แชร์

Chapter 3- Nag-aalala ang tagapagmana

ผู้เขียน: Gala8eaGreen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-01-13 23:03:31

     Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate.

     May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas.

     Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan.

    Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya.

     “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga.

     Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya makikilala ang asawa. Kahit paano nagkaroon ito ng silbi sa kanya. 

     Basta na lang niya nilapag ang nabiling prutas at inayos ang nagkalat na laruan sa lapag. Mami-miss niya panigurado ang masikip at magulong pamamahay ng kanyang tiyahin.

     Bumukas ang pinto at pumasok ang pinsan na bitbit ang anak na si Leya. Tulog ito lalo at nakasanayan na ilibot ito sa liwasan sa kabilang barangay. 

      “Nay, huwag naman ganyan. Mula sa baba dinig ko na naman ang bibig mo. Magpasalamat ka na lang na kahit papaano malaki ang maitutulong si Ate Graciella sa atin,” saad pa ni Rowena.

     Halos manlisik na lang ang mata ni Lupita sa narinig mula sa anak.

     “Baliktad, Rowena. Tayo ang umaruga sa kanya!” asik ng babae sa anak nito. “Kung hindi dahil sa amin ng tatay mo saang kangkungan kaya pupulutin ang babaeng ito? Kung may umampo sa kanya tiyak ibabalik lang din siya sa ampunan dahil wala siyang silbi!”

      Naglakad ito sa makipot na sala at biglang may naalala. “Hindi mo pa sinipot ang dapat sana katagpo mo ngayon! Ano at pipili ka pa? Malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo.”

     Naguluhan si Graciella at napakunot ang noo.

     “Bakit mo sinabi na hindi sumipot ang katagpo ko, tiyang?”

      Napapikit ito at napahawak sa batok. Humugot ng malalim na hininga bago nagsalita.

      “Baka nakita na wala namang espesyal sayo kaya lumayas kaagad? Sa itsura mo ba namang iyan sino ang mag-aaksaya ng pera at panahon para kausapin ka pa?”      Sunod-sunod na insulto ang namutawi sa bibig ni Lupita at hinayaan na lang iyon ni Graciella.

      “Tiyang, ano nga ang apelyido ng dapat sana katagpo ko?” tanong ng dalaga.

     “Zabala, iyon ang sabi ng kakilala ko,” sagot ni Lupita.

     Kinakabahan na si Graciella. Gusto na lang niya magpalamon sa lupa. Ano at mukhang mali a ning nakilala niyang tao kanina?

      Isang oras silang nag-usap ni Menard kanina pero hindi Zabala ang sinabi nito na apelyido kundi Young. Hindi man lang siya nito sinabihan na hindi ito dapat ang kanyang katagpo. Ano ang motibo ni Menard?

      Kanina lang pagkatapos umiyak, tumakbo siya at nakita sa table 12 si Menard. Panay ang paghagod nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na tila sinusuri siya sa ilalim ng microscope.

      Sabi nga ni Tiyang Lupita kanina, ang katatagpuin niya ay nasa trenta na ang edad at medyo may katabaan. Hindi rin ito gaano palakibo lalo at ‘di sanay na makipag-usap sa tao lalo sa uri ng trabaho nito na panay kompyuter ang kaharap maghapon. Babad ito sa trabaho at nahihiya sa mga babae.you

     Kabaliktaran sa lahat ng paglalarawan ni Tiyang Lupita si Menard. Muling kinapkap ni Graciella ang tarheta at hinanap sa kanyang telepono ang social media account ni Menard. Malayo nga sa description ng tiyahin lalo at halatang marangya ang mga larawan na nakikita niya sa profile  nito. Napangiwi siya.

     Gusto niyang tanungin si Menard pero hindi niya alam kung paano.

     “Wala na akong magagawa kahit tulungan pa kita kung ayaw mo rin tulungan ang sarili mo! Hayaan mo na lang na maging matandang dalaga ka.” Puno ng galit ng boses ng tiyahin kaya napayuko ang pinsan.

     Hinila siya ni Rowena papasok sa silid. “Huwag mo na isipin ang sinabi ni nanay. Stress lang ‘yon at medyo kapos tayo sa budget ngayon.”

