“Ma, bumili na ako ng gamot niyo pang dalawang buwan.” sabi ko pagkakita ko kay Mama na kalalabas lang sa kaniyang kuwarto. Mukhang kauuwi rin lang nito galing sa salon na kaniyang pinagtatrabahuhan.
Sinalubong ako nito para matulungan ako sa pagbubuhat ng mga groceries na pinamili ko. Sumunod naman na bumaba galing sa second floor ang nakababata kong kapatid na si Chase. Suot pa rin nito ang salamin at halatang kagagaling lang sa pagbabasa. Kagaya ni Rio, graduating na rin ito sa high school. Lumapit ako agad sa kaniya nang mailapag ko ang pinamili sa lamesa. Matagal akong tumitig sa kaniya at saka bumaling sa kaniyang salamin. Marahan ko itong inalis sa kaniyang mata at tiningnan kung maayos pa ba ito. Tiningnan ko ang grado nito ngunit agad ko ring inilayo sa mata ko dahil bigla akong nahilo sa sobrang taas ng grado ng kaniyang salamin.
Napanguso ako at isinauli iyon sa kaniya.
“After ng klase mo bukas, susunduin kita sa klase mo ah. Bibili na tayo ng bagong eyeglass mo.” sabi ko sa kaniya saka bumalik sa lamesa para tulungan si Mama mag-asikaso ng pinamili ko.
“Okay pa naman ‘to ate.” aniya saka sinuot muli ang salamin. Naglakad na rin siya patungo sa lamesa. Kinuha agad niya ang loaf bread at palaman na binili ko.
“Hindi ka na naman kakain ng kanin? Bumili ako ng paborito mong sisig.”
Hindi ako nito pinansin. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Sa aming magkapatid, si Chase ang mas matalino. Yung kuwarto niya, halos mapuno na ng mga librong pinamimili niya kapag may warehouse sale. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, gusto niya raw kumuha ng kursong Legal Management gaya ng kurso ni Riye. Kaya heto ako ngayon, nagtitiis na magtrabaho sa kompanya ni Troy para makapag-ipon ng pangkolehiyo ng kapatid ko. At isa pa, sinusuportahan ko rin si Mama at ang gamot niya. Diabetic kasi siya at kailangang palaging namo-monitor ang kaniyang blood sugar.
“Teka nasaan si Chuchay?” tanong ko nang maalala ang pinakamamahal kong puting Alaskan Malamute.
“Hindi ko alam, ate. Baka si Mama nakita niya.” sagot naman ng kapatid ko na abala sa pagpapalaman ng tinapay, nakasubo pa ang kutsara sa kaniyang bibig.
“Ma, nasaan si Chuchay?” kinakabahan nang tanong ko.
Kapag kasi umuuwi ako, palagi akong sinasalubong noon, araw-araw, walang palya.
“Ewan ko anak. Kanina sumusunod lang sa akin noong bumili ako ng suka sa tindahan sa labas ng village. Halos mapasabunot ako ng buhok nang marinig ang sinabi nito.
“Sinama mo si Chuchay sa labas ng village?! ‘Ma naman! Alam niyo namang hindi mahilig lumabas ng bahay si Chuchay hindi ba? Baka kung saan na iyon napadpad. Hindi pa naman iyon pamilyar sa labas.”
Inis na umakyat ako sa taas ng second floor at sinubukang hanapin muna si Chuchay, baka sumiksik lang sa kung saan. Mahilig din kasi ‘yon magtago sa mga sulok-sulok. Nang masiguro kong wala ito roon ay chineck ko naman ang first floor pati ang mga banyo pero wala rin. Doon na ako nagpanic nang todo. Hinubad ko na ang suot kong stilletos at nakapaang tumakbo sa labas ng bahay. Wala rin ito sa garden. Nagsimulang mag-init ang palibot ng mata ko. Pakiramdam ko maiiyak na ako. Sa buong buhay ko, si Chuchay lang ang naging aso. I wasn’t a dog person before but Chuchay is the only exception.
“Chuchay!” tawag ko rito.
