Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
“Handa ka na ba? ‘Pag pumasok na tayo, isipin mo ng kasal na tayo.” Tumayo nang matuwid si Menard Young. Hindi pa rin pumapasok sa loob ng munisipyo ang binatang si Menard Young at si Graciella Gomez. Kapwa sila estranghero sa isa’t isa at ngayon heto sila at nagbabalak magpakasal. Namumula ang mata ni Graciella. Naiiyak siya sa totoo lang pero determinado na siya. Ito lang ang naiisip niyang paraan para tuluyan ng lumaya sa poder ng kanyang tiyahin- si Lupita. Kipkip ang kanyang malaking bag at laman niyon ang kanyang mga dokumento. Dilaw ang suot niya na damit. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang mga dokumento at tiim ang kanyang mga mata. Doon siya humuhugot ng lakas para sa desisyon na ilang beses na niyang pinag-isipan. Parang sirang plaka ang mga sermon ng kanyang tiyahin na paulit-ulit na naririnig niya. “Kaya walang magkagusto sayo dahil wala namang espesyal sayo!” panlalait pa nito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin at nanghahamak ang bawat
Sampung minuto lang ang itinagal ng seremonyas. Ilang ulit na binasa ng staff ang mga paalala sa bagong kasal. “Pambihira, pati photo booth, may instant na!” Napailing si Graciella at inaya si Menard na kumuha sila ng larawan sa booth na iyon. Isang pitik lang at tapos na at kumpleto ang kanilang mga larawan. Ganap na silang mag-asawa. “Hindi ka ba natatakot na baka babaero ako?”tanong pa mi Menard. “Ano naman ang mahihita mo kung lolokohin mo ako, aber?” Umarko ang kilay ni Graciella at pinasadahan ng tingin ang kanyang “asawa”. Tinago na niya ang kanyang dokumento sa kanyang bag habang napapailing. “Makipagkita tayo sa pamilya ko. Yayain natin sila nang isang hapunan isa sa mga araw na ito,” saad pa ni Graciella. “Kailangan pa ba natin maghintay? Bakit hindi na lang natin gawin ngayon din?” suhestiyon pa ni Menard. Akala niya ang babaeng naiinis na pakasalan siya ay basta na lang siya hihilahin pauwi, pero mukhang nagkamali yata siya. Gusto n
Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate. May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas. Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan. Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya. “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga. Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya
Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang. Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay. Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin. “Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid. Mabuti pa ang pinsan niya at palag
Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas
Nagpapaliwanag ang isang director patungkol sa stocks at mga risk nito. Sa totoo lang, hindi kumbinsido si Menard sa paliwanag nito. Masyadong mababa ang makukuha nilang kita sa loob ng isang taon. Ayon na rin sa kanyang pag-aaral, mas mahalaga ang panahon kung ikukumpara sa kikitain mong pera. "You should target double the return within a year. Masyadong mababa ang one hundred fifty percent lang." Hindi siya kontento sa naririnig kaya nagbigay siya ng saloobin. Menard is reading a text message from his phone. Nakatutok ang kanyang atensyon sa telepono. ******** "Nasaan ka na ba? Kanina pa ako narito sa tapat ng pintuan mo. Kelan ka pa darating?" Sunod-sunod ang pagpapadala ni Graciella ng mga text message kay Menard. Kanina pa siya pabalik balik sa pasilyo. Halos ma-lowbat na rin ang kanyang cellphone sa pag-check kung nabasa na ba
Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard. Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo. "Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor. "Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella. Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa
Ang alam ng lahat, si Alfred at Alyanna lang ang anak ni Alicia Alferez. Pero ang totoo, may isa pa silang kapatid na babae. Si Alfred, ang pangalawang anak na babae, at ang bunsong si Alyanna. Si Alfred ay mas matanda ng apat na taon kay Alyanna. At ang isa pang anak, mas matanda ng dalawang taon kaysa kay Alyanna. Nawala ang kapatid nilang iyon at dinamdam ito nang malubha ng kanilang ina. Apat na taong gulang lang ang kapatid ni Alfred nang mawala ito. Nang panahon na iyon, umuusbong pa lang ang mga Alferez sa larangan ng pagnenegosyo. Kabi-kabilang party ang dinadaluhan ni Alicia para dumikit sa mga maimpluwensyang mga tao lalo at busy din ang asawa na palawakin ang kanilang kabuhayan. Isang araw, bitbit ang apat na taong gulang na anak, dumalo siya sa isang party. Pawang mga malalapit na kaibigan at kakilala ang um-attend kaya kampante itong dalhin ang anak kasam ang isang yaya nito. Sa kalagitnaan ng party, kampante si Alicia na uminom at mag-enjoy
