Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate. May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas. Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan. Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya. “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga. Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya
Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang. Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay. Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin. “Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid. Mabuti pa ang pinsan niya at palag
Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas
Nagpapaliwanag ang isang director patungkol sa stocks at mga risk nito. Sa totoo lang, hindi kumbinsido si Menard sa paliwanag nito. Masyadong mababa ang makukuha nilang kita sa loob ng isang taon. Ayon na rin sa kanyang pag-aaral, mas mahalaga ang panahon kung ikukumpara sa kikitain mong pera. "You should target double the return within a year. Masyadong mababa ang one hundred fifty percent lang." Hindi siya kontento sa naririnig kaya nagbigay siya ng saloobin. Menard is reading a text message from his phone. Nakatutok ang kanyang atensyon sa telepono. ******** "Nasaan ka na ba? Kanina pa ako narito sa tapat ng pintuan mo. Kelan ka pa darating?" Sunod-sunod ang pagpapadala ni Graciella ng mga text message kay Menard. Kanina pa siya pabalik balik sa pasilyo. Halos ma-lowbat na rin ang kanyang cellphone sa pag-check kung nabasa na ba
Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard. Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo. "Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor. "Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella. Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa
Magandang tanawin, salamin na bintana, at malawak na silid. Ayaw ng kumurap ni Graciella habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang silid. Baka mawala lang ito sa kanyang paningin at bumalik siya sa masikip niyang silid noon. Kung silid nga bang maituturing ang tatlong metrong kuwadradong espasyo. Nagpapasalamat siya sa Maykapal na siyang gumabay sa kanya. Kahit naman parang ambilis niya nagpakasal, napunta naman siya sa maayos na tao. Isa pa si Menard ang klase ng tao na maraming ginagawa sa buhay, kaya kailangan niyang pakisamahan ito nang maayos. Kung kailangan man niya itong pagsilbihan ay ayos lang. Kinabukasan, magaan ang pakiramdam na bumangon. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang tanawin. Nagtatayugang mga gusali at pati na ang dagat sa kabilang bayan ay kita mula sa kanyang balcony. Nagbihis na siya at nagtungo sa kusina. “Ay, wala nga palang mga gamit pangluto dito,” nau
Kahit naman contract marriage lang ang naganap sa kanila ni Menard, walang kaganapang mag-asawa sa kanilang dalawa. Kailangan muna nilang magkasundo sa ilang bagay bago man lang maisip na gawin ang mga bagay na sa mga totoong mag-asawa lang nagaganap. “Hindi no!” tangi pa ni Graciella. “Kailangan muna namin kilalanin ang isa’t isa. Ikaw talaga Sheila bakit ang advance mo mag-isip?” Nawalan na ng gana si Sheila na ligpitin ang mga gamit na naroon. “Nagtiwala ka kaagad sa kanya? Kung alam ko lang naghahanap ka pala ng mapapangasawa, sana doon na lang kita nireto sa mga pinsan ko,” may himig tampo ang boses nito. Tumulis pa ang nguso ni Sheila kaya nangiti si Graciella. Noon nga pinakilala siya ni Sheila sa isang malayong pinsan nito. Interesado ito sa kanya noong una pero nang nalaman nito na ulila siya, bigla na lang ito nanlamig ng pakikitungo sa kanya. Ayon dito, hindi di siya n
“Kanina pa kita hinahanap. Gusto kong matuto mula sayo, Kuya Tristan. Kaysa naman kay auntie ako magpaturo para naman mabigyan mo na ako ng posisyon sa kumpanya.” Kanina pa kinukulit ni Trent ang pinsan na si Menard. Hanga siya rito dahil trenta pa lang ito marami ng napatunayan sa kumpanya. Hindi pa rin umiimik si Menard. Tiningnan lang ang pinsan na si Trent. “Kung ako naman ang pilitin ng mama na magpakasal ay baka gayahin ko na ang ginawa mo.” Napakunot ang noo ni Menard. Nagyon nakuha na ni Trent ang atensiyon niya. “But, women these days are wise. Ang iba lmagkukunwaring mabait para makuha nila ang loob mo. Kapag naging kampante ka at saka nila ipapakita ang tunay nilang motibo,” komento ni Trent. “Baka maloko lang ako kung gagayahin ko ang ginawa mo.” “What nonsense are you talking about, Trent?” singhal ni Menard sa pinsan.
