“BAWAL na magkita ang bride at groom bago sila ikasal kinabukasan, ’di ba? Bakit pupuntahan mo pa si Alex?”Kausap ni Serena si Hanni sa kabilang linya habang naglalakad siya patungo sa hotel kung saan nanunuluyan si Alex, ang fiancé niya. Dahil sa kabilang city pa ang pamilya ni Alex, nag-decide siya na sa hotel na muna ito patuluyin. Siya ang nagbayad dahil malaki na ang gastos ni Alex sa kasal nila. “That's just an old myth, Hanni. Tsaka kailangan ko kasing hingin ang suggestion ni Alex para sa ihahabol na giveaways para sa reception. Alam mo naman na bukas na ang kasal namin,” sagot ni Serena. “O sige. Mag-iingat ka. Lapitin ng disgrasya ang mga ikakasal. Bye, Serena!”Pinatày din ni Hanni ang tawag at si Serena naman ay dire-diretsong nagtungo sa hotel room ni Alex. Ngunit habang papalapit siya, parang may naririnig siyang kakaibang ingay.Bakit parang may umuungól? Dahil hindi nakalapat