Beranda / Semua / You, Me, and the Sea / 4 100 Percent Support

Share

4 100 Percent Support

Penulis: Julia
last update Terakhir Diperbarui: 2021-05-17 09:34:07

100 Percent Support

ALAS siyete pa lang ng umaga ay nasa lobby na siya ng building. Susunduin ni Andrei ang kaibigan. Sasakay sana siya ng elevator pero marami-rami na ang mga nag-aabang kaya naghagdan na lang siya. Nasa third floor ang unit ni Angelie. 

Medyo hiningal ng kaunti ang binata nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali. Agad niyang pinindot ang door bell ng unit ng kaibigan. 

“Teka, sandali,” ang sabi ni Angelie habang pinagbubuksan siya nito. Sinipat pa kasi nito sa salamin ang kabuuang itsura. Typical teenager na pinaghalong sweet and alluring si Angelie. Hindi pilit ang fashion sense at hindi rin pilit ang pagiging malambing nito. 

Sandaling pinagmasdan ni Andrei ang kabuuan ng unit. Wala itong masyadong gamit. Simpleng ayos lang at color matching ang nagdala sa interior decoration. Nasa isang sulok pa rin ang malaking picture frame na puno ng pictures nilang dalawa ng kaibigan. Sa mas maliit na picture frame naroon ang larawan ni Angelie kasama ang parents niya. 

“Let’s go!” ani Angelie. 

Pumila sila sa MRT. Habang nakapila ay pinagmasdan ni Andrei ang kaibigan na alerto sa pagtatakip sa kaniyang private body parts gamit ang backpack at jacket. Ayaw na ayaw ng babae na mahipuan kahit na hindi sinasadyang pagkabangga. Ito ang dahilan kung kaya't ayos lang sa kaniyang sunduin ito kahit nanggaling pa siya sa Cubao at ang dalaga ay nakatira sa Fairview samantalang sa Quezon City Memorial Circle ang tungo nila. 

“Sana makaabot pa tayo,” ani Angelie habang nakatayo sila sakay ng MRT. 

“Of course! Alas otso pa lang, alas diyes ‘yung event,” natatawa niyang sabi. 

Tumahimik sandali ang kaibigan kapagkuwa'y nangulit na naman. 8 

“Di pa ba tayo late?” bakas sa mukha nito ang pag-aalala. 

Hindi niya sinagot ang tanong na iyon, palatandaan iyon na nakukulitan na siya. 

“Makulit ba ako?” tanong nito na may paglalambing. 

Half- smiling, tumango si Andrei, dahilan ng pagtulis ng nguso ni Angelie pero agad itong kumambyo, nagpa-cute ito sa kaibigan, iyung OA na pagpapa-cute na lagi niyang ginagawa para hindi ma- bad mood sa kaniya si Andrei. 

Sa harap ng venue ay tatawid sana sa kalsada si Angelie, inawat ito ni Andrei. 

“Teka, hoy!” 

“Tara na!” at nagtangka na naman itong tumawid. 

“Huwag dito! Ikaw, ‘pag nahuli tayo ng pulis, ‘di mo makikita ang paborito mong writer na si Sybil Lee!” 

Nakaramdam ng pagkabahala si Angelie sa tinuran ng kaibigan. Sumunod na lang siya dito. 

“May underpass pala dito,” ani Angelie na natatawa sa sarili. 

“Ewan ko ba sa ‘yo. Sugod ka nang sugod. 

Dahil maaga silang dumating sa venue, hindi pa puno ng tao ang lugar. Nagpalinga-linga ang dalawa. 

"Hey, come here," aniya sa kaibigan nang nakahanap siya ng magandang spot para sa kanila.

Lumapit naman ang dalaga pero nanatiling nakatuon ang atensiyon ni Angelie sa tatlong babaing nasa di kalayuan sa kanila. Hindi siya nakatiis at nilapitan niya ang tatlong babaing nagkukuwentuhan. 

"Hi!" nagpakilala si Angelie sa mga babae. Naging magiliw naman ang mga ito sa kaniya. May lumapit sa kanilang dalawang babae at nadagdagan pa. 

Hindi lumapit sa umpukan nila si Andrei kahit na sinisenyasan siya ng kaibigan. 