Isang pagkumpirma sa katahimikan ni Graciella. “Ano ba kasi ang problema niyo mag-asawa?” Nahihiyang magsabi si Graciella sa kaibigan tungkol sa marriage agreement nila ni Menard. Hindi siya tiyak kung maiintindihan siya ni Sheila. Sa ngayon, sasarilinin na lang muna niya ang kanyang sitwasyon. “Biglaan naman ang kasal naman at hindi pa kami ganun ka pamilyar sa isa’t isa. Pasaan ba at darating din kami sa puntong iyon,” dahilan ni Graciella. Gusto sana magkomento ni Sheila pero wala siya sa posisyon. Mas malala pa nga ang sitwasyon niya kaysa sa kaibigan. Naiinggit pa nga siya lalo at mabait naman kahit paano ang napangasawa ni Graciella. “Gusto nga kitang gayahin, e. Kung alam mo lang na nagdarasal ako na sana isang kagaya ng asawa mo ang lalaking ‘yon,” tila nangangarap na saad ni Sheila. Inalo ni Graciella ang kaibigan. “Huwag mo nga muna kontrahin ang mga magulang mo. Malay mo, na-overwhelm lang talaga siya sa ganda mo kaya nagyabang siya
Kinabukasan nga, tanghali na nagising si Menard. Nakatulog na siya sa sofa at may kumot siya. Kinapa iyon at alam niya na si Graciella ang nagbigay nito. Napangiwi nang makita na kulay lavender ang kumot. Feeling niya masisira ang image niya bilang CEO kung may makakakita sa kanyang gumamit ng blanket na kulay lavender. Nanlalagkit ang pakiramdam ni Menard. Tiningnan ang air conditioning unit nila hindi iyon naka-on kaya naman pala naiinitan siya. Knowing his wife, kuripot ito at hindi naman nito alam na mayaman siya. Napangiwi nang maamoy ang pinaghalong amoy ng alak at pawis sa kanyang damit. Sa kalasingan, hindi na niya nagawang pumasok sa silid para man lang magpalit ng damit. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maghilamos. Ramdam pa rin ang kaunting sakit ng ulo lalo pa at tanghali na siyang nagising. Hinubad niya ang damit at nilagay sa laundry baskit na naroon. Dagling guminhawa ang pakiramdam niya. Pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin at pilit
Tumayo na si Graciella para kumuha ng face towel. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig. Kung hahayaan niya ang asawa na matulog na nanlalagkit, baka awayin siya nito kinabukasan. Sa sobrang arte nito sa katawan, natatakot siyang magkaroon ito ng rashes. Hindi na niya ito pipilitin na maligo lalo at naiilang nga ito sa kanya. “Sino nga ang lalaking gusto mo?” tanong ni Menard sa asawa. “Saan at kailan mo siya nakilala?” Pangungulit pa rin nito kay Graciella. Hindi na pinansin ni Graciella ang tanong ni Menard. Mariin niyang pinunasan ang mukha ng asawa. Hindi man lang ito nagreklamo at nakatitig pa ang mapupungay na mata nito sa kanya. Diniinan pa ulit ni Graciella ang leeg ni Menard. Binaling ng huli ang pansin sa kanan. “Huwag ka nga malikot. Ang dumi ng mukha mo oh. May bahid pa ng red wine,” sita ni Graciella sa asawa. “Sabihin mo sa akin, sino siya? Inuutusan ka ni Boss Menard Young.” Gustong matawa ni Graciella sa itsura ng asawa.
Napalingon ang tatlo. Muntik ng mabitawan ni Louie ang amo dahil sa pagkabigla nito. Ang asawa pala ng amo ang dumating. Humigpit ang hawak niya kay Menard. “Anong nangyari sa asawa ko?” nag-aalalang tanong ni Graciella sa dalawa. “Kasamahan ba kayo sa opisina ni Menard?” Tinapik tapik pa ni Graciella ang mukha ni Menard. Halatang marami nga ang nainom ng asawa lalo at umaalingasaw ang amoy ng alcohol nito sa katawan. Napalatak na lang siya sabay kuha sa brso nito para iakbay sa balikat niya. “Oo, kasamahan namin siya sa opisina. May company dinner kasi at napasubo siya sa inuman,” dahilan ni Louie. Nasabi lang niya iyon para mapagtakpan ang amo. “Naku, naabala pa kayo. Pero, maraming salamat pala sa malasakit niyo sa asawa ko. Sana tinawagan mo na lang ako, Menard,” saway ni Graciella sa asawa. Tinapik pa niya ang pisngi nito para malaman kung naririnig ba siya nito. “Huwag kang lumapit sa akin.” Hinablot pa ni Menard ang kamay na hawak na ni Gra
Dapat maging masaya na lang si Graciella. At least hindi ito gumawa ng hakbang para akitin siya. Ayaw niya magaya sa ibang kakilala na nabitag ng mga tusong babae. Mahirap pa naman ang annulment sa Pilipinas. Ilang taon din bubunuin para makawala sa isang kasal. Sunod sunod ang paglagon ni Menard ng alak na iniinom. Pakiramdam niya uhaw na uhaw siya at alak lang ang makakapawi ng uhaw niya. Nalulungkot siya pero hindi niya rin alam ang dahilan. Kaya alak ang nakikita niyang solusyon. Halos hatinggabi na at kanina pa si Lambert at Menard na panay tagay. Lasing na silang pareho at nag-uusap tungkol sa mga personal na bagay. “Sa yaman mo, anong naisip mo at nagpakasal ka sa isang ordinaryong babae?” tanong ni Lambert. Lasing na ito kaya may lakas ng loob na tanungin ang kaibigan. “Ordinaryong babae? Hindi mo pa nakikita si Graciella. How come you know she is ordinary,” sagot ni Menard. “Nakita ko na ang pinsan niya. More or less alam ko na ang itsura ng
