Napasandal sa likod ng pinto si Graciella. Napahawak siya sa dibdib at ramdam ang pagkalabog nito. Akala niya hindi uuwi si Menard kaya kampante siyang nagllakad na nakasuot lang ng manipis na tank top at maluwag na shorts. Alas dos na nang madaling araw at naiihi siya kaya pumunta siya sa banyo. Palabas na siya ng banyo nang marinig ang pagbukas ng pinto kaya kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanyang silid. Gusto niyang palakpakan ang sarili sa bilis niyang tumakbo. Pakiramdam niya sumali siya sa isang one hundred meter sprint sa bilis ng pagkaripas niya. Samantalang nasa sala si Menard. Nakaupo siya sa sofa at inaantok pero ang diwa niya ay nagulat sa narinig na may tumakbo. Tumikhim siya para mawala ang hiya. Si Graciella lang pala ang tumakbo na 'yon. Gusto na lang niyang batukan ang sarili dahil madalas nawawala sa isipan ang katotohanan na may asawa na pala siyang tao. Dap
"Huwag na nga lang natin pag-usapan 'yan. Gusto mong kumain na lang tayo?" Pag-iiba ng topic ni Menard. Nakagat ni Graciella ang kanyang bibig. Bakit pakiramdam ni Graciella ay umiiwas si Menard? Para itong pamangkin niya na si Leya. "Mr. Young, sorry," paghingi niya ng paumanhin dito. "Sa susunod, hihingi muna ako ng permiso bago labhan ang mga damit mo." "Hindi ka dapat nag-so-sorry. Hindi mo gawain ang paglalaba. Gawain ng katulong 'yan at hindi naman kita katulong," paliwanag na ni Menard. Bakas pa rin sa guwaping mukha ang hiya sa ginawa ng kaharap. Mapakla ang ngiti na sumilay sa labi ni Graciella. Wala naman silang katulong kaya sino ang gagawa ng mga gawaing bahay? Nagtataka siya kung may kinagisnanv katulong ba itong si Menard at halatang hindi sanay sa gawaing bahay. "Salamat at hindi ka pala galit. Sa sus
Walang umimik sa kanilang dalawa. Namula si Menard at basta na lang kumaripas ng takbo pabalik sa kanyang silid. Ginaya niya ang ginawa ni Graciella na pagtakbo pabalik sa silid. Pati na rin ang pabagsak na pagsara ng pinto. Sa totoo lang, nawala talaga sa isipan niya na may asawa na siya. Kampante na siya na basta na lang maglakad na tuwalya lang ang suot sa katawan. Nakatutok kasi ang atensyon niya sa nakahain na almusal sa lamesa. Naalala niya ang kanyang katulong na si Zenaida. Ganun almusal din ang hinanda nito para sa kanya kaya nawala sa isipan niya na iba na pala ang status niya ngayon. Naglalakad na si Graciella na bitbit ang mga dalang pagkain. Natatawa siya sa inasal ni Menard para itong babae na takot masilipan. Ano kasi ang ginagawa nitong naglalakad na towel lang ang balabal sa katawan tapos ngayon nahihiya ito sa kanya?
Namilog ang mata ni Graciella sa ginawa ni Menard. Black card? Iilan ang may kakayahan na magkaroon ng ganung klaseng card. Napalunok siya. "Gamitin mo ito sa tuwing maimili. Ayokong gumastos ka ng sarili mong pera para sa mga gastusin dito sa bahay. Ako ang lalaki kaya responsibilidad ko ito," kaswal na saad ni Menard. "Napakagalante mo naman, Mr. Young. Paano kung gastusin ko ang pera mo sa luho ko?" Balik tanong ni Graciella. Gusto lang niyang malaman ang saloobin nito. "Hindi naman marami ang laman niyan. Sakto lang na panggastos for everyday expenses," paliwanag ni Menard. "Huwag na," tangi ni Graciella. Hindi naman niya alam hanggang kailan sila magsasama. Mahirap ng magkaroon ng utang na loob sa isang estranghero. Hindi niya rin ugali na maging mapagsamantala sa pinaghirapan ng ibang tao. Nakikita naman niya na mabait at honest na tao si Menard kaya hindi niya sasayangin a
Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat? Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang. Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera. Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay. "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin. Hindi umimik si Graciella. "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sin
Malalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis. Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike! Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn
Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto. Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya. “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito. “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella. “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard. “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai
“Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang
Hindi na alam ni Menard kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan nila magtipid sa lahat ng bayarin? Kung tutuusin, siya naman ang magbabayad ng mga bills nila. As a man, it’s his responsibility to provide for his wife. “Just turn on the air conditioner. I pay the bills so you don’t have to worry.” Halos nagsalpukan ang kilay ni Graciella. “Mr. Young, hindi naman dahil willing ka magbayad, aabusuhin ko na ang generosity mo.” Women! Hindi na umimik si Menard. His wife can do whatever she wants to do. Makulit ito at ayaw niyang makipagtalo. Yumuko na lang siya at nag-scroll sa kanyang cellphone. At ang tiyan ni Menard ay nag-alburuto. Dagling nahawakan nito ang tumunog na tiyan. Halos lumubog siya sa kinauupuan. Dinig sa buong living room ang tunog na nilikha ng kanyang tiyan. “Huwag ka ng mahiya, Mr. Young. Alam ko na gutom ka. Gusto mo na ipagluto din kita ng instant noodles?” urirat muli ni Graciella sa asawa. “I said, I’m not hungry. Bingi ka
Mataktikang tumakas si Sheila nang makita na may binaba na pasahero sa parking pace ng Camilla Cafe. Kumaway lang ito sa mag-asawa bago sumakay sa taxi. Sa bukana ng Camilla Cafe nagkaharap ang mag-asawa. Parehong asiwa sa presensya ng isa’t isa. “Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo na narito ako at sinamahan si Sheila sa date niya?” sunod-sunod na tanong ni Graciella kay Menard. Natigilan si Menard at binubuo sa isip ang isasagot sa asawa. Lagot talaga sa kanya ang sira ulo niyang pinsan. Trent and his antics really gets him in trouble! “Napadaan lang,” rason nito. Napailing si Graciella. Ayaw maniwala ng gut instinct niya. Bilang babae, alam niyang may nakapagsabi sa asawa kung saan siya kaya napasugod si Menard kung saan siya naroon ngayon. Naalala na nagkita nga pala siya ni Trent kanina lang sa parking space. Akalain ba niyang magsusumbong ito sa asawa niya. “Huwag mo ibahin ang topic,” malamig na sabi ni Menard. Lumapit siya kay G
“Hello,” bati ni Wilbert kay Menard. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina. Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior! Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo
Tumikhim si Sheila. “Excuse me, kailangan ko lang pumunta ng bathroom,” paalam ni Sheila. Tumayo na si Sheila. Hindi siya komportable lalo at nag-uumpisa na siyang mainis kay Wilbert Fulgencio. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa niya sinuntok ang bunganga nito. Alam naman ni Sheila na presko itong tao. Napansin na niya iyon noong una niya itong makilala nang na-introduce ito sa kanya ng mga magulang niya. Kung ihahambing niya ang kayabangan nito, tatalunin ang signal number four na bagyo sa lakas ng hangin nito. Buti sana kung binata ito at may karapatan itong magyabang! Naiinis siya lalo at gusto ng mga magulang niya na pakasalan niya ang lalaki. Ngayon pa lang naiisip na niyang magiging miserable ang buhay sa piling nito. “Ang yabang yabang, gurang naman tapos taksil pa!” reklamo ni Sheila habang naghuhugas ng kamay sa bathroom. Tiningnan niya ang sariling repleksyon at isang ideya ang naisip. Hinugot ang kanyang cellphone at nagtipa ng message
Pumasok na ang dalawa sa Camilla Cafe. At gaya ng inaasahan, naghuhumiyaw ang karangyaan sa loob ng nasabing cafe. Nagkalat ang mga babaeng suot ang mga branded na damit. Kasama ng mga ito ang mga ka-date. “Iba yata ang napuntahan natin,” nag-aalangan na saad ni Graciella. Nahihiya siya lalo at wala sa tamang dress code ang suot niya. “Ito pa rin ang Camilla Cafe. Bago nga lang ang management lalo at si Wilbert na ang Manager dito. Patapos na ang shift niya kaya mamaya andito na ‘yon.” Nagtataka si Graciella, kung maraming negosyo ang ka-date ng kaibigan, bakit manager lang ito sa nasabing cafe? Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng cafe. Wala na ang bakas ng alaala ng mga panahon na dinadala sila ni Jeron doon. “Masaya pala magkaroon ng minivan ano? Na-enjoy ako sa rides natin,” pansin ni Sheila. “Magkano ba ang bili mo at baka bumili na rin ako.” “Nasa sixty five thousand din.” Napatango si Sheila. May lumapit sa kanila na isang waiter at ma
