Home / Romance / Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire / Chapter 4- Ang Masalimuot na parte ng kanyang buhay

Share

Chapter 4- Ang Masalimuot na parte ng kanyang buhay

Author: Gala8eaGreen
last update Last Updated: 2025-01-13 23:06:58

Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang.

Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay.

Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin.

“Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid.

Mabuti pa ang pinsan niya at palagi siyang inaalala. Samantalang ang kapatid ay hindi niya ito makontak madalas. Hindi niya naisip na isang araw, maghihiwalay sila ng landas at wala ng tutulong dito para mag-alaga sa anak nito. Hindi niya kayang maglihim dito. Tangling ito lang ang kanyang pinakakasundo sa pamamahay na iyon.

Hinugot niya ang kanyang marriage certificate sa bulsa. “Kasal na ako, pinsan.” Inabot niya marriage certificate na nakatago sa kanyang bulsa. “Sa isang estranghero.” Hinihintay niya ang reaksyon nito pero saglit itong natigilan.

Nawalan ng imik si Rowena pero halos lumuwa ang mata nito sa gulat.

“May asawa ka na? Sino ang maswerteng lalaki?” sunod-sunod na tanong nito. Nakatingin ito sa marriage certificate na hawak. Sinisipat at binusisi ang mga nakasulat sa kaiorasong papel.

Binawi ni Graciella ang dokumento at saka ito nahimasmasan. Pinakita niya ang litrato nila ni Menard. Muling natulala si Rowena.

“Sino ito at bakit bigla-bigla ka naman na nagpakasal?” tanong pa rin ni Rowena. Tinitigan niya ang larawan at nakita ang mapagmataas na hilatsa ng itsura ni Menard. Ang tipo ng tao na mahirap kalabanin lalo at marangya ang dating nito. Sa pananamit pa lang alam niyang galing sa buena familia ang lalaki.

Sasabihin pa sana ni Graciella ang mga nangyari kanina na hindi dapat ito ang lalaking ka blind date per nag-aalala na baka mabahala ang pinsan.

“Baka mambubudol lang ‘yan pinsan? Paano kung perahan ka lang? ” may pag-aalala pa rin ang boses ni Rowena.

Alam naman niya na stress sa bahay si Rowena at ayaw nito na basta na lang siya aalis. Pero, kung hindi niya gagawin ang paglisan hindi rin uusad ang buhay niya.

“Huwag kang mag-alala. Mabait naman si Menard. At saka sa tanda kong ito, hindi na ako maloloko ng kung sino lang,” puno ng pananalig na saad niya.

Tuluyang namula ang mga mata ni Rowena. Alam nito sa sarili na wala na siyang kasama sa pag-aalaga ng kanyang anak na si Leya.

“Hindi mo man lang pinaghandaan ang pagpapakasal mo? Dapat sana magkaroon man lang ng pormal na seremonyas,” saad pa ni Rowena.

“Ulila na ako at hindi ko kailangan ‘yan. Ang importante ay maging praktikal sa panahon ngayon. Hindi na uso ang bonggang kasal. Ang importante ay legal ang kasal,” dahilan naman ni Graciella sa pinsan.

Bumagsak na ang luha ni Rowean. Napakaemosyonal nga naman nito.

“Dadalawin pa rin naman kita parati. Mawiwili ako sa inyo ni Leya,” pagpapalubag niya ng loob kay Rowena.

“Makikipisan ka rin ba kagaya ko?” tanong ni Rowena.

Napangiti si Graciella at natandaang retirado na ang mga magulang ni Menard at sa ibang bansa na naninirahan. Halos hindi na nga daw naasikaso silang magkapatid lalo at panay travel ng mga ito.

“Maganda naman ang trabaho niya sa isang malaking kumpanya kaya huwag kang mag-alala,” dahilan pa niya.

“Kung magkaroon na kayo ng mga anak, dapat kayo lang. Nakakapagod ang pumisan. Tingnan mo ako palaging pagod.”

“Alam ko.”

Hindi nila napag-usapan ni Menard ang tungkol sa pagpapamilya at lalo na ang pagkakaroon ng anak. Gusto nga ba niya ng anak?

Mahirap nga naman na wala silang sariling tirahan. Kapag nga naroon ang asawa ni Rowena ay siksikan sila. Minsan naman ay nasisilawan siya sa ilaw sa kabilang gusali na tumatama sa kanyang maliit na tinutulugan sa balkonahe.

Kinapa niya ang kanyang telepono at nagtipa ng mensahe para kay Menard. Saan nga ba tayo titira? Gusto ko sana na may sarili tayong uupahan, kung sakali. At saka pinadala ang text sa asawa. Dalangin na lang ni Graciella na sana hindi mainis sa kanya si Menard.

“Siyanga pala, mukhang hindi dapat ako ang ka-date mo kanina eh,” dagdap pa ni Graciella sa kanyang mensahe. Pwede naman sila maghiwalay kung sakali man na hindi sila magkasundo ni Menard. Patas naman ang usapan nila kanina.

“Hindi nga ikaw ang dapat ka-date ko,” sagot naman ni Menard.

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Graciella. Gusto na niya talagang umalis sa pamamahay ng tiyahin.

“Saan mo nga gustong tumira?” sunod na tanong ni Menard sa ka-text.

“Umupa tayo ng bahay na malapit sa trabaho natin. Hati na tayo sa mga bayarin,” alok pa ni Graciella.

Ilang minuto pa nagpadala ng address si Menard.

