"Nagtataka talaga ako," wika niya habang nakatitig sa mukha ng binata. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Ito ang paborito nilang hangout.
"Nagtataka ka ba na guwapo ako? Hanggang ngayon ba naman, you still can't accept the fact that I'm handsome?"
Kinurot niya ang ilong ni Andrei at saka inismiran. Ayaw naman niyang sabihing mayabang ang kaibigan.
"Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina mo pa ako tinititigan, ah." Nilingon pa niya ang dingding ja yari sa salamin sa gilid para tingnan kung may diperwnsiya sa mukha niya.
"Ano kasi," she sighed, "naisip ko lang, how time flies!" She smiled at him sweetly.
Hindi umimik si Andrei, hinintay ang mga susunod pang mamumutawi mula sa bibig ng kaibigan, ngunit nagpatuloy na lang sa pagsubo ng spaghetti ang dalaga. Naiiling na sumubo na rin siya.
"Parang kelan lang, 'no, naka tatlong taon na pala tayo."
"Gano'n ba?" he caught her eyes, wanting to see her reaction, "happy anniversary!"
Priceless para sa kaniya ang makitang unti-unting paglaki ng mga mata ng kaibigan kasabay ng pagbuka ng bibig nito at ang pamumula ng makinis nitong pisngi.
"Hoy! Marinig ka ng madlang pipol, baka isiping pumatol ako sa 'yo! Yuck!" at nanulis ang nguso ng babae. Umirap-irap pa ito.
"Kung maka-yuck ka diyan," kunwari ay nagtatampo pero hindi mapigilan ng binata ang mapangiti.
"Wahaha!" tuwang-tuwang itinuro ni Angelie ang sarili, "di ka makapagbusangot sa 'kin 'cause I'm loaded with prettiness!"
"Oo na, cute ka!" sabay pisil niya sa tungki ng ilong ni Angelie.
"Excuse me, I'm pretty, not cute!"
"Ang cute mo kaya! Lalo na't may spaghetti sauce sa ilong mo." Itinuro pa niya ang tungki ng ilong nito.
Tuwang-tuwang pinagmasdan niya ang kaibigan na nagmamadali sa pagpahid ng ilong nito. Hindi pa ito nakuntento at kinuha ang cellphone para tiningnan ang sarili sa camera.
"You!" akmang titilamsikan nito ng spaghetti sauce ang kaibigan, maagap naman siyang napigilan ni Andrei habang tumatawa ito.
"Nakakainis ka!" Namumula na ang magkabilang pisngi ng dalaga, pinahiran uli nito ng tissue ang ilong.
"Ano ba'ng pinapahiran mo, e wala naman?"
"W- wala nga," disappointed siyang tinitigan ang kaharap, "but you told me that there was a spaghetti sauce! Kaya feel ko tuloy, meron talaga."
"Naniwala ka naman kasi agad. So easy,..." ini-enjoy niya, as usual, ang pikon moments ng dalaga.
"So, you don't want me to believe you? Okay, I won't,... ever!" Nag cross arms pa siya.
"Sus, Pikon Queen!" akmang susubuan niya ito ng French fries pero umatras ang babae na nakanguso.
"Ay, may LQ!" ang comment ng babaing nasa kabilang mesa, kausap ang kagrupo nito habang nakatingin sila sa magkaibigan.
Sensitibo si Angelie sa mga pagkakataong ganoon. Ayaw niyang napagkakamalan silang magnobyo ng kaibigan niya.
"Take it easy," pabulong niyang sabi at inilapit niya ang pagkain sa dalaga.
"I'm done here," sabay tayo nito. Walang nagawa si Andrei kundi ang sumunod.
Nakailang liko na sila sa loob ng mall na hindi pa rin siya kinikibo ng dalaga. Hinawakan niya ito sa bisig.
"Hey, sorry na!"
He smiled when she turned to meet his gaze, pero nawala rin agad ang ngiti niya nang tinaasan siya ng kilay nito.
"O-oy, huwag namang pikon!" Lihim siyang napangiti nang paismid siyang tinalikuran ng dalaga. Agad niyang itinago ang ngiting iyon nang muli itong humarap sa kaniya.