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang tumatakbo sa labas ng village. May mga nadadaanan pa akong mga kapitbahay na nagtutumpukan sa labas malapit sa playground. Tinanong ko ang mga ito kung nakita ba nila ang alagang kong aso pero lahat sila ay umiling. Tatakbo na sana akong muli nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Muntik pa ako nitong masagasaan kung hindi ko ito napansin agad.
Bigla namang uminit ang ulo sa ginawa nito. Ang kapal naman ng mukha nito may-ari ng sasakyan na huminto sa harapan ko. Hindi man lang nito naisip na baka masagasaan niya ako.
“Hoy! Ang kapal ng mukha mong huminto sa harapan ko, bakit pamamay-ari mo ba ‘tong buong villaga para—“
Agad akong napahinto sa pagsasalita nang biglang bumukas ang bintana ng backseat at biglang dumungaw mula roon si Chuchay. Kumekembot pa ang katawan nito at kumakawag ang buntot sa likuran nang makita niya ako.
Napabaling ako sa driver’s seat nang biglang bumukas ang bintana nito. Awtomatikong napairap ako nang makitang si Troy ang lulan nito. Nang makita niya ang hitsura ko ay agad siyang humagalpak ng tawa. Bumaling siya sa backseat at tiningnan ang aso ko.
“Look at your Mom, chuchay. Mukha siyang homeless person dahil sa hitsura niya.”
Napanguso naman ako nang mapatingin ako sa aking paa. Ang dumi na nito gawa nang katatakbo ko para hanapin itong aso kong kung kani-kanino sumasama.
Binuksan ko ang pinto ng backseat at agad naman tumalon pababa ang aso. Binuhat ko naman agad si Chuchay bago muling ibinalik ang aking atensiyon kay Troy na kanina pa nakatingin sa amin.
Pinaningkitan ko ito ng mata.
“Ang dami-dami mong pera pero dognapper ka pala.” saad ko saka mabilis na tumalikod at naglakad pabalik sa bahay habang buhat-buhat si Chuchay.
“Hoy! Anong dognapper? Pasalamat ka nga nakita ko sa guard house ‘yang aso mo eh. Umiiyak pa roon, mukhang hinahanap ka. Ikaw nga, among walang kuwenta. Hindi mo man lang binabantayan ang aso mo nang mabuti.”
Nakasunod ang sasakyan niya sa akin kaya panay ang salita niya ng kung anu-ano.
“For your information, hindi ako ang nagdala kay Chuchay sa labas kundi si Mama.”
Hindi niya na ako pinansin. Binilisan niya na lamang ang takbo ng kaniyang sasakyan kaya nauna siyang nakarating sa labas ng bahay namin. Balewala itong pumasok sa gate. Hindi man lang kumatok.
Nagulat naman ako nang biglang umiyak si Chuchay. Gusto nitong kumawala kaya binitawan ko na. Pagkababa nito, mabilis itong humabol kay Troy. Napabuntong-hininga na lang ako. Kung sabagay, siya naman talaga ang original na amo nito at mukhang hanggang ngayon ay naaalala pa rin siya ng alaga ko.
Walang ganang naglakad ako papasok ng bahay. Mabuti na lang at may rug sa pinto kaya napunasan ko muna ang paa ko bago ako pumasok sa loob ng bahay. Doon ko naabutan si Chuchay na nakaupo sa lap ni Troy at nagpapakamot ng katawan. Nakatutok pa sa kanila ang stand fan, dinaig pa ang prinsipe at prinsesa ng Buckingham Palace.
“Anak nandito ang Sir Troy mo.” sabi ni Mama.
“Kitang-kita ko nga ‘Ma. Bigla ngang uminit yung dugo ko nang makita ko siya.”
Agad naman akong sinaway ni Mama dahil sa sinabi ko. Lumapit ako sa kaniya para kunin si Chuchay pero yung aso ko na mismo ang nag-inarte. Ayaw talaga nitong sumama sa akin.
“Teka ha, maiwan ko muna kayo at magsasaing muna ako sa kusina.”
“Sure Tita Grace.” magalang na sagot ni Troy.
