Home / YA/TEEN / You, Me, and the Sea / 9 The Drunken Fox

Share

9 The Drunken Fox

Author: Julia
last update Last Updated: 2021-06-03 18:24:17

The Drunken Fox

"Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. 

Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes.

"Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo."

"Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa.

"Sino? Schoolmate ba natin iyan?"

"You don't know her? Nine-tailed fox, hello!"  Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails.

Sandaling nagpalinga-linga ang binata sa kabuuan ng restaurant. Tila wala namang pakialam sa kanila ang mga taong naroon. Nakatuon ang pansin ng iba sa lalaking tumutugtog ng saxophone habang ang iba ay abala sa pagkain habang nag-uusap.

"Kamukha ko ba talaga siya?" Kinilig uli Ito sa naitanong.

"Sorry, 'di ko siya kilala," at tila wala siyang pakialam na sumubo ng stake.

Nawala ang gana sa pagkain at tumuwidl ng pagkakaupo ang dalaga. "Di mo alam 'yung My Girlfriend Is A Gumiho?"

"A-aaa!... Korean teleserye pala."

"O, alam mo pala!"

"It's just a wild guess. Hindi ko siya kilala. Hindi ako nanonood niyan." Sumubo ito ng natitirang steak sa plato niya. "Aling channel ba iyan ngayon?"

"Haynaku! Matagal na iyan, bata pa ako. Di bale na lang." Inilapag nito sa plato ang tinidor.

"Ubusin mo iyan. Iisang subo na lang, ititira mo pa? The waiter won't be amused."

"I'm done."

"You're not." Inginuso niya ang plato nito. "Let's watch it together na lang. Ipakilala mo sa 'kin si Gumiho."

Iyon lang at kay bills na isinubo ni Angelie ang pagkain. Nakangiti pa itong nagsalita habang ngumunguya. "Let's go."

"Tsss! Umayos ka, parang bata 'to." Tila wala kasing pakialam ang dalaga na magmukhang childish kahit na dalagang-dalaga itong  tingnan sa suot nitong tight blue tube na bumagay sa kaniyang trendy and flowing floral skirt.

Lumapit ang waiter at dinagdaga ang papaubos nang wine ni Angelie kapagkuwa'y bumalik sa puwesto nito.

"Dahan-dahan. Second glass mo na iyan."

Nakangiting tinitigan ng babae ang wine glass kapagkuwa'y inamoy ang alak.

 Na-excite naman ang lalaki nang makita ang red-haired woman wearing a sexy tight black gown. "Si Julia Shares na pala ang tutugtog."

Pumailanlang ang sax music na version ng babae ng 'Endless Love'. Napapangiti si Andrei habang nakikinig sa musika. Sinundan pa Ito ng 'I Will Always Love You'. 

HIRAP man sa paghakbang dahil nabibigatan sa babaing nakasampa sa kaniyang likuran, sinikap niyang makaakyat ng maayos sa hagdanan.

"Tsss! Ngayon pa talaga nasira ang elevator ninyo!"

He couldn't clearly hear her words. "Stop murmuring, lasenggang Gumiho!"

"I'm not--"

'Nakatulog. Tsss!'

PUNO na ng pawis ang mukha ni Andrei nang makarating sila sa harap ng condominium unit ng dalaga. Dahil nahirapan sa pagkuha sa card, ibinaba niya Ito at binuksan ang dainty blue sling bag nito. Nakakabit sa card ang isang lumang pink keyholder.

Inayos niya ang pagkakahiga ng babae sa kama nito. Tahimik niyang nilisan ang kuwarto. Lalabas na sana siya ng unit nang mapansin ang dalawang picture frame na nakalapag sa mesita. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng unit. Humanga siya sa bagong anyo nito.

'Rrriiiiiinnngggg!'

Kunot-noong inabot ni Angelie ang alarm clock. Alas singko ng umaga. Napabalikwas siya nang mapansing hindi siya nakapantulog.

"Are you decent?"

"Y-yeah!"