Samantala, nasa loob na ng sasakyan si Alfred. Nasa backseat siya at nag-dial ng number ni Alyanna. “Are you out of your mind? Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nag-abala na magpakita sa pamilya mo?” Sermon kaagad ni Alfred sa kapatid. Nahihimigan na ni Alyanna ang galit ng kapatid pero binalewala niya ito. Pabalang na sinagot ang sermon nito. “I am not a child anymore! Bakit kailangan ko pang mag-report sa iyo kung saan ako pupunta?” “Huwag mo akong ipapahiya sa mga kasosyo natin sa negosyo, Alyanna. Kalat na sa buong headqurters ng Young Group ang panunuyo mo kay Menard. Don’t you have any decency left? Babae ka pero ikaw ang nanunugod ng lalaki para manuyo?” Nanggagalaiti na si Alfred sa kapatid lalo at alam niyang wala itong pakialam sa kanilang reputasyon basta lang masunod ang gusto nito. “Mind your own business, kuya. You do you, I do, me. Kaya nga may buhay tayong tig-isa para huwag makialam sa buhay ng ibang tao.” Alyanna is bitching h
Nagmamaktol pa rin si Alyanna habang naglalakad sa lobby ng building. Mas lumakas pa ang lagatok ng kanyang sapatos sa sahig ng lobby. Hanggang sa may tumawag sa kanya. “Miss Alyanna.” Paglingon ng dalaga, nakita si Louie, ang assistant ni Menard. Bitbit nito ang puting tulips na nakatali na at ang isang kahon ng white chocolate. Ngumiti muna si Louie bago iabot ang mga dala. “Mr Young wants to return these to you.” Kaagad na tumalikod si Louie matapos magawa ang utos ng boss. Natigilan si Alyanna nang ilang sandali. In-absorb ng utak ang nangyari. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Feeling niya binigyan siya ng bulaklak ni Menard. Now, she can confirm. Menard likes her but is too prideful to admit it to her! In the end, alam niyang sa kanya pa rin babagsak si Menard. It might not happen now, but she is sure it will happen soon. Samantala, sa opisina ni Menard. . . Parang nilalamig na h
“ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann
Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa
“Mas mabuti na kayo na ang maghugas ng kawalai na ‘yan. Masyadong madikit ang siomai na niluto ng asawa ko kagabi,” saad naman ni Menard sa mga tauhan. Nag-uunahan ang mga tauhan ni Menard na humagilap kung ano ang gagawin. Si Alberto ang naghugas ng mga hugasin sa lababo. Ang ilan naman, mas pinili na magwalis at iayos ang ilang kasangkapan sa kusina. Wala pang sampung minuto, nagawa na nila ang lahat ng kailangan gawin. Pina-check pa ni Alberto ang mga kawali. Alam naman niya na maselan ang amo kaya hindi na siya nagdalawang -isip na patingnan muna ito. “We are done here. Let’s go.” Tumalima ang mga tauhan at umalis na nga sila sa unit ng mag-asawa. Todo alalay naman ang mga bodyguard habang palabas sila ng condo building. Alerto sila lalo at ayaw ng amo ni na mabisto ang pagkakakilanlan nito. Sumakay muna sila ng mini van at saka bumaba kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. “Ano ang mga gagawin natin today?” tanong ni Menard kay Louie.
Hindi na alam ni Menard kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan nila magtipid sa lahat ng bayarin? Kung tutuusin, siya naman ang magbabayad ng mga bills nila. As a man, it’s his responsibility to provide for his wife. “Just turn on the air conditioner. I pay the bills so you don’t have to worry.” Halos nagsalpukan ang kilay ni Graciella. “Mr. Young, hindi naman dahil willing ka magbayad, aabusuhin ko na ang generosity mo.” Women! Hindi na umimik si Menard. His wife can do whatever she wants to do. Makulit ito at ayaw niyang makipagtalo. Yumuko na lang siya at nag-scroll sa kanyang cellphone. At ang tiyan ni Menard ay nag-alburuto. Dagling nahawakan nito ang tumunog na tiyan. Halos lumubog siya sa kinauupuan. Dinig sa buong living room ang tunog na nilikha ng kanyang tiyan. “Huwag ka ng mahiya, Mr. Young. Alam ko na gutom ka. Gusto mo na ipagluto din kita ng instant noodles?” urirat muli ni Graciella sa asawa. “I said, I’m not hungry. Bingi ka
Mataktikang tumakas si Sheila nang makita na may binaba na pasahero sa parking pace ng Camilla Cafe. Kumaway lang ito sa mag-asawa bago sumakay sa taxi. Sa bukana ng Camilla Cafe nagkaharap ang mag-asawa. Parehong asiwa sa presensya ng isa’t isa. “Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo na narito ako at sinamahan si Sheila sa date niya?” sunod-sunod na tanong ni Graciella kay Menard. Natigilan si Menard at binubuo sa isip ang isasagot sa asawa. Lagot talaga sa kanya ang sira ulo niyang pinsan. Trent and his antics really gets him in trouble! “Napadaan lang,” rason nito. Napailing si Graciella. Ayaw maniwala ng gut instinct niya. Bilang babae, alam niyang may nakapagsabi sa asawa kung saan siya kaya napasugod si Menard kung saan siya naroon ngayon. Naalala na nagkita nga pala siya ni Trent kanina lang sa parking space. Akalain ba niyang magsusumbong ito sa asawa niya. “Huwag mo ibahin ang topic,” malamig na sabi ni Menard. Lumapit siya kay G
“Hello,” bati ni Wilbert kay Menard. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina. Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior! Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo