Home / YA/TEEN / You, Me, and the Sea / 3 Best Friends Forever!

Share

3 Best Friends Forever!

Author: Julia
last update Last Updated: 2021-05-17 09:29:55

Bestfriends Forever

SA bahay nina Andrei nila napagdesisyunang magluto. Patingin-tingin lang sa kanila sina Marcia, Flor, at Errol. Hinayaan lang silang dalawa sa kusina.

Parehong naka-apron, magkatuwang sa pagbi-bake ang dalawa. Habang inaasikaso ni Andrei ang oven at ang rectangular pan ay tinutunaw naman ni Angelie ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig. 

"Ready na ba iyan?" Matamang pinagmasdan ni Angelie ang ginagawa ng kaibigan. 

"Yes, ma'am," panunudyo ng lalaki. Sinikap niyang maging handy man para sa kaibigan. Ito pa ang unang pagkakataon niyang mag-bake ng cake.

Naninigurado, muling binasa ni Angelie ang libro bago niya pinaghalo ang arina, baking powder at baking soda. Ito rin kasi ang unang pagkakataon niyang gawin ito.

"Okey na kaya ito?" tanong niya habang ayaw ihiwalay ang mga mata sa libro, tinitiyak na masundan niya ng maayos ang baking procedure. 

"Okey na iyan. Masyado kang nerbiyosa. Cake din ang kalalabasan niyan," ani Andrei. Inakbayan pa niya ang kaibigan kapagkuwa'y  ginulo ang buhok nito.

"Tss!" Naiinis na inayos ni Angelie ang buhok. Ayaw niyang malagyan ng buhok ang niluluto nila.

Matapos sundin ang baking procedure at nailagay na ito sa oven ay muling binasa ni Angelie ang libro. Kinuha ito sa kaniya ni Andrei. 

"Tama na nga iyan. Paano mo mai-enjoy ang pagluluto kung masyado kang nerbiyosa?" Muli niyang inakbayan ang kaibigan. Pinaupo niya ito. "Rest, and we'll eat soon." 

Habang naghihintay ay nakipagkuwentuhan muna sila kina Marcia. Nang sa tantiya nila ay Luton na ang cake ay excited silang dalawa na tinungo ang kusina. Inabala naman ng tatlo ang sarili sa may salas.

Hindi nagustuhan ng dalawa ang resulta ng pagbi-bake nila. Hindi kasi ito singganda ng inaasahan nila. Malungkot na ikinumpara nila ito sa larawang nasa libro. Napansin sila ng tatlo kaya't nilapitan sila ng mga ito.

"Masarap naman," ani Marcia, matapos niyang sumubo ng cake. 

"Oo nga," ani Flor. "First time n'yo pa namang gumawa kaya normal lang 'yan." 

Kinain nila ang cake habang nilaru-laro ni Andrei ang dalawang slices nito. Kinulit-kulit niya ang kaibigan upang maibsan ang lungkot nito. 

"Hayaan mo, may alam akong tiyak na makababawi tayo. Di tayo magpa-flop, at mag-i- enjoy ka," pag-aalo niya sa kaibigan habang inaakbayan niya ito. 

NAGLARO sila ng basketball sa likuran ng bahay nina Andrei. May isang basketball ring doon. Dahil madilim na ay naglagay ng extrang ilaw doon si Errol. Nagsilbi din siyang referee ng magkaibigan na abala sa pag-aagawan ng bola. 

Na kay Angelie ang bola at hindi siya masyadong dinikitan ni Andrei hanggang sa nai-shoot niya ito. 

"Yes! ... yes!" tuwang-tuwang sigaw ng dalaga. 

Nang si Andrei naman ang nagdi-dribble ay sinubukan niya itong agawin sa lalaki pero hindi niya ito maagaw sa lalaki. 

