 22-25 ang edad niya. Hindi katangusan ang ilong niya pero hindi rin naman pango. May makapal at mapupulang labi, na marahil dahil sa lipstick. Naka-pony tail, mga 5'2 ang height, maputi at balingkinitan. Hmmm pwede...

Nang biglang lumingon siya sa kinatatayuan ko at magtama ang aming paningin. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya sabay bawi ng tingin. Nangiti ako sa inasal niya, di ko tuloy maiwasang maintriga sa kanya.  "Kani-kanina lang nanggagalaiti sa galit, ngayon naman nahihiya. Kakaibang babae, nagba-blush sa simpleng tingin lng, tsk".

Napansin kong bumaba siya sa 5th Avenue. Gusto ko sanang lingunin niya akong muli bago siya lumabas ng tren pero hindi niya ginawa. Kaya nakuntento na lang ako sa pagtanaw sa kanya habang papalayo ang tren.

Sa wakas nakarating din ako ng MCU University. Physical Theraphy student dito si Laila. Actually six years na siya sa school na 'to, hindi lang maka-graduate pa, dahil paiba-iba ng kurso. Sana makuntento na talaga siya sa PT. Pagbungad ko pa lang sa gate, nakasimangot na si Laila. 

"Ang tagal mo naman, kanina pa ko dito, nag-iintay."

"Sorry babe, alam mo naman galing pa 'ko ng Makati. Wala akong sasakyan kaya nahirapan akong mag-commute at makipag-sabayan sa LRT."

"Dapat kasi inagahan mo ng alis, wala ka namang ginagawa sa condo nyo e."

"As if naman makakaalis ako ng maaga. Nasa condo si Mom, nde ako papayagan nun na pumunta dito. Alam mo naman yun."

"Ok, fine. Tara, sa'n ba tayo ngayon? Want something delightful, babe?" aniyang nang-aakit. 'Pag ganito na ang tono ni Laila, alam na kung sa'n na naman kami makakarating. 

May pagka-liberated kasi ito, dahilan kung kaya't nde siya magustuhan ni Mom. Pero sa lahat ng naging gf ko, si Laila lang ang tumagal ng two years. Siguro dahil hindi siya kailanman nag-demand ng kahit ano sa akin. Oo, madalas siyang topakin sa mga simpleng bagay lang pero, mas madalas din naman na magkasundo kami. 

Nakilala ko siya no'ng minsang magkayayaan kaming mag-bar ng mga kaibigan ko no'ng college. After that night, isinama niya 'ko sa apartment niya, mula noon kami na. Walang ligawan, basta nagkasundo lang. 

Engineering student ako sa La Salle University that time. One year na lang sana graduate na ako pero hindi ko tinapos, na-bad trip kasi ako sa erpat ko. 

Australian businessman ang dad ko pero matagal na siyang naninirahan sa Pilipinas. May dalawa siyang anak na babae sa una niyang asawa. Habang broker naman ang mom ko. Nagkakilala sila sa isang seminar at naging lihim na magkarelasyon. Dahil ako lang ang anak niyang lalaki na magdadala sa apelyido niya, pinakasalan niya ang mom ko no'ng mabyudo siya, two years old ako noon. 

Pero si Mom, hindi nagsasawa sa pagsuporta sa akin kahit pa pag-awayan na nila ng dad ko. Isang bagay lang ang hindi pinapaboran ni Mom sa akin, si Laila. Maybe because natatakot siyang makabuntis ako, kahit pa maingat naman kami ni Laila. 

Kaya naman kahit 23 na ako ngayon, walang direksyon at tambay, nakaalalay pa rin si Mom sa akin. Ayon sa kanya, darating din ang time na magigising ako at ako na mismo ang susuko at kusang magtutuwid ng buhay ko. Kaya heto ako ngayon, pa-easy easy lang. 

