“Chase bumangon ka na at magsisimba pa tayo.” saad ko pagkatapos ilang beses kalampagin ang kuwarto ng kapatid ko. Kanina ko pa ito kinakatok at kanina pa rin ako naiinis dahil parang wala itong pakialam sa paulit-ulit na pagkatok ko. Kanina pa ako nakaligo dahil ang usapan namin sama-sama kaming magsisimba ngayong araw ng Linggo sa Cathedral tapos hanggang ngayon tulog pa rin sila.
“Richelle Louise hinaan mo naman ang pagsasalita mo. Pati yata kapit-bahay plano mong gisingin.” saad ni Mama na kalalabas lang ng sarili nitong kuwarto at nag-iinat pa ng katawan. Gusto kong matawa. May nanggigising ba na mahina magsalita? Inirapan ko lang si Mama at ibinalik ang atensiyon sa pinto ni Chase at kinalampag iyon nang paulit-ulit.
“Chase, ‘pag hindi ka pa lumabas, babawasan ko ang allowance mo.”
Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay mabilis pa sa alas kuwatrong bumukas ang pinto ng kuwarto nito at iniluwa nito sa harapan ko ang kapatid kong dinaig pang pugad ng ibon ang buhok. Ang gulo-gulo. Ilang buwan na ba siyang hindi nagpapagupit? Sa sobrang busy ko nitong nakalipas na buwan hindi ko na tuloy naasikaso ang kapatid ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong pabayang Ate sa kaniya.
“Ate hindi ba puwedeng pass muna ngayon? Alas tres na ako natulog eh.” pagmamakaawa nito. Sa totoo lang gusto kong bumigay sa pagpapaawa niya sa akin pero hindi, hindi puwede dahil pagkatapos ng simba ngayon, dadaan din kami sa ophthalmologist niya para i-check muli ang grado ng kaniyang mata. Plano ko na rin kasing palitan ang eyeglasses niya. Ngayong araw ko na rin siyang planong pagupitan sa barbero.
“Walang magpa-pass ngayon. Pumunta ka na sa banyo mo at maligo.”
Sumimangot pa ito at humikab sa harapan ko. Dahil nga tumatakbo ang oras kinailangan ko pa itong itulak papasok sa banyo nito para lang makaligo siya. Napabuntong-hininga ako nang makita ang mga nagkalat nitong libro sa kaniyang study table. Mayroon ding iba’t-ibang kulay ng highlighter doon. Bago ako lumabas ay niligpit ko muna ang kaniyang higaan at mga gamit.
Wala kaming katulong kaya palagi kong chini-check ang kuwarto nilang dalawa ni Mama kung maayos at malinis ba. Pinulot ko na rin ang mga naglakat na balat ng tsokolate na paniguradong kinakain niya para maging aktibo ang utak niya sa gabi. Sumunod naman akong nagtungo sa kuwarto ni Mama. Walang tao roon, paniguradong nasa kusina na naman iyon para maghanda ng makakain. Ang kuwarto ni Mama ang pinakamalinis sa lahat. Wala akong ginalaw na kahit isang bagay roon.
“Ako na riyan, Ma. Maligo ka na, sige na. Baka ma-late tayo. Ayokong tumayo habang nagmimisa ang pari.”
Napatitig pa siya sa akin bago tuluyang ipinaubaya sa akin ang pagluluto ng pancit canton at pagpapainit ng tinapay sa oven. Halos dalawang minuto pa ang lumipas bago sila lumabas ng kani-kanilang kuwarto.
“10 minutes lang tayong kakain ha. Tumawag na ako ng taxi, kaya bilisan niyo na.”
Naiiling na kumuha ng tinapay ang kapatid ko at inisang subo ito. Hindi man lang nito maayos na nginuya ang pagkain. Inabot nito ang gatas at ininom iyon ng dire-diretso. Napatingin na lang tuloy kami ni Mama sa kaniya. Pagkatapos naming kumain, iniwan ko ang mga pinggan sa sink. Nag-retouch pa ako bago lumabas. Sakto namang dumating din ang taxi driver na naging suki na namin. Sa village rin kasi namin ito nakatira ang driver nito kaya kapag may lakad kami, dito na kami sa taxi niya sumasakay.
“Magsisimba kayo ngayon, Richelle?” tanong nito.
Agad naman akong tumango.
“Minsan na nga lang ho kaming makapagsimba dahil marami akong gawain.”
Ngumiti naman si Mang Lito.