Tatlong magkasunod na shoot ang pinakawalan ng lalaki kaya naiinis na dinikitan ni Angelie ang kaibigan. Nangingiti ang lalaki sa nagmamaktol na itsura ng kalaro pero wala siyang balak na pagbigyan ito. Dahil sa kawalan ng pag-asa ay tinabig ni Angelie ang kamay ng kalaro. 

"Ooops! Foul!" ang sigaw ni Errol. 

Tuluyang nawalan ng gana si Angelie. "Ayoko na! Wala na ngang score, foul pa!" 

Nangingiting hinarap ni Andrei ang kaibigan. "Be a good sport. 'Wag kasing daanin sa dahas." 

Nang nakausli pa rin ang nguso ng kaibigan ay hinalikan niya ito sa noo. "Naka-score ka rin naman , a!"

Napapangiti naman si Errol habang nakatingin sa kanila. Iniwan niya ang dalawa nang kinawayan siya ng ina. 

Wala na silang referee kaya nagpalitan na lang ng pagsu-shoot ang dalawa. 

"Paano ka magsa-success kung ayaw mo na agad? Pag pumalpak sa pagbi-bake ayaw na agad. 'Pag hindi maka-shoot ayaw mo na." 

"E, kasi, puro na lang failure." 

"Nagta-try ka pa lang naman. Natural lang naman ang pumalpak sa unang subok," ani Andrei, at sinenyasan nito si Angelie na pumuwesto para sa three-point shot. Matiyaga niyang tinuruan ang dalaga kung paano makapag- three points. 

Nang mapagod ay umupo sila sa bench, magkaharap. "At least, ikaw, may kasama ka sa unang subok mo. Ako noon, ako lang mag-isa. Alam mo naman si dad, laging abala sa trabaho. Halos 'di ko na siya makita dito sa bahay, hanggang sa nag-abroad siya." 

"Oo nga. Buti na lang talaga, pizza pie, nandiyan ka." 

Nangiti si Andrei sa tinuran ng babae. Pizza pie naman siya ngayon. Hinahayaan lang niya ang kaibigan kung ano ang itawag nito sa kaniya. Ang mahalaga sa kaniya ay masaya ito at okey silang dalawa. Sa palagay niya'y nai-spoiled na niya ang kaibigan. 

"'Okey ka na? Di ka na high blood?" Ginulo niya ang buhok ng babae.

She just shrugged her shoulders. Napangiwi siya, "medyo masakit," ipinakita niya ang sumasakit na kaliwang binti. 

"Naninibago ka lang," ang sabi ni Andrei at inabot niya ang paa ng kaibigan, ipinatong ito sa hita niya. "Mag-jogging ka kaya para lumakas ang mga paa mo," suhestiyon niya habang minamasahe ang binti nito. 

"Alam mong nocturnal ako," ani Angelie. 

"E, di sa hapon." 

"Me klase tayo." 

"Bukas, weekend, wala tayong pasok." Hinintay niya ang idadahilan ng kaibigan.

Hindi umimik ang dalaga. 

"Wala ka nang maisip na idadahilan?" panunukso nito sa kaibigan. 

"Basta!" tumabi ito at humilig sa balikat ng kaibigan. "Just let me be me, okay?" 

"Okay." 

Nanatili silang tahimik sa ganoong posisyon. Bahagyang umikot sa pagkakaupo ang babae. Umikot din ang lalaki kaya magkatalikod sila sa pagkakaupo, nakasandal sa isa't isa. 

"Sayang, hindi pala ako puwedeng maging katulad ni Rinko," ani Angelie. "Hindi siguro ako magugustuhan ng magiging boyfriend ko." 

"Alam mo, Angelie Buenafalco, 'wag mong idamay ang real life sa kaadikan mo sa anime," at mahinang kinatok nito ang noo ng babae. "Hindi ka si Rinko o kahit na sinong bida du'n. Siyempre magaling si Rinko sa baking, karakter niya 'yon. Ikaw naman, magaling sa..." kunwari ay nag-iisip, "saan ka nga ba magaling?" 