Pumasok si Andrei dala ang warm face towel. "Maghilamos ka muna nito at uminom ng tubig before you take a shower. Bilisan mong magbihis para makahigop ka ng chicken soup. Sunod ka agad sa kitchen. Bilisan mo, mali-late tayo, drunken fox-tailed turtle queen!"

Pinili niyang sundin ang lalaki sa kabila ng maraming tanong ang nagsalimbayan sa kaniyang isipan.

Nakabihis na siya ng school uniform nang mapansin niya ang nakapatong na picture frames sa bedside table. Hinaplos niya ang picture frame ng larawan ng kaniyang parents, sunod ang frame ng larawan nila ni Andrei. Napangiti siya.

"Double time!"

"Yeah, coming!"

Humanga siya sa masarap na timpla ng sabaw.

"Ubusin mo iyang malunggay para wala ka talagang hang-over."

"Sorry."

Ipinakita niyang sarap na sarap siya sa niluto nito para makaiwas sa sermon ng kaibigan.

"Dinaig mo kasi ang drunken master."

"Di ko kasi alam na ganoon ang effect no'n, masarap kasi."

Tumango-tango na lang si Andrei. Nawili kasi siya sa panonood sa saxophone player kaya hindi niya namalayang halos tinubig ni Angelie ang alak.

INAANTOK sa loob ng klase si Angelie. Lalong nag-worry para sa kaniya si Andrei. Nagdududa na tuloy siya kung tama ba ang ginawa niyang pag-iwas sa babae nang araw na iyon at kinailangan niyang bumawi na humantong sa pagkalasing ng kaibigan. Ginusto lang naman niyang magkaroon ito ng chance to welcome other people and have other friends. Gusto niyang hindi lang siya ang taong makapasok sa buhay ni Angelie bukod sa pamilya nito.

…..

HINDI sila exempted ngayon sa P. E. Class dahil walang ensayo ng cheerleading. Wala ring ensayo ng ballgames sina Andrei.

Katabi ni Angelie sina Nannette at Melrose habang nakaupo sa isang bench sa loob ng classroom. Katabi naman Andrei si Mon at ang ilang kaklaseng lalaki. Pagdating nina Norma ay nagmamadali silang nagsiupuan.

"Papasok na si Ma'am!"

Agad silang umayos ng pagkakaupo dahil sa sinabi ni Norma. Pumasok nga si Miss Flores.

"Good afternoon, class! I have an announcement!"

"Makinig tayo kay Ma'am!" Sanay na ang buong klase sa parating pagpapalakas ni Mon sa dalagang teacher nila. Lagi itong nakangiti ng matamis sa guro.

"Alright, may swimming competition ang school natin. Isasagawa ang event in about two weeks from now. II need volunteers."

Walang estudyanteng nagtaas ng kamay.

May babaing sumilip sa may pinto at kumaway, kinawayan din ito ni Norma.

"Miss Agustin, thank you for volunteering! You will lead the girls' team."

Napakamot sa noo si Norma at gustong umapela sa teacher. Nagtawanan sa loob.

"Mukhang masaya kang maging team leader ng boys' team, Mr. Manuel!" Biglang nawala ang maluwang na pagkakangiti ni Mon nang tinawag siya ng teacher.

"Isama mo sa team mo sina Jebon Tubigon at Alvin Panganiban."

"Ma'am, sa team ko po si Buenafalco!" Agad itong isinuhestiyon ni Norma nang mapansing masayang nagbubulungan sina Angelie at Nannette.

"Sige, kasama kayo sa girls' team, Miss Buenafalco at Miss Quezon. So, buo na ang team ninyo."

Gusto sanang umapela ni Norma. Malungkot na tiningnan niya ang mga kaibigan. 

"B-bakit pati ako?" Natatakot na bulong ni Nannette kay Angelie.

"Kinakabahan ako, baka 'di tayo manalo." 

Waring narinig naman ng guro ang ibinulong ni Angelie sa katabi. "Don't worry, guys. It would be a friendly competition. Birthday iyan ni Dean Makasiar, at bilang siya ang kauna-unahang swimming champion ng school na Ito noong estudyante pa siya, at bilang huling taon na ngayon ng pagtuturo niya, iyang competition ang tribute natin sa kaniya."

