Chapter: 32 GatherYourseelfGather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay
Last Updated: 2023-03-01
Chapter: 31 Confession ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero
Last Updated: 2023-02-22
Chapter: 30 The PromiseThe Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang
Last Updated: 2023-02-07
Chapter: 29 Truth and LiesTruth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak
Last Updated: 2023-02-07
Chapter: 28 Losing GameNAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Last Updated: 2023-02-06
Chapter: 27 Bewilderment Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga
Last Updated: 2023-02-03
Chapter: Chapter Fifty-nineHABANG inihahanda ang delivery room ay magkasama sa isang sulok sina Harry at Jemima. Inilipat kasi doon ang kama niya. Si Harry lang ang pinayagang sumama sa loob. Napansin ni Harry na kinakabahan ang asawa. "Be strong, Jemima, pabulong niyang sabi rito. "I'm scared!" pabulong din nitong sagot. "No. You can do it. Be a strong mother. I won't be with you anymore." Natigilan naman si Jemima sa narinig sa asawa. "I will do as you said. I will find my own happiness. I will find someone who is afraid to lose me." Tumulo ang luha ni Jemima sa bigat ng naramdaman. Siya namang paglapit sa kanila ng doctor. "It's time." Lumabas na si Harry ng delivery room. Sabay ng paghilab ng kaniyang tiyan ay ang sakit na kaniyang nararamdaman sa dibdib. Humiyaw siya na may luha sa mga mata. "Aaaahhh!" Umiri siya ng malakas. Nataranta naman ang doctor na nag-aasikaso sa kaniya. "No, no, no! Hintayin mo ang instruction ko, misis." Naunawaan niya kung paano niya sinaktan ang asawa. Hindi kasi siya
Last Updated: 2022-10-21
Chapter: Chapter Fifty-eightHINDI mapalagay si Harry sa loob ng taxi. Katabi niya si Chester na naiinis na rin sa sobrang traffic sa highway ng Metro Manila. Halos hindi na umuusad ang sinasakyan nila. Bumper to bumper na ang itsura ng mga sasakyan sa kanilang lane. Magkasabay silang agad na sumakay ng eroplano nang malaman nila ang nangyari kay Jemima. Tiyempo naman kasing magkausap silang dalawa nang matanggap ni Harry ang text message ni Melinda na nagsasabing isinugod nila sa ospital si Jemima. "Oh, it's not moving anymore!" iritableng bigkas ni Chester nang hindi na umuusad ang trapiko. Gusto na niyang manghampas dahil sa kabugnutan. Dahil hindi rin talaga mapalagay si Harry, binuksan niya ang pinto ng taxi. Nang makita niyang mahaba ang mga hindi umuusad na sasakyan mula sa unahan nila ay nagpaalam siya sa pinsan. "See you there!" "Hey! It's too far!" Wala siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Harry na mabilis nang tumakbo. Halos naliligo na si Harry sa pawis sa katatakbo. Pinupunasan niya an
Last Updated: 2022-10-21
Chapter: Chapter Fìfty-sevenTINUNGO ng magkapatid ang isang bar hindi kalayuan sa condominium unit ni Harry. Pinili nila ito dahil hindi ito matao. Puro mamahaling alak ang pinagpilian nilang inumin. "What would you like?" tanong ni Daniel sa kanila. "I bet, bro would like to scream," ang sagot naman ni Cholo. Natatawang pinili ni Daniel ang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon. Hindi ito ang madalas nilang iniinom, pero nagkasundo silang ito ang pagsaluhan nila ngayong gabi. Nanatili namang tahimik lang na nakaupo si Harry. Nagpatiayon lang siya sa gusto ng mga kapatid niya. Wala namang hinahanap na particular na lasa ng alak ang lalamunan niya kaya ayos lang sa kaniya kung alin ang mapili ng mga kapatid. Ang mahalaga ay kasama niya ang mga ito ngayon. Habang nagsasalin sila ng alak sa baso para sa pangatlong round ay siya namang pagdating ni Chester. "So, this is how you celebrate?" umiling-iling niyang bungad mula sa likuran ng tatlong pinsan. "Chester!" pinaupo ni Daniel ang pinsan sa tabi niya. "You'r
Last Updated: 2022-10-21
Chapter: Chapter Fifty-sixMAGKASUNOD na dumating sa harapan ng Shangri-la Hotel ang kotseng kinalululanan ni Harry at ng kaniyang pamilya. Kasama ni Harry ang buong pamilya sa pagdalo ng awarding night ng People's Choice Award, maliban kay Jemima. Tila mga modelo ng damit ang buong pamilya Sy sa suot nilang formal attire. Bagay na bagay sa kanila ang Hollywood Glamour themed nilang suot. Pawang naka black suit and black tie ang magkakapatid habang naka vintage suit ang kanilang ama at may metallic colored tie. Si Benita naman ay tila nabawasan ang kaniyang edad sa kaniyang suot na vivid yellow metallic color na full length gown. Accentuated pa ito ng emerald stones to match its golden color. Napaka elegante nilang tingnan sa kanilang pustura. Agad namang pinagkaguluhan ng mga reporter ang pamilya Sy, lalo na si Harry. Matapos nilang kuhanan ng larawan ang pamilya ay humakbang na sina Harry patungo ng entrance ng hotel. "Mr. Sy, we have a question for you!" Ngiti at kaway lang ang isinagot ni Harry sa report
Last Updated: 2022-10-19
Chapter: Chapter Fifty-fiveMULA sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Jemima. Napangiti siya nang pagmulat niya ng mga mata ay nakita niyang nakahiga sa kaniyang tabi si Harry. Magkaharap sila, at magkayakap.Naaamoy niya ang hininga ng natutulog niyang asawa. Guwapong-guwapo pa rin si Harry kahit na medyo na-haggard ang itsura nito. Stress na yata ang kinakain nito araw-araw.Madaling-araw pa lang, kaya maingat siyang kumilos. Ayaw man niyang gawin ito, pero naisip niyang baka kailangan niyang mag-usisa. Hindi namalayan ni Harry ang paglabas niya ng kuwarto dahil patingkayad siyang humakbang. Tinawagan niya ang taong inaasahan niyang hindi siya pagkakaitan ng impormasyon."Yes, he is badly needed here. They can't fix the problem."Ikinalungkot naman ni Jemima ang narinig mula sa kausap. Nalaman pa niya na may transaksyon itong nalagay sa alanganin dahil sa biglaang pagpunta ni Harry sa Pilipinas. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Kailangan niyang tatagan ang sarili sa naisip na decision.Bi
Last Updated: 2022-10-17
Chapter: Chapter Fifty-fourNakatanggap siya ng pasabi na tuloy ang video session nila para sa advertisement ng company ni Vince Schuck. May kaunting pagbabago nga lang sa naunang plano. Pumayag naman si Jemima. Si Harry ang sumama sa kaniya sa studio. Binati ni Jemima ang staff pagbungad nila ng pinto. “Hello! “Hello, Ma’am!” Pumalatak sa tuwa ang make-up artist nang makita nito si Harry. “Wow, ang guwapo naman ng partner mo, madam!” Agad itong lumapit kay Harry, nakangiti ito sa kasiyahan habang pinagmamasdan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa. “One to ten, twelve ka!” saad nito sa lalaki. Pipindutin sana nito ang bisig ni Harry pero umiwas ang huli. “Silvestre,” pabagsak niyang sinabi ang pangalan ng make-up artist,-- “Aray naman po! Palagapak talaga! Sly lang po.” “Don’t touch my honey. Asawa ko ito!” pabiro niyang pinanlakihan ng mga mata ang make-up artist. Kinilig naman si Harry sa narinig sa asawa. Inakbayan niya ang babae. “Ay! Siya pala si Harry Sy?” Muli niyang tiningnan ang mukha ni Harry,
Last Updated: 2022-10-14