Umupo si Graciella sa katapat ng tiyuhin. Nagtitinginan silang magpinsan. Gusto niyang malaman kung sinabi na ba ni Rowena na basta na lang siya nagpakasal pero mukhang wala pang alam ang mga ito. Kailangan na ba niyang magtapat? Pinag-iisipan nga niya kung sasabihin na niya o saka na lang. Ang dowry lang naman ang worry ng mga ito. Gusto lang ng mga ito na malaman kung ilan ang makukuhang pera. Pero wala rin namang panalo ang tiyuhin pagdating sa pamamahala sa bahay. ANg tiyahin pa rin ang nasusunod sa lahat ng bagay. "Naghanap ka sana ng tao seseryoso sayo. Huwag kang gumaya sa mga kabataan ngayon na parang naglalaro lang ng bahy bahayan. 'Pag nagkasawaan naghihiwalay din. Hindi ka na bumabata para maglaro pa sa ganyang aspeto ng buhay," sermon kaagad ni Roger sa pamangkin. Hindi umimik si Graciella. "Ano? Nagsasama na ba kayo?" Untag pa nito sa pamangkin na hindi sin
Malalim na ang gabi nang matapos ang hapunan sa bahay ng tiyahin ni Graciella. Paano ba naman inutusan pa nito ang huli para gawin ang paglilinis. Naiinis si Graciella sa bagal ng andar ng e-bike niya. Kulang iyon sa charge. Kung bakit kasi antagal dumating ng kanyang bagong sasakyan. Ang sarap ng ipatimbang sa junkshop[ ang bulok niyang e-bike! Sumagi sa isipan niya ang pinag-usapan nila ng kanyang pinsan. Ang mga babae ay kawawa kung napaglilipasan ng panahon. Hinahabol kasi ng karamihan ang biological clock nila. Isa pa sa napag-usapan nila ang mga problema nito sa pagsasama nila bilang mag-asawa. Papasok na si Graciella sa parking lot ng Midland Heights, hindi niya napansin ang itim na Audi sa harapan niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Napapikit siya lalo at halos isang dipa na lang mababangga na niya ang makintab na luxury car. Mahabaging langit! Kahit siguro ibenta niya ang isa niyang kidn
Dismayado si MMenard na kailangan pa pala ang laging pag refuel ng sasakyan. Pero, wala na siyang choice kaysa sa mabisto siya ni Graciella. Kailangan niyang pagtiyagaan ang bagong bili na minivan. Kanina nga ay muntikan na siyang makita ng asawa kung hindi lang siya naging alisto. Alam na ni Louie ang mga ayaw at gusto niya. Matagal na kasi itong naninilbihan sa kanya bilang kanang kamay at assistant niya. “Senyorito, binalik namin sa casa ang sasakyan. May modification akong pinagawa para sumakto sa panlasa niyo. Ang arrangement ng mga upuan pati na rin ang upholstery pinapalitan ko na rin,” paliwanag pa ni Louie sa amo mula sa kabilang linya. “Kaya dalawang araw pa bago natin makukuha ang unit mula sa shop,” dagdag pa nito. “Bumili ako ng sasakyan,” sabi pa ni Graciella. “Anong klaseng sasakyan?” Tanong ni Menard. “Minivan pero hinihintay ko pa kung kai
“Maraming mayayaman na pamilya siguro ang pagmamay-ari ng mga unit dito ano? Malay natin nakasalubong na natin ang isa sa mga bilyonaryo sa bansang ito pero hindi lang natin alam?” Komento pa ni Graciella. Tumango lang si Menard. “Pero alam mo ba? Parang isang malaking oso ang driver ng magarang sasakyan kanina. Ang tangkad kasi nito tapos medyo maitim at balbas sarado pa,” patuloy na kuwento ni Graciella. Bumunghalit ng tawa si Menard. Muntik tuloy siyang masamid sa tubig na iniinom. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya narinig na inihahambing ng ibang tao si Alberto sa isang oso. Gusto niyang makita ang reaksyon nito kung malaman nitong mukha siyang oso sa paningin ni Graciella. Though, may katotohanan naman ang sinabi ng huli. Nagtataka naman si Graciella kung bakit tumawa si Menard pero pa tuloy lang siya sa kuwento niya. “Ang