“So bakit ka nandito? Miss mo na ako agad? Three hours pa lang ang nakakalipas ah.” panimula ko sa kaniya. Ngumisi naman siya ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha at naging seryoso ito.
“I want you to come with me in Sagada next week.” aniya.
“Sagada? Eh malamig doon hindi ba? Alam mo namang mababa ang tolerance ko sa lamig. Baka tumigas ang katawan ko ro’n.”
Natawa siya sa sinabi ko. Umusod pa siya palapit sa akin para sana pisilin ang pisngi ko pero agad kong hinawi ang kamay niya.
“Ayaw mong lamigin? Edi yakapin mo ako.”
Sa pagkakataong iyon ako naman ang natawa. I rolled my eyes at him at umiling na lang.
“The client we have is living in Sagada. He’s old but he has a lot of money to offer in the company. You know Tierra Cruz Shipping Lines?”
Tumango naman ako nang maaalala iyon. Ilang beses ko nang naririnig ang name ng shipping lines na iyon tuwing a-attend kami ng board meeting kasama ang mga directors. So I concluded that the man behind Tierra Cruz is truly a gem in the industry.
“He wants to me meet me next week.”
“Ikaw lang pala ang gusto niyang ma-meet, bakit pati ako kasama?”
Pinaningkitan niya naman ako ng mata kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko bilang pagsuko. Okay, seryoso na siya.
“Oo na. Sasama na ako. Kailan ba yung exact date?”
“On 13.”
Natigilan ako sandali nang marinig ang date na binanggit niya. Dahan-dahang bumaling ang paningin ko sa kalendaryong nakasabit sa dingding.
“But that was…”
“I know, pero mas mahalaga kliyenteng pupuntahan natin.”
`Hindi na ako umimik. Tumayo na rin siya agad at iniabot sa akin si Chuchay. Yumuko siya at marahang pi-nat ang ulo ni Chuchay na ngayon ay nakatitig lang sa kaniya.
“Don’t forget our business trip on 13.” Matipid akong ngumiti at marahang tumango.
Dire-diretso siyang naglakad palabas ng bahay. Hindi ko man lang siya naihatid sa labas dahil napako ang isipan ko sa date na kaniyang binanggit.
January 13. Usually, kapag dumarating ang araw na ito sa loob ng isang taon, wala siyang ibang ginagawa kundi magmukmok at uminom. Anong meron at bakit parang nagbago na siya? Bumaling ako kay Chuchay at pinaglaruan ang makapal nitong balahibo.
“Tingin mo Chuchay, naka-move on na kaya si Sir Troy?”
Tumahol naman ito kaagad saka dinilaan ang pisngi ko. Mahigpit na niyakap ko ang alaga ko saka iyon ibinaba sa sahig. Mabilis itong tumakbo paakyat. Sigurado ako, si Chase na naman ang guguluhin niya roon. Nagtungo ako sa kusina kung saan naroon si Mama.
“Aalis kayo ng Sir Troy mo?”
Tumango naman ako.
“Sa 13 daw po.”
Sandaling natahimik si Mama at nag-isip. Sigurado akong natatandaan niya pa kung anong mayroon sa petsang iyon dahil minsan nang pumunta rito sa bahay si Sir Troy na lasing at niyaya akong uminom. Nangyari iyon noong unang taon ko sa kaniya bilang kaniyang sekretarya kaya wala pa akong alam noon. Kinailangan ko pa siyang ihatid sa bahay nila noon dahil nawalan siya ng malay habang naglalabas ng sama ng loob sa akin. Naging malapit agad kami ng kaniyang mga kapatid at doon ko nalaman ang tungkol sa kaniyang ex-girlfriend na namatay dahil sa sakit nitong brain cancer.
Sa batang edad ay marami na siyang pinagdaanang mabibigat na pagsubok, hindi lang halata dahil palagi siyang nakangiti sa tuwing papasok sa opisina. Para bang wala siyang dinadalang problema.
“Bantayan mo ‘yang si Sir Troy mo anak. Saka bawasan mo rin ‘yang kasungitan mo sa kaniya.”