Nakatulog na si Laila, pero ako, gising pa. Dito na naman ako inabutan ng dilim sa apartment niya. As usual, magaling talaga si Laila magpaligaya. Nagbihis ako at naghanda nang umalis.

Habang pauwi, biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon. "Kailan ko kaya siya muling makikita?

After two weeks... Hindi ko alam na pagbibigyan ako ng tadhana isang umaga. 

Nakaupo ako sa LRT, naiidlip, nang mapadilat ako sa lakas ng boses ng babaing nakatayo sa harapan ko. Laking gulat ko nang makilala ko sya. The girl in my dreams... Hmm...

Hindi ko maiwasang mag-react sa sinabi niya sa kausap niya sa phone. Sinabi niya kasing malapit na siya sa Gil Puyat samantalang nasa Tayuman pa lang ang tren. "Pilipino talaga o."

Alam kong titingnan niya ako sa reaksyon ko kaya muli akong pumikit.  Nagkunwaring natutulog pero ramdam ko ang init ng kanyang titig. Sa totoo lang, gusto ko talagang magpapansin sa kanya kaya ako nag-react ng ganoon. 

Laking tuwa ko nang tumayo ang katabi ko at pumalit siya kaya naman hindi ko na napigilang magsalita.

"How do I rate?", bulong ko sa kanya nang nakapikit pa rin. Pero nadismaya ako nang hindi siya kumibo. Maya-maya naramdaman ko ang bigat sa balikat ko. Pagdilat ko, nakasandal na ang ulo nya sa balikat ko. Nakatulog na pala siya. Naaamoy ko ang shampoo ng buhok niya, ang masarap na scent ng pabango niya, kaya hinayaan ko na lang siya sa ganoong posisyon kahit gusto ko pang iangat ang braso ko at itulak siyang lalo palapit sa akin. Ayokong matapos ang moment na ito.

Sinadya ko talagang sikuhin sya nang huminto ang tren sa Gil Puyat. Natawa pa ako sa reaksyon niya nang nagmamadali siyang tumayo para habulin ang pinto ng tren. 

Di ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko para sundan siya. Ewan din, ang lakas ng panghila niya, ando'n 'yong urge na gusto ko siyang makilala. Sinundan ko siya hanggang sa pagsakay sa bus at swerteng nakaupo ako sa tabi niya.

Nginitian ko siya, alam ko nagulat siya sa paglapit ko. Agad siyang umiwas ng tingin at ibinaling ang mukha niya sa may bintana. Pero pinilit ko pa ring magsimula ng conversation, dahil gusto kong marinig ang boses niya.

"Do I deserve a thank you? Kundi kita siniko, malamang nasa Baclaran ka na." Nagulat siya sa sinabi ko, kaya sinundan ko pa ng isa.

"Ang sarap kasi ng pagkakasandal mo sa balikat ko, buti na lang naalala kong sa Gil Puyat ang baba mo." 

"Ano? At paanong...ah so naalala mo ring muntikan mo na akong itumba sa LRT dahil sa pagka-barubal mo. Mas deserve ko ang sorry mo, noh!", Shoot, sa wakas sumagot din siya, pataray nga lang. Kaya naman lalo pa akong nagpa-cute sa kanya.

"Hmmm...ok. Sorry, naitulak din lang ako no'ng time na 'yon. Alam mo naman sa LRT. So, ok na, quits na tayo. I'm Andy." sabi ko pa.

Pero hindi ata nakuha ng charm ko ang beauty niya dahil hindi na niya 'ko pinansin at bumaling na siyang muli sa bintana. Nakuntento na lang ako sa pagmamasid sa maganda niyang mukha. 

Nang sa wakas ay lumapit ang kundoktor at kunin ang bayad namin. Dumiretso ako ng tingin pero alam ko, sa gilid ng mga mata ko, na muli niya akong minasdan at napangiti ako sa tuwa.

Maya-maya, nag-excuse siya para bumaba, hindi ko pa rin napigil na magpabaon ng salita sa kanya. 

