Kissing the Cheerleader
NAGHAHANDA nang matulog si Andrei nang nag-text sa kaniya si Angelie. Sinagot niya ito at hinanap si Flor.
"Ate Flor, nasaan ba 'yung cookbook na nabasa ko last week?"
Habang nag-iisip si Flor kung saan nakalagay ang hinahanap ni Andrei ay sumabad ang ina.
"Bakit? What is it this time?"
"E, si Angelie po," habang nagsasalita ay pinag-iisipan ng binata kung paano ipapaliwanag sa ina ang laman ng text ng kaibigan.
Itsurang naghihintay ang ina ng anumang iri-reveal ng anak.
"Gusto niyang matutong magluto."
"And?..."
"Iyon, mag-aaral kaming magluto," he shrugged his shoulder habang nangingiti sa iniabot sa kaniya ni Errol ang cookbook.
Tumango-tango si Marcia at nakangiting tiningnan sa mata ang anak, naghihintay sa idudugtong ng anak. Nangingiting nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Andrei sa ina.
"Nainggit kasi siya sa galing gumawa ng cake ng favorite character niyang anime, kaya dapat daw na marunong din kaming magluto," at hindi naitago ng binata ang weirdness niyang naramdaman sa plot ng kaibigan.
"That's okay," she embraced her son, adding, "'wag naman sanang next time na magaling mag-manicure ang bida ng pinanonood ninyo ay,... well, tipid sa salon yan," pagbibiro niya sa anak, at pinanggigilan ito ng halik sa pisngi.
"There!" pagpoprotesta naman ng binata, "sabi n'yo batibot 'yung isa,... look how you treat me, mother?"
Nangingiti at nakukyutan si Marcia sa pagprotesta ng anak sa pag-ulan niya ng halik dito.
"I'm your mother!" pataray effect ng ina.
"He's your son!" biglang sabad ni Errol. Natawa sila sa seryosong mukha nito.
"You're my son, so you tulog na." pakenkoy na pagtataboy ni Flor sa anak.
Naiwan sa kusina si Flor. Gabi-gabi ay sinisigurado niyang malinis ang lahat bago siya tuluyang magpahinga.
Sa isang sulok naman ay nagbabasa ng cookbook si Andrei.
Nang matapos sa ginagawa ay nilapitan ni Flor ang binata.
"Di ka pa ba matutulog? Pasado alas nuwebe na."
"Sandali na lang 'to, 'te."
"Maligamgam na tubig, gusto mo?"
"Sige po."
Pagkaabot ng tubig ay tumirada pa ng pamatay na tanong ang babae.
"Mahal na mahal mo talaga ang kaibigan mo, 'no?"
Sandaling tinimbang ang tanong at sinagot niya ito.
"Siyempre po. Matagal na rin naman kaming magkasama."
"Kaya lagi mo siyang pinagbibigyan?" Panghuling hirit niya iyon.
He just shrugged his shoulders, at ininom ang tubig.
"Wala namang gender- sensitivity issue sa pagkakaibigan. Basta masaya kayo at hindi kayo nananakit, kahit pang-fifth gender pa 'yan kung meron man."
Isang maluwang na ngiti ang isinukli ni Andrei sa sinabi ng kausap. "Iyan ang gusto ko sa 'yo ate Flor, e. You're genius!"
Nag-apir ang dalawa at masaya silang naghiwalay. Tinungo na ng babae ang kuwarto niya.
...........
ABALA sa pagpa-practice ng cheerleading ang grupo ni Angelie sa loob ng gym. Isang team sila ng magaganda at cute na kolehiyala kung saan si Angelie ang captain ng tinatawag nilang GoAct Cheerleaders. Go para sa gorgeous at Act para sa active.
"GoAct Loves Southern! Southern Loves GoAct! Go, Southern, Shoot! Act, Southern, Love!" with matching actions pa as they yelled.
Naaaliw na nanonood sa kanila ang mga estudyanteng naroon habang may iilang gumagaya sa kanila, kagaya ni Mon na tinutudyo si Andrei lalo na sa mga katagang "Act, Southern, Love!"
