Sampung minuto lang ang itinagal ng seremonyas. Ilang ulit na binasa ng staff ang mga paalala sa bagong kasal. “Pambihira, pati photo booth, may instant na!” Napailing si Graciella at inaya si Menard na kumuha sila ng larawan sa booth na iyon. Isang pitik lang at tapos na at kumpleto ang kanilang mga larawan. Ganap na silang mag-asawa. “Hindi ka ba natatakot na baka babaero ako?”tanong pa mi Menard. “Ano naman ang mahihita mo kung lolokohin mo ako, aber?” Umarko ang kilay ni Graciella at pinasadahan ng tingin ang kanyang “asawa”. Tinago na niya ang kanyang dokumento sa kanyang bag habang napapailing. “Makipagkita tayo sa pamilya ko. Yayain natin sila nang isang hapunan isa sa mga araw na ito,” saad pa ni Graciella. “Kailangan pa ba natin maghintay? Bakit hindi na lang natin gawin ngayon din?” suhestiyon pa ni Menard. Akala niya ang babaeng naiinis na pakasalan siya ay basta na lang siya hihilahin pauwi, pero mukhang nagkamali yata siya. Gusto n
Umuwi na si Graciella. Kanina lang, ni wala siyang naging kasintahan. Pero, ngayon hawak na niya ang patunay na kasal na siya sa isang estranghero: ang kanyang marriage certificate. May nadaanan siyang nagtitinda ng dalandan kaya bumili siya. Paborito ng pamangkin na si Leya na anak ni Rowena ang nasabing prutas. Napangiwi siya nang pinarada ang lumang sasakyan sa tapat ng tenement. Nasa ika-anim na palapag ang kanilang inuupahan at walang service elevator kaya kailangan pa niyang umakyat sa makipot na hagdan. Nagsasampay ng nilabahang damit ang kanyang tiyahin nang pumasok siya. “Wala ka na yatang balak umuwi. Mas mabuti pa magbalot-balot ka na kung gusto mo na talagang lumayas dito.” Sunod-sunod ang talak ng kanyang tiyahin. Marami pa itong sinabi pero binalewala na niya. May bago pa ba? Nasanay na siyang marinig ang parang armalite nitong bunganga. Pasok sa kanan, labas sa kaliwang tainga. Npanagiti siya lalo at kung hindi dahil sa tiyahin ay hindi niya
Masaya naman sina Rowena noong una. Pero, nag-iba iyon buhat nang maging ganap na ina. Apat na taon ang tanda niya rito pero may anak na itong dalawang taong gulang. Ang nakakabatang kapatid ni Graciella ay mas bata sa kanya ng dalawang taon pero may nobyo na ito pero wala pang balak magpakasal. Mas inuuna pa kasi ng dalawa na magkaroon ng stable na pamumuhay bago magpakasal. Magkaiba nga naman ang mga plano ng mga tao sa kanilang buhay. Humugot si Rowena sa kanyang bag ng isang supot ng kutkuting pistachio. Napangiti si Graciella lalo at paborito niya iyon. May kamahalan nga ang presyo ng nasabing kutkutin. Alam na alam talaga ng pinsan niya ang kanyang mga gusto. Atleast man lang kahit paano may pambawi siya sa lahat ng mga pinagdaanan sa tiyahin. “Huwag mong ipapakita kay nanay. Sesermunan ka na naman,” tumirik pa ang mata na saad ni Rowena. "Alam mo naman 'yon dakilang kontrabida," dagdag pa nito sabay ismid. Mabuti pa ang pinsan niya at palag