"Ok, ingat." Tila lumundag ang puso ko nang tumingin siya sa akin nang may pagkagulat saka tumango. Masaya ako habang pinagmamasdan siyang pababa ng bus. 

Pagdating ng bus sa stoplight, bumaba na rin ako. Para akong tangang tumawid sa kabilang kalsada at sumakay ulit ng bus pabalik, pa-Ayala. Di ko mapaniwalaan na nagawa ko 'yon. For the first time, sinundan ko ang isang babae para lang ma-satisfy ang curiosity ko. Alam ko na kung saan sya nagtatrabaho. At napangiti ako sa naisip ko.

Related chapters

  • You're My Everything   Let's Have a Date

    ANDY..."Bro, musta? Parang ang lalim ng iniisip mo a? May problema ba?" si Mike, isa sa mga best friend ko nung college na ngayon ay nagwo-work na sa isang construction firm."Pre, mukhang di problema kasi ang lapad ng ngiti o? Chic ba pre?", ani Jon, isa pa naming tropa na nagtatrabaho naman bilang IT sa isang sikat na telecommunication company.Sa aming tatlo, ako lang ang under-graduate. Pero kahit busy sila sa mga trabaho nila, madalas pa rin kaming magbonding dito sa paborito naming billiard & bar restaurant sa Makati. Palibhasa malapit sa mga work nila ganun din sa condo ko."Bro, may nakilala kasi akong chic." sabi ko. Kumunot ang noo ng dalawa sabay sabing, "Pa'no na si Laila?"."Oh, come on pre, iba naman yung kay Laila. Pero, itong chic na 'to, teka nde ko pa pala alam ang pangalan nya." Akmang tatayo ako, gusto kong puntahan ang babaeng 'yon para alamin ang pangalan nya, "Pero saan?" Mabilis nila akong pinigilan.

    Last Updated : 2020-11-08
  • You're My Everything   Getting To Know Each Other

    ASH...Nang makita ko siyang naghihintay sa akin after work, sobra akong natuwa, "Ganun ba talaga siya kadesididong makilala ako?" Kaya naman naisip ko na ibigay na ang cp number ko sa kanya. Tutal two weeks na rin naman niya akong kinukulit, wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya. Pero no'ng mag-request siya na mag-snack at mag-coffee, tapos tinitigan niya ako, pakiramdam ko hawak ko ang mundo. "Napaka-gwapo naman nito para i-turned down ko."Kaya pumayag na rin ako. Mula noon, hindi na siya nagde-deposit ng 100 pesos araw-araw, pero lagi naman niya akong sinusundo after office work. Nalaman ko rin na gimik niya lang 'yon para magpapansin sa akin. "Hmmm, ang haba ng hair ko di'ba?""Wala kang work? Eh, ano lang ang ginagawa mo sa araw-araw?"Iniisip ka." sabay kindat sa akin."Seriously?!" sabi ko sabay taas ng isang kilay ko. "Hindi ka ba nagtapos ng college?""Actually, engineering undergrad ako.""Ayun naman pl

    Last Updated : 2020-11-08
  • You're My Everything   It's Complicated

    ANDY..."Bro sa wakas nagpakita ka din. Almost five months ka nang missing in action ha," sabi ni Mike habang umiinom kami sa tambayan namin."Sorry guys, busy lang talaga sa school.""Ows? Sa school nga ba o sa chic? Hmm, kamusta na si Ms. LRT girl?" sabi naman ni Jon."Actually, both." sagot ko. "Pero hindi pa KAMI officially, exclusively dating pa, maybe.""Huh? For five months?" halos sabay pa nilang sabi. Kaya tumango ako."Bago yun bro, ha. Hindi ba sya nagwapuhan sa'yo? O inaalat na ang mga moves natin jan?" ani Mike."Naisip ko na rin 'yan. Kaso, iba talaga siya e. Pero sa maniwala kayo't hindi, never ko na-feel na naiinip ako sa set-up namin. Ang totoo niyan, lalo pa nga akong na-e-excite sa araw-araw na development ng relationship namin.""Siguro, patok sa akin 'yong kasabihang 'it's worth the wait'.""Good luck, pre." sabi ni Jon."Thanks."Sunday, nagsimba kami ni Ash then we decid