Naka-chat na dati ni Angelie iyong tatlong babaing nilapitan niya. Pare-pareho silang nagbabakasakaling makita nila ng maaga ang mga paborito nilang manunulat. 

Umupo si Angelie sa tabi ni Andrei nang magsalita na ang emcee. Excited na inilabas niya sa bag ang cellphone at inihanda ang camera nito. 

"Ila-live mo ba iyan sa social media?" 

Kinikilig na tumango ang dalaga sa kaibigan. Pinaghandaan niya talaga ang meet and greet event ng mga hinahangaan niyang manunulat. 

Nagsilabasan na mula sa backstage ang mga naroong nobelista. Isa-isa silang ipinakilala ng emcee. 

Palakpakan at hiyawan naman ang isinalubong sa kanila ng avid readers. 

"Nasaan si Sybil Lee?" ang mahinang sambit ni Angelie. 

"Relax. Magpapakita rin siya," pang-aalo ni Andrei sa kaibigan na alumpihit na sa pagkakaupo at palinga-linga. 

Nagsimula na ang question and answer portion. May mga avid readers na interesado sa personal na buhay ng mga nobelista. Game namang sinagot ng mga writers ang mga itinanong sa kanila. Siyang-siya ang mga nandoon. 

"Gusto ko sila," aniya kay Andrei. "Simple people lang sila pero nakakapagpasaya sila." 

"That being said," ipinasilip ni Andrei sa kaibigan ang hawak niyang dalawang pocketbook na ang author ay si Sybil Lee. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa sorpresa sa kaniya ng kaibigan. Pirmado kasi ang dalawang libro ni Sybil Lee. Nakapangalan ang isa kay Andrei at ang isa sa kanila. 

"Paano'ng...?" hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita pero tuwang-tuwa ang puso niya. Napayapos siya sa kaibigan. Tiyempong napadako sa kanila ang camera. 

"Uuyyy! Hindi ko pa mandin naia-announce ang pakulo ngayong araw ay mukhang may winner couple na tayo!" ang announcement ng emcee. 

Itinambad sa monitor sina Andrei at Angelie. Gulat man at nagtataka ay alanganing sumunod sa emcee ang magkaibigan nang tinawag sila nito. 

"Lapit kayo rito," ang anyaya sa kanila ng emcee. "Maaga pa'y may winner na agad tayo." 

Habang lumalapit sa emcee ay bumubulong sa kaibigan si Angelie. "Sino'ng nagbigay?" 

"Sshhh! 'Wag kang maingay," bulong ni Andrei. "Sasabihin ko sa 'yo ang secret mamaya." Sinigurado niyang nakatago sa bagpack ni Angelie ang dalawang libro. 

"A-a...," naniniguradong tingin ang ipinukol ng babae sa katabi, "sigurado ka, ha!" 

"Oo. Relax lang kasi." Binati nila ang emcee at ang mga writers sa harapan. 

"Ano'ng pangalan ninyo?" ang tanong habang binibigyan ang dalawa ng tig-isang pocketbook. 

"Angelie," ang sabi ng dalaga habang tuwang-tuwang binistahan ang ibinigay sa kaniyang bag na puno ng pocketbook collection. 

"Andrei." Maiksi lang ang naging pagpapakilala nila. Pareho silang nahihiya at excited. 

Binistahan din ni Angelie ang hawak na pocketbook collection ng kaibigan. 

"Andrei at Angelie, double A pala ito. Sila ang ating lucky couple!" ang pahayag ng emcee at pinangunahan nito ang pagpalakpak sa kanila. 

Nagpasalamat sila sa mga writers. Ngumiti naman ang mga ito sa kanila. Bukod sa libreng kopya ng pocketbook na pirmado ng writers ay una silang nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture kasama ng mga manunulat. 

Nagsilapitan na ang audience sa mga paborito nilang writers para magpa-autograph. Kani-kaniya nang kuha ng litrato. 

....... 

"O, ano, sabihin mo na," untag ng babae. Sinundan niya ang kaibigan. 

Humarap siya sa babae. "Secret." Nagpatuloy uli siya sa paglalakad. 

"Ano?" Kumunot na ang noo ng babae. 

"Secret nga," nakangiting sabi ng lalaki. Lumuwang ang pagkakangiti nito nang pinandidilatan na siya ng mga mata ng kaibigan. 