"Hoy! Andrei Silva, minemenos mo yata ako, a!" at nag- fist mark ito sa lalaki. 

"Sino kaya? Ikaw lang naman 'yang umaayaw agad," ginaya pa nito ang itsura ng kaibigan habang nagmamaktol. 

"Oo na! Oo na!" Hinarap niya ito. "At sino'ng adik sa anime? Ikaw 'yun! Hinawahan mo lang ako." 

"Kasalanan ko? Ikaw nga 'yang agad na na-i-inlove sa mga bida. Paiyak-iyak ka pa." 

"Oy, Andres! Ikaw ang madalas na umiyak, hindi ako!" at kinurot nito sa tagiliran ang kaibigan. 

"Andrei po ang pangalan niya, ate Angelie," pagkukorek ni Errol sa babae habang papalapit siya sa dalawa dala ang tray na may lamang dalawang tasa ng tsaa. 

Nagpalitan ng pagmi-make face ang magkaibigan sa tinuran ng bata. Natatawang iniwan na lang sila ni Errol.

Pinagmasdan nila ang langit habang umiinom ng tsaa. Nalibang sila sa mga maningning na bituin. 

"Parang tao lang din sila, ano," ani Angelie, tinutukoy ang mga bituin. 

"Bakit naman?" 

"Kasi, 'di ba, habang nagniningning sila, tinitingala sila sa langit. Pero kapag wala na ang ningning, wala nang naghahanap sa kanila," at lumungkot ang mukha ng dalaga. 

"Tigilan mo na nga 'yang pagsi-senti mo. Pati bituin, naku!..." 

Napagaya naman si Errol sa dalawa sa pagtingala sa mga bituin habang nakikinig siya sa mga ito. Kakamot-kamot sa ulong iniwan niya ang magkaibigan. 

NATATAKAM si Errol sa inihaing pagkain ng ina sa mesa. 

"Tawagin mo na si ate Marcia at sina kuya Andrei mo. Kakain na 'kamo." 

"Opo." 

Nilapitan ni Errol si Marcia. Nang tumayo na ang babae ay tinungo naman ni Errol ang kinaroroonan ng magkaibigan. Nadatnan niyang magkatalikod na naman ang mga ito at magkasandal habang nakapikit ang mga mata. 

Nilingon ni Errol ang ina. Nang matiyak na hindi ito sumunod sa kaniya ay dahan-dahang kinuha ng bata sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellular phone. Balak niyang kunan ng litrato ang dalawa. Maingat na inihanda niya ang camera. 

"Huli ka!" 

Halos panawan ng ulirat sa pagkabigla ang bata sa ginawa ng dalawa. Pinagtripan lang pala siya ng mga inakala niyang natutulog. Pinagtawanan siya ng dalawa. 

"Kuya, kakain na daw," ang nasambitla ng bata. 

"Ikaw, Errol ha, 'pag tulog pala kami pagtitripan mo pala kami ha," natatawa pa ring sabi ni Andrei. 

"Kakain na po," ang muling nasambitla ng bata habang ramdam ang pagkapahiya sa nangyari. 

Sinundan ni Andrei ang bata at ginusot ang ulo nito. Binulungan pa niya ito,"next time, sabihan mo kasi ako. Piktyuran natin siya na tulo-laway sa pagtulog." 

Napangiti naman ang bata sa tinuran ni Andrei. 

"Oy, ano naman 'yang kababalaghang pinaplano n'yo?" ang saway ni Angelie habang sumusunod sa dalawa. 

"Wala. Usapang guwapo ito," at kinindatan nito ang kaibigan. 

PAGKATAPOS nilang maghapunan ay nakatanggap ng text message si Andrei. Ang kaklase nilang si Norma ang nag-text. 

"Hi! Free ka bukas?" may emoji pa ng heart ang message ni Norma na sabay na binasa nina Angelie at Andrei. 

Nagkatinginan naman ang magkaibigan. 

"Hindi." Ang naging sagot ni Andrei. 

"Why?" 

"Me lakad ako," ang naging sagot niya sa babae. 

"Saan ang lakad mo?" ang tanong ni Angelie sa binata. Kinulit na niya ito lalo't hindi na ito nakikipag-chat kay Norma.

"Nakalimutan mo kung ano'ng meron bukas?" paninigurado ni Andrei. 

Napalatak si Angelie nang maalala ang event na dadaluhan nila bukas. Siya pa naman ang nagyaya kay Andrei na daluhan nila iyon. Hindi lang basta nagyaya, halos pinilit na niya ang kaibigan. 

"Thank You, BFF! Mabuti na lang 'pinaalala mo!" sabay yakap niya kay Andrei. "You're the best talaga!" Tumalon-tal9n pa siya habang sinasabi ito sa kaibigan.

Related chapters

  • You, Me, and the Sea   4 100 Percent Support

    100 Percent Support ALAS siyete pa lang ng umaga ay nasa lobby na siya ng building. Susunduin ni Andrei ang kaibigan. Sasakay sana siya ng elevator pero marami-rami na ang mga nag-aabang kaya naghagdan na lang siya. Nasa third floor ang unit ni Angelie. Medyo hiningal ng kaunti ang binata nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali. Agad niyang pinindot ang door bell ng unit ng kaibigan. “Teka, sandali,” ang sabi ni Angelie habang pinagbubuksan siya nito. Sinipat pa kasi nito sa salamin ang kabuuang itsura. Typical teenager na pinaghalong sweet and alluring si Angelie. Hindi pilit ang fashion sense at hindi rin pilit ang pagiging malambing nito. Sandaling pinagmasdan ni Andrei ang kabuuan ng unit. Wala itong masyadong gamit. Simpleng ayos lang at color matching ang nagdala sa interior decoration. Nasa isang sulok pa rin ang malaking picture frame na puno ng pictures nilang dalawa ng kaibigan. Sa mas maliit na picture frame naroon ang larawan ni Angelie kasama ang parents niya.

    Last Updated : 2021-05-17
  • You, Me, and the Sea   5 Public Display of Affection

    "Nagtataka talaga ako," wika niya habang nakatitig sa mukha ng binata. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Ito ang paborito nilang hangout. "Nagtataka ka ba na guwapo ako? Hanggang ngayon ba naman, you still can't accept the fact that I'm handsome?" Kinurot niya ang ilong ni Andrei at saka inismiran. Ayaw naman niyang sabihing mayabang ang kaibigan. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina mo pa ako tinititigan, ah." Nilingon pa niya ang dingding ja yari sa salamin sa gilid para tingnan kung may diperwnsiya sa mukha niya. "Ano kasi," she sighed, "naisip ko lang, how time flies!" She smiled at him sweetly. Hindi umimik si Andrei, hinintay ang mga susunod pang mamumutawi mula sa bibig ng kaibigan, ngunit nagpatuloy na lang sa pagsubo ng spaghetti ang dalaga. Naiiling na sumubo na rin siya. "Parang kelan lang, 'no, naka tatlong taon na pala tayo." "Gano'n ba?" he caught her eyes, wanting to see her reaction, "happy anniversary!" Priceless para sa kaniya ang makitang un

    Last Updated : 2021-05-17
  • You, Me, and the Sea   6 Overprotective

    Overprotective HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers. Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya. "Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi. It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade. Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok

    Last Updated : 2021-05-19
  • You, Me, and the Sea   7 Shortcake and Hotdog

    CHAPTER 7 MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso. "Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko. Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. "Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor. She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan. Matapos na ligpitin a