“Si Kuya Tristan mo nag-asawa? I didn’t expect that your ice prince of a cousin will get married,” komento ng kaibigan ni Trent. “Louder, so that everyone will hear!” sita ni Trent. “Huwag na huwag mong sasabihin sa circle of friends natin. Konti lang ang nakakaalam at ayaw ipaalam ni Kuya Tristan na nag-asawa na siya.” “His reasons?” Naguguluhang tanong pa rin ng kaibigan ni Trent. “I ain’t that powerful to ask the mighty Menard Tristan Young. Teka, bakit ang dami mong tanong?” Kahit naman si Trent gusto usisain ang pinsan. Pero, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Knowing his cousin, alam niyang wala pa ring ganap sa sex life nito lalo at napakalamig nga ng pakikitungo nito sa asawa. Baka pumuti na lang ang uwak kung ang pinsan niya ang gagawa ng initiative para magkaroon ng ganap ang buhay mag-asawa ng dalawa. Pero naisip niya na magandang gayahin ang ginawa ng pinsan. Hahanap siya ng babaeng makakasundo niya at magpapakasal sila. Mas mabu
Isang pagkumpirma sa katahimikan ni Graciella. “Ano ba kasi ang problema niyo mag-asawa?” Nahihiyang magsabi si Graciella sa kaibigan tungkol sa marriage agreement nila ni Menard. Hindi siya tiyak kung maiintindihan siya ni Sheila. Sa ngayon, sasarilinin na lang muna niya ang kanyang sitwasyon. “Biglaan naman ang kasal naman at hindi pa kami ganun ka pamilyar sa isa’t isa. Pasaan ba at darating din kami sa puntong iyon,” dahilan ni Graciella. Gusto sana magkomento ni Sheila pero wala siya sa posisyon. Mas malala pa nga ang sitwasyon niya kaysa sa kaibigan. Naiinggit pa nga siya lalo at mabait naman kahit paano ang napangasawa ni Graciella. “Gusto nga kitang gayahin, e. Kung alam mo lang na nagdarasal ako na sana isang kagaya ng asawa mo ang lalaking ‘yon,” tila nangangarap na saad ni Sheila. Inalo ni Graciella ang kaibigan. “Huwag mo nga muna kontrahin ang mga magulang mo. Malay mo, na-overwhelm lang talaga siya sa ganda mo kaya nagyabang siya
Kinabukasan nga, tanghali na nagising si Menard. Nakatulog na siya sa sofa at may kumot siya. Kinapa iyon at alam niya na si Graciella ang nagbigay nito. Napangiwi nang makita na kulay lavender ang kumot. Feeling niya masisira ang image niya bilang CEO kung may makakakita sa kanyang gumamit ng blanket na kulay lavender. Nanlalagkit ang pakiramdam ni Menard. Tiningnan ang air conditioning unit nila hindi iyon naka-on kaya naman pala naiinitan siya. Knowing his wife, kuripot ito at hindi naman nito alam na mayaman siya. Napangiwi nang maamoy ang pinaghalong amoy ng alak at pawis sa kanyang damit. Sa kalasingan, hindi na niya nagawang pumasok sa silid para man lang magpalit ng damit. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maghilamos. Ramdam pa rin ang kaunting sakit ng ulo lalo pa at tanghali na siyang nagising. Hinubad niya ang damit at nilagay sa laundry baskit na naroon. Dagling guminhawa ang pakiramdam niya. Pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin at pilit
Tumayo na si Graciella para kumuha ng face towel. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig. Kung hahayaan niya ang asawa na matulog na nanlalagkit, baka awayin siya nito kinabukasan. Sa sobrang arte nito sa katawan, natatakot siyang magkaroon ito ng rashes. Hindi na niya ito pipilitin na maligo lalo at naiilang nga ito sa kanya. “Sino nga ang lalaking gusto mo?” tanong ni Menard sa asawa. “Saan at kailan mo siya nakilala?” Pangungulit pa rin nito kay Graciella. Hindi na pinansin ni Graciella ang tanong ni Menard. Mariin niyang pinunasan ang mukha ng asawa. Hindi man lang ito nagreklamo at nakatitig pa ang mapupungay na mata nito sa kanya. Diniinan pa ulit ni Graciella ang leeg ni Menard. Binaling ng huli ang pansin sa kanan. “Huwag ka nga malikot. Ang dumi ng mukha mo oh. May bahid pa ng red wine,” sita ni Graciella sa asawa. “Sabihin mo sa akin, sino siya? Inuutusan ka ni Boss Menard Young.” Gustong matawa ni Graciella sa itsura ng asawa.