Ilalagay ni Menard ang kopya niya ng kasunduan sa kanyang safety box. Nakita niya na nilagay ni Graciella ang kopya nito sa kanyang bulsa. Wala man lang siyang nakitang emosyon sa mukha ng kaharap. At aaminin niyang hindi siya komportable na makita nang ganoon si Graciella. Sanay siyang madaldal ito. Hindi niya maiwasang ma-guilty. Naging masyadong heartless ba siya sa ginawa? Pinoprotektahan lang naman niya ang sarili kung sakali man na maging gahaman si Graciella sa kayamanan ng mga Young kung sakali na mabisto siya nito. Paulit-ulit na nauukit sa kanyang isipan ang mga suggestion nito sa kaibigan na si Sheila nang makipag-usap ito sa pamamagitan ng tawag sa cellphone. Dismayado siya sa mga sinabi ng asawa kaya gumawa siya ng kasunduan at papirmahan ito. “Good night. Maaga ako bukas at maraming gagawin sa opisina,” paalam ni Menard. “Matulog ka na at may inaabangan pa akong comedy variety show,” sagot ni Graciella. Umupo na siya sa harap ng TV at pina
Bakit ako magtataka sa kinikilos niya? Normal na sa kanya ang basta na mawala sa mood, saad ni Graciella sa sarili. Pinagmamasdan ang pinto ng silid ni Menrad. Tinapos na ni Graciella ang mga ligpitin at lumabas para itapon sa garbage room ng palapag ang mga naipon na basura. Napapahid siya sa mga pawis na nasa noo niya. At least tapos na ang family dinner nila. Mababawasan na ang pangungulit ng pamilya sa kanya. Inaantok na siya pero naligo pa rin siya lalo at amoy ulam na rin siya. Sinuot niya ang kanyang pantulog na may design pa na cartoon character pati na rin ang kanyang kulay green na headband. Handa na siyang matulog. Pero, imbes na pumasok sa kanyang silid, naisipan niyang mag-scroll muna sa kanyang cellphone. Nanood siya ng mga nakakatawang video. At nalingat siya at hindi namalayan na lumipas na pala ang kalahating oras. Panay hagikgik niya sa mga pinapanood. Bumangon na siya para sa na pumasok na sa kanyang silid nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Me
“Magpahinga ka na kaya, Mr. Young. Hayaan mo na ako dito sa kusina,” sabi ni Graciella. Napailing na lang siya sa nagkalat na mga basag na plato. Alam naman ni Menard na mabuti ang intensyon ni Graciella pero halata sa boses ng asawa na naiirita ito sa nadatnan na kalat. Hindi siya mapalagay. Kailangan kahit paano may itulong din siya. “Hindi lang ako maingat. At isa pa madulas ang mga plato,” paliwanag ni Menard. Napangiti na lang si Graciella. Ang cute lang kasi tingnan ni Menard na tila batang nagkasala sa ina. “Okey lang sabi. Ako na rito. Mabuti pa mag-mop ka na lang sa living room.” “Sinabi mo eh.” Iniisip na ni Menard kung paano pakintabin ang sahig. Ayaw naman niya mapahiya sa asawa lalo at siya mismo ayaw sa makalat. Namilog na lang ang mata ni Graciella nang makita na halos mangalahati ang dishwashing liquid. Napailing na lang siya. Kaya pala nadulas sa kamay ng asawa ang mga plato. Literal na wala itong alam na gawaing bahay! Bum
Sila ni Graciella nagpakasal nang ora-orada. Isang oras lang silang nag-usap at nagpakasal na kaagad. Pero, ibinibigay niya ang karampatang respeto para sa isang legal na asawa. Kaya naiinis si Menard kay Harry dahil na rin sa ilang taon na itong kasal kay Rowena pero hindi niya nakikita na nirerespeto nito ang asawa. Ni hindi nga nito nagawa na alalayan ito sa pag-aalaga sa anak nito. Panay pasikat lang ito sa kanila magpinsan kanina lang. “Hindi mo pala gusto si Harry? Sige iiwasan ko na siyang imbitahin dito sa unit. Kahit ako naman ilag sa kanya. Nakakahiya lang din kay Rowena na hindi natin iimbitahin ang asawa niya since doon na rin nakatira sa kanila si Harry. Kahit naman si Graciella ayaw niya kay Harry. Ayaw lang naman niya magkagulo ang pagsasama ng dalawa kaya hindi niya maamin sa pinsan na hindi siya komportable sa presensya ng asawa nito. Ayaw niya rin sa paraan ng pagtrato sa mag-ina nito. Hindi niya makita na mabuting ama ito para sa pamangkin na si Le