Napangiti naman si Graciella. Nakapagtataka kung paanong naging mabait si Rowena kahit ubod ng sungit at m*****a ang tiyahin. Wala siyang problema sa tiyuhin, kahit pa sa asawa ni Rowena. Ang tiyahin niya lang talaga ang gigil na gigil sa kanya.

        Ang asawa ni Rowena ay malaki naman ang sahod lalo at salesman ito. Pero, sa paglipas ng mga taon, naging matumal ang benta nito kaya malamang na lumiit ang sahod nito. Wala namang masyadong pinag-aawayin ang mag-asawa maliban sa maliit na bagay.

      Nitong nakaraan nga ay napapansin niya na dumadalang na ang uwi ng mister ni Rowena dahil palaging nakadestino sa karatig probinsya. 

     

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 4- Ang Masalimuot na parte ng kanyang buhay

    Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang. Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay. Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin. “Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid. Mabuti pa ang pinsan niya at palag

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 5  Nasaan ang lalaking ‘yon?

    Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-13
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 006 Awkward

    Nagpapaliwanag ang isang director patungkol sa stocks at mga risk nito. Sa totoo lang, hindi kumbinsido si Menard sa paliwanag nito. Masyadong mababa ang makukuha nilang kita sa loob ng isang taon. Ayon na rin sa kanyang pag-aaral, mas mahalaga ang panahon kung ikukumpara sa kikitain mong pera. "You should target double the return within a year. Masyadong mababa ang one hundred fifty percent lang." Hindi siya kontento sa naririnig kaya nagbigay siya ng saloobin. Menard is reading a text message from his phone. Nakatutok ang kanyang atensyon sa telepono. ******** "Nasaan ka na ba? Kanina pa ako narito sa tapat ng pintuan mo. Kelan ka pa darating?" Sunod-sunod ang pagpapadala ni Graciella ng mga text message kay Menard. Kanina pa siya pabalik balik sa pasilyo. Halos ma-lowbat na rin ang kanyang cellphone sa pag-check kung nabasa na ba

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-23
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 007 stupid woman

    Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard. Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo. "Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor. "Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella. Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-23
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 008: Hindi siya mapakali

                Magandang  tanawin, salamin na bintana, at malawak na silid. Ayaw ng kumurap ni Graciella habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang silid. Baka mawala lang ito sa kanyang paningin at bumalik siya sa masikip niyang silid noon. Kung silid nga bang maituturing ang tatlong metrong kuwadradong espasyo.       Nagpapasalamat siya sa Maykapal na siyang gumabay sa kanya. Kahit naman parang ambilis niya nagpakasal, napunta naman siya sa maayos na tao. Isa pa si Menard ang klase ng tao na maraming ginagawa sa buhay, kaya kailangan niyang pakisamahan ito nang maayos. Kung kailangan man niya itong pagsilbihan ay ayos lang.       Kinabukasan, magaan ang pakiramdam na bumangon. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang tanawin. Nagtatayugang mga gusali at pati na ang dagat sa kabilang bayan ay kita mula sa kanyang balcony.       Nagbihis na siya at nagtungo sa kusina. “Ay, wala nga palang mga gamit pangluto dito,” nau

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-24
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 009 : Totoo ba siya?

          Kahit naman contract marriage lang ang naganap sa kanila ni Menard, walang kaganapang mag-asawa sa kanilang dalawa. Kailangan muna nilang magkasundo sa ilang bagay bago man lang maisip na gawin ang mga bagay na sa mga totoong mag-asawa lang nagaganap.      “Hindi no!” tangi pa ni Graciella. “Kailangan muna namin kilalanin ang isa’t isa. Ikaw talaga Sheila bakit ang advance mo mag-isip?”      Nawalan na ng gana si Sheila na ligpitin ang mga gamit na naroon.      “Nagtiwala ka kaagad sa kanya? Kung alam ko lang naghahanap ka pala ng mapapangasawa, sana doon na lang kita nireto sa mga pinsan ko,” may himig tampo ang boses nito. Tumulis pa ang nguso ni Sheila kaya nangiti si Graciella.     Noon nga pinakilala siya ni Sheila sa isang malayong pinsan nito. Interesado ito sa kanya noong una pero nang nalaman nito na ulila siya, bigla na lang ito nanlamig ng pakikitungo sa kanya. Ayon dito, hindi di siya n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-24
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 10: turuan mo ako, kuya