    Last Updated : 2020-11-08
  • You're My Everything   Let's Give It A Try

    ASH...Habang nasa loob ako ng taxi, hindi ko mapigil ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Ang sakit-sakit. Paanong ang isang masayang araw ay nauwi sa ganitong ending?Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ayoko rin namang umuwi ng bahay dahil ayokong makita ako ni nanay sa ganitong kalagayan. Ilang beses pang tumawag si Andy pero nire-reject ko ang mga tawag niya. Tinawagan ko si Claire.Nagkita kami ni Claire sa isang fastfood sa Monumento."Ash, kamusta? Ano ba'ng nangyari?" agad niyang tanong pag-upo pa lang niya."Claire..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na namang bumalong ang luha sa mga mata ko. Hinayaan niya lang akong umiyak habang hinahagod niya ang likod ko. Nang mahimasmasan ako, saka ko ikinuwento ang lahat."Hindi mo man lang ba siya pagbibigyang makapagpaliwanag? For sure, may dahilan ang lahat. Sa ilang buwang panunuyo sa'yo ni Andy, naging saksi ako sa lahat. Nakita ko ang sinseridad niya sa mga

    Last Updated : 2020-11-08
  • You're My Everything   Our First Kiss

    ANDY...I can't contained my happiness nang sa wakas, sagutin na rin ako ni Ashanty. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.Bago ko sya ihatid sa bahay nila, dumaan muna kami ng simbahan upang magpasalamat at humiling sa Panginoon na sana'y pagpalain at gabayan kami sa aming relasyon.Pakanta-kanta pa ako nang makarating ng condo na siya namang ipinagtaka ng Mom ko. Lalo na nang isayaw ko siya at iikot-ikot habang kumakanta."Hey son, what's going on? Ano ba, nahihilo ako sa'yo?" Pero natutuwa naman siya habang isinasayaw ko siya."Well, Mom, congratulate me, because I just won someone." Nakangiti ko pang sabi at saka ko siya hinalikan sa pisngi at niyakap. Umupo ako sa sala, tumabi siya sa akin."Oh really, son! That's good news. So when will I be able to see her? You've been boasting about her for quite sometime now. I think it's about time to meet her, don't you think?""Mom, come on.

    Last Updated : 2020-12-19
  • You're My Everything   Meet My Mom

    ASH..."Uy, Ash may bisita ka," tudyo sa akin ni Claire. Pag-angat ko ng mukha ko sinalubong niya ako ng kindat. Ngumiti lang ako. Nakita kong kumaway siya kay Claire."Ang gwapo talaga ng boyfriend mo, Ash, wala bang kapatid 'yan," Natawa na lang ako kay Claire. "Wala e." Angat talaga ang looks ni Andy kahit saan magpunta, napansin kong lahat ng kababaihan ay nakalingon sa kanya. I can't help but to feel proud.Sumenyas si Andy na kain kami, kaya tumango ako."Ash, mag-lunch ka na, ako na lang bahala sa shift mo, basta may merienda, ha," sabi ni Gillian, kasamahan kong teller."Sure, thanks Gill." Nag-cash count muna 'ko bago ako nagpaalam sa manager namin.Sinalubong ako ni Andy, paglabas ko ng counter. "Hi, love. Na-surprise ka ba?""Medyo, bakit naisipan m'ko puntahan?""Dinala ko ang kotse ko sa Ford, habang nag-iintay ako, pinuntahan na kita. Baka kasi nami-miss m'ko e," biro pa niya."As if?" Nag-l