“Umuunlad na talaga ang buhay niyo Belle, napakasuwerte mo sa mga anak mo. Itong si Richelle may stable na trabaho, iyang si Chase ubod nang talino. Walang-wala ang mga anak kong walang ibang ginawa kundi tumambay sa bahay.” reklamo nito.
Nang bumaling ang tingin ko sa salamin ay nasilayan ko ang simpleng pagngiti ni Mama.
“Wala pa rin hong trabaho si Warren? Gusto niyo po bang tulungan ko siyang makapasok sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko? Naghahanap po sila ng mga bagong IT. Eh hindi ho ba si Warren ay graduate ng kursong Information Technology?”
Napatango naman nang mabilis si Mang Lito.
“Naku, maraming salamat Richelle. Sasabihin ko iyan sa anak ko.”
Dumating kami sa simbahan ng eksaktong alas siyete. Wala pang gaanong tao kaya nakahanap kami ng upuan sa harapan. 7:30 kasi ang simula ng misa at ang karaniwang dating ng mga tao ay bandang 7:20.
“Ate Richelle!”
Napalingon naman ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Riye, Rio at Troy na naglalakad palapit sa amin. Malawak pa ang espasyo ng upuan namin. Kasya pa ang tatlong tao. Saktong-sakto para sa kanila.
“Riye. Hi, what are you doing here?” tanong ko.
Pabiro nitong nag-eye roll at lumingon sa kuya niya.
“Si Kuya kasi gusto raw ritong magsimba.” paliwanag nito.
Nginisihan ko naman agad si Sir Troy na ngayo’y nakatingin sa akin.
“Kahit saan talaga sinusundan mo ako ‘no? Aminin mo nga Sir Troy, crush mo ba ako?” pang-aasar ko rito.
Natawa naman sina Rio at Riye habang si Mama ay bigla na lang akong hinampas sa braso.
“Aray naman, ‘Ma.” sinamaan ko nang tingin si Mama habang marahang hinihimas ang namumula kong braso.
“Ate Riye!” pasimpleng tawag ng kapatid ko kay Riye sabay kumaway rito. Matamis na ngumiti si Riye at naglakad patungo sa bakanteng espasyo sa tabi ni Chase at doon umupo. Malapit talaga sila sa isa’t isa. Si Riye ang role model ni Chase kaya gusto rin ng kapatid ko mag-take ng Legal Management sa kolehiyo.
Nabigla naman ako nang biglang umusod si Mama at umupo sa pagitan namin si Sir Troy habang ang nasa kanan ko naman ay si Rio. Napapagitnaan na ako ngayon ng magkapatid at hindi ko alam kung paano nangyari at naging ganito na ang posisyon namin.
“Bakit dito kayo nagsimba? Eh hindi ba may mas malapit na church sa inyo?” tanong ko kay Rio.
“Eh si Kuya, siya ang nag-decide. Gusto ka yata ma—ahh kuya masakit!”
Hindi naituloy ni Rio ang sasabihin nang biglang hilahin ni Troy ang kaniyang kaliwang tainga. Binitawan din naman nito agad ang tainga nang kapatid nang hampasin ko ang kamay nitong nakadagan sa likuran ko.
“Ano ba Sir Troy, nasa simbahan tayo tapos nananakit ka.”
“Kaya kayo nagkakasundo niyang si Rio kasi pareho kayong mapang-asar at matigas ang ulo.”
Sabay kaming sumimangot ng kaniyang kapatid.
“Pero gusto ka lang niyan makita.” mabilisang bulong sa akin ng kapatid niya.
Akmang iaangat niyang muli ang braso niya nang pigilan ko ito gamit ang kamay ko. Sabay kaming napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Ilang taon na kaming magkakilala pero ngayon ko lang siya nahawakan sa braso. Nagmadali akong inalis iyon pero bago ko pa tuluyang magawa ay mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Kung paano nangyari iyon, hindi ko rin alam dahil nga napakabilis ng pangyayari.
Nagkatitigan kaming dalawa. Nang maramdaman ko ang pagkabog nang dibdib ko ay mabilis kong binawi ang kamay ko.
“Kinilig ka ‘no?” bulong niya sa akin.
Pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo ko sa batok dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang hininga roon. Humugot ako nang malalim na hininga at saka bumaling sa kaniya.
“Asa ka.” sabi ko saka inirapan siya. Narinig ko naman ang kaniyang mahinang pagtawa.