    “Kanina pa kita hinahanap. Gusto kong matuto mula sayo, Kuya Tristan. Kaysa naman kay auntie ako magpaturo para naman mabigyan mo na ako ng posisyon sa kumpanya.” Kanina pa kinukulit ni Trent ang pinsan na si Menard. Hanga siya rito dahil trenta pa lang ito marami ng napatunayan sa kumpanya. Hindi pa rin umiimik si Menard. Tiningnan lang ang pinsan na si Trent. “Kung ako naman ang pilitin ng mama na magpakasal ay baka gayahin ko na ang ginawa mo.” Napakunot ang noo ni Menard. Nagyon nakuha na ni Trent ang atensiyon niya. “But, women these days are wise. Ang iba lmagkukunwaring mabait para makuha nila ang loob mo. Kapag naging kampante ka at saka nila ipapakita ang tunay nilang motibo,” komento ni Trent. “Baka maloko lang ako kung gagayahin ko ang ginawa mo.” “What nonsense are you talking about, Trent?” singhal ni Menard sa pinsan.

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-25
  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 11: ano ang nasa isip niya?

    Napasandal sa likod ng pinto si Graciella. Napahawak siya sa dibdib at ramdam ang pagkalabog nito. Akala niya hindi uuwi si Menard kaya kampante siyang nagllakad na nakasuot lang ng manipis na tank top at maluwag na shorts. Alas dos na nang madaling araw at naiihi siya kaya pumunta siya sa banyo. Palabas na siya ng banyo nang marinig ang pagbukas ng pinto kaya kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanyang silid. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa bilis niyang tumakbo. Pakiramdam niya sumali siya sa isang one hundred meter sprint sa bilis ng pagkaripas niya. Samantalang nasa sala si Menard. Nakaupo siya sa sofa at inaantok pero ang diwa niya ay nagulat sa narinig na may tumakbo. Tumikhim siya para mawala ang hiya. Si Graciella lang pala ang tumakbo na 'yon. Gusto na lang niyang batukan ang sarili dahil madalas nawawala sa isipan ang katotohanan na may asawa na pala siyang tao. Dap

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-01-25

บทล่าสุด

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 23- Pamilyar

     Naalerto si Alberto at Louie. Nakita kasi nila ang isang pamilyar na pigura. Nasa unahan sila at nagmamasid sa paligid. Strikto ang kanilang amo pagdating sa security at aaw nilang may isa man lang babae na halos ihagis na ang sarili sa kanilang Senyorito Menard.       Samantala, nasa gitna si Menard at hindi komportable sa ingay ng mga naroon. Mabuti na lang at nakapalibot sa kanya ang kanyang mga tauhan.     Highly trained at matatangkad ang mga bodyguard. Hindi rin nakangiti ang mga ito. Alerto ang mga ito lalo at maraming mga babae na ginagawa ang lahat makalapit lang sa kanilang amo. At ito ang pinakaayaw nilang mangyari.           Sa lahat ng mga dinadauhang event ni Menard, kasama niya ang kanyang security team lalo at ayaw niya na masyadong lumalapit sa kanya ang mga tao, lalong lalo na ang mga babae. He doesn’t want to deal with delusional girls who always do crazy things just to get his attention. He doesn’

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 22: Nang dumating ang bituin

    Sumubo na na naman ng isang malaking hiwa ng cake si Graciella. Napapikit siya sabay sabi, “ang sarap din nito.” Nilingon niya ang mga tao sa paligid na pawang abala na sa kani-kanilang ginagawa. Nakakahiya din kaya ang kumain at malaki pa talaga ang subo. Wala naman pakialam ang mga naroon sa ginagawa nila magkaibigan. “Kaya nga ‘di ba? Tingnan mo doon sa kabilang side naroon ang mga seafood,” saad ni Sheila sabay turo sa king crab na malalaki ang mga sipt. Napaawang ang mga labi nila pareho. “Nakakahiya, Sheila. May sauce ang crabs at hindi bagay sa suot natin na gown na hahawak tayo ng ganyang klaseng pagkain,” bulong ni Graciella sa kaibigan. Nahagip ng kanyang paningin ang mga cherry at makuha nito ang atensiyon. Tila kasi kumakaway ito sa kanya at nag-aanyaya na tikman ito. At hindi siya nagkamali. Katulad ng dessert, napapikit siya nang matikman an

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 21: Pupunta ba ang pinakamayaman?