“Lugi naman kung two thousand per night lang ang bayad,” reklamo pa ni Sheila. “Ano ba ang gagawin?” tanong ni Graciella. “Stand in waitress. Pero formal dress ang kailangan isuot while on duty,” paliwanag ni Jeron. “Alam ko may ganitong style eh. Kapag may malalaking event ang mga hotel ganito ang ginagawa nila. Ihahalo ng hotel ang mga naka formal dress na servers para mas maiwasan ang mga minor accidents,” singit ni Sheila. “Pwede kang kumain at uminom habang naka duty. Kailangan mo lang talaga humalo sa crowd para hindi halata na server ka talaga.” “Para lang silang nagtapon ng pera kung ganun?” naguguluhan na saad ni Graciella. Mayroon palang ganun na magbabayad sila ng mga tao para maging display lang. “Gusto kasi ng mga organizers na parang maraming tao ang pumunta. Additional publicity kasi ‘yon para sa kanila,” paliwanag naman ni Sheila sa kaibigan. “Ka
Kinilabutan si Graciella. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Halos kadugo na ang turing ko sayo. Huwag mo na pangarapin na maging maghipag pa tayo. At saka isa pa may asawa na ako. Ang bait kaya ni Mr. Young sa akin,” rason pa ni Graciella. May asawa na siya at hindi nakikita ang sarili na nagkagusto pa sa ibang lalaki. “Nagmamadali ka kasi magpakasal hindi mo pa naman lubos na kilala si Mr. Young. Do you hear what you call him? You don’t even call him hubby,” dahilan pa ni Sheila. “Baka hindi naman totoo ang marriage certificate niyo?” Pinulot na ni Graciella ang kanyang paint brush at pinagpatuloy ang painting. Isa iyong tanawin na may bulubundukin at ilang uri ng colorful na ibon. Ayaw na niyang makipagtalo sa kaibigan. “Kailangan mo lang naman maghanap ng guwapo at mayaman,” pagpilit pa rin ni Sheila sa kaibigan. Nanghihinayang kasi siya sa kaibigan na basta na lang sa ordinaryong lal
Alas sais na ng gabi at sakay si Jeron ng kanyang magarang sasakyan. Susunduin niya ang dalawang magagandang dilag. Napaawang ang labi niyan nang makita si Graciella. Bagay sa mga ito ang napiling makeup at gown. Mas lumitaw ang ganda ng mga ito. Pero, mas naagaw ng atensiyon niya ang anyo ni Graciella. Maganda naman si Graciella kahit simple lang ito. Iyong tipo ng ganda na hindi pansinin sa una pero habang tumatagal mas gumaganda ito sa paningin. “Ano? Bilib ka na ba sa talent ko? Parang plastic surgery ang dating ano?” pagyayabang ni Sheila. Gusto niyang kantiyawan ang pinsan lalo at halos tumulo ang laway nito na nakamasid sa kaibigan. Namula si Jeron sa tanong ng pinsan. “Maganda naman si Ate Graciella. Bakit mo sasabihin na plastic surgery ang ginawa mo? Pinalitaw mo lang lalo ang ganda niya.” Umasim ang mukha ni Sheila. Inaasahan niyang pupurihin ng pinsan ang galing niya sa makeup. “Ma
Sumubo na na naman ng isang malaking hiwa ng cake si Graciella. Napapikit siya sabay sabi, “ang sarap din nito.” Nilingon niya ang mga tao sa paligid na pawang abala na sa kani-kanilang ginagawa. Nakakahiya din kaya ang kumain at malaki pa talaga ang subo. Wala naman pakialam ang mga naroon sa ginagawa nila magkaibigan. “Kaya nga ‘di ba? Tingnan mo doon sa kabilang side naroon ang mga seafood,” saad ni Sheila sabay turo sa king crab na malalaki ang mga sipt. Napaawang ang mga labi nila pareho. “Nakakahiya, Sheila. May sauce ang crabs at hindi bagay sa suot natin na gown na hahawak tayo ng ganyang klaseng pagkain,” bulong ni Graciella sa kaibigan. Nahagip ng kanyang paningin ang mga cherry at makuha nito ang atensiyon. Tila kasi kumakaway ito sa kanya at nag-aanyaya na tikman ito. At hindi siya nagkamali. Katulad ng dessert, napapikit siya nang matikman an
“ I don’t want to listen to what you are saying. Your mother promised me that we are officially dating,” pagmamatigas pa rin ni Alyanna. “At sino naman ang babaeng gusto mo maliban sa akin. Mas maganda ba siya sa akin o mas mayaman man lang?” Inisa-isang alalahanin ni Alyanna kung sino sa mga dalagang kakilala niya kung sino ang posibleng karibal niya pero wala siyang maalala na singganda man lang niya. Dalawang linggo lang siyang nawala at may ibang babae na pala ang umaaligid sa Menard niya? “Inakit ka ba ng babaeng ‘yon?” Tanong pa rin niya kay Menard na tiim pa rin ang bibig. “Sabihin mo sa akin para alam ko.” Habang iniisip pa rin kung sino ang babaeng gusto ni Menard, gusto niya itong durugin sa kanyang mga kamay. Siya lang ang may karapatang gustuhin at mahalin ng isang Menard Tristan Young. Alam na ng mga kamag-anak niya na gusto niya si Menard. Kahit ang mga nasa lipunan na ginagalawan nila alam na para sa kanya lang si Menard. Kilala si Alyann