TUWING uwian ang napiling oras ng swimming practice nina Angelie. Kasama nila ang boy's team at si Miss Flores sa ensayo nila. Paminsan-minsan ay pasikretong inililibot ni Angelie ang paningin sa pool area, ngunit tumatamlay lang ang mga mata kapagdaka.

PINANONOOD ni Marcia ang anak habang may kausap siya sa phone. Mag-iisang oras nang mag-isang nagba-basketball sa likod-bahay nila ang anak. Nais niya itong awatin dahil gabi na at naliligo na ito sa pawis.

Pakamut-kamot naman ng ulo si Errol. Hindi niya kasi magawang magsalita para sumali. Sa tingin niya ay hindi siya mapapakinggan ng lalaki. Tila masyadong engrossed ang binata sa paulit-ulit na pagdi-dribble at pagsu-shoot ng bola.

'Tog!' Naramdaman niya ang pagbagsak ng lalagyan ng pulbo sa paa. Nangalay kasi ang balikat hanggang kamay niya sa ginawang rigid training kanina kaya niya Ito nabitiwan. Pabagsak na inihiga niya ang katawan.

Matindi ang ginawa niyang pagtatago kanina. Nakita niya kung paanong nagpalinga-linga si Angelie. Alam niyang hinahanap siya nito. Bagama't nakita niya ang pagsusungit ni Norma sa kaibigan ay nais pa rin niyang magpasalamat sa babae dahil nagkaroon ang kaibigan ng chance to display her swimming skills. Naalala niyang muntik na itong mag back out sa audition ng cheerleading kung hindi niya ito sinamahan.

SAMANTALA, hindi mapagkatulog si Angelie. Masama ang loob dahil hindi siya hinintay ni Andrei kanina. Napabuntunghininga siya nang maalala ang tinuran kanina ni Nannette habang magkasabay sila sa bus.

"Hindi ka naman talaga matitiis no'n na mag-isang nahihirapan."

Kahit abala sila noon sa paggawa ay hindi maiwan ni Nannette ang cellphone. Bagama't naka-silent ito ay nahalata niyang may ka-text o ka-chat ang babae.

."Dapat diretso ang flow papuntang kitchen!" Balik naman agad Ito sa pagbasa sa gadget niya.

Nang hindi sila makapag-decide kung ano'ng ipipintura sa bins ng mga abubot, tumipa uli Ito sa keypad at 'di nagtagal ay nagdesisyon itong i-color coding gamit ang combination ng mga available na pintura. 

"The pink and white combination should remain," it was Nannette who insisted. Gumawa na lang sila ng stylish basket para sa labahin at dinagdagan ang decoration ng bedroom kaya mas naging feminine ang dating nito.

Naunawaan na niya na physically absent lang si Andrei ng araw na iyon pero ang isipan ng lalaki ay nakatuon pa rin sa ginawa nila.

Related chapters

  • You, Me, and the Sea   10 "I love You!"

    I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,

    Last Updated : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   11 Meet The Parents

    MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya. Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila. "Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples." "Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie. "Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors." "Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei. Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwar

    Last Updated : 2021-07-05
  • You, Me, and the Sea   12 The Dinner

    CHAPTER 1 2 "Are you okay?" Naninibago man siya sa ipinapakitang kabaitan ni Norma, ipinagpapasalamat naman niya ito. "Kanina ka pa matamlay." "Oo nga, girl." Tila magkatulad ng tunog ng kay Norma ang tono ni Nannette, pero kay Nannette, sigurado siyang genuine ang sympathetic tone nito. "I'm alright. Medyo napuyat lang ako." "Bakit?" "Tigilan mo nga muna iyang kapanonood mo ng anime. Kailangan nating mag-focus, girl." "Bibigyan na lang kita ng link ng gusto mong anime para you can watch it any time. Di mo na kailangang pagpuyatan." Kinuha ni Norma ang gadget para papiliin si Angelie. "Girl, para iyan 'di ka mapuyat, ha. Di mo iyan dapat tapusin in one sitting." "Oo na po, tita!" "Huh!? I'm two months younger than you, miss!" Natatawang iniwan sila ni Norma at lumapit kina Mon. "Oy, don't be late mamaya ha. Call us para halos sabay ang arrival natin do'n." "Oo nga. Magtawagan tayo para sabay tayo," ani Jebon. "Iyon na nga ang sinabi, 'di ba," inilapit pa ni Marc ang muk