Sumimangot ako.
“Deserve niya namang sungitan. Masyado siyang mabait. Alam mo namang ayaw ko sa mga ganoong tao.”
May sasabihin pa sana ako, ang kaso nakita kong pinaniningkita na ako ng mata ng Nanay ko kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.
Sabi ko nga, hindi na ako magsasalita.
“Chase bumangon ka na at magsisimba pa tayo.” saad ko pagkatapos ilang beses kalampagin ang kuwarto ng kapatid ko. Kanina ko pa ito kinakatok at kanina pa rin ako naiinis dahil parang wala itong pakialam sa paulit-ulit na pagkatok ko. Kanina pa ako nakaligo dahil ang usapan namin sama-sama kaming magsisimba ngayong araw ng Linggo sa Cathedral tapos hanggang ngayon tulog pa rin sila. “Richelle Louise hinaan mo naman ang pagsasalita mo. Pati yata kapit-bahay plano mong gisingin.” saad ni Mama na kalalabas lang ng sarili nitong kuwarto at nag-iinat pa ng katawan. Gusto kong matawa. May nanggigising ba na mahina magsalita? Inirapan ko lang si Mama at ibinalik ang atensiyon sa pinto ni Chase at kinalampag iyon nang paulit-ulit. “Chase, ‘pag hindi ka pa lumabas, babawasan ko ang allowance mo.” Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay mabilis pa sa alas kuwatrong bumukas ang pinto ng kuwarto nito at iniluwa nito sa harapan ko ang kapatid kong dinaig pang
“So saan kayo pupunta nila Tita Belle at Chase after nito, Ate Rich?” curious na tanong ni Riye habang kumakain kami.Umayos naman ako sa pagkakaupo at sandaling ibinaba sa plato ko ang hawak na kutsara para kunin ang baso na may lamang juice at uminom doon.“Si Mama, mauuna nang umuwi kasi a-attend siya sa meeting ng mga homeowners sa village, kami ni Chase dadaan sa ophthalmologist niya at barbershop.” saad ko sabay turo ng buhok ng kapatid kong medyo mahaba na.“Sama ako Ate Rich, mahaba na rin ang buhok ko.” sabi ni Rio habang kumakain ng desert.“Ako na ang maggugupit ng buhok mo.” biglang singit ni Sir Troy.Napanguso naman ang kapatid niya habang ako ay sumimangot. Napaka-kill joy talaga.“Kuya naman, minsan lang eh. Lagi na lang ikaw ang nagugupit ng buhok ko. Tinatawanan tuloy ako ng mga kaklase ko kapag nakikita nilang hindi pantay ang buhok ko.” Reklamo ng k
“Andami mo namang dadalhin, ate.” puna sa akin ng kapatid kong si Chase.Nandito siya ngayon sa kuwarto ko dahil sira ang aircon sa kuwarto niya. Dinala niya lahat ng librong ginagamit niya sa eskuwelahan at itinambak ang mga iyon sa working table ko. Sinamaan ko siya nang tingin at sinenyasang tumahimik. Sa pagkakaalam ko kasi, nandito siya para mag-aral at hindi mag-ingay. Busy ako ngayon mag-asikaso ng mga gamit na dadalhin ko sa Palawan para sa kasal ng crush ko na pinsan ni Sir Troy.“Real talk ate, parang dinaig mo pa yung lalayas sa dami ng dress na dadalhin mo.”Pinagtaasan ko nang kilay ang kapatid ko. Lakas maka-comment huh. Palibhasa walang alam sa nangyayari sa akin. Porket hindi niya kilala ang boss ko bilang reklamador at maarte. Kung sa tutuusin, kung kaya ko lang dal’hin ang buong closet ko sa Palawan ay gagawin ko. Paniguradong boss ko na naman kasi ang mamimili ng isusuot ko.“Maganda ba?
“Wow himala, ang konti ng dadal’hin mo.” puna ng kapatid ko sa akin habang inaasikaso ko at chinicheck nang mabuti ang mga gamit na dadal’hin ko.“Pasalamat na lang din talaga ako kay Sir Troy dahil binilihan niya ako ng damit na susuotin. Makakahinga ako nang maluwag dahil konti lang ang bibitbitin ko.” sagot ko naman pagkatapos kong isara ang zipper ng maleta.Nanatiling nakatayo ang kapatid ko sa may pintuan mukhang hinihintay ako nitong matapos. Nakita kong hawak nito ang kaniyang necktie. Bumuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kaniya at kinuha sa kamay niya ang necktie. Pinatuwid ko siya sa pagkakatayo para maayos kong maitali ang necktie niya.“Magka-college ka na, hindi ka pa rin marunong magsuot ng necktie.”Tipid siyang ngumiti habang natitig sa akin.“Nandiyan ka naman ate.”Nginisihan ko siya at tinulak palayo ang kaniya mukhang gamit ang palad ko. &nb
Alas dos na ng hapon nang makarating kami sa Pier. Bumaba muna kami ng sasakyan para bumili ng ticket sumakay muli para dumaan sa nagtitimbang ng sasakyan. Pagkatapos namin ay pansamantala muna naming iniwan ang sasakyan para magtungo sa grocery store at bumili ng kape at makakain. Ilang oras din kasi ang biyahe sa barko, just in case na magutom kami, bumili na ako ng mga puwedeng kainin. Paglingon ko sa pinakadulong bahagi ng estante ay may nakita akong kandila roon. Napalingon ako kay Sir Troy na abala sa pagkuha ng energy drink sa fridge ng café. Itinuro ko ang kandila sa tindera at sinabing bibili ako ng dalawang piraso. Mabuti na lang at pumayag itong pagbentahan ako ng tatlong piraso dahil may store na hindi nagbebenta ng per piraso.Nang makapagbayad na si Sir Troy ay sinabi kong mauna na siyang bumalik sa sasakyan. Kumuha na rin ako ng lighter at isinama sa kandila na nasa cashier’s desk.Napabuntong-hininga ako habang tinatanaw si Si
Gabi na nang makarating kami sa Pier ng El Nido. Inunahan ko na si Sir Troy na bumaba dahil antok na antok na ako at hindi man lang ako nakatulog sa buong biyahe dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya. From time to time na tatayo siya at maglalakad sa kung saan ay pinapanalangin kong madulas siya o hindi kaya ay madapa.“Louise!”Napalingon naman ako kay Millard nang tinawag nito ang pangalan ko. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at kumaway pa ako rito. Naka-kotse rin pala ito. Kung wala lang sanang nakapagitan na sasakyan sa amin, edi sana mas nakikita ko pa siya nang malapitan ngayon. Kumaway rin ito sa akin na siya namang nagpakilig sa akin. Bakit feeling ko habang tumatanda kami lalo siyang gumuguwapo? He’s aging like a fine wine. Baka yummy rin!“Aray!”Inis na pinagmasdan ko si Sir Troy na pasimpleng dumaan sa harapan ko. Kung umarte ang kumag na ‘to parang hindi niya inapakan ang paa
Pagdating namin sa Nacpan Beach ay dumaan muna kami sa specific place kung saan nag-fi fill out ng details at magbabayad bago kami tuluyang papasukin sa lugar. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha sa mga nagtataasang puno ng niyog at iba’t ibang mga magagandang halamang nakapalibot sa entrance ng resort. Pagkapark ng sasakyan ni Sir Troy sa parking area ay mabilis akong bumaba.“Hoy, hoy Richelle!”Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para mabilis makarating sa sand area ng Nacpan Beach Resort. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Sir Troy sa pangalan ko.“Wow. Parang paraiso.” bulong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan. Ang buhangin ay ubod ng pino at ang kulay nito ay puti. Hinubad ko agad ang sapatos ko at excited na tumakbo-takbo sa buhangin. Hindi mainit ang buhangin dahil hindi mainit ang panahon ngayong araw. Ang haring araw ay natatabunan ng mga makakapal na ulap
Nang magpaalam ako kay Leon ay dumiretso na ako sa café kung saan naroon si Sir Troy. Pagbukas ko ng pinto ng café ay agad akong kumaway sa kaniya nang bumaling siya sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.“Galit ka ba?” tanong ko sabay upo sa tabi niya.Sumimangot ako nang hindi pa rin siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin.“Coffee po.” Sabi ng waitress sabay abot sa akin ng mug ng kape na nakapatong sa maliit na platito.Nakangiting tinanggap ko iyon. Pag-alis ng waitress ay humarap ako kay Sir Troy at kinurot ang kaniyang pisngi.“Galit ka?” Malumanay kong tanong.Nang hindi pa rin siya sumagot ay ngumuso na ako.“Don’t do it again, Richelle. Alam mo naman hindi ba sa sarili mo na hindi ka marunong lumangoy? Tapos hindi ka pa nag-iingat?”Ngumisi ako nang marinig ang sinabi niya. Tinusok ko pa siya sa kaniyang tagiliran at
“Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f
“Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa
“Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu
“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan
“Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at
“Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting
“Welcome back, Troy and Louise.” bati sa amin ni Eunice pagkapasok namin sa lobby ng hotel na pag-aari ng pamilya ni Richard. The two of them were wearing much presentable clothes than us.Gusto kong matawa sa hitsura namin ni Troy dahil para lang kaming pupunta sa kanto para tumambay.“How are you, Louise? I heard to Troy’s sister that you’re pregnant as well just like Eunice. Akalain mo nga naman.” Saad ni Richard at saka tumingin sa kaniyang pinsan. Lumapit siya kay Troy para i-congratulate ito.Nang bumaling sa akin si Richard ay agad itong ngumisi sa akin.“Akala ko ba, hindi ka magkakagusto sa bestfriend mo?” tanong nito.Tumingin ako kay Troy. Pinagmasdan ko ang kaniyang reaction nang marinig ang sinabi ni Richard. Just like what I expected, bakas sa ekpresiyon niyang naguguluhan siya. Richard cleared his throat and tapped Troy’s shoulder.“I heard what happened
“Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?” tanong agad ni Mama pagkapasok niya sa kuwarto ko. Saktong chini-check ko nalang kung maayos na ba ito. Ngayong araw ang alis namin patungong El Nido para umattend ng birthday celebration ni Richard.Tumawag sa akin si Troy at sinabing maaga raw siyang pupunta ngayon para masundo ako. Kaya heto ako ngayon, nagmamadali habang inaayos ang mga gamit ko.“Okay na, ‘Ma.” sagot ko naman kay Mama.Nang mapatingin ako sa kaniya ay saka ko nakita ang kaniyang hitsura. Dinaig niya pang pinagbagsakan ng langit at lupa sa ekspresyon ng kaniyang mukha.“Bakit po ‘Ma? May problema ba?”Kinuha ko ang kaniyang kamay at marahan itong pinisil. Umiling naman siya. Gamit ang kaniyang isang kamay ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.“Mag-iingat kayong dalawa ni Troy roon ha? Siguraduhin mong hindi ka magpapalipas ng gutom. Tandaan mo, hindi na lang i
“Miss Richelle, alam mo napapansin ko parang ang laki ng pinagbago mo?”Napahinto ako sa pag-aayos ng papel na ipinadala ni Troy sa Finance Department. Sinabi niya na sakin na ipapakuha niya nalang sa isang empleyado mula sa Finance, pero dahil makulit ako, hindi ko siya sinunod. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa. Saka these days mas gusto kong naglalakad-lakad ako. Isa pa, sabi ng OB ko, mas okay raw na kumikilos ako para hindi tamarin ang katawan ko. Dahil kapag nasanay ito na umupo at humiga na lang, malaki ang posibilidad na makasanayan koi to hanggang kabuwanan ko.It’s my second month of being pregnant. Yung hitsura ko ngayon parang bloated. Kapag naghubad ako at humarap ako sa salamin, makikita na yung pagbabago ng laki ng tiyan ko. Kung noon ay flat lang ito at may konting taba, ngayon naman ay may bump na. Ito ang pinagdidiskitahan ni Troy lagi kapag magkasama kami.“Malaki ang pinagbago? Anong ibig mong sabih