Umarko ang kilay ni Alyanna. Hindi siya sanay na pinagsasabihan, lalo na ‘pag galing kay Menard. Disappointed ito sa paglala ng trato ng hinahangaang lalaki. Siya si Alyanna Alferez, ang apple of the eye ng kanilang angkan na kung sitahin ni Menard ay para lang isang alipin. “You don’t have to make me feel as if I have a communicable disease, Menard,” sita nito kay Menard. Umasim ang mukha at may hinugot sa kanyang luxury bag. “May regalo nga pala ako para sayo,” aniya sabay abot ng isang red box. Napabuga ng hangin si Menard. Alyanna is ten times persistent than his wife. “Wala tayong relasyon para bigyan mo ako ng kung anong regalo.” Hindi man lang niya tiningnan ang box na hawak ni Alyanna. “Huwag mong gagawin ang mga bagay na dapat ang gumagawa. You look so desperate by giving me things.” “Whoah, is that you, Menard Tristan Young? Nawala lang ako sandali, you mastered Tagalog as if it’s your mother tongue,” pansin ni Alyanna. Hindi siya makapaniwala na bihasa
“Mas mabuti na kayo na ang maghugas ng kawalai na ‘yan. Masyadong madikit ang siomai na niluto ng asawa ko kagabi,” saad naman ni Menard sa mga tauhan. Nag-uunahan ang mga tauhan ni Menard na humagilap kung ano ang gagawin. Si Alberto ang naghugas ng mga hugasin sa lababo. Ang ilan naman, mas pinili na magwalis at iayos ang ilang kasangkapan sa kusina. Wala pang sampung minuto, nagawa na nila ang lahat ng kailangan gawin. Pina-check pa ni Alberto ang mga kawali. Alam naman niya na maselan ang amo kaya hindi na siya nagdalawang -isip na patingnan muna ito. “We are done here. Let’s go.” Tumalima ang mga tauhan at umalis na nga sila sa unit ng mag-asawa. Todo alalay naman ang mga bodyguard habang palabas sila ng condo building. Alerto sila lalo at ayaw ng amo ni na mabisto ang pagkakakilanlan nito. Sumakay muna sila ng mini van at saka bumaba kung saan naka-park ang kanilang sasakyan. “Ano ang mga gagawin natin today?” tanong ni Menard kay Louie.
Hindi na alam ni Menard kung ano ang sasabihin. Bakit kailangan nila magtipid sa lahat ng bayarin? Kung tutuusin, siya naman ang magbabayad ng mga bills nila. As a man, it’s his responsibility to provide for his wife. “Just turn on the air conditioner. I pay the bills so you don’t have to worry.” Halos nagsalpukan ang kilay ni Graciella. “Mr. Young, hindi naman dahil willing ka magbayad, aabusuhin ko na ang generosity mo.” Women! Hindi na umimik si Menard. His wife can do whatever she wants to do. Makulit ito at ayaw niyang makipagtalo. Yumuko na lang siya at nag-scroll sa kanyang cellphone. At ang tiyan ni Menard ay nag-alburuto. Dagling nahawakan nito ang tumunog na tiyan. Halos lumubog siya sa kinauupuan. Dinig sa buong living room ang tunog na nilikha ng kanyang tiyan. “Huwag ka ng mahiya, Mr. Young. Alam ko na gutom ka. Gusto mo na ipagluto din kita ng instant noodles?” urirat muli ni Graciella sa asawa. “I said, I’m not hungry. Bingi ka
Mataktikang tumakas si Sheila nang makita na may binaba na pasahero sa parking pace ng Camilla Cafe. Kumaway lang ito sa mag-asawa bago sumakay sa taxi. Sa bukana ng Camilla Cafe nagkaharap ang mag-asawa. Parehong asiwa sa presensya ng isa’t isa. “Anong ginagawa mo rito? Bakit alam mo na narito ako at sinamahan si Sheila sa date niya?” sunod-sunod na tanong ni Graciella kay Menard. Natigilan si Menard at binubuo sa isip ang isasagot sa asawa. Lagot talaga sa kanya ang sira ulo niyang pinsan. Trent and his antics really gets him in trouble! “Napadaan lang,” rason nito. Napailing si Graciella. Ayaw maniwala ng gut instinct niya. Bilang babae, alam niyang may nakapagsabi sa asawa kung saan siya kaya napasugod si Menard kung saan siya naroon ngayon. Naalala na nagkita nga pala siya ni Trent kanina lang sa parking space. Akalain ba niyang magsusumbong ito sa asawa niya. “Huwag mo ibahin ang topic,” malamig na sabi ni Menard. Lumapit siya kay G