"Andres!" Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. 

"Andres, hindi ba ako icecream," ang sabi ng lalaki nang malingunan nito ang icecream, "o kaya fishball? Maruya, gusto mo?" 

Hindi umimik ang babae.

"Come on, bibihira lang ang copy na iyan," paalala niya sa kaibigan. "Sabi mo nga, pirmado at may pangalan natin." 

MATAPOS nilang dumalo sa event ay naglakad-lakad sa loob ng park ang dalawa. 

"Sayang, wala si Sybil Lee. Bakit kaya?" ang sabi ni Angelie. 

"Oo nga. Hayaan mo na, me libro naman tayo." 

"Paano mo nga ba nakuha ang pocketbook? Kanino galing? Bakit may pirma niya? May pangalan ko pa, may pangalan mo rin, paano?" sunud-sunod na tanong ng babae. Kinulit na niya ang kaibigan. "Ano? Sabi mo sasabihin mo ang secret." 

Ipinagpatuloy ni Andrei ang paglalakad. 

Nanatiling hindi umiimik ang babae pero obvious na hindi na ito naiinis. 

"Burger lang, okey na ako," ang sabi nito sa dalaga nang mahagip ng paningin ang isang restaurant. 

SA loob ng restaurant ay nangungulit pa rin ang babae kahit kumakain na sila. 

"Kahit sa akin, secret?" sabi nito na may himig ng pagtatampo. 

"Huwag ka na kasing magtampo. Let's just be thankful, okay?" pinisil pa nito ang ilong ng dalaga. "Kain na. You should be happy." 

"I am." At binanatan na ni Angelie ang pagkain. Magana siyang kumain. Sumuko na siya sa pangungulit. Iyon ang time na naramdaman niyang gutom na pala siya. 

AYAW pang umuwi ni Angelie kaya nag- rent sila ng tig-isang bisekleta. Habang nagba-bike ay nagpatuloy sila sa chikahan. 

"Besh, 'wag mong kalimutan 'yung date natin kay papa Chris." 

Medyo naasiwa si Andrei sa naging reaksiyon ng mga bikers na nakarinig. Waring sinusuri ng mga ito ang itsura ng lalaki. Ang iba ay nagpalipat-lipat ang tingin sa magkaibigan. 

"Besh!" 

"Oo, me date tayo kay papa Chris, kay mama Scarlet, kay papa Mark,..." gusto niyang sabihin lahat ng pangalan ng mga kasama ng actor para makabawi sa na-feel niyang awkwardness. Tila nabunutan siya ng tinik ng may nagpa-cute sa kaniyang magandang biker. Nginitian din niya ito ng buong tamis. 

Naunawaan naman ni Angelie ang naramdaman ng kaibigan. "Hindi ka rin naman pahuhuli kay papa Chris. May abs siya, may abs ka rin. Six-pack ba 'yung sa kaniya? May two-pack ka naman-" 

"O, tama na. Baka madapa pa ako lalo diyan sa comparison mo." Binangga nito ng bahagya ang bike ng kaibigan at tumatawang pinasibad ang bike niya. 

"The loser will pay the consequences!" 

"Madaya!" gustong magmaktol ng babae. "A, ganu'n ha!" Hinabol niya ang kaibigan. 

Masayang naghabulan ang dalawa hanggang sa ginaya nila ang ilang bikers na mabagal lang ang pagpapatakbo at nagkukuwentuhan habang tinatalunton ang isang daan. Huli na nang mapagtanto nilang napunta sila sa lovers' lane. May iilang pares na ang naroon na nagyayakapan at naghahalikan. Gustong umatras ng magkaibigan pero may mga nakaharang na bikers sa kanilang likuran. Nagpatuloy na lang sila sa pagba-bike, tinalunton ang dulo ng daan palayo sa mga naghahalikang pares. 

Tila may naririnig na musika si Andrei habang papalayo sila doon. Nag-iba ang musika sa kaniyang isipan nang makita ang children's playground. Doon sila nagkulitan ng kaibigan. Nakihalubilo sila sa mga batang naroon. 

Ngingiti-ngiti si Andrei habang pinanonood ang kaibigan na nag-i- enjoy sa bahaging iyon ng park. Bumalik sa alaala niya ang huling pagkikita nila ng kaibigan sa isang parke. 