Hindi na kami nagpansinan pa hanggang sa magsimula ang misa. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sermon ng pari. Isang oras din ang itinagal ng misa. Dahil nga masyadong marami ang mga taong nagsimba, pinauna muna namin na lumabas ang karamihan.
“May lakad ba kayo ngayon?” tanong sa akin ni Sir Troy nang makalabas na kami ng simbahan.
Kasabay ko siya sa paglalakad at bahagya kaming nauuna kina Mama, Chase at mga kapatid niya.
“Ah, dadaan kami ni Chase sa ophthalmologist niya tapos sa barber shop para magupitan na rin ang buhok niya. Mahaba na kasi.”
Tumango naman siya. Maikling katahimikan ang pumagitan sa amin.
“Gusto niyo bang sumama sa amin, kakain kami sa labas.” tanong niya sa akin.
Pinaningkitan ko siya ng mata at pinasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa. Maging siya tuloy napatingin sa kaniyang suot.
“Niyaya mo ba ako dahil gusto mo lang manlibre o niyayaya mo ako dahil crush mo ako?” tanong ko sabay taas-baba ng aking kilay.
Sumimangot naman siya saka umiling.
“Hindi na, dibale na lang. Nagbago na ang isip ko.”
Tatawa-tawang hinampas ko siya sa braso.
“Ito naman, nagbibiro lang ako.” huminto ako para lingunin si Mama at ang kapatid ko.
“Ma, Chase, manlilibre raw si Sir Troy. Saan niyo raw gustong kumain?”
Imbes na mainis sa akin si Sir Troy ay tumawa pa ito. Hindi ko tuloy napigilan mapatingin sa kaniya. His laugh and his smile is really refreshing to see. Yung tipong kahit anong bigat ng araw mo, kapag nakita mo siyang ngumiti, gagaan lahat. Nang mapatingin siya sa akin ay umiwas ako nang tingin at nauna nang naglakad patungo sa restaurant na malapit lang sa Church. Narinig ko pang ilang beses niya akong tinawag pero hindi ko na siya nilingon. Ano ba naman ‘yan Richelle? Kailan ka pa nagandahan sa ngiti ng boss mo?
“So saan kayo pupunta nila Tita Belle at Chase after nito, Ate Rich?” curious na tanong ni Riye habang kumakain kami.Umayos naman ako sa pagkakaupo at sandaling ibinaba sa plato ko ang hawak na kutsara para kunin ang baso na may lamang juice at uminom doon.“Si Mama, mauuna nang umuwi kasi a-attend siya sa meeting ng mga homeowners sa village, kami ni Chase dadaan sa ophthalmologist niya at barbershop.” saad ko sabay turo ng buhok ng kapatid kong medyo mahaba na.“Sama ako Ate Rich, mahaba na rin ang buhok ko.” sabi ni Rio habang kumakain ng desert.“Ako na ang maggugupit ng buhok mo.” biglang singit ni Sir Troy.Napanguso naman ang kapatid niya habang ako ay sumimangot. Napaka-kill joy talaga.“Kuya naman, minsan lang eh. Lagi na lang ikaw ang nagugupit ng buhok ko. Tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nilang hindi pantay ang buhok ko.” Reklamo ng k
“Andami mo namang dadalhin, ate.” puna sa akin ng kapatid kong si Chase.Nandito siya ngayon sa kuwarto ko dahil sira ang aircon sa kuwarto niya. Dinala niya lahat ng librong ginagamit niya sa eskuwelahan at itinambak ang mga iyon sa working table ko. Sinamaan ko siya nang tingin at sinenyasang tumahimik. Sa pagkakaalam ko kasi, nandito siya para mag-aral at hindi mag-ingay. Busy ako ngayon mag-asikaso ng mga gamit na dadalhin ko sa Palawan para sa kasal ng crush ko na pinsan ni Sir Troy.“Real talk ate, parang dinaig mo pa yung lalayas sa dami ng dress na dadalhin mo.”Pinagtaasan ko nang kilay ang kapatid ko. Lakas maka-comment huh. Palibhasa walang alam sa nangyayari sa akin. Porket hindi niya kilala ang boss ko bilang reklamador at maarte. Kung sa tutuusin, kung kaya ko lang dal’hin ang buong closet ko sa Palawan ay gagawin ko. Paniguradong boss ko na naman kasi ang mamimili ng isusuot ko.“Maganda ba?
