"Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa'yo." Iyan ang mga salitang palaging bukambibig ni Louise sa tuwing aasarin siya ng kaniyang childhood best friend slash boss na si Troy. Guwapo, mayaman, mabait. Halos lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kaibigan niya na. Tunay ngang napakadaling sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto, pero napakahirap naman nitong panindigan lalo na kung araw-araw mo itong nakikita at nakakasama. Makakaya nga ba niyang panindigan ang mga salitang sinabi sa kaniyang kaibigan o kakainin niya ang kaniyang sinabi dahil sa paglaon ay hindi niya na rin mapigil ang damdaming nais kumawala sa kaniyang puso?
Lihat lebih banyak“Ang guwapo talaga ni Sir Troy.”
Nakasimangot akong bumaling sa isang empleyado na panay ang tingin sa boss ko na katabi ko ngayon. Tahimik lang itong nag-s scroll sa kaniyang phone at sure akong narinig niya ang pinagsasabi ng mga empleyadong napapadaan sa kinaroroonan namin pero halatang balewala ito sa kaniya.
“Ang suwerte talaga ng secretary niya, palagi siyang kasama. I’m sure may hidden desire rin ‘yang babaeng iyan kay Sir Troy.”
Gusto kong matawa sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ako? May hidden desire sa boss ko? Asa! Nakita ko namang nag-angat ng tingin sa akin ang boss ko.
“May kailangan ka?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. Tumawa naman siya sa sinabi ko.
“So bossy, puwede na tayong magpalitan ng puwesto. Ako na lang secretary mo, ikaw na lang ang boss ko.”
Dahil sa sinabi niya ay napairap ako. Kaya hindi ko siya magustuhan eh. Masyado siyang mabait. Tinarayan ko na nga, natuwa pa. Siguro kung sa boss ko na pinagtatrabahuhan ko three years ago ginawa ito, baka nasisante na ako ora mismo.
“Huwag ka ngang masyadong mabait, nakakairita.” inis na sabi ko sa kaniya.
Mas lalo siyang natawa. Ibinaba niya ang hawak na cellphone sa mesa at inabot ang mug na may lamang kape at uminom doon. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng kompanya. Ang sabi niya kakain lang kami sandali pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating ang in-order niyang pagkain sa Mcdo. Nakakaloka. Sa dami niyang pera hindi ko alam kung bakit Mcdo Meal pa ang naisip niyang orderin. Mas mahal pa nga yata ang pagkain dito sa cafeteria ng kompaniya niya kaysa sa pananghalian na kakainin namin. Mabuti sana kung siya lang ang kakain no’n, ang masakit, dinamay pa niya ako sa kalokohan niya.
“Pasalamat ka mabait akong sekretarya at pinapatulan ko mga kalokohan mo sa buhay.”
Nginisihan niya ako pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang tasa na hawak.
“Mabait ka pa talaga sa lagay na ‘yan ha. Eh kung tutuusin puwede na kitang i-fire dahil diyan sa kagaspangan ng ugali mo.”
Napairap naman ako sa sinabi niya.
“As if naman magagawa mo. Sa sobrang bait mo, hindi ka yata marunong mag-fire ng empleyado mo. Ang hilig mong magbigay ng second chance. At isa pa, hindi mo ako puwedeng i-fire, dahil kapag ginawa mo ‘yon, mawawalan ka ng mapagkakatiwalaang tao sa kompanya mo. Maldita lang ako pero magaling akong magtrabaho.”
Itinaas niya naman agad ang kaniyang dalawang kamay hudyat ng kaniyang pagsuko. Pero hindi pa ako tapos sa mga gusto kong sabihin. Humarap ako sa kaniya at ipinag-ekis ang dalawang braso ko sa aking dibdib.
“Magpasalamat ka nga at competent akong secretary. Kadalasan ako pa ang gumagawa ng trabaho mo kasi palagi kang wala at panay ang attend mo sa mga charity event sa kung saan mang sulok ng Pilipinas. Dinaig mo pa ang pulitiko, aminin mo, may plano ka bang tumakbo bilang susunod na Mayor ng Metro Manila?”