    Last Updated : 2020-12-19
  • You're My Everything   Our First Trip Together

    ASH..."Love, pwede ka bang mag-file ng leave sa friday? Let's go on a trip, holiday naman sa monday di'ba, so we have four days to spend together.""As in out of town?" tanong ko."Yap, ayaw mo?""Wait lang, kailangan ko munang magpaalam kay nanay.""Ako ang magpapaalam para sa'yo. Saka 1st year anniversary celebration na rin natin 'yon, I'm sure papayagan tayo ni nanay."It's a good thing, pinayagan ako sa office at pinayagan din ako ni nanay. Naging mabait naman kasi si Andy sa isang taon naming relasyon kaya naging at ease na si nanay na kasama ko siya.Excited ako, first time ko mag-travel at si Andy pa ang makakasama ko. Siya ang naghanda ng lahat, from flight to accommodations and all, our destination: Caramoan Island in Camarines Sur. Sabi niya may mga friends din daw siya na makakasama namin, pero do'n na daw sa terminal magkikita-kita. Wala na daw ako kailangan intindihin, kumbaga sarili ko lang ang kailangan kong dalhin

    Last Updated : 2020-12-19
  • You're My Everything   Lover's Quarrel

    ANDY... "Love mauna ka nang maligo, maya-maya na ako, makikipagkuwentuhan muna ako kina Mike at Jon". "Sige." Maya-maya, kinatok ko na si Ash sa kwarto para maghapunan. Adobong manok at ginataang sitaw kalabasa na may sahog na hipon ang ulam na inihanda nina Kuya Ramil at Ate Glenda. Nakita ko, kung gaano nasiyahan si Ash sa ganoong kasimpleng pagkain, kaya ginanahan na rin ako. Pagkatapos kumain, naiwan si Ash sa sala para makipagkuwentuhan kina Bianca at Venice. Nakakatuwang isipin na nagkakasundo sila sa kabila ng pagkakaroon ng magkakaibang personalidad. Sa tatlo, tanging si Ash ang hindi nakakaangat sa buhay, pero dahil nakatapos sya ng magandang kurso, masasabi kong madiskarte talaga sya at marunong makisama idagdag pa na sya rin ang may pinakamagandang mukha at ugali para sa akin. Pa

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • You're My Everything   Character's Note

    Ash, Siya ang leading role ko sa kwento na ito. Physically, ang younger version ni Olivia Newton-John, paborito ko kasi itong singer. Siya din ang dahilan kaya ang mga kantang ginamit ko sa kuwento ay sa kanya rin. Pero ang personality ng babaeng ito as a whole, ay inisip kong ako sa totoong buhay. Ganito kasi ako in real life, palaban pero matindi rin magmahal.. Wow.. Talaga nga ba? Si Ash sa nobelang ito, ay puro pagmamahal lang ang ipinakita sa istorya. Dahil sa pagmamahal na 'yon, isinakripisyo nya ang lahat. Sinuportahan ang kanyang minamahal hanggang sa katapusan at matiyagang naghintay. Marahil, makakarelate ang karamihan na kababaihan sa character na ito. Dahil naniniwala akong, karamihan pa rin sa ating mga babae ay baliw sa pagmamahal. Pero in a sense, na nagmamahal tayo dahil alam din naman nating minamahal din tayo nang pabalik. Kasi kung hindi naman, e wag na, tapusin na. Andy,