           Alas sais na ng gabi at sakay si Jeron ng kanyang magarang sasakyan. Susunduin niya ang dalawang magagandang dilag. Napaawang ang labi niyan nang makita si Graciella. Bagay sa mga ito ang napiling makeup at gown. Mas lumitaw ang ganda ng mga ito. Pero, mas naagaw ng atensiyon niya ang anyo ni Graciella.      Maganda naman si Graciella kahit simple lang ito. Iyong tipo ng ganda na hindi pansinin sa una pero habang tumatagal mas gumaganda ito sa paningin.      “Ano? Bilib ka na ba sa talent ko? Parang plastic surgery ang dating ano?” pagyayabang ni Sheila. Gusto niyang kantiyawan ang pinsan lalo at halos tumulo ang laway nito na nakamasid sa kaibigan.      Namula si Jeron sa tanong ng pinsan. “Maganda naman si Ate Graciella. Bakit mo sasabihin na plastic surgery ang ginawa mo? Pinalitaw mo lang lalo ang ganda niya.”     Umasim ang mukha ni Sheila. Inaasahan niyang pupurihin ng pinsan ang galing niya sa makeup. “Ma

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 20: Kasabay na overtime

         Kinilabutan si Graciella. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Halos kadugo na ang turing ko sayo. Huwag mo na pangarapin na maging maghipag pa tayo. At saka isa pa may asawa na ako. Ang bait kaya ni Mr. Young sa akin,” rason pa ni Graciella. May asawa na siya at hindi nakikita ang sarili na nagkagusto pa sa ibang lalaki.       “Nagmamadali ka kasi magpakasal hindi mo pa naman lubos na kilala si Mr. Young. Do you hear what you call him? You don’t even call him hubby,” dahilan pa ni Sheila.     “Baka hindi naman totoo ang marriage certificate niyo?”         Pinulot na ni Graciella ang kanyang paint brush at pinagpatuloy ang painting. Isa iyong tanawin na may bulubundukin at ilang uri ng colorful na ibon. Ayaw na niyang makipagtalo sa kaibigan.       “Kailangan mo lang naman maghanap ng guwapo at mayaman,” pagpilit pa rin ni Sheila sa kaibigan. Nanghihinayang kasi siya sa kaibigan na basta na lang sa ordinaryong lal

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 19: Don't talk nonsense

           “Lugi naman kung two thousand per night lang ang bayad,” reklamo pa ni Sheila.      “Ano ba ang gagawin?” tanong ni Graciella.      “Stand in waitress. Pero formal dress ang kailangan isuot while on duty,” paliwanag ni Jeron.      “Alam ko may ganitong style eh. Kapag may malalaking event ang mga hotel ganito ang ginagawa nila. Ihahalo ng hotel ang mga naka formal dress na servers para mas maiwasan ang mga minor accidents,” singit ni Sheila. “Pwede kang kumain at uminom habang naka duty. Kailangan mo lang talaga humalo sa crowd para hindi halata na server ka talaga.”       “Para lang silang nagtapon ng pera kung ganun?” naguguluhan na saad ni Graciella. Mayroon palang ganun na magbabayad sila ng mga tao para maging display lang.      “Gusto kasi ng mga organizers na parang maraming tao ang pumunta. Additional publicity kasi ‘yon para sa kanila,” paliwanag naman ni Sheila sa kaibigan. “Ka

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 18: Chill na kuya

    “Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 17: Madaling makuntento

         Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto.      Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya.       “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito.      “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella.       “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard.        “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   chapter 16: kakaiba ka

         Malalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis.       Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike!      Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa.       Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn

  • Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire   Chapter 15: Nakapagtataka

      Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat?       Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang.  Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera.      Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay.      "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin.       Hindi umimik si Graciella.      "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sin

สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status