Mabilis niyang kinuha ang tissue sa lamesa at binato iyon sa mukha ko. Kita niyo, napakasama ng ugali. Ito ba ang sinasabi nilang gentleman? Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa kaniyang ka-text. Mukhang napapadalas nang may katext siya ah. Magtatatlong taon na akong nagtatrabaho sa kaniya pero ngayon ko lang siya nakitang tutok na tutok sa kaniyang cellphone.
“May jowa ka na ba, Sir?” walang gana kong tanong habang pinaglalaruan ang tissue na ibinato niya sa akin. Huminto naman siya sa pagtitipa at sandaling tumingin sa akin.
“Bakit? Curious ka? Gusto mo mag-apply?”
Pagak akong natawa sa sinabi niya. Mabilis kong binilog ang tissue at binato iyon sa pagmumukha niya.
“Hoy, Sir. Ang kapal naman ng mukha mong isipin na gusto kong mag-apply bilang jowa mo. Excuse me lang ha. Ang mga tipo ko ay hindi katulad mo.”
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
“Bakit Richelle, ano bang tipo mo sa isang lalaki?”
Nginisihan ko siya.
“Bakit mo tinatanong? Curious ka? Gusto mo mag-apply?” ganting pagbabalik-tanong ko sa kaniya.
Dahil sa sinabi ko ay napahalakhak naman siya. Lahat tuloy ng nasa cafeteria ay napabaling sa aming dalawa. Nagbubulungan pa ang iba. For sure iniisip nila nilalandi ko si Sir Troy. Pero duh, ilang taon na niya akong sekretarya at wala akong ibang nararamdaman sa kaniya kundi inis. Kung hindi nga lang siya maganda magpasahod, matagal na akong nag-resign dito eh. Idagdag pang madali siyang pakisamahan kasi hindi siya marunong magalit.
“Mcdonalds delivery po for Miss Richelle Louise Dizon.”
Pakiramdam ko sasabog ang tenga ko nang marinig kong binanggit ng delivery boy ang buong pangalan ko. Inis na bumaling ako kay Sir Troy na nagpapanggap na abala sa kaniyang cellphone. Napakasama talaga ng ugali nitong lalaking ‘to. Talagang pangalan ko pa ang nilagay na receiver ng kaniyang order. Masama ang loob kong dinampot ang kaniyang wallet at naglakad patungong receiving area ng cafeteria. Humugot ako ng 500 peso bill sa wallet ni Sir Troy at inabot iyon sa delivery boy. Akmang kukuha ito ng pambarya nang pinigilan ko ito.
“Keep the change na lang. Sa’yo na iyang 150.” sabi ko sabay kuha ng paperbag at naglakad pabalik ng table namin.
Kung puwede lang ihampas sa pagmumukha niya ang inorder niyang pagkain, ginawa ko na.
“Siguro gandang-ganda ka sa pangalan ko ‘no kaya iyon ang ginamit mo noong nag-order ka.”
Ngumiti naman siya nang ubod ng tamis, halatang nang-aasar.
“Ganda nga ng pangalan mo, bagay na bagay sa’yo ang apelyido ko.” aniya sabay kindat.
Napangiwi naman ako sa ginawa niya.
“Bakit, ayaw mo ba? Ang ganda kaya. Richelle Louise Dizon Rivas.”
Sa sobrang inis ko ay kinuha ko ang plastic na tinidor at inihampas iyon sa noo niya.
“Tigil-tigilan mo ‘yang pang-aasar mo sa akin, Troy ha.”
Napahinto siya sa pagbubukas ng inorder na meal. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya para tingnan kung bakit siya tumigil. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang makitang nakatitig siya sa akin.
“What?” mataray na tanong ko.
“You called me Troy.”
Napasimangot ako.
“Bakit? Anong masama roon? Troy naman talaga ang pangalan mo ah. Bakit nagbago na ba? May iba ka bang pangalan na gusto mong itawag ko sa’yo? Gusto mo tawagin kitang Voldemort?”
