Chapter: Chapter 46 Kaibigan “What do you need from him? Naglalaro siya ng billiards,” sabi ni Trent. “I need something from him. Hurry up call him,” utos ni Menard sa pinsan. Medyo maingay nga ang kinaroroonan ng magkaibigan. Narinig pa niya na tila nagbubulungan ang mga ito. Naiinis na siya pero hindi pa rin umiimik ang nasa kabilang linya. “Ang kuya Menard nga at ikaw ang sadya. Halika na nga. Alam mo naman maikli ang pasensya ng pinsan kong ‘yon,” pag-ayaya ni Trent kay Lambert “Hello, Menard Tristan Young,” sarkastikong saad ni Lambert. Baritono ang boses nito na bumagay sa malaki nitong katawan. Silang tatlo ay close talaga. Hindi sila kagaya ng mga anak mayaman na mahilig mag-party kung saan-saan. Kuntento na sila sa simpleng pag-inom ng alak at paglalaro ng billiards paminsan. Busy din kasi si Menard sa pamamahala sa kabuuan ng Young Group kaya minsan lang talaga sila lumalabas magkakaibigan. “Lambert, is it true someone ruined your suit this afternoon?” bungad
Huling Na-update: 2025-02-20
Chapter: Chapter 45: Mamahaling damit Nahihiya na si Rowena sa pinsan niya. Dalawang taon na ito ang gumagawa ng mga gawaing bahay, idagdag pa ang pagbabantay kay Leya. Kung tutuusin hindi nito obligasyon ang mga iyon. Nag-aambag pa ito sa gastusin samantalang siya isang palamunin na perwisyo. “Anong magagawa natin? Nariyan na ‘yan. At saka bata pa si Leya. Ano naman muwang niya sa mg ganyang bagay? Hayaan mo, ako na muna magbabayad sa danyos,” alok ni Graciella. “Basta huwag ka na magsumbon sa asawa mo. Tiyak ako aawayin ka lang niya.” “Pero, ate may pera ka pa ba? Anlaki na nga ng binigay mo kay nanay. May matitira pa ba sayo? Huwag na kaya ate. Nakakahiya naman sa asawa mo.” “Basta ako na ang bahala.” Sa black card na muna siya hihiram para ibigay kay Rowena. Syempre kailangan niyang ipaalam kay Menard ang gagawin. Ayaw naman niya napagbintangan na nanakawin niya ang laman na pera ng card. Gusto niyang malinaw ang lahat ng gastusin. Wala naman pwedeng tumulong kay Rowena kundi
Huling Na-update: 2025-02-18
Chapter: Chapter 44 Lambert Alferez “Sir, pwede po ba lilinisin ko na lang ang mantsa?” Nagmamakaawa si Rowena sa bodyguard. Nainis ang manager. “Hindi ko alam kung tang aka o bingi! Hindi nga makukuha sa simpleng linis lang ang mantsa,” aburidong sita kay Rowena. Gusto na nitong saktan si Rowena lalo at valued customer nila si Lambert Alferez. Tiningnan nito ang pananamit ni Rowena. Alam niya na wala itong kakayahan na magbayad kahit ang dry cleaning service na baka umabot sa two thousand pesos. Halata naman kasi na galing ito sa mahirap na pamilya. “Pwede ko po naman subukan di ba?” Nagmamakaawa pa rin si Rowena sa mga ito. Mamumula na si Lambert sa galit. Kanina pa niya tiningnan ang mantsa sa suot na suit, pati na rin ang mantsa sa damit na sana ay kukunin na niya. “Tutal makulit ka at nagpupumilit. Akin na ang contact number mo at ipapadala ko sa mga tauhan ko ang mga namatsahan ng anak mo. Ikaw ang magbabayad ng dry cleaning service,” saad ni Lambert. Wala na siyang magagaw
Huling Na-update: 2025-02-18
Chapter: Chapter 43: Pahamak “Malapit na ako ma-promote. Ibibigay ko lahat ng gusto mo.” Nagyayabang na si Harry kay Stella. “Alam mo, Harry sayang ka. Bakit kasi maaga kang nag-asawa. Nakita ko nga ang picture ng asawa mo. Ang bata pa naman niya pero bakit parang kuwarenta na siya,” panghahamak ni Stella sa asawa ng kaharap. “Sabihin mo lang sa akin, kung gusto mo iiwanan ko na si Rowena para libre na tayong dalawa,” alok ni Harry. Ngumisi si Stella. Kahit naman medyo mataba si Harry, gwapo din naman ito plus masipag pa. Malapit na rin itong ma-promote bilang department head nila. “Saka mo na ako ligawan kung kaya mo ng hiwalayan ang pangit mong asawa.” Ngayon pa lang iniisip na ni Harry ang sarili na sila ang bagay ni Stella. Dangan kasi at natali na siya kay Rowena na walang alam gawin kundi ang gumastos at maniwala sa mahadera nitong ina. ********* Samantala naiiyak na si Rowena sa gilid. Gusto niyang bilhin ang mga pinili pero wala siyang choice. Ayaw siyang big
Huling Na-update: 2025-02-17
Chapter: .Chapter 42 Gastador na babae Naaawa din naman si Rowena sa asawa na nakikisiksik sila sa masikip na bahay ng magulang niya. Pero, wala siyang magawa dahil wala naman siyang maitutulong. Housewife lang siya. Nag-se-self pity na nga siya madalas dahil napag-iwanan na siya ng mga ka-batch niya,. Ang iba asensado na pero siya isang losyang na maybahay lang. Kung hindi sana kaagad siya san nag-asawa pagkatapos mag-aral hindi sana niya dadanasin ang kinasadlakan ngayon. Nahaplos niya ang pisngi. Naninilaw na ang kahapon lang na nangigitim na black eye niya. Larawan ng isang martir na asawa ang nakikita niya sa salamin. Malapit na niya makilala ang asawa ng pinsan. Inaamin naman niya na tinutubuan siya ng insecurity sa dumapong swerte sa kanyang pinsan. Oo nga at huli na itong nag-asawa pero nakatagpo naman ito ng matinong asawa. Kailangan niya mag-ayos kahit paano. Mamimili siya ng bagong damit. Hindi naman siguro kalabisan kung paminsan pagbibigyan niya ang sarili. Panay ukay-ukay
Huling Na-update: 2025-02-16
Chapter: Chapter 41: Hindi gusto “Maaga ang uwi mo ngayon,” pansin ni Rowena kay Harry. Ang alam niya kasi kapag weekends OT talaga ang asawa. Nakita ni Harry ang biyenan kaya dumiretso siya sa kwarto nila mag-asawa. Sumulak ang dugo niya sa pagmumukha nito. Ni hindi nga niya binati ang asawa at baka kung ano pa ang masabi niya sa mahaderang biyenan niya. “Tanungin mo kung may increase na siya sa sahod,” bulong ni Lupita sa anak. Pumasok na nga si Rowena sa silid nila at nadatnan na nakahiga na ang asawa sa tabi ng anak na si Leya. “May umento na ba sa sahod mo?” Mahinang tanong ni Rowena. Takot siyang baka magalit ang asawa at magising na lang bigla ang anak. “Huwag mo akong kulitin, Rowena. Mababa ang sales ng department namin kaya huwag ka umasa ng umento sa sahod. Hindi pa nga namin nakuha ang target sales,” asik ni Harry sa asawa. “Baka matanggal nga ako sa trabaho ‘pag hindi pa rin namin makuha ang target sales. Sama-sama tayong magugutom.” Napaupo si Rowena sa paanan
Huling Na-update: 2025-02-13