“Wow himala, ang konti ng dadal’hin mo.” puna ng kapatid ko sa akin habang inaasikaso ko at chinicheck nang mabuti ang mga gamit na dadal’hin ko.“Pasalamat na lang din talaga ako kay Sir Troy dahil binilihan niya ako ng damit na susuotin. Makakahinga ako nang maluwag dahil konti lang ang bibitbitin ko.” sagot ko naman pagkatapos kong isara ang zipper ng maleta.Nanatiling nakatayo ang kapatid ko sa may pintuan mukhang hinihintay ako nitong matapos. Nakita kong hawak nito ang kaniyang necktie. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kaniya at kinuha sa kamay niya ang necktie. Pinatuwid ko siya sa pagkakatayo para maayos kong maitali ang necktie niya.“Magka-college ka na, hindi ka pa rin marunong magsuot ng necktie.”Tipid siyang ngumiti habang natitig sa akin.“Nandiyan ka naman ate.”Nginisihan ko siya at tinulak palayo ang kaniya mukhang gamit ang palad ko. &nb
Alas dos na ng hapon nang makarating kami sa Pier. Bumaba muna kami ng sasakyan para bumili ng ticket sumakay muli para dumaan sa nagtitimbang ng sasakyan. Pagkatapos namin ay pansamantala muna naming iniwan ang sasakyan para magtungo sa grocery store at bumili ng kape at makakain. Ilang oras din kasi ang biyahe sa barko, just in case na magutom kami, bumili na ako ng mga puwedeng kainin. Paglingon ko sa pinakadulong bahagi ng estante ay may nakita akong kandila roon. Napalingon ako kay Sir Troy na abala sa pagkuha ng energy drink sa fridge ng café. Itinuro ko ang kandila sa tindera at sinabing bibili ako ng dalawang piraso. Mabuti na lang at pumayag itong pagbentahan ako ng tatlong piraso dahil may store na hindi nagbebenta ng per piraso.Nang makapagbayad na si Sir Troy ay sinabi kong mauna na siyang bumalik sa sasakyan. Kumuha na rin ako ng lighter at isinama sa kandila na nasa cashier’s desk.Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw si Si
Gabi na nang makarating kami sa Pier ng El Nido. Inunahan ko na si Sir Troy na bumaba dahil antok na antok na ako at hindi man lang ako nakatulog sa buong biyahe dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya. From time to time na tatayo siya at maglalakad sa kung saan ay pinapanalangin kong madulas siya o hindi kaya ay madapa.“Louise!”Napalingon naman ako kay Millard nang tinawag nito ang pangalan ko. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at kumaway pa ako rito. Naka-kotse rin pala ito. Kung wala lang sanang nakapagitan na sasakyan sa amin, edi sana mas nakikita ko pa siya nang malapitan ngayon. Kumaway rin ito sa akin na siya namang nagpakilig sa akin. Bakit feeling ko habang tumatanda kami lalo siyang gumuguwapo? He’s aging like a fine wine. Baka yummy rin!“Aray!”Inis na pinagmasdan ko si Sir Troy na pasimpleng dumaan sa harapan ko. Kung umarte ang kumag na ‘to parang hindi niya inapakan ang paa
Pagdating namin sa Nacpan Beach ay dumaan muna kami sa specific place kung saan nag-fi fill out ng details at magbabayad bago kami tuluyang papasukin sa lugar. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha sa mga nagtataasang puno ng niyog at iba’t ibang mga magagandang halamang nakapalibot sa entrance ng resort. Pagkapark ng sasakyan ni Sir Troy sa parking area ay mabilis akong bumaba.“Hoy, hoy Richelle!”Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para mabilis makarating sa sand area ng Nacpan Beach Resort. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Sir Troy sa pangalan ko.“Wow. Parang paraiso.” bulong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan. Ang buhangin ay ubod ng pino at ang kulay nito ay puti. Hinubad ko agad ang sapatos ko at excited na tumakbo-takbo sa buhangin. Hindi mainit ang buhangin dahil hindi mainit ang panahon ngayong araw. Ang haring araw ay natatabunan ng mga makakapal na ulap
Nang magpaalam ako kay Leon ay dumiretso na ako sa café kung saan naroon si Sir Troy. Pagbukas ko ng pinto ng café ay agad akong kumaway sa kaniya nang bumaling siya sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.“Galit ka ba?” tanong ko sabay upo sa tabi niya.Sumimangot ako nang hindi pa rin siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin.“Coffee po.” Sabi ng waitress sabay abot sa akin ng mug ng kape na nakapatong sa maliit na platito.Nakangiting tinanggap ko iyon. Pag-alis ng waitress ay humarap ako kay Sir Troy at kinurot ang kaniyang pisngi.“Galit ka?” Malumanay kong tanong.Nang hindi pa rin siya sumagot ay ngumuso na ako.“Don’t do it again, Richelle. Alam mo naman hindi ba sa sarili mo na hindi ka marunong lumangoy? Tapos hindi ka pa nag-iingat?”Ngumisi ako nang marinig ang sinabi niya. Tinusok ko pa siya sa kaniyang tagiliran at