  • You're My Everything   Author's Note

    Matagal ko nang pangarap ang makasulat ng isang nobela. Pero, sa tuwing uumpisahan ko, nahihirapan akong tapusin. Minsan naman, natapos ko na, pero para bang may kulang at hindi ako sigurado kung akma ba ang mga detalye ko sa kuwento. Ang ending, uulitin ko ulit. Pero, iba itong nobela na 'to. Hindi ko rin mapaniwalaan pero natapos ko ito sa loob lamang ng isang linggo. Nang simulan ko itong isulat, na-inspired lang ako ng pamangkin ko. That time kasi, nahihilig na siyang magbasa at magsulat sa isang app, sabi niya, tita subukan mo ulit magsulat, malay mo mai-publish din natin. Ganun na nga, sinimulan ko sa paggawa ng outline. Kumpleto nan ang title ko bawat chapter. Kumbaga, may idea na ako kung saan iikot 'yung kuwento ko bawat chapter. Araw-arae nakaka-dalawang chapter ako hanggang makumpleto ko yung 15 chapters. Syempre pa, 'yung pamangkin ko ang unang n

  • You're My Everything   Epilogue

    ANDY...Three months later... "Love, ano ba 'tong niluto mong breakfast. Andaming kamatis, tapos ang tabang. Dati naman masarap ang scrambled egg mo." reklamo ni Ash. Mula ng ikasal kami, ako lagi ang nagluluto ng breakfast namin. Ayoko kasi syang ginigising nang maaga dahil kadalasan pinupuyat ko sya sa gabi. Kahit three months na kasi kaming kasal, nasa honeymoon stage pa rin kami. Para bang nde namin pinagsasawaan ang bagay na'yon. Hindi lang kami nakapag-travel kasi, may responsibilidad pa ako sa kompanya na hindi ko maiwan-iwan. Pero pag nakaluwag ako sa schedule ko, plano kong libutin ang buong Korea kasama si Ash. "Matabang ba, love? Eh, ang lasa ko nga napaalat e. Sige kung ayaw mo, ipagluluto na lang kita ng iba." "Wag na lang, ayoko nang kumain." &n

  • You're My Everything   Finale: The Secret Wedding

    ASH... "Love, nae-excite ako, kasi tinawagan ako ni Bianca. Ini-invite nya ako sa modelling event nya. Importante daw para sa kanya na makarating ako kasi bestfriend na daw ang turing nya sa akin. Saka first modelling event nya daw ito na sya mismo ang magpo-produce. Ano sa tingin mo?" sabi ko over the phone matapos ang pag-uusap namin ni Bianca, ang model na gf ni Jon na ngayon ay sumubok na rin sa pagpo-produce ng sarili niyang fashion event. Kaya lang wedding ang theme nito, di ko tuloy maiwasan ang malungkot kasi how I wish na sarili kong wedding ang event na iyon. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Andy sa kabilang line. "Why not love, kayang kaya mo 'yun. Isa pa, kung modelling rin lang ang pag-uusapan, di hamak na may karisma ang fiance ko kumpara sa iba jan", mas excited pa na pahayag ni Andy sa phone.

  • You're My Everything   You Are My Life

    ANDY... Maghapon kong tinatawagan si Ashanty pero hindi nya sinasagot ang tawag ko. Pinuntahan ko sya sa bangko pero nag-file daw sya ng indefinite leave dahil may importante daw syang aasikasuhin. Iniisip pa nga nila na baka nagpaplano na kaming magpakasal. How I wish 'yon ang dahilan. Nagpunta ako sa bahay nila pero sarado lang ito. Sinabi ng kapitbahay na umalis daw silang mag-ina. Araw-araw ko syang pinupuntahan sa bahay nila pero wala talaga. Nag-aalala na ko nang sobra. Isang buwan na ang nakakalipas. Pag-uwi ko, kinabukasan after namin magtalo dahil sa pagpunta nila Laila at Andre sa condo ko, nadatnan ko ang sulat ni Ash sa may tokador, saying she would leave me for good. That she wishes me to be happy with Laila and Andre. "Anong kalokohan to!" Hindi ko tinapos basahin ang sulat, nilamukos ko lang ito at itinapon sa basurahan. Binuksan ko ang mga cabinet isa-isa. Wala ni kahit isang gamit si Ashanty