Habang ngingiti-ngiting nagdi-dribble naman ng bola ang star player ng Southern College na si Andrei. Sinabayan naman siya ng teammates sa pagpa- practice.
"Go, Southern! Go!" ang cheer nina Angelie. Nagtinginan naman ng makahulugan ang mga kasama ni Angelie.
Nag-dunk si Andrei.
"Silva to the heart!" at itinuro ng teammates ni Angelie ang dalaga.
"Kayo talaga!" natatawang saway ni Angelie sa mga kasama.
Lumapit si Andrei sa grupo at nakipag-apir kay Angelie. Kinilig naman ang ibang teammates ng dalaga.
"Mamaya, ha," ang paalala niya sa kaibigan na tinanguan naman nito habang papalayo sa kanila.
"Ano'ng ganap mamaya?" mahilig si Sarah sa nauusong uri ng pananalita.
"Me date kami."
Nagtatanong ang mga mata ng mga kasama.
"Saan?" si Sarah uli, parang napilitan lang na magbigay ng follow-up question dahil expected na niya na hindi siya kikiligin sa isasagot ni Angelie.
"Sa grocery."
Tumango-tango na lang sila. Nang wala nang nagtanong pero mukhang naghihintay ng karagdagang detalye ang mga kasama ay nagkuwento na si Angelie.
"Ita-try naming mag- bake. Maiinlab siguro ng husto ang guy kapag lagi siyang pinapakain ng masarap na cake, ano," at nangarap na si Angelie.
"Kahit i-cheer mo lang," sagot ni Sarah na parang may gustong ipa-realize kay Angelie pero sa malas ay tila hindi siya nito napansin.
"Ano kaya ang dapat unahin namin? Mocha kaya, o ube?" excited na tanong ni Angelie.
"Kahit ano, wagi 'yan," sagot ni Sarah.
"Talaga?" at kinuha nito ang bag, hinanap ang isang libro ng pagbi-bake.
"Lagyan mo ng 'I love you' at sabay ninyong kainin, ang pahabol na sabi ni Sarah sa alanganing tono.
Siniko ni Nannette si Sarah. "Ayaw mo talang paawat, ha," bulong nito.
"I-shoot mo, i-shoot mo..." pakantang cheer kay Andrei ng isang babaing schoolmate nila, bagay na naging sanhi ng hagikgikan ng mga cheerers.
Natatawa ring sinaway ni Angelie ang mga kasama. "At least nagchi-cheer din siya."
"Oo nga. I-recruit n:yo na," pabirong sabi ni Nannette.
Lumingon sa kanila ang babae, nahalatang siya ang pinag-uusapan ng grupo. Biglang tumahimik naman ang grupo ni Angelie, ang iba ay nagkunwaring sa iba nakatingin habang apologetic naman ang mukha ng iba na kagaya ni Angelie.
Nangiti na lang sila nang binigyan sila ng babae ng makabali ng leeg na pag-irap.
"Ang galing talaga ni Andrei, no! Jowable talaga!" ani Sarah.
"Si Sarah talaga, pauusuhin na naman ang words na wala sa dictionary," ani Nannette. "Jowable naman ngayon.
"Bakit, e, papable nga sumikat, jowable, 'di puwede?" kunwaring pagtataray ni Sarah.
"Su-shoot na naman si papable, jowable Andrei!" untag ng isa.
Pinanood nila ang pag-shoot ng bola ng lalaki. Kumana na naman ng pagkanta ang babaing umirap sa kanila kanina, "i-shoot mo! I-shoot mo!"
Hinayaan na lang ng cheerleaders ang babae na ipagpatuloy ang ginagawa nito.
"May future si ate," halos pabulong na sabi ni Sarah sa teammates.
Tila nakarinig, nilingon uli sila ng babae at inismiran sila nito. Nag- chant siya uli, this time ay mas malakas.
Narinig nila ang sigawan ng mga naroon dahil mabilis ang paglipad ng bola mula sa mga kamay ni Andrei para sa isang three points shot.