UMUULAN ng hapong iyon nang mapadaan si Andrei sa dakong iyon ng parke. Nakita niyang may isang babaing nakaupo sa isang bench. Nakasandal ito sa isang puno. Dala niya ang motorsiklo ng ama niya noon. Nawala na sa paningin niya ang babaing ni hindi niya nasilayan ang mukha nang nakapagdesisyon siyang mag- U turn. 

Nag-aalangan man sa paglapit sa babae ay pinanindigan na ni Andrei ang naisipang gawin. 

"Miss,..." 

Tumingin lang sa kaniya ang babae. Bahagyang natatakpan ng buhok ang mukha nito. Bakas sa mukha ang ginawa nitong matinding pag-iyak. 

Dahil sa katahimikan ng babae, lumapit si Andrei dito at sinigurado kung nakikita siya nito. 

"I can see you. Hindi ako bulag." 

"O-okey." Nag-alangan si Andrei sa susunod na gagawin. "Umuulan." 

"Alam ko. Di ako manhid." Mahina pero madiin ang mga katagang binibitawan ng babae. 

"Then let's go. Baka magkasakit pa tayo." 

"You go. I didn't invite you here," at hindi na tumingin kay Andrei ang babae, kaya hindi nito namalayan ang muling paghakbang ni Andrei papalapit at bigla siyang binuhat nito. 

"Hey, wait!" Hindi na nagpumiglas ang babae nang nakita nito ang seryosong mukha ng lalaki. 

Nang makakita ng masilungan ay iniupo niya ang babae. Doon nagsimulang kumawala na parang bulkan ang sama ng loob nito. Hinagod ni Andrei ang likod ng babae habang dumadanguyngoy ito. 

"Salamat." Ininom ng babae ang kapeng binili ni Andrei matapos ang pagbuhos ng ulan at paghupa ng naghuhumiyaw na damdamin ng dalaga. 

"You're welcome." 

Tinantiya ni Andrei kung ano ang maaari niyang sabihin sa babae. So far ay nalaman niyang kaya ito umiiyak ay dahil nalaman nitong namatay na ang ina nito sa abroad. At dahil hindi makita o ma-retrieve ang bangkay nito ay wala silang ililibing na bangkay. Parehong nagtatrabaho sa abroad ang mga magulang nito. At dahil solo na lang ang ama niya ay minabuti nitong huwag na munang umuwi at pinalipat nito ang anak sa isang condominium unit. Naisiwalat iyon ng babae habang umiiyak kanina. 

"Andrei," minabuti niyang i-introduce ang sarili. Inilahad niya ang kamay. 

"Angelie." In-ignore ng babae ang nakalahad na kamay ng lalaki. 

"Come on, we're friends already," at ginagap nito ang mga kamay ng dalaga. Ipinakita niya ang sincere niyang pagdamay dito. 

"Relax ka lang, nandito lang ako." 

"Like a brother?" paniniyak ni Angelie. 

"Like a friend," pagtutuwid ng lalaki. 

Hindi man niya tinanggap na maging parang kuya siya nito pero pakiramdam niya ay ipinasa na sa kaniya ng kaibigan ang maraming role sa buhay nito. Hindi naman niya pinagsawaan ang naging role niya sa babae sa loob ng tatlong taon.

Bab terkait

  • You, Me, and the Sea   5 Public Display of Affection

    "Nagtataka talaga ako," wika niya habang nakatitig sa mukha ng binata. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Ito ang paborito nilang hangout. "Nagtataka ka ba na guwapo ako? Hanggang ngayon ba naman, you still can't accept the fact that I'm handsome?" Kinurot niya ang ilong ni Andrei at saka inismiran. Ayaw naman niyang sabihing mayabang ang kaibigan. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina mo pa ako tinititigan, ah." Nilingon pa niya ang dingding ja yari sa salamin sa gilid para tingnan kung may diperwnsiya sa mukha niya. "Ano kasi," she sighed, "naisip ko lang, how time flies!" She smiled at him sweetly. Hindi umimik si Andrei, hinintay ang mga susunod pang mamumutawi mula sa bibig ng kaibigan, ngunit nagpatuloy na lang sa pagsubo ng spaghetti ang dalaga. Naiiling na sumubo na rin siya. "Parang kelan lang, 'no, naka tatlong taon na pala tayo." "Gano'n ba?" he caught her eyes, wanting to see her reaction, "happy anniversary!" Priceless para sa kaniya ang makitang un