  • You're My Everything   Loving You is Letting Go

    ASH... Days passed..Weeks..Months.. Pero wala akong proposal na narinig mula kay Andy. Naiintindihan ko naman dahil alam ko kung gaano sya ka-busy sa trabaho nya. Alam ko ring malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanyang mga balikat. Ang importante masaya kaming magkasama, wala kaming pinag-aawayan at mahal namin ang isa't isa. His mom moved back to Tagaytay, while Misshelle and her family stays in Cavite. Si Marshie naman pabalik-balik sa Canada at Pilipinas. Nasa Canada ang family nya pero katulong din sya ni Andy sa pagpapatakbo ng kumpanyang iniwan ng dad nila. O mas tamang sabihin na ayaw nyang ipagkatiwala mag-isa kay Andy ang lahat lahat sa kompanya. Dahil doon, mas lalong nagpupursige si Andy na pag-ibayuhin ang trabaho nya. Dahilan para isa-isantabi niya ang relasyon namin pansamantala. Sa kabila ng lahat, ipinaparamdam ko sa kanya ang buo kong suporta. Lalo

  • You're My Everything   Just Wanna Give My Everything

    ASH... Lumipas ang ilang buwan, naging busy si Andy sa pag-take over ng business nila. Dahil sya ang lalaki, wala syang choice kundi tanggapin ang legacy ng dad niya. Hindi ko inakalang sobrang yaman pala nila Andy. Simple lang naman kasi silang mag-ina kung mamuhay. Mayroon silang sariling Architectural Firm na kilalang-kilala di lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Mayroon din silang hotel na pag-aari sa Makati, Cebu at Davao. May shares din sila sa isang kilalang telecommunication company. At ang lahat ng ito ay ipinamahala sa kanya ng dad nya. Natuwa ako nang tanggapin nya ang alok nito. Ibig sabihin, may posibilidad na maging maayos ang anumang sigalot na namamagitan sa kanilang dalawa. Pero mula noon, hindi ko na nakita ang dating masayahin at palangiting Andy. Ang laki ng ipinagbago nya. Marahil, dahil na rin sa malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya.

  • You're My Everything   The Reasons Behind the Hatred

    ASH... Graduation day. Sa wakas, nakatapos din si Andy, Engineer na siya ngayon. Tuwang-tuwa ang mom and dad nya. Nakilala ko ang dad nya, awhile ago. Nasa Australia pala ang dad nya for the last two years kaya pansamantalang nag-i-stay si tita sa condo ni Andy. Then, nagdecide sya umuwi ng Pilipinas to attend his graduation day. "Iha, I want you to meet my husband, Andrew, of course Andy's father. Darling, this is Ashanty, your son's future wife." "How are you Ashanty. Good to see you. Thank you for encouraging my son to finish his studies. He's been stubborn for so many years. It's really difficult to convince him. And here he is now, I'm just so happy to see that he's being responsible now." "O, ayan na pla si Andy." sinalubong ni tita si Andy. Katatapos lang ng graduation ceremony nila. "Congratulations son." &

  • You're My Everything   Our Sweet Moments to Remember

    ANDY... "Guys, mag-ready kayo ng gamit ha, after natin mag-snorkel sa Cagbalinad, mag-overnight camping tayo sa Hunongan Cove." announce ni Andy. "Great! That's the exciting part. I heard, dun daw nag-shoot ang Survivor before." ani Jon. "Babe, ibig sabihin sa tent tayo matutulog mamaya? Wala bang ahas dun, or insekto or lamok kaya." sabi ni Bianca. "Babe, don't worry. Hindi ko sila hahayaang makalapit sa'yo." tudyo ni Jon sa gf nyang model. "Seryoso, babe. Masisira ang career ko pag nasira ang kutis ko." "Wala naman siguro, babe. Pero may ibang gagapang sa'yo mamaya, mas matindi pa 'yon sa ahas." "Baliw! Mahiya ka nga sa kanila o."Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Umakbay ako kay Ash. "How i wish i could jo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status