Midland Heights, iyon ang address na binigay ni Menard. Pangalan pa lang alam na ni Graciella na hindi basta basta ang renta sa naturang lugar. High rise condo na nasa pusod ng Quezon City kaya alam niya na mahal nga ang isang unit doon. Naisip niya na sana ang pinakamaliit na unit ang kunin ni Menard para hindi naman masyadong mabigat sa bulsa. Tiyak mamumulubi siya kung malaking unit ang rerentahan nila. “Bukas na tayo lumipat. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong,” alok pa ni Menard. “Sige, sasabihin ko na lang kung kailangan ko talaga. Pero, iilan lang naman ang mga gamit ko. Kinakabahan si Graciella lalo at nasanay siyang mag-isa lang. Bukas titira na siya sa isang bahay kasama ang isang estranghero sa iisang bubong. Kailangan muna niya maobserbahan si Menard at kung magkakasundo sila at saka na niya ipapakilala sa pamilya ng isa’t isa. Mahirap naman na maaga niya itong ipapakilala at mauuwi lang sa wala ang lahat kung di naman sila magkas
Nagpapaliwanag ang isang director patungkol sa stocks at mga risk nito. Sa totoo lang, hindi kumbinsido si Menard sa paliwanag nito. Masyadong mababa ang makukuha nilang kita sa loob ng isang taon. Ayon na rin sa kanyang pag-aaral, mas mahalaga ang panahon kung ikukumpara sa kikitain mong pera. "You should target double the return within a year. Masyadong mababa ang one hundred fifty percent lang." Hindi siya kontento sa naririnig kaya nagbigay siya ng saloobin. Menard is reading a text message from his phone. Nakatutok ang kanyang atensyon sa telepono. ******** "Nasaan ka na ba? Kanina pa ako narito sa tapat ng pintuan mo. Kelan ka pa darating?" Sunod-sunod ang pagpapadala ni Graciella ng mga text message kay Menard. Kanina pa siya pabalik balik sa pasilyo. Halos ma-lowbat na rin ang kanyang cellphone sa pag-check kung nabasa na ba
Namilog ang mata ni Graciella nang mahawakan ang sandata ni Menard. Nagulat siya sa haba nito. Parang napapaso ang kamay na binawi iyon. Hindi siya nakaimik at muling sinubukan na bumangon. Mag-asawa na sila pero nahihiya pa rin siya kay Menard. Napahawak na lang sa pader si Graciella. Muling inabot ni Menard ang kamay pero todo tangi si Graciella. Pero mapilit si Menard. Hinawakan niya ang kamay ni Graciella at inalalayan itong tumayo. "Dahan-dahan lang kasi. Bakit ka nahiga dito sa hallway? Ang lamig ng sahig," pangaral niya. Marahan silang lumapit sa maindoor. "Mr. Young, akin na ang passcode ng pinto para makapasok na tayo," tanong pa ni Graciella. Napakamot sa batok si Menard. Nagmamadali siyang pumunta sa lugar na iyon pero nakalimutan pa niyang itanong kay Louie ang passcode. Lumapit siya sa pinto at basta na lang nagtipa
Magandang tanawin, salamin na bintana, at malawak na silid. Ayaw ng kumurap ni Graciella habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang silid. Baka mawala lang ito sa kanyang paningin at bumalik siya sa masikip niyang silid noon. Kung silid nga bang maituturing ang tatlong metrong kuwadradong espasyo. Nagpapasalamat siya sa Maykapal na siyang gumabay sa kanya. Kahit naman parang ambilis niya nagpakasal, napunta naman siya sa maayos na tao. Isa pa si Menard ang klase ng tao na maraming ginagawa sa buhay, kaya kailangan niyang pakisamahan ito nang maayos. Kung kailangan man niya itong pagsilbihan ay ayos lang. Kinabukasan, magaan ang pakiramdam na bumangon. Ilang minuto din niyang pinagmasdan ang tanawin. Nagtatayugang mga gusali at pati na ang dagat sa kabilang bayan ay kita mula sa kanyang balcony. Nagbihis na siya at nagtungo sa kusina. “Ay, wala nga palang mga gamit pangluto dito,” nau
Kahit naman contract marriage lang ang naganap sa kanila ni Menard, walang kaganapang mag-asawa sa kanilang dalawa. Kailangan muna nilang magkasundo sa ilang bagay bago man lang maisip na gawin ang mga bagay na sa mga totoong mag-asawa lang nagaganap. “Hindi no!” tangi pa ni Graciella. “Kailangan muna namin kilalanin ang isa’t isa. Ikaw talaga Sheila bakit ang advance mo mag-isip?” Nawalan na ng gana si Sheila na ligpitin ang mga gamit na naroon. “Nagtiwala ka kaagad sa kanya? Kung alam ko lang naghahanap ka pala ng mapapangasawa, sana doon na lang kita nireto sa mga pinsan ko,” may himig tampo ang boses nito. Tumulis pa ang nguso ni Sheila kaya nangiti si Graciella. Noon nga pinakilala siya ni Sheila sa isang malayong pinsan nito. Interesado ito sa kanya noong una pero nang nalaman nito na ulila siya, bigla na lang ito nanlamig ng pakikitungo sa kanya. Ayon dito, hindi di siya n
Gusto na lang ni Graciella na bumuka ang sahig at lamunin siya nito. Ano ang pinagsasabi ng mahadera niyang tiyahin? At sa harapan pa talaga ng asawa niya ito sinabi. Tumayo si Graciella at nilapitan ang tiyahin. Binulungan ito. “Ano ba ang pinagsasabi niyo, tiyang?” Bakas sa boses niya ang pagtitimpi sa kinikilalang kamag-anak. Madalas naman na pinagbibigyan niya ang mag-asawa dahil na rin sa respeto bilang mga kumupkop sa kanya. Pero, ang hayagan siyang itulak sa mayamang kamag-anak ay kalabisan na para kay Graciella. Hindi na siya nakatiis. “Ano ba ang sinabi ko?” Patay malisya na tanong ni Lupita. Nasa isip niya na kaya naman niyang manipulahin ang isipan ng pamangkin lalo at mabait naman si Graciella. “Hindi pwede ang sinasabi niyo sa akin. Ano naman mapapala ng mayayaman sa akin? Alam ko sa sarili ko na pinagsikapan nila ang pagyaman nila. At saka isa pa kaya namin umangat ni Menard na magkasama. Wala na akong intensyon na maghanap pa ng iba.”
Tahimik ang lahat na nasa lamesa. Namutla naman si Trent sa sinabi lalo at nakita na seryoso ang mukha ng pinsan. Buking na ba sila? Gustong batukan ni Trent ang sarili na hindi siya nakapagtimpi. Kahit si Graciella namilog ang mata. Akala niya mahirap lang ang pinsan ng asawa pero bakit may sportscar ito? Si Harry ang bumasag ng katahimikan. “Ang swerte mo naman may sportscar ka pala, Trent.” Sumimangot si Menard. Inaabangan ang sagot ng pinsan kung paano nito lulusutan ang mga sinabi kanina lang. Napalunok si Trent. Ang pinsan nga niya maraming sasakyan at may yate pa. Kung alam lang ng mga naroon na si Kuya Menard niya ang pinakamayaman sa buong angkan nila. Tumikhim si Trent. “Regalo ‘yon ng kamag-anak ni mama sa akin. Luma na ang sportscar na ‘yon,” saad niya sa mga nag-aabang sa kanya. Nagkatinginan si Lupita at Roger. Tama nga ang hinala nila na mayaman ang pinsan ni Menard. Mahal na nga kahit ordinaryong sasakyan lang. Gaano na lan
“Ilang beses na nagkaroon ng salary increase ang Skeptron kaya huwag mo sabihin na nalulugi na ang kumpanya,” sabi pa ni Menard. Ayaw niya sa taong sinungaling. Kung hindi lang siya nagpapanggap sa harapan ng asawa baka kanina pa niya pinakaladkad sa mga bodyguard ang bayaw. Speechless si Harry. Tiningnan ang mga kasama kung nakikinig sa usapan nila. Mabuti na lang mahina ang boses ni Menard dahil pag nagkataon, mabubuking siya ng asawa na hindi niya sinasabi ang totoong sahod niya. Busy ang asawa na sundan ang anak. Kung malalaman nito na tumaas na ang sahod niya, kukulitin naman siya nito na dagdagan ang binibigay niya. “Hindi naman din madali sa akin na ako lahat ang umaako ng gastusin sa pamamahay ng asawa ko,” pagmamayabang pa ni Harry kay Menard. “So, sinasabi mo hindi nagbibigay si Graciella noon?” Tumaas ang kilay ni Menard sa pagmamayabang ni Harry sa kanya. Ayaw niya sa mga mayabang na credit grabber. “Easy lang, bayaw. Ang sabi ko malaki ang am
“Kailangan niyo magtipid para sa kinabukasan. Magastos magpakasal pero kailangan niyo pag-ipunan. Kailangan niyo pa bumili ng sasakyan at bahay bago man lang isipin na magkaroon ng anak. At saka nasaan ba ang mga magulang mo at ano ang mga trabaho nila?” Sunod sunod ang mga tanong at pangaral ni Roger sa dalawa. Gusto niyang ipakita sa mga ito na may karapatan siya na pangaralan ang dalawa lalo at siya ang mas nakatatanda. Napailing si Menard. Baka ma-stroke ang tiyuhin ng asawa kapag nalaman nito na nagkalat sa buong Pilipinas ang mga mansion nila. “May bahay naman ang pamilya ko at doon ako nakatira bago ako nag-umpisa magtrabaho,” saad ni Menard. “Dito na muna kami sa unit na ito ni Graciella ngayon na magkasama na kami.” Umarko ang kilay ni Lupita. Akala niya parehas lang sila ng sitwasyon ng nobyo ng pamangkin. “Bakit kailangan sa abroad pa manirahan ang mga magulang mo?” Tanong pa rin ni Roger. “Kailangan na rin nila magpahinga at ayaw
Nagpakilala si Harry kay Menard. “Ako pala ang bayaw ni Graciella.” Inabot ang kamay nito at malugod naman na tinanggap ni Menard. Isang simpleng hello lang ang sagot ni Menard. Inoobserbahan ang kaharap lalo at nalaman niyang ito ang nagsasabi sa asawa nito na naghihirap ang Spectron. Bumaling kay Rowena si Menard. “Ikaw pala ang pinsan ni Graciella. Rowena, right?” Nahiya si Rowena lalo at kalong ang anak na si Leya. Saglit niyang binaba ang anak para tanggapin ang nakahandang kamay ni Menard. “Hello, kuya Menard,” mahinang usal ni Rowena. Si Leya naman ay kumapit sa mga binti ni Menard. Nagtataka ang mga naroon lalo at takot lumapit sa mga tao ang bata. Pero, komportable ito kay Menard. Nagsasalita si Leya pero hindi nila maintindihan. Tila binabati nito ang matangkad na si Menard. Hindi mahilig sa bata si Menard pero magaan ang loob sa pamangkin ng asawa. Yumuko siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Inilagay iyon sa munting kamay ni Leya. Napasi
Itinabi ni Trent ang hinuhugasan na carrots. “Ah, yan ba ate? Mga marinated na chicken wings at thighs ang mga ‘yan.” “Kailangan ko pala itong ilagay sa freezer para hindi masira.” Nagmamadali na binuksan ang supot at nilabas ang mga karne na nasa mga plastic containers. Isalansan ni Graciella ang mga iyon sa loob ng freezer. Na-impress siya nang makita na may label pa ang mga iyon kung kelan ito mag-e-expire. Halos lumuwa ang mata niya nang may makita pa siyang tomahawk steak. Ano at ang mahal ng mga cuts ng karne na dala ng pinsan ng asawa? “Binili ko ang mga ‘yan, ate nang sinabi ni kuya na pupunta ako dito,” saad ni Trent. Nakita niyang mukhang nahalata ng hipag na mamahalin ang mga ‘yon. “Don’t worry, affordable lang ang mga ‘yan since naka sale iyan nang binili ko,” paliwanag niya. “Oh, akala ko mamahalin. Naku, ang hirap kumita ng pera, Trent. Kailangan maging praktikal ka sa lahat ng bagay.” “Gusto ko lang matikman mo ang mga natikman ko na
Kinagat na lang ni Trent ang kanyang dila. Matalas nga pala ang pandinig ng kanyang pinsan at nakalimutan iyon. Bakas sa mukha ang takot na baka bigla na lang siyang sakalin ng pinsan. Napatingin si Graciella sa reaksyon ni Trent nang tumikhim ang asawa. Bumulong sa kawawang si Trent. “Ganyan ba palagi si Menard? Bakit parang pinaglihi siya sa sama ng loob?” Nakikita ni Graciella na palaging binu-bully ang asawa ang pinsan nito. Halata naman na takot nga si Trent sa asawa niya. Kumawala ang isang pilyong ngiti sa labi ni Trent. Lumapit sa hipag at gumanti ng bulong. “Oo, ate. Daig pa niya ang babaeng nag-me-menopause. Very fierce.” Kahit paano natutuwa siya na mabait at approachable ang asawa ng pinsan. Para siyang nakatagpo ng isang kapatid na babae sa katauhan nito. Si Oliver Trent Young ang pinakabata sa mgapipinsan na Young. Walong taon na mas bata ito kaysa sa kay Menard. Kaka-graduate niya lang mula sa college at ine-enjoy ang buhay. Though, isang s
Nasa loob na sila ng sasakyan ni Menard. “Don’t ever call me Mr. Young in front of my cousin. Baka magduda siya at magsumbong sa nanay ko,” sabi ni Menard. Pababa na sila ng sasakyan nang may narinig silang sigaw. “Kuya Menard!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Trent. Gusto niyang pagtawanan ang minivan na sasakyan ng pinsan. Talagang tinodo nito ang pagpapanggap na mahirap. Kung anong amusement ang naramdaman ni Trent, siya namang disappointment ni Menard. Paano at nakasuot ng branded sportswear ang pinsan. Neon green naman na sapatos ang suot nito. Masyadong masakit sa mata ang mga suot ni Trent. Hindi nito sinunod ang gusto ni Menard. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ni Graciella. Mukha kasing approachable ang pinsan ng asawa. Dumungaw ito sa bintana ng sasakyan. “Kuya Menard, hipag,” bati nito sa dalawa. Natawa na lang si Graciella lalo at namaluktot ito sa pagbati sa kanilang mag-asawa. “Hello,” nahihiyang saad ni Gra
"Hello?" Menards’ voice is cold. Kinakabahan na si Trent sa kabilang linya dahil sa boses ng pinsan. “Kuya, nasa unit niyo na ba kayo? Nandito ako sa baba ng building,” saad ni Trent. Nakasimangot si Menard. He clearly said dinner. What is his younger cousin doing? It’s not barely three thirty in the afternoon! Sanay na si Menard na mabagal kumilos ang pinsan. Nilagay nito ang bilis sa maling pagkakataon. The nerve! “Kuya, naghanda ako ngayon. Hindi ka mapapahiya sa pamilya ng asawa mo,” pagmamalaki ni Trent. Needless to say, he is excited to meet his ordinary sister-in-law. May gagampanan lang naman siyang isang role. “Saan ka na kasi? May mga dala akong supply dito.” Lalong nalukot ang gwapong mukha ni Menard. “You still need to wait. Pauwi pa lang kami ng ate mo. We went to the market.” Halos lumuwa ang mata ni Trent. What news! Menard Tristan Young, the heir to the Young Group of Company is in the market. Kung malalaman ng iba niyang pinsan