"Yes!"
Nagsaya sila na parang nanalo sila sa isang competition. Nakipag-apir si Angelie sa babaing parang nababaliw sa tuwa na kanina lang ay inismiran sila.
.........
AFTER school ay nagpunta ng grocery ang magkaibigan. Excited na naunang naghanap ng section para sa baking utensils si Angelie kapagkuwa'y pinagmamadaling pinalapit sa kinaroroonan niya si Andrei at itinuro ang gustong bilhing hulmahan.
"Gusto ko ganito ang size. Maliit, tama lang sa atin," ani Angelie.
"Bakit, wala ka bang ibang pakakainin ng cake mo?" matamang pinagmasdan ni Andrei ang hinawakang baking utensil ng kasama.
Nag-isip sandali si Angelie kapagkuwa'y,"tayo na lang muna. Hindi pa naman tayo master baker, e."
Tumango ang lalaki. "Sabagay, dapat ma-master mo muna."
Sa narinig ay nagtaray si Angelie. "Pansin ko lang, ha," namewang pa ito," ayaw mo yatang tumulong, Andres!"
"Andrei ako. Si Andres hatapang ha tao 'yon. Ako, hindi. Sa 'yo pa lang, talo na,e."
Nangingiting palambing na kinurot ng dalaga ang kaibigan. "Ikaw kasi, e," at ibinigay kay Andrei ang mga pinili niyang gagamitin sa pagbi-bake kahit me cart siyang dala. "Umayos ka kasi."
"Maayos naman,a. Ikaw ang magbi-bake," at idinaan sa pagpapa-cute ang karugtong, "ako, tagakain."
Pinanlakihan ni Angelie ng mata ang kaibigan. "Wow, galing! Takaw!"
"E, ganu'n naman ang role ng lalaki, 'di ba. Tamo si Rinko, tagakain lang ang boyfriend niya."
Tinusok ng daliri ni Angelie ang nose tip ng kaibigan. "Ambitious, horrible man! Si Gouda ay boyfriend ni Rinko. Si Andrei ay alalay ng kamahalang Angelie. At real life ito, hindi anime."
Andrei just shrugged his shoulders at sumunod kay Angelie sa pagtingin-tingin sa iba pang mga naka-display.
Kahit tapos nang mamili ay umikot-ikot pa sila sa malaking grocery na iyon. Enjoy na enjoy si Angelie habang unti-unti ng nakatamdam ng pagod ang kaibigan nito. Nang makakita ng pagkakataon ay nauna na siyang pumila sa may cashier.
Napansin ni Angelie na wala na siyang kausap. Nagpalinga-linga siya. "Andrei!"
Nang di makita ang kaibigan ay inikot niya ang isang block ng mga naka-display noon. Mahina ang boses na tinatawag ang pangalan ng kaibigan.
Sa kaiikot ay nalingunan niya si Andrei na pumipila. "Andres!" Ayaw naman niyang lakasan ang boses. Nakausli ang isang labi na lumapit siya sa kaibigan. Naunawaan naman ni Andrei na nagtatampo ito. Para ipakitang sorry siya sa ginawa ay hinalikan niya ito sa noo.
"I saw it, bro!" was Mon's loud statement.
Noon lang napansin ng dalawa na nandoon din pala sa grocery ang ilan nilang kaklase.
"Ano ba talaga, kayo na ba?" tanong na may panunukso ni Mon sa mag- best friend.
"Hindi, 'no!" ang sabay na sagot ng dalawa.
"Sabay pa kayo," at nagpahabol pa ito ng panunukso habang papalayo sa dalawa. "Kayo na parang hindi o hindi na parang kayo?"
Iiling-iling na hindi na lang pinatulan ng dalawa ang panunukso ni Mon. Binati naman sila ng ibang kaklaseng nandoon kapagkuwa'y nagkani-kaniya na sila nang pamimili.
Pakisundan lang po ang may number at walang dash. Salamat po.
Bestfriends Forever SA bahay nina Andrei nila napagdesisyunang magluto. Patingin-tingin lang sa kanila sina Marcia, Flor, at Errol. Hinayaan lang silang dalawa sa kusina. Parehong naka-apron, magkatuwang sa pagbi-bake ang dalawa. Habang inaasikaso ni Andrei ang oven at ang rectangular pan ay tinutunaw naman ni Angelie ang cocoa powder at kape sa mainit na tubig. "Ready na ba iyan?" Matamang pinagmasdan ni Angelie ang ginagawa ng kaibigan. "Yes, ma'am," panunudyo ng lalaki. Sinikap niyang maging handy man para sa kaibigan. Ito pa ang unang pagkakataon niyang mag-bake ng cake. Naninigurado, muling binasa ni Angelie ang libro bago niya pinaghalo ang arina, baking powder at baking soda. Ito rin kasi ang unang pagkakataon niyang gawin ito. "Okey na kaya ito?" tanong niya habang ayaw ihiwalay ang mga mata sa libro, tinitiyak na masundan niya ng maayos ang baking procedure. "Okey na iyan. Masyado kang nerbiyosa. Cake din ang kalalabasan niyan," ani Andrei. Inakbayan pa niya ang kaib
100 Percent Support ALAS siyete pa lang ng umaga ay nasa lobby na siya ng building. Susunduin ni Andrei ang kaibigan. Sasakay sana siya ng elevator pero marami-rami na ang mga nag-aabang kaya naghagdan na lang siya. Nasa third floor ang unit ni Angelie. Medyo hiningal ng kaunti ang binata nang makarating sa ikatlong palapag ng gusali. Agad niyang pinindot ang door bell ng unit ng kaibigan. “Teka, sandali,” ang sabi ni Angelie habang pinagbubuksan siya nito. Sinipat pa kasi nito sa salamin ang kabuuang itsura. Typical teenager na pinaghalong sweet and alluring si Angelie. Hindi pilit ang fashion sense at hindi rin pilit ang pagiging malambing nito. Sandaling pinagmasdan ni Andrei ang kabuuan ng unit. Wala itong masyadong gamit. Simpleng ayos lang at color matching ang nagdala sa interior decoration. Nasa isang sulok pa rin ang malaking picture frame na puno ng pictures nilang dalawa ng kaibigan. Sa mas maliit na picture frame naroon ang larawan ni Angelie kasama ang parents niya.
"Nagtataka talaga ako," wika niya habang nakatitig sa mukha ng binata. Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Ito ang paborito nilang hangout. "Nagtataka ka ba na guwapo ako? Hanggang ngayon ba naman, you still can't accept the fact that I'm handsome?" Kinurot niya ang ilong ni Andrei at saka inismiran. Ayaw naman niyang sabihing mayabang ang kaibigan. "Ano ba kasi ang iniisip mo? Kanina mo pa ako tinititigan, ah." Nilingon pa niya ang dingding ja yari sa salamin sa gilid para tingnan kung may diperwnsiya sa mukha niya. "Ano kasi," she sighed, "naisip ko lang, how time flies!" She smiled at him sweetly. Hindi umimik si Andrei, hinintay ang mga susunod pang mamumutawi mula sa bibig ng kaibigan, ngunit nagpatuloy na lang sa pagsubo ng spaghetti ang dalaga. Naiiling na sumubo na rin siya. "Parang kelan lang, 'no, naka tatlong taon na pala tayo." "Gano'n ba?" he caught her eyes, wanting to see her reaction, "happy anniversary!" Priceless para sa kaniya ang makitang un