Napailing na lang siya sa sinabi ko.
“Wala lang. Ngayon ko lang kasi narinig na mayroong tumawag sa akin na Troy lang. Yung walang “Sir.” It felt good to hear.”
Ako naman ang natigilan at napabaling sa kaniya. Mukhang hindi naman siya nagbibiro tungkol sa sinasabi niya. Mukhang natuwa nga talaga siya. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa opisina niya na opisina ko rin. Magkasama kami sa loob ng iisang opisina dahil ang sabi niya, mas kampante raw siya kapag nakikita niya ako roon.
Yung mga sekretarya raw niya kasi dati, ang cubicle ay nasa labas. Kapag walang trabaho ang mga ito ay kung saan-saan daw pumupunta ang mga ito para lang makipagkuwentuhan. Kaya minabuti niyang dito na lang ilagay sa loob ng opisina niya ang cubicle ko. Nakakainis nga dahil hindi ako makagala kapag wala akong ginagawa. Talagang tutunganga na lang ako sa kaniya para pagmasdan siya sa kaniyang ginagawa. Kaya rin siguro madali akong nagsawa sa hitsura niya.
Guwapo naman talaga itong boss ko at kaedad ko pa. Hindi ko lang talaga siya gusto. Bukod sa hindi siya iyong tipo kong lalaki para rin kasi siyang walking heartbreak. Yung tipong paasahin ka lang tapos iiwan ka bigla sa ere. Pero sa kabaliktaran ay mabait naman talaga itong si Sir Troy. Maalalahanin, mapagbigay at matulungin din siyang boss sa kaniyang mga empleyado. Nasa kaniya na sana ang lahat ang kaso may isang kulang sa kaniya at iyon ay kasipagan. Lahat ng trabaho na dapat siya ay gumagawa ay ipinapasa niya sa akin. Hindi naman daw siya ganito noon sabi ng sekretaryang dumaan sa kaniya. Sa akin lang yata siya natutong maging tamad dahil alam niyang magaling akong magtrabaho.
“Pirmahan mo na raw itong payroll para makasahod na kami bukas.” saad ko sabay hagis ng folder sa kaniyang lamesa.
“Ikaw na kaya ang pumirma, naglalaro pa ako ng candy crush.”
Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na dumukwang sa table niya para agawin ang hawak na cellphone.
“Pipirmahan mo ‘yan o ika-crash ko sa mukha mo itong bagong cellphone mo?”
Sumimangot naman siya at bumubulong pa habang hinahanap ang kaniyang ballpen sa drawer. Napabuntong-hininga naman ako. Agad akong lumapit sa table ko at kinuha ang pilot pen doon at inabot sa kaniya.
“Lahat naman ng trabaho ginagawa ko ah. Bakit kung makasimangot ka parang ikaw pa nalugi?”
Ngumuso lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Patuloy pa rin siya sa pagbulong nang kung anu-anong mga salita, sinasadya niya pang lakasan yung ibang salita para marinig ko.
“Pirmahan mo ‘yan, Sir Troy. Kailangan din naman naming sumweldo ‘no. May mga kapatid akong pinag-aaral. Kailangan ko pa ng pera pambili ng maintenance na gamot ni Nanay. Tapos magbabayad pa ako ng kuryente at tubig namin, tapos yung aso kong si Chuchay kailangan ng—“
“Oo na, heto na nga oh. Pinipirmahan ko na. Dami mo pang sinasabi. Nangonsensiya ka pa.”
Nginitian ko naman siya nang ubod tamis.
“Mabuti na lang may konsensiya ka ano?” tatawa-tawa kong sambit bago bumalik sa sarili kong cubicle para asikasuhin ang schedule niya para bukas. Ilang sandali lang pa ay tinawag niya na ako at iniabot na sa akin ang folder ng payroll. Dadalhin ko iyon sa Finance Department para ma-process na nila ang suweldo ng mga empleyado.
“Thanks bossing!” nakangising sabi ko.
Tumalikod na ako agad para makalabas na ng kaniyang opisina nang bigla niya akong tawagin muli.
“Richelle, dinagdagan ko yung sahod mo ngayong buwan, pandagdag sa dog food ni Chuchay.” Aniya.
Mabilis kong binuksan ang folder at hinanap ang pangalan ko sa listahan. Doon ko nakitang dinagdagan niya nga ng limang libo ang sahod ko. Wala sa sariling napangiti ako.
“The best ka talaga, bossing!” tuwang-tuwa na sabi ko saka nagmadaling nagtungo sa Finance Department.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad patungo sa kabilang opisina. Paniguradong matutuwa na naman ang mga empleyado ngayong araw dahil bukas may sasahurin na sila. Isa sa mga bagay na ikinatutuwa ko kay Sir Troy ay bukod sa mabait siya, maalaga rin siya sa mga taong natatrabaho sa kaniya. Kaya ang tingin sa kaniya ng kaniyang mga tauhan niya, hulog ng langit. Hindi rin naman ako tatanggi, guwapo naman talaga siya. Pero no, hindi ko pa rin siya gusto. Never in a million years.
“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
“Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa
“Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan
“Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at
“Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting
“Welcome back, Troy and Louise.” bati sa amin ni Eunice pagkapasok namin sa lobby ng hotel na pag-aari ng pamilya ni Richard. The two of them were wearing much presentable clothes than us.Gusto kong matawa sa hitsura namin ni Troy dahil para lang kaming pupunta sa kanto para tumambay.“How are you, Louise? I heard to Troy’s sister that you’re pregnant as well just like Eunice. Akalain mo nga naman.” Saad ni Richard at saka tumingin sa kaniyang pinsan. Lumapit siya kay Troy para i-congratulate ito.Nang bumaling sa akin si Richard ay agad itong ngumisi sa akin.“Akala ko ba, hindi ka magkakagusto sa bestfriend mo?” tanong nito.Tumingin ako kay Troy. Pinagmasdan ko ang kaniyang reaction nang marinig ang sinabi ni Richard. Just like what I expected, bakas sa ekpresiyon niyang naguguluhan siya. Richard cleared his throat and tapped Troy’s shoulder.“I heard what happened
“Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?” tanong agad ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. Saktong chini-check ko nalang kung maayos na ba ito. Ngayong araw ang alis namin patungong El Nido para umattend ng birthday celebration ni Richard.Tumawag sa akin si Troy at sinabing maaga raw siyang pupunta ngayon para masundo ako. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali habang inaayos ang mga gamit ko.“Okay na, ‘Ma.” sagot ko naman kay Mama.Nang mapatingin ako sa kaniya ay saka ko nakita ang kaniyang hitsura. Dinaig niya pang pinagbagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.“Bakit po ‘Ma? May problema ba?”Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil. Umiling naman siya. Gamit ang kaniyang isang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Mag-iingat kayong dalawa ni Troy roon ha? Siguraduhin mong hindi ka magpapalipas ng gutom. Tandaan mo, hindi na lang i
“Miss Richelle, alam mo napapansin ko parang ang laki ng pinagbago mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng papel na ipinadala ni Troy sa Finance Department. Sinabi niya na sakin na ipapakuha niya nalang sa isang empleyado mula sa Finance, pero dahil makulit ako, hindi ko siya sinunod. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka these days mas gusto kong naglalakad-lakad ako. Isa pa, sabi ng OB ko, mas okay raw na kumikilos ako para hindi tamarin ang katawan ko. Dahil kapag nasanay ito na umupo at humiga na lang, malaki ang posibilidad na makasanayan koi to hanggang kabuwanan ko.It’s my second month of being pregnant. Yung hitsura ko ngayon parang bloated. Kapag naghubad ako at humarap ako sa salamin, makikita na yung pagbabago ng laki ng tiyan ko. Kung noon ay flat lang ito at may konting taba, ngayon naman ay may bump na. Ito ang pinagdidiskitahan ni Troy lagi kapag magkasama kami.“Malaki ang pinagbago? Anong ibig mong sabih
Komen