Related chapters

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 5  Nasaan ang lalaking ‘yon?

    Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas

    Last Updated : 2025-01-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 1: Biglaang Kinasal?

    “Handa ka na ba? ‘Pag pumasok na tayo, isipin mo ng kasal na tayo.” Tumayo nang matuwid si Menard Young. Hindi pa rin pumapasok sa loob ng munisipyo ang binatang si Menard Young at si Graciella Gomez. Kapwa sila estranghero sa isa’t isa at ngayon heto sila at nagbabalak magpakasal. Namumula ang mata ni Graciella. Naiiyak siya sa totoo lang pero determinado na siya. Ito lang ang naiisip niyang paraan para tuluyan ng lumaya sa poder ng kanyang tiyahin- si Lupita. Kipkip ang kanyang malaking bag at laman niyon ang kanyang mga dokumento. Dilaw ang suot niya na damit. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang mga dokumento at tiim ang kanyang mga mata. Doon siya humuhugot ng lakas para sa desisyon na ilang beses na niyang pinag-isipan. Parang sirang plaka ang mga sermon ng kanyang tiyahin na paulit-ulit na naririnig niya. “Kaya walang magkagusto sayo dahil wala namang espesyal sayo!” panlalait pa nito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin at nanghahamak ang bawat

    Last Updated : 2025-01-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 2: Menard Young- Nagkamali ka yata?

    Sampung minuto lang ang itinagal ng seremonyas. Ilang ulit na binasa ng staff ang mga paalala sa bagong kasal. “Pambihira, pati photo booth, may instant na!” Napailing si Graciella at inaya si Menard na kumuha sila ng larawan sa booth na iyon. Isang pitik lang at tapos na at kumpleto ang kanilang mga larawan. Ganap na silang mag-asawa. “Hindi ka ba natatakot na baka babaero ako?”tanong pa mi Menard. “Ano naman ang mahihita mo kung lolokohin mo ako, aber?” Umarko ang kilay ni Graciella at pinasadahan ng tingin ang kanyang “asawa”. Tinago na niya ang kanyang dokumento sa kanyang bag habang napapailing. “Makipagkita tayo sa pamilya ko. Yayain natin sila nang isang hapunan isa sa mga araw na ito,” saad pa ni Graciella. “Kailangan pa ba natin maghintay? Bakit hindi na lang natin gawin ngayon din?” suhestiyon pa ni Menard. Akala niya ang babaeng naiinis na pakasalan siya ay basta na lang siya hihilahin pauwi, pero mukhang nagkamali yata siya. Gusto n

    Last Updated : 2025-01-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 3- Nag-aalala ang tagapagmana

    Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate. May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas. Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan. Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya. “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga. Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya

    Last Updated : 2025-01-13

Latest chapter

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 5  Nasaan ang lalaking ‘yon?

    Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 4- Ang Masalimuot na parte ng kanyang buhay

    Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang. Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay. Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin. “Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid. Mabuti pa ang pinsan niya at palag

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 3- Nag-aalala ang tagapagmana

    Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate. May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas. Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan. Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya. “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga. Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 2: Menard Young- Nagkamali ka yata?

    Sampung minuto lang ang itinagal ng seremonyas. Ilang ulit na binasa ng staff ang mga paalala sa bagong kasal. “Pambihira, pati photo booth, may instant na!” Napailing si Graciella at inaya si Menard na kumuha sila ng larawan sa booth na iyon. Isang pitik lang at tapos na at kumpleto ang kanilang mga larawan. Ganap na silang mag-asawa. “Hindi ka ba natatakot na baka babaero ako?”tanong pa mi Menard. “Ano naman ang mahihita mo kung lolokohin mo ako, aber?” Umarko ang kilay ni Graciella at pinasadahan ng tingin ang kanyang “asawa”. Tinago na niya ang kanyang dokumento sa kanyang bag habang napapailing. “Makipagkita tayo sa pamilya ko. Yayain natin sila nang isang hapunan isa sa mga araw na ito,” saad pa ni Graciella. “Kailangan pa ba natin maghintay? Bakit hindi na lang natin gawin ngayon din?” suhestiyon pa ni Menard. Akala niya ang babaeng naiinis na pakasalan siya ay basta na lang siya hihilahin pauwi, pero mukhang nagkamali yata siya. Gusto n

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 1: Biglaang Kinasal?

    “Handa ka na ba? ‘Pag pumasok na tayo, isipin mo ng kasal na tayo.” Tumayo nang matuwid si Menard Young. Hindi pa rin pumapasok sa loob ng munisipyo ang binatang si Menard Young at si Graciella Gomez. Kapwa sila estranghero sa isa’t isa at ngayon heto sila at nagbabalak magpakasal. Namumula ang mata ni Graciella. Naiiyak siya sa totoo lang pero determinado na siya. Ito lang ang naiisip niyang paraan para tuluyan ng lumaya sa poder ng kanyang tiyahin- si Lupita. Kipkip ang kanyang malaking bag at laman niyon ang kanyang mga dokumento. Dilaw ang suot niya na damit. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang mga dokumento at tiim ang kanyang mga mata. Doon siya humuhugot ng lakas para sa desisyon na ilang beses na niyang pinag-isipan. Parang sirang plaka ang mga sermon ng kanyang tiyahin na paulit-ulit na naririnig niya. “Kaya walang magkagusto sayo dahil wala namang espesyal sayo!” panlalait pa nito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin at nanghahamak ang bawat

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status