“Hello,” bati ni Wilbert kay Menard. Ni hindi man lang tinapunan ng tingin ni Menard ang lalaki. Napako ang kanyang mata sa asawa na tila isang daga na nasukol ng isang pusa. Gusto sana niyang itanong kay Graciella kung ano ang mga sinabi nito patungkol sa kanya kanina. Pagkarating pa lang niya kanina sa Camilla Cafe, ang minivan na ni Graciella ang una niyang nakita. Dagdag pa na nasa tabi ito ng glass window nakaupo at panay ngiti sa kausap. Feeling ni Menard, pinagtataksilan siya ni Graciella. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin ng asawa sa unit nila. And now he can clearly see that she had wide array of emotions when it comes to other men. They might be in a trial marriage but he can’t tolerate this kind of behavior! Hindi lubos maisip ni Menard na ang baba pala ng taste ng asawa pagdating sa mga lalaki. Mas hamak naman siyang gwapo sa ka-date nito. Hindi kaya kailangan na niyang dalhin sa espesyalista sa mata ang asawa lalo at mukhang malabo
Tumikhim si Sheila. “Excuse me, kailangan ko lang pumunta ng bathroom,” paalam ni Sheila. Tumayo na si Sheila. Hindi siya komportable lalo at nag-uumpisa na siyang mainis kay Wilbert Fulgencio. Kung hindi lang kabastusan ay baka kanina pa niya sinuntok ang bunganga nito. Alam naman ni Sheila na presko itong tao. Napansin na niya iyon noong una niya itong makilala nang na-introduce ito sa kanya ng mga magulang niya. Kung ihahambing niya ang kayabangan nito, tatalunin ang signal number four na bagyo sa lakas ng hangin nito. Buti sana kung binata ito at may karapatan itong magyabang! Naiinis siya lalo at gusto ng mga magulang niya na pakasalan niya ang lalaki. Ngayon pa lang naiisip na niyang magiging miserable ang buhay sa piling nito. “Ang yabang yabang, gurang naman tapos taksil pa!” reklamo ni Sheila habang naghuhugas ng kamay sa bathroom. Tiningnan niya ang sariling repleksyon at isang ideya ang naisip. Hinugot ang kanyang cellphone at nagtipa ng message
Pumasok na ang dalawa sa Camilla Cafe. At gaya ng inaasahan, naghuhumiyaw ang karangyaan sa loob ng nasabing cafe. Nagkalat ang mga babaeng suot ang mga branded na damit. Kasama ng mga ito ang mga ka-date. “Iba yata ang napuntahan natin,” nag-aalangan na saad ni Graciella. Nahihiya siya lalo at wala sa tamang dress code ang suot niya. “Ito pa rin ang Camilla Cafe. Bago nga lang ang management lalo at si Wilbert na ang Manager dito. Patapos na ang shift niya kaya mamaya andito na ‘yon.” Nagtataka si Graciella, kung maraming negosyo ang ka-date ng kaibigan, bakit manager lang ito sa nasabing cafe? Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng cafe. Wala na ang bakas ng alaala ng mga panahon na dinadala sila ni Jeron doon. “Masaya pala magkaroon ng minivan ano? Na-enjoy ako sa rides natin,” pansin ni Sheila. “Magkano ba ang bili mo at baka bumili na rin ako.” “Nasa sixty five thousand din.” Napatango si Sheila. May lumapit sa kanila na isang waiter at ma
“Si Kuya Tristan mo nag-asawa? I didn’t expect that your ice prince of a cousin will get married,” komento ng kaibigan ni Trent. “Louder, so that everyone will hear!” sita ni Trent. “Huwag na huwag mong sasabihin sa circle of friends natin. Konti lang ang nakakaalam at ayaw ipaalam ni Kuya Tristan na nag-asawa na siya.” “His reasons?” Naguguluhang tanong pa rin ng kaibigan ni Trent. “I ain’t that powerful to ask the mighty Menard Tristan Young. Teka, bakit ang dami mong tanong?” Kahit naman si Trent gusto usisain ang pinsan. Pero, wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Knowing his cousin, alam niyang wala pa ring ganap sa sex life nito lalo at napakalamig nga ng pakikitungo nito sa asawa. Baka pumuti na lang ang uwak kung ang pinsan niya ang gagawa ng initiative para magkaroon ng ganap ang buhay mag-asawa ng dalawa. Pero naisip niya na magandang gayahin ang ginawa ng pinsan. Hahanap siya ng babaeng makakasundo niya at magpapakasal sila. Mas mabu