"What's the English of pikon?"
"W-well,..." he sighed, inaapuhap ang isasagot sa kaibigan.
"It means, I won't forgive you!" and she doubled her pace.
"H- hey!"
Naiinis na talaga siya sa kaibigan at wala siyang balak na makipag- peace dito. Nahuli niya kasi itong agad na pinigil ang pagngiti nang bigla niya itong hinarap. Alam niyang natutuwa ito kapag napipikon siya, but this time ay ipapakita niyang dapat itong matakot kapag siya ang napipikon.
'Cute mo kasi' ang lagi nitong sagot sa tuwing tinatanong niya ito kung bakit tila natutuwa ito kapag napipikon siya. Ang higit niyang kinaiinisan ay ang pag pat nito minsan sa ulo niya matapos siya nitong sabihang cute.
"Tsss!"
"Angelie! Where are you going?"
"Mind your own business!" Pinanindigan niya ang pagkaasar kahit na naaawa siya sa lalaking pinagpawisan na kasusunod sa kaniya. Pareho na silang hinihingal.
"Ano'ng,... eh, dead end na, o!"
Saka pa lang napansin ni Angelie na sarado pala ang dulo ng tinatahak nila.
Pigil ang pagngiting nagsusumamo ang mga mata niya sa paghawak sa kamay ng kaibigan. "Sorry na kasi, why are you so pikon today?"
"What's the english of pikon nga?"
"Gets angry easily," pinunasan niya ng dalang tissue ang pawis ng babae sa tungki ng ilong nito.
"No, in one word!"
"N- nagey- geylet?"
Iyon lang at agad nang nawala ang panunulis ng nguso ng babae kasunod ang pagluwang ng bunganga at ng mga butas ng ilong nito kasunod ang pagkawala ng pinipigilang pagtawa.
"Geylet?! Yay!" Natuloy ang pagtawa niya dahil kiniliti siya ng kaibigan sa tagiliran. "Stop it!"
"Why would I? Hindi ko kaya naubos ang food ko dahil sa pag- walk out mo? So I'll tickle you forever!"
Wala siyang nagawa kundi ang tumawa nang tumawa dahil sa pangingiliti sa kaniya ni Andrei.
Narinig nila ang anasan ng grupong nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan kaya pumormal na sila at umalis doon.
'Masyadong PDA!'
'Kung maglandian, parang wala sa public.'
NANG nasa harap na sila ng isang movie theater ay ngumiti ng maluwang ang dalaga. Sakto kasing ito ang gusto nilang pandering.
"Ang guwapo talaga ni Papa Chris!"
"At ang macho!" he said, mimicking her actions. Agad naman siyang pinanulisan ng nguso nito at kinurot ng pino sa braso.
Pagagalitan pa sana niya ang binata pero naagaw ang pansin niya ng matigas nitong muscle sa brasong kinurot niya. Bumuka ang bibig niya para purihin ito sa pagkakaroon ng firm muscles pero nanahimik na lang siya.
Habang nakapila siya ay naghanap ng brownies si Andrei. Ang ibang makukukot ay sa loob na nila bibilhin. Nasa gitna pa siya ng pila ay tinabihan siya ng kaibigan.
Dahil hindi sila halos nakakain kanina ay minabuti ni Andrei na bigyan ng isang slice ng brownies ang kaibigan.
Naramdaman ng dalaga ang paghilab ng tiyan kaya tinanggap niya ang pagkain kahit na ayaw niya sanang kumain habang nakapila. Feeling awkward siya kapag ganoon kaya tahimik na lang silang ngumuya.
Nakapasok na sila, at habang bumibili sila ng popcorn ay napansin ni Andrei ang pagkakatitig ng saleslady sa kaibigan kung kaya't tiningnan niya ito. May naiwan palang brownies sa gilid ng bibig nito.
"Come here," at pinunasan niya ang bibig nito habang nakahawak sa baba ng dalaga.
"M-meron pala?"
"Ang sweet naman ng boyfriend mo, miss. Alagaan mo 'yan, iilan na lang 'yan ngayon," panunukso ng tindera.