    Last Updated : 2021-07-06
  • You, Me, and the Sea   13 Diverting Tactics

    Abala sa paghahanap ng kakantahin ang mga babae sa song catalog ng videoke nina Andrei. Masaya namang kumakanta at sumasayaw sina Marc, Jebon, at Alvin. Nakasarado ang music room na may katamtamang laki kaya tiwala sila na hindi maririnig sa buong kabahayan ang boses nila. Nang matapos ang tatlong lalaki ay kaagad na bumirit ng madamdaming kanta si Nannette. Nakatayo naman sa magkabilang tabi niya sina Norma at Angelie, sumasabay sa pagkanta niya habang pumapalakpak na may ritmo. Natutuwang inasar sila ni Mon. "Bigyan n'yo nga ng mic iyang dalawa at birit na birit na! Baka agawan na nila ng mic si Nannette." Tumawa siya nang panlisikan siya ng mga mata ng dalawa. "Kung maka-emote kasi kayo, akala mo naman inlab na inlab!" Sabay naman siyang binelatan nina Angelie at Norma. At dahil hindi sila tinatantanan ng pang-aasar ni Mon ay nagkasundo ang dalawa na huwag nang pansinin ang mga banat sa kanila ni Mon. "Tingnan mo 'yang dalawa," ani Mon kay Andrei, "siguro kung una silang nagkaki

    Last Updated : 2021-07-09
  • You, Me, and the Sea   14 In Good Hands

    EXCITED si Angelie habang naghihintay kay Andrei. May usapan kasi silang dalawa na magkikita sila ngayon. Susunduin siya ng kaibigan para mag-jogging. Twenty minutes before five siya susunduin pero alas kuwatro pa lang ng umaga ay nakabihis na siya. Nang malapit na ang oras ay bumaba na siya at nag-abang sa lobby. Nang makita ni Angelie ang papalapit na taxi ay agad siyang lumabas ng building. "Good morning!" Masaya niyang kinawayan ang binata. "Good morning!" Pinagbuksan niya si Angelie para makaupo sa backseat ng taxi, sa tabi niya.. Agad namang sumakay ng taxi si Angelie. "Mabuti, walang ulan ngayon. Tama ang weather prediction mo." Kinikilig pa ang dalaga habang nakikipag-usap sa kaibigan. Bahagya namang natawa si Andrei. "Internet iyong tinanong ko." Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang kasiglahan ng babae. "Alive na alive yata ang nocturnal naming dalaga ngayon." Bumungisngis naman siya agad. "I'd like to shed some fats." "Oh!" Hindi muna niya tinanggal ang ka

    Last Updated : 2021-07-12
  • You, Me, and the Sea   15 Where You Belong

    HINDI mapakali si Angelie habang tinitingnan ang oras sa ka iyang cellphone. Kanina pa siya naghihintay sa may corridor. Malapit na ang oras ng ensayo nila para sa nalalapit na cheering competition, pero wala pa rin si Andrei. Kahit na friendly competition lang ang isasagawa ay gusto pa rin nilang mag all-out sa kanilang performance. Ito ang dahilan ng pagbabago nila ng cheering uniform. Bagay kasi ito sa bago nilang cheering moves. Hindi pa nakikita ni Andrei ang bago nilang uniform kaya't gusto niyang sorpresahin ang kaibigan. Pero malapit na siyang ma-late sa cheering practice nila. 'Andrei?' Nakikita na niya ang noo at buhok ni Andrei. Natatakpan ng ilang estudyanteng naglalakad ang mukha ng lalaki, pero natitiyak niyang si Andrei ito. Dahil kailangan na niya itong makausap, halos patakbo niya itong sinalubong. "Besh,..." tawag niya kay Andrei nang malapit na siya rito. "O? Besh,..." nakangiti siyang binistahan ang suot na cheering uniform ni Angelie. "Iba yata ang uniform n'y