Overprotective HALOS hindi inalintana ni Andrei ang pagyakap sa kaniya ng malamig na simoy ng hangin. Alas otso ng gabi na kasi ay nasa kahabaan ng kalsada pa siya, nagbibisikleta habang suot ang helmet, ang paborito niyang pink sweatshirt at loose pants na ang haba ay tama lang upang makita ang suot niyang sneakers. Bagama't bahagyang giniginaw ay ramdam niya ang pagdaloy ng tila tubig na galing ng refrigerator sa kaniyang likod. Magkasabay na kasi ang pawis niya at ang malamig na hangin sa pagyakap sa kaniya. "Tsss!" inis niyang sambit nang tumunog ang cellphone niya sa loob ng bulsa. Hindi naman malayo sa village nila ang tinutumbok niyang arcade. Natatanaw na niya ito kaya't naging malikot ang mga mata niya. Agad niyang tiningnan ang cellphone nang mai-park niya ang bisikleta sa isang tabi. It was Mon who messaged him, sending a picture of Angelie while in the middle of a group of young men. The location was inside the arcade. Nakakunot ang noong nagmamadaling pumasok
CHAPTER 7 MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin makatulog si Angelie. Abala ang kaniyang utak sa pagbabalik-tanaw. Kanina lang ay kay saya-saya ng kaniyang pakiramdam. Bagama't tila isang mamahaling tuta na mahal na mahal ng kaniyang amo ang iniisip niyang naging pagtuturing sa kaniya ng kaibigan ay tinanggap niya ito ng buong puso. "Huwag ka kasing kung saan-saan nagpupupunta, lalo't gabi." Malumanay iyon pero may diin. It was his first sentence after Norma has gone home, leaving the two in silence. Tinabihan siya ng lalaki nang mapansin nitong nanghahaba ang nguso niya habang nakayuko. Bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig ngunit nanahimik na lang siya. She was touched by his caring gesture. His fingers were touching her long hair that was dancing with the cold wind. "Gusto mo?" tanong ni Andrei nang may dumaang balut vendor. She's not fond of the food but the idea of bonding with him made her nod. Natutuwa ang puso niya sa tuwing magkasama sila ng kaibigan. Matapos na ligpitin a
A Day Without Him NAGISING si Angelie sa tunog ng doorbell. Kunot ang noo, ipinikit niyang muli ang mga mata. Inaantok pa siya. Napabalikwas siya nang maalala ang naging usapan nila ni Andrei. "Sandali!" Itinakip niya ang bathrobe sa katawan na kanina'y natatakpan lang ng loose tee shirt at panty short. 'Toooot!' "Oo na! Nagmamadali na nga,eh." Nanlaki ang mga mata niya sa hindi inaasahang mga bisita. "Surprise!" Masaya siyang niyakap ni Nannette, kasunod nito si Melrose na patamad na kumaway sa kaniya. "Hi!" Inginuso nito ang nagtatagong lalaki sa kaniyang likuran. "Nagpumilit 'tong sumama nang malamang dito kami pupunta." "H-hi!" Nahihiyang kumaway si Alvin, bitbit nito ang isang karton ng carpentry and painting tools. "H- hi! Ang dami naman niyan." Niyakap niya ang sarili. Nakaramdam siya ng hiya na makita siya ni Alvin na nakaroba at kagigising lang. Pero inabot din ng isa niyang kamay ang dalang box ng lalaki. "Ako na," hindi niya ibinigay ang dala kay Angelie. "Maybe you
The Drunken Fox "Hmmm…" Nakapikit ang mga matang ninanamnam niya to her heart's content ang kinakaing beefsteak. Bakas sa kaniyang mga ngiti ang katuwaan. Her vibrance became more obvious due to the striking brilliance of the restaurant's chandelier. Natutuwa namang pinagmamasdan siya ng kaibigan. Pagbawi kasi Ito ni Andrei dahil hindi nakatulong sa ginawa nilang interior decoration. Dinner date sa restaurant na Ito ang pinili ni Angelie dahil kilala ang Julio's sa masarap nilang beefsteak at iba pang Korean at Filipino dishes. "Salamat naman at nagustuhan mo ang food," bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang papaubos na ang sliced beefsteak sa harap nila, "pero 'di ko akalaing mauubos mo." "Feel ko, ako si Shin Min-a." She giggled, tila walang pakialam na may mga customer sa mga katabi nilang mesa. "Sino? Schoolmate ba natin iyan?" "You don't know her? Nine-tailed fox, hello!" Hinaplus-haplos pa nito ang kaniyang imaginary nine tails. Sandaling nagpalinga-linga ang
I Love You 'Bog!' Malakas ang pagkakatama sa balikat niya ng bola. Pumito ang referee. Agad siyang pinalapit ng coach. "Silva, dumiretso ka na sa locker room. Umuwi ka na." "P-pero, coach,..." "Kanina ka pa matamlay at wala sa sarili. Mukhang wala ka ring tulog. Huwag mong sirain ang practice. Go, now." Lulugu-lugong tumalima si Andrei sa sinabi ng soccer coach nila. Batid niyang matatalo rin siya kahit na umapela pa siya. HABANG nasa harap ng dutsa ay iisang tao ang laman ng kaniyang isipan. Napapabuntunghininga siya sa bumabagabag sa kaniya. "I don't know why I can't contact mom! It's been a year since we last had our video chat." Sa pagkakataong iyon lang niya nahalatang lasing na ang dalaga. Pulang-pula ang mga pisngi nito at nakakunot-noo habang nagsasalita. "Did you ask your dad?" "So many times!..." nangingilid na ang mga luha nito. "Laging napuputol ang calls namin every time I talk about mom. Laging poor signal, dahil nasa snowy mountain daw sila, o kaya nasa lake,
Gather Yourself"Mukhang magkaka trust issue na ako ngayon, a," ang bulalas ni Nannette matapos nilang marinig ang pag-amin ni Angelie. Hindi niya inakalang naging magnobyo sina Angelie at Andrei, at itinago ito ng dalawa sa kanila.Napasandal naman si Melrose sa upuan at napabuntunghininga. Tinitigan niya ang mukha ni Angelie. Napatungo ito dahil sa naging reaksiyon nilang dalawa ni Nannette.Hindi naman masisisi ni Melrose si Nannette. Naniwala silang dalawa at ang mga kaibigan nila na mag-bestfriend lang talaga sina Andrei at Angelie. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan niyang magsalita. "Bilang mga kaibigan n'yo, hindi namin gusto na pinagtaguan n'yo kami ng mahalagang bagay, gaya ng naging status n'yong dalawa ni Andrei."Nanatiling nakatungo si Angelie habang nagsasalita, "I'm sorry, guys!""For me, ang mas hindi ko nagustuhan ay iyong pinili n'yong itago sa amin ang naging problema n'yo sa naging sitwasyon n'yo. We were laughing and joking around, pero nasasaktan na pala kay
ConfessionMAGKASAMANG nagplano sa pagja- job hunting sina Angelie, Melrose, at Nannette. Isa-isa nilang tiningnan sa newspapers at sa internet ang job openings habang nagmemeryenda sa condo unit ni Angelie.Halos katatapos lang ng graduation nila sa college. Kung ang iba'y nag out of town at ang iba'y nag out of the country para magbakasyon, silang tatlo naman ay gusto na agad sumagupa sa panibagong yugto ng buhay. "Bakit hindi na lang tayo mag-apply do'n sa companies na willing kumuha sa atin?" Tiningala ni Melrose si Angelie dahil sa itinanong nito sa kaniya. Nakasalampak kasi siya sa sahig habang nakaupo sa couch ang dalawa. "Alin, iyong naka back up sa school natin? Puro news agencies iyon. Ayokong mag news reporter.""Ako rin. Tama na iyong nakapag-OJT tayo sa mga iyon," dugtong naman ni Nannette."E, why did you choose mass communications kung ayaw n'yo pala sa news reporting?"Nagtinginan muna ang dalawa bago nila muling sinagot si Angelie. "Gusto ko kasi sa television, pero
The Promise DAHIL weekend ay nagpaalam si Andrei sa ina na maaga siyang magja-jogging. Iniwan niya ang cellphone sa kuwarto. Habang nagja-jogging palayo ng bahay ay desidido na siya sa kaniyang gagawin. Mahal niya si Angelie. Ayaw niyang nawala ito sa buhay niya. Alam niyang mahihirapan ang dalaga kung tuluyan niya itong iiwan. Hindi pa handa si Angelie para mapag-isa. Hindi niya ito puwedeng pabayaan. Mahal niya rin ang mga magulang niya. Ayaw niyang saktan ang mga ito. Ayaw niyang maging masuwaying anak. Gusto niyang may kapayapaan sa pamilya niya. Kailangan din siya ng kaniyang ina, lalo at masakitin ito. Alam niyang hindi rin kaya ni Angelie na sumuway sa mga magulang nito. Alam niya ang pananabik ng dalaga na muling makasama ang mga magulang niya. Kailangan nilang dalawa na tumayo sa lugar na hindi nila masasaktan ang mga mahal nila sa buhay. Kailangan din niyang alalayan ang dalaga. Kailangan nilang parehong lumakas para sa kinabukasan nila. Si Norma. Si Alvin. Ayaw niyang
Truth and LiesHINDI mapakali ang ama ni Angelie habang nakatayo sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Panay ang pagbuntung-hininga niya. Ayaw niyang saktan ang kaniyang anak. Pero hindi niya gusto ang mga nangyayari ngayon.SA kabilang dako ay hindi mapalagay si Marcia habang tinitingnan ang orasan sa dingding ng kanilang salas. Alas otso na ng gabi. Hindi pa rin umuuwi si Andrei mula sa paaralan. Hindi naman nila ito ma-contact dahil naka-off ang phone ng binata.SA loob naman ng kaniyang kuwarto ay patagilid na nakahiga si Angelie habang lumuluha. Tinitingnan niya ang dalawang photo frames sa ibabaw ng kaniyang side table. Ang isang photo frame ay ang larawan nniya kasama ang kaniyang ama at ina. Ang isa namang photo frame ay larawan ni Andrei ang nakalagay. "I love you, Dad, Mom!" mahina niyang usal. "I love you, too, Andrei!" Muling nag-unahan na naman sa paglandas sa mga pisngi niya ang kaniyang mga luha. Nanghihina na ang kaniyang katawan dahil sa kaiiyak, pero wala siyang balak
NAGPAHULI si Norma ng paglabas sa classroom nila. Gusto niyang mapag-isa. Sinabihan na niya sina Vens at Grecia na gusto muna niyang manahimik at mag-isip-isip. Habang naglalakad siya palabas ng building ay nahagip ng kaniyang paningin ang lalaking nagpakaba sa kaniya. Napahinto siya ng paglalakad. Nakita niya ang kalungkutan sa mukha ni Andrei habang bumababa ng hagdanan. Hindi siya nito napansin. Inihatid niya ito ng tingin. Napatingin sa itaas ng hagdanan si Norma. Saglit siyang nag-isip, at ipinasya niyang umakyat ng hagdan. Nang marating niya ang top floor ng building ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala. Nasa isang sulok nito si Angelie. Nakaupo ito sa sahig at nakatungo. Wala man siyang naririnig mula sa babae ay alam niyang umiiyak ito. Hindi niya tiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. Itinuring na niya itong kaibigan. Pero sobra siyang nasaktan sa mga pangyayari. Nang humakbang na siya pabalik ng hagdan ay nawalan siya ng balanse. Narinig ni Angelie ang tuno
Bewilderment IPINASYA nina Andrei at Angelie na hindi muna sabihin sa mga kaibigan nila ang tungkol sa pag level up ng kanilang relasyon. Ipinagpapasalamat nila na hindi nagsasalita tungkol dito sina Norma at Alvin sa kabila ng nalalaman ng dalawa na katotohanan tungkol sa kanila. Hindi pa rin kayang tingnan ni Angelie ng tuwid si Norma. Lagi na lang siyang nakatungo sa loob ng klase para makaiwas sa mga mata nito. Naaawa naman si Andrei kay Angelie. Siya man ay nahihiya rin kay Norma. Alam niyang umasa ang huli na magiging sila, pero binigo niya ito. Ang parte na nahihirapan siya ngayon ay ang katotohanang nahuli silang dalawa ni Angelie sa panahong asang-asa pa si Norma sa posibilidad na magiging nobyo niya si Andrei. Hindi niya tuloy mailagan ang masakit na sumbat sa kaniya ni Alvin. Nagpipigil naman ng emosyon si Norma. Sinisisi niya si Andrei sa ginawa nito sa kaniya. Umasa siyang totoo na ang inakala niyang namumuong pagmamahalan nilang dalawa. Masyado siyang nagtiwala sa mga