Pagkabalik ko sa café ay sumalubong sa akin ang isang busangot na mukha ni Sir Troy.“Saan ka ba galing mag a ala-una y media na oh.” reklamo niya.Pagod na umupo ako sa tabi niya at bumuntong-hininga.“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Dinaig mo pang nakipaghabulan sa sampung aso. At ano ‘yang nangyari sa sapatos mo?”Inis na yumuko ako at pinagpag ang mga kumapit na buhangin doon.“May isang batang walang modo lang ako na tinuruan ng leksiyon.” mahinang sambit ko.Inayos ko na rin ang pagkakali ng buhok ko. Nakakainis talaga ‘yong kumag na Hendrix na ‘yon. Naku, kapag kami nagkita ulit sisiguruhin kong may kaltok sa ulo na matatanggap ang lalaking iyon sa akin.“Ikaw, kumusta ang date mo?”Sinamaan niya ako nang tingin.“Hindi nga ako nakipag-date.”Inismiran ko siya. Bahala siya sa gusto niy
“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
“Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa
“Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan
“Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at
“Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting
“Welcome back, Troy and Louise.” bati sa amin ni Eunice pagkapasok namin sa lobby ng hotel na pag-aari ng pamilya ni Richard. The two of them were wearing much presentable clothes than us.Gusto kong matawa sa hitsura namin ni Troy dahil para lang kaming pupunta sa kanto para tumambay.“How are you, Louise? I heard to Troy’s sister that you’re pregnant as well just like Eunice. Akalain mo nga naman.” Saad ni Richard at saka tumingin sa kaniyang pinsan. Lumapit siya kay Troy para i-congratulate ito.Nang bumaling sa akin si Richard ay agad itong ngumisi sa akin.“Akala ko ba, hindi ka magkakagusto sa bestfriend mo?” tanong nito.Tumingin ako kay Troy. Pinagmasdan ko ang kaniyang reaction nang marinig ang sinabi ni Richard. Just like what I expected, bakas sa ekpresiyon niyang naguguluhan siya. Richard cleared his throat and tapped Troy’s shoulder.“I heard what happened
“Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?” tanong agad ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. Saktong chini-check ko nalang kung maayos na ba ito. Ngayong araw ang alis namin patungong El Nido para umattend ng birthday celebration ni Richard.Tumawag sa akin si Troy at sinabing maaga raw siyang pupunta ngayon para masundo ako. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali habang inaayos ang mga gamit ko.“Okay na, ‘Ma.” sagot ko naman kay Mama.Nang mapatingin ako sa kaniya ay saka ko nakita ang kaniyang hitsura. Dinaig niya pang pinagbagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.“Bakit po ‘Ma? May problema ba?”Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil. Umiling naman siya. Gamit ang kaniyang isang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Mag-iingat kayong dalawa ni Troy roon ha? Siguraduhin mong hindi ka magpapalipas ng gutom. Tandaan mo, hindi na lang i
“Miss Richelle, alam mo napapansin ko parang ang laki ng pinagbago mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng papel na ipinadala ni Troy sa Finance Department. Sinabi niya na sakin na ipapakuha niya nalang sa isang empleyado mula sa Finance, pero dahil makulit ako, hindi ko siya sinunod. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka these days mas gusto kong naglalakad-lakad ako. Isa pa, sabi ng OB ko, mas okay raw na kumikilos ako para hindi tamarin ang katawan ko. Dahil kapag nasanay ito na umupo at humiga na lang, malaki ang posibilidad na makasanayan koi to hanggang kabuwanan ko.It’s my second month of being pregnant. Yung hitsura ko ngayon parang bloated. Kapag naghubad ako at humarap ako sa salamin, makikita na yung pagbabago ng laki ng tiyan ko. Kung noon ay flat lang ito at may konting taba, ngayon naman ay may bump na. Ito ang pinagdidiskitahan ni Troy lagi kapag magkasama kami.“Malaki ang pinagbago? Anong ibig mong sabih