    Last Updated : 2021-07-15
  • You, Me, and the Sea   16 In Denial

    HINDI niya kayang mawala sa kaniya si Angelie. Alam din niya na mahihirapan si Angelie kapag mawala siya sa buhay ng dalaga. Isipin pa lang niya na magkakahiwalay silang dalawa ng landas ay ramdam na niya agad ang kalungkutan, at ang pagkaawa kay Angelie. "This is just a test to our friendship. Self, don't give in," mahina niyang sambitla habang nakatingin siya sa sarili sa harap ng salamin. Kinurot-kurot pa niya ang sariling mga pisngi at kapagkuwa'y tinampal-tampal ito ng mahina. "Don't imagine weird things," ang bilin niya sa sarili bago siya umalis ng bahay. Habang nakasakay siya ng bus papuntang school ay mukha ni Angelie ang nakikita niya sa kaniyang isipan. Napabuntunghininga na lang siya. Mukhang hindi siya pinakinggan ng kaniyang 'self'. Kung sino ang pinipilit niyang huwag isipin kanina ay siya namang nag-aabang sa kaniya sa paaralan. Masaya siyang sinalubong ni Angelie sa may lobby. "Andrei!" Nang magtagpo sila ay agad nanulis ang nguso ng babae na tila nagtatampo. "Wha

    Last Updated : 2022-09-02
  • You, Me, and the Sea   17 Elusion

    HINDI pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang dampian ng halik sa labi si Angelie, kaya madaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya maipaliwanag ang naramdamang sensasyon sa isang segundong halik na iyon. Ang mahirap, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang sandaling iyon. Umaga na. Heto siya ngayon, hindi alam kung paano iiwasan si Angelie sa school. Nakita niya ang dalaga na naglalakad sa lobby patungo sa direksyon niya. Bigla siyang lumiko para makaiwas sa dalaga. Mabilis siyang naglakad at nagpaliko-liko. Pagdating niya sa classroom nila ay nagtaka siya dahil walang tao. Gusto niyang tawagan si Angelie para magtanong, sa halip ay si Mon ang tinawagan niya. "Bro, nasaan ka?" ang bungad na tanong ni Mon sa kaniya nang sinagot nito ang tawag niya. "Nandito ako sa classroom natin. Bakit walang tao rito?" "Bakit ka nandyan? Nandito na kami sa school ground. Ikaw na lang ang wala rito!" "Ba't kayo nandyan? Ano'ng meron?" Wala siyang

    Last Updated : 2022-09-07

Latest chapter

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

  • You, Me, and the Sea   26 We Find Ways

    Pagkatapos ng pang-umagang klase ay excited na iniligpit ni Norma sa bag ang mga gamit niya. Napangiti siya nang makita ang baunan na nakalagay sa isa pa niyang bag. Balak niya kasing yayaing mag- lunch si Andrei. May mga naglabasan na sa classroom nila. Hinanap niya si Andrei. Nang 'di niya ito makita ay tumingin siya sa labas ng silid. Wala rin doon ang binata. Sa loob ng canteen ay nagpalinga-linga si Norma. Wala si Andrei sa grupo nina Mon na abalang kumakain. Wala rin si Angelie sa grupo nina Nannette. Nang 'di niya makita ang dalawa sa mga pumipila para bumili ay kinabahan na siya. Nagduda na siya. Humugot siya ng malakas na paghinga bago nagdesisyong hanapin ang dalawa. Sa may corridor ay napatingin siya sa hagdanan. Paano kung nandoon ang dalawa? Dapat ba niyang sundan ang dalawa kung gusto nila ng privacy? Sa mga nagdaang araw ay naging close na silang dalawa ni Andrei. Nagpakipot lang siya sandali dahil ayaw niyang masabihang easy-to-get na uri ng babae. Alam naman ng bi

  • You, Me, and the Sea   25 A New Beginning

    KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre

  • You, Me, and the Sea   24 You, Me, and the Sea

    "Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?

DMCA.com Protection Status