Pagkatapos ng pang-umagang klase ay excited na iniligpit ni Norma sa bag ang mga gamit niya. Napangiti siya nang makita ang baunan na nakalagay sa isa pa niyang bag. Balak niya kasing yayaing mag- lunch si Andrei. May mga naglabasan na sa classroom nila. Hinanap niya si Andrei. Nang 'di niya ito makita ay tumingin siya sa labas ng silid. Wala rin doon ang binata. Sa loob ng canteen ay nagpalinga-linga si Norma. Wala si Andrei sa grupo nina Mon na abalang kumakain. Wala rin si Angelie sa grupo nina Nannette. Nang 'di niya makita ang dalawa sa mga pumipila para bumili ay kinabahan na siya. Nagduda na siya. Humugot siya ng malakas na paghinga bago nagdesisyong hanapin ang dalawa. Sa may corridor ay napatingin siya sa hagdanan. Paano kung nandoon ang dalawa? Dapat ba niyang sundan ang dalawa kung gusto nila ng privacy? Sa mga nagdaang araw ay naging close na silang dalawa ni Andrei. Nagpakipot lang siya sandali dahil ayaw niyang masabihang easy-to-get na uri ng babae. Alam naman ng bi
KASAMA ngayon ni Andrei ang babaing itinuring niyang best friend, ang babaing nagtiwala sa kaniya ng lubusan bilang kaibigan, ang babaing hindi niya sinadyang mahalin nang higit pa sa pagiging kaibigan, ang babaing sinikap niyang kalimutan pero hindi siya nagtagumpay na gawin ito. Si Angelie Buenafalco, ito ang babaing ayaw niyang mawala sa buhay niya kahit kailan. Nakatuon ang pansin niya sa mga kamay nilang magkahawak ngayon. Napangiti siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na mahahawakan niya ang kamay ng babaing ito na may iba nang kahulugan. Nakasanayan na niya ang closeness nilang dalawa, pero iba na ang closeness nila ngayon. "Andrei," dinig niyang bigkas ng nobya na tila gumising sa malalim niyang pag-iisip. Nakangiti ito ng matamis sa kaniya, pati mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Hmm?" Sinuklian niya rin ng matamis na ngiti ang nobya. "Marumi ba ang kamay ko? Pangit ba? Hindi ako nakapag lotion, kaya–" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinalikan ni Andre
"Angelie!" Kay Andrei ang boses na iyon. 'Imposible! It can't be him.' Labis na ba ang pag-iisip niya sa binata at napalakas yata ang imahinasyon niya? Nalungkot siya sa naiisip niya na posibleng hahanap-hanapin niya si Andrei habambuhay. "Angelie!" Dalawang beses ba talaga niyang maririnig sa hangin ang boses ng binata? Naglakas ng loob siyang lumingon. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ni Angelie nang paglingon niya ay nakita niya si Andrei. Hindi pala imagination lang ang pagkarinig niya ng boses ng binata. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil sa pagsisikip ng kaniyang dibdib. 'Andrei! "Thank God, nakita kita!" bulalas ni Andrei habang mabilis na nilapitan ang dalaga. Agad niya itong niyakap. Sumagot din ng pagyakap ang babae. Hindi na napigilan ni Angelie ang pag-iyak ng malakas. Akala niya ay mag-iisa na lang siya sa pagsapit ng bagong taon. Umiyak na rin si Andrei. Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "You're alone! Bakit ka nagpunta rito? Bakit 'di mo ako tinawagan?