Sasagot pa sana si Angelie pero sumunod na lang siya sa marahang paggiya ng kaibigan papasok ng sinehan.
Sinalubong sila ng kadiliman sa loob na dinagdagan ng makapal na kumpol ng mga taong nakatayo sa gilid ng mga upuan. Pinatayo muna sila ng guard para daw maayos ang pag-upo nila at hindi magkabanggaan.
Halos ilang segundo pa lang na magkatabi silang nakatayo ay umigik si Angelie at biglang lumipat sa gawing unahan ng binata. Sumiksik siya sa harapan nito bagay na ipinagtaka ni Andrei. Ayaw kasi ng kaibigan niyang makipaggitgitan. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking dating katabi ng kaibigan. Napakuyom siya ng kamao, handang manuntok anumang sandali. Nahinuha niyang may kinalaman ang lalaking iyon sa biglang paglipat ng puwesto ng dalaga.
"What happened?" Nag-uutos ang pagkakadiin niya ng tanong sa kaibigan. Matatakutin kasi Ito at ayaw na ayaw ng gulo.
"W-wala," mahina nitong sagot.
"Groper ba?" Hindi pa man natanggap ang kasagutan ay nagtiim na ang bagang niya.
Alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan kaya tumango na lang ang dalaga kasabay ng pagkapit niya sa dalawang braso nito. Magkaharap na tuloy silang dalawa.
Wala na sa dating kinatatayuan nito ang groper. Hinanap ito ng mga mata ni Andrei.
"Don't leave me," ayaw niyang mapa-trouble ang lalaki. Ayaw na ayaw niyang mapaaway ito. May kakayahan naman ito sa suntukan pero paano kung mapagtulungan ito? Hindi language siya nanghihinayang na mabasag ang mukha nito at mabawasan ang kapogian kundi ayaw niya talagang mapahamak ang lalaki nang dahil sa kaniya.
Nasa ganoon silang kalagayan nang sumenyas sa kanila ang guard. Maganda naman ang naging puwesto nila kahit na halos puno ang sinehan.
Habang naghihintay ng pagsisimula ng palabas ay nagpalinga-linga si Andrei. Hindi matanggap ng kalooban niya na may nambastos kay Angelie on his watch. Ayaw ng pride niya ng ganoon. Ayaw ng puso niya.
"Take a bite," isinubo ni Angelie sa kaibigan ang isang slice ng brownies nang mapansin niyang patuloy nitong hinahanap ang groper.
Dahil nabigla, nabunggo nito ang brownies at nahulog sa lap ni Andrei. Magkasabay silang tumungo para kunin iyon.
Tahimik silang nanood ng sine. Tahimik din ang mga katabi nila hanggang matapos ang palabas.
Hindi pa man sila nakakatayo para lumabas ay may umungol sa gawing likuran nila.
Agad niyang hinawakan ang pisngi ng kaibigan at iginiya ito palabas ng sinehan.
Matapos niyang ihatid si Angelie sa condominium unit nito ay umuwi na siya kaagad. Hindi na siya pumasok sa loob ng unit. Aniya'y inaantok siya at masakit ang ulo niya. Tumango naman si Angelie at nagsabing inaantok na siya.
Wala siyang pakialam say ginagawa ng dalawang butiki sa kisame. Nakatingin siya sa mga ito pero wala doon ang focus niya. Nabablangko siya ng sandaling iyon, matapos niyang pagsikapang pawiin sa isipan ang paulit-ulit na pagrehistro sa utak niya ng mukha ni Angelie.
Overprotective HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers. Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya. "Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi. It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade. Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok
CHAPTER 7 MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso. "Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko. Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. "Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor. She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan. Matapos na ligpitin a
A Day Without Him NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Kunot ang noo, ipinikit niyang muli ang mga mata. Inaantok pa siya. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni Andrei. "Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short. 'Toooot!' "Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita. "Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya. "Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta." "H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools. "H- hi! Ang dami naman niyan." Niyakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng hiya na makita siya ni Alvin na nakaroba at kagigising lang. Pero inabot din ng isa niyang kamay ang dalang box ng lalaki. "Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie. "Maybe you
The Drunken Fox "Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes. "Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo." "Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa. "Sino? Schoolmate ba natin iyan?" "You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails. Sandaling nagpalinga-linga ang
I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,
MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya. Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila. "Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples." "Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie. "Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors." "Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei. Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwar
CHAPTER 1 2 "Are you okay?" Naninibago man siya sa ipinapakitang kabaitan ni Norma, ipinagpapasalamat naman niya ito. "Kanina ka pa matamlay." "Oo nga, girl." Tila magkatulad ng tunog ng kay Norma ang tono ni Nannette, pero kay Nannette, sigurado siyang genuine ang sympathetic tone nito. "I'm alright. Medyo napuyat lang ako." "Bakit?" "Tigilan mo nga muna iyang kapanonood mo ng anime. Kailangan nating mag-focus, girl." "Bibigyan na lang kita ng link ng gusto mong anime para you can watch it any time. Di mo na kailangang pagpuyatan." Kinuha ni Norma ang gadget para papiliin si Angelie. "Girl, para iyan 'di ka mapuyat, ha. Di mo iyan dapat tapusin in one sitting." "Oo na po, tita!" "Huh!? I'm two months younger than you, miss!" Natatawang iniwan sila ni Norma at lumapit kina Mon. "Oy, don't be late mamaya ha. Call us para halos sabay ang arrival natin do'n." "Oo nga. Magtawagan tayo para sabay tayo," ani Jebon. "Iyon na nga ang sinabi, 'di ba," inilapit pa ni Marc ang muk
Abala sa paghahanap ng kakantahin ang mga babae sa song catalog ng videoke nina Andrei. Masaya namang kumakanta at sumasayaw sina Marc, Jebon, at Alvin. Nakasarado ang music room na may katamtamang laki kaya tiwala sila na hindi maririnig sa buong kabahayan ang boses nila. Nang matapos ang tatlong lalaki ay kaagad na bumirit ng madamdaming kanta si Nannette. Nakatayo naman sa magkabilang tabi niya sina Norma at Angelie, sumasabay sa pagkanta niya habang pumapalakpak na may ritmo. Natutuwang inasar sila ni Mon. "Bigyan n'yo nga ng mic iyang dalawa at birit na birit na! Baka agawan na nila ng mic si Nannette." Tumawa siya nang panlisikan siya ng mga mata ng dalawa. "Kung maka-emote kasi kayo, akala mo naman inlab na inlab!" Sabay naman siyang binelatan nina Angelie at Norma. At dahil hindi sila tinatantanan ng pang-aasar ni Mon ay nagkasundo ang dalawa na huwag nang pansinin ang mga banat sa kanila ni Mon. "Tingnan mo 'yang dalawa," ani Mon kay Andrei, "siguro kung una silang nagkaki
Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay
ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero
The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang
Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak
NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga
Pagkatapos ng pang-umagang klase ay excited na iniligpit ni Norma sa bag ang mga gamit niya. Napangiti siya nang makita ang baunan na nakalagay sa isa pa niyang bag. Balak niya kasing yayaing mag- lunch si Andrei. May mga naglabasan na sa classroom nila. Hinanap niya si Andrei. Nang 'di niya ito makita ay tumingin siya sa labas ng silid. Wala rin doon ang binata. Sa loob ng canteen ay nagpalinga-linga si Norma. Wala si Andrei sa grupo nina Mon na abalang kumakain. Wala rin si Angelie sa grupo nina Nannette. Nang 'di niya makita ang dalawa sa mga pumipila para bumili ay kinabahan na siya. Nagduda na siya. Humugot siya ng malakas na paghinga bago nagdesisyong hanapin ang dalawa. Sa may corridor ay napatingin siya sa hagdanan. Paano kung nandoon ang dalawa? Dapat ba niyang sundan ang dalawa kung gusto nila ng privacy? Sa mga nagdaang araw ay naging close na silang dalawa ni Andrei. Nagpakipot lang siya sandali dahil ayaw niyang masabihang easy-to-get na uri ng babae. Alam naman ng bi
KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre
"Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?