    Last Updated : 2021-05-19
  • You, Me, and the Sea   8 A Day Without Him

    A Day Without Him NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Kunot ang noo, ipinikit niyang muli ang mga mata. Inaantok pa siya. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni Andrei. "Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short. 'Toooot!' "Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita. "Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya. "Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta." "H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools. "H- hi! Ang dami naman niyan." Niyakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng hiya na makita siya ni Alvin na nakaroba at kagigising lang. Pero inabot din ng isa niyang kamay ang dalang box ng lalaki. "Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie. "Maybe you

    Last Updated : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   9 The Drunken Fox

    The Drunken Fox "Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes. "Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo." "Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa. "Sino? Schoolmate ba natin iyan?" "You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails. Sandaling nagpalinga-linga ang

    Last Updated : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   10 "I love You!"

    I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,

    Last Updated : 2021-06-03
  • You, Me, and the Sea   11 Meet The Parents

    MAGKAYAKAP ang mag-ama sa loob ng hospital room nang dumating sina Angelie, Nannette, Melrose, at Alvin. Kasunod nila ang grupo ni Mon at ang grupo ni Norma. Masaya silang ipinakilala ni Andrei sa parents niya. Ngiti ng pasasalamat ang tanging naging tugon ni Marcia habang abala sa pakikipagkulitan ang kaniyang asawa sa mga bisita nila. "Balita ko'y mga dean's lister kayo. Sino ang nanunuhol kay prof?" Nagtawanan at pabirong nagturuan ang magkakaklase hanggang si Andrei ang napagkaisahan ng lahat. "Ang anak ninyo po talaga, sir, lagi kasing may baong dimples." "Well, masisisi ninyo ba ako, guys?" game namang sagot ng binata. "Pero natutunaw talaga sila sa owshi cuteness ni besh," si Angelie naman ang tinutukso niya. Lumakas ang tawanan dahil sa pagba-blush ni Angelie. "Hala! Ang ingay natin, guys, baka mapagalitan tayo ng doctors." "Sorry, madam," panunukso ni Alvin kay Norma. Nagsitahimik naman sila, inabot na ng hiya sa parents ni Andrei. Hindi naman nagtagal sa loob ng kuwar

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • You, Me, and the Sea   32 GatherYourseelf

    Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay

  • You, Me, and the Sea   31 Confession

    ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero

  • You, Me, and the Sea   30 The Promise

    The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang

  • You, Me, and the Sea   29 Truth and Lies

    Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak

  • You, Me, and the Sea   28 Losing Game

    NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno

  • You, Me, and the Sea   27 Bewilderment

    Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga

  • You, Me, and the Sea   26 We Find Ways

    Pagkatapos ng pang-umagang klase ay excited na iniligpit ni Norma sa bag ang mga gamit niya. Napangiti siya nang makita ang baunan na nakalagay sa isa pa niyang bag. Balak niya kasing yayaing mag- lunch si Andrei. May mga naglabasan na sa classroom nila. Hinanap niya si Andrei. Nang 'di niya ito makita ay tumingin siya sa labas ng silid. Wala rin doon ang binata. Sa loob ng canteen ay nagpalinga-linga si Norma. Wala si Andrei sa grupo nina Mon na abalang kumakain. Wala rin si Angelie sa grupo nina Nannette. Nang 'di niya makita ang dalawa sa mga pumipila para bumili ay kinabahan na siya. Nagduda na siya. Humugot siya ng malakas na paghinga bago nagdesisyong hanapin ang dalawa. Sa may corridor ay napatingin siya sa hagdanan. Paano kung nandoon ang dalawa? Dapat ba niyang sundan ang dalawa kung gusto nila ng privacy? Sa mga nagdaang araw ay naging close na silang dalawa ni Andrei. Nagpakipot lang siya sandali dahil ayaw niyang masabihang easy-to-get na uri ng babae. Alam naman ng bi

  • You, Me, and the Sea   25 A New Beginning

    KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre

  • You, Me, and the Sea   24 You, Me, and the Sea

    "Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?

DMCA.com Protection Status