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-17
  • You, Me, and the Sea   6 Overprotective

    Overprotective HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers. Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya. "Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi. It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade. Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-19
  • You, Me, and the Sea   7 Shortcake and Hotdog

    CHAPTER 7 MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso. "Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko. Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. "Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor. She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan. Matapos na ligpitin a

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-19
  • You, Me, and the Sea   8 A Day Without Him

    A Day Without Him NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Kunot ang noo, ipinikit niyang muli ang mga mata. Inaantok pa siya. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni Andrei. "Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short. 'Toooot!' "Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita. "Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya. "Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta." "H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools. "H- hi! Ang dami naman niyan." Niyakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng hiya na makita siya ni Alvin na nakaroba at kagigising lang. Pero inabot din ng isa niyang kamay ang dalang box ng lalaki. "Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie. "Maybe you

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   9 The Drunken Fox

    The Drunken Fox "Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes. "Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo." "Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa. "Sino? Schoolmate ba natin iyan?" "You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails. Sandaling nagpalinga-linga ang

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   10 "I love You!"

    I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,

    Terakhir Diperbarui : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   11 Meet The Parents

    MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya. Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila. "Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples." "Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie. "Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors." "Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei. Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwar

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-05
  • You, Me, and the Sea   12 The Dinner

    CHAPTER 1 2 "Are you okay?" Naninibago man siya sa ipinapakitang kabaitan ni Norma, ipinagpapasalamat naman niya ito. "Kanina ka pa matamlay." "Oo nga, girl." Tila magkatulad ng tunog ng kay Norma ang tono ni Nannette, pero kay Nannette, sigurado siyang genuine ang sympathetic tone nito. "I'm alright. Medyo napuyat lang ako." "Bakit?" "Tigilan mo nga muna iyang kapanonood mo ng anime. Kailangan nating mag-focus, girl." "Bibigyan na lang kita ng link ng gusto mong anime para you can watch it any time. Di mo na kailangang pagpuyatan." Kinuha ni Norma ang gadget para papiliin si Angelie. "Girl, para iyan 'di ka mapuyat, ha. Di mo iyan dapat tapusin in one sitting." "Oo na po, tita!" "Huh!? I'm two months younger than you, miss!" Natatawang iniwan sila ni Norma at lumapit kina Mon. "Oy, don't be late mamaya ha. Call us para halos sabay ang arrival natin do'n." "Oo nga. Magtawagan tayo para sabay tayo," ani Jebon. "Iyon na nga ang sinabi, 'di ba," inilapit pa ni Marc ang muk

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-06

Bab terbaru

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

  • You, Me, and the Sea   26 We Find Ways

    Pagkatapos ng pang-umagang klase ay excited na iniligpit ni Norma sa bag ang mga gamit niya. Napangiti siya nang makita ang baunan na nakalagay sa isa pa niyang bag. Balak niya kasing yayaing mag- lunch si Andrei. May mga naglabasan na sa classroom nila. Hinanap niya si Andrei. Nang 'di niya ito makita ay tumingin siya sa labas ng silid. Wala rin doon ang binata. Sa loob ng canteen ay nagpalinga-linga si Norma. Wala si Andrei sa grupo nina Mon na abalang kumakain. Wala rin si Angelie sa grupo nina Nannette. Nang 'di niya makita ang dalawa sa mga pumipila para bumili ay kinabahan na siya. Nagduda na siya. Humugot siya ng malakas na paghinga bago nagdesisyong hanapin ang dalawa. Sa may corridor ay napatingin siya sa hagdanan. Paano kung nandoon ang dalawa? Dapat ba niyang sundan ang dalawa kung gusto nila ng privacy? Sa mga nagdaang araw ay naging close na silang dalawa ni Andrei. Nagpakipot lang siya sandali dahil ayaw niyang masabihang easy-to-get na uri ng babae. Alam naman ng bi

  • You, Me, and the Sea   25 A New Beginning

    KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre

  • You, Me, and the Sea   24 You, Me, and the Sea

    "Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status