You, Me, and the Sea

You, Me, and the Sea

By:  Julia  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings
32Mga Kabanata
2.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Angelie Buenafalco met Andrei Silva when she needed somebody to lean on. They became best of friends, but Andrei came to realize that he has blossoming feelings for her. He wanted to keep it a secret but things did not go as he planned. One secret between their families was about to destroy their sweet relationship. But fate had interfered! Would they bury their promises because of the lies?

view more
You, Me, and the Sea Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

Mga Comments

user avatar
Docky
I'm in love with this story ...️ ..
2022-08-10 21:54:52
2
user avatar
RIAN
Recommended...
2022-05-27 19:34:18
1
user avatar
Julia
It deserve a bigger audience.
2021-07-01 08:03:52
1
32 Kabanata

1 Turtle Queen and Frog Prince

Turtle Queen and Frog Prince TUWANG-TUWANG naghiyawan ang mga nanonood ng larong soccer sa grounds ng paaralan nina Andrei Silva kung saan siya ang pinakasikat na player. Lumalabas ang magkabila niyang beloy habang umi-score ang team nila. Seryoso si Andrei sa paglalaro kahit na madulas ang lupa dahil katatapos lang ng ulan. In sync naman ang pagkilos ng cheering squad na pinangungunahan ni Angelie Buenafalco, ang girl bestfriend ni Andrei. "Go, go, Southern! For the win!" Cute tingnan ang all-girls squad ni Angelie habang suot ang skimpy cheering outfit nila na may panloob na bloomer. Mukha silang masayahing mga inosenteng bata dahil sa pagkakatirintas ng mahahaba nilang buhok. Natapos ang laro. Panalo ang team ni Andrei. Masaya naman siyang sinalubong ni Angelie. "Besh!" Habang nagpapagpag ng putik sa suot na puting tee shirt si Andrei ay tinulungan siya ni Angelie na mahubad ito. Hinayang na hinayang ang babae sa hinuhubad na puting tee shirt na uniform nila sa P.E. Nakulapula
Magbasa pa

2 Kissing The Cheerleader

Kissing the Cheerleader NAGHAHANDA nang matulog si Andrei nang nag-text sa kaniya si Angelie. Sinagot niya ito at hinanap si Flor. "Ate Flor, nasaan ba 'yung cookbook na nabasa ko last week?" Habang nag-iisip si Flor kung saan nakalagay ang hinahanap ni Andrei ay sumabad ang ina. "Bakit? What is it this time?" "E, si Angelie po," habang nagsasalita ay pinag-iisipan ng binata kung paano ipapaliwanag sa ina ang laman ng text ng kaibigan. Itsurang naghihintay ang ina ng anumang iri-reveal ng anak. "Gusto niyang matutong magluto." "And?..." "Iyon, mag-aaral kaming magluto," he shrugged his shoulder habang nangingiti sa iniabot sa kaniya ni Errol ang cookbook. Tumango-tango si Marcia at nakangiting tiningnan sa mata ang anak, naghihintay sa idudugtong ng anak. Nangingiting nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Andrei sa ina. "Nainggit kasi siya sa galing gumawa ng cake ng favorite character niyang anime, kaya dapat daw na marunong din kaming magluto," at hindi naitago ng bina
Magbasa pa

3 Best Friends Forever!

Bestfriends Forever SA bahay nina Andrei nila napagdesisyunang magluto. Patingin-tingin lang sa kanila sina Marcia, Flor, at Errol. Hinayaan lang silang dalawa sa kusina. Parehong naka-apron, magkatuwang sa pagbi-bake ang dalawa. Habang inaasikaso ni Andrei ang oven at ang rectangular pan ay tinutunaw naman ni Angelie ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig. "Ready na ba iyan?" Matamang pinagmasdan ni Angelie ang ginagawa ng kaibigan. "Yes, ma'am," panunudyo ng lalaki. Sinikap niyang maging handy man para sa kaibigan. Ito pa ang unang pagkakataon niyang mag-bake ng cake. Naninigurado, muling binasa ni Angelie ang libro bago niya pinaghalo ang arina, baking powder at baking soda. Ito rin kasi ang unang pagkakataon niyang gawin ito. "Okey na kaya ito?" tanong niya habang ayaw ihiwalay ang mga mata sa libro, tinitiyak na masundan niya ng maayos ang baking procedure. "Okey na iyan. Masyado kang nerbiyosa. Cake din ang kalalabasan niyan," ani Andrei. Inakbayan pa niya ang kaib
Magbasa pa

4 100 Percent Support

100 Percent Support ALAS siyete pa lang ng umaga ay nasa lobby na siya ng building. Susunduin ni Andrei ang kaibigan. Sasakay sana siya ng elevator pero marami-rami na ang mga nag-aabang kaya naghagdan na lang siya. Nasa third floor ang unit ni Angelie. Medyo hiningal ng kaunti ang binata nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali. Agad niyang pinindot ang door bell ng unit ng kaibigan. “Teka, sandali,” ang sabi ni Angelie habang pinagbubuksan siya nito. Sinipat pa kasi nito sa salamin ang kabuuang itsura. Typical teenager na pinaghalong sweet and alluring si Angelie. Hindi pilit ang fashion sense at hindi rin pilit ang pagiging malambing nito. Sandaling pinagmasdan ni Andrei ang kabuuan ng unit. Wala itong masyadong gamit. Simpleng ayos lang at color matching ang nagdala sa interior decoration. Nasa isang sulok pa rin ang malaking picture frame na puno ng pictures nilang dalawa ng kaibigan. Sa mas maliit na picture frame naroon ang larawan ni Angelie kasama ang parents niya.
Magbasa pa

5 Public Display of Affection

"Nagtataka talaga ako," wika niya habang nakatitig sa mukha ng binata. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Ito ang paborito nilang hangout. "Nagtataka ka ba na guwapo ako? Hanggang ngayon ba naman, you still can't accept the fact that I'm handsome?" Kinurot niya ang ilong ni Andrei at saka inismiran. Ayaw naman niyang sabihing mayabang ang kaibigan. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina mo pa ako tinititigan, ah." Nilingon pa niya ang dingding ja yari sa salamin sa gilid para tingnan kung may diperwnsiya sa mukha niya. "Ano kasi," she sighed, "naisip ko lang, how time flies!" She smiled at him sweetly. Hindi umimik si Andrei, hinintay ang mga susunod pang mamumutawi mula sa bibig ng kaibigan, ngunit nagpatuloy na lang sa pagsubo ng spaghetti ang dalaga. Naiiling na sumubo na rin siya. "Parang kelan lang, 'no, naka tatlong taon na pala tayo." "Gano'n ba?" he caught her eyes, wanting to see her reaction, "happy anniversary!" Priceless para sa kaniya ang makitang un
Magbasa pa

6 Overprotective

Overprotective HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers. Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya. "Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi. It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade. Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok
Magbasa pa

7 Shortcake and Hotdog

CHAPTER 7 MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso. "Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko. Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. "Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor. She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan. Matapos na ligpitin a
Magbasa pa

8 A Day Without Him

A Day Without Him NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Kunot ang noo, ipinikit niyang muli ang mga mata. Inaantok pa siya. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni Andrei. "Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short. 'Toooot!' "Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita. "Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya. "Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta." "H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools. "H- hi! Ang dami naman niyan." Niyakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng hiya na makita siya ni Alvin na nakaroba at kagigising lang. Pero inabot din ng isa niyang kamay ang dalang box ng lalaki. "Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie. "Maybe you
Magbasa pa

9 The Drunken Fox

The Drunken Fox "Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes. "Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo." "Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa. "Sino? Schoolmate ba natin iyan?" "You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails. Sandaling nagpalinga-linga ang
Magbasa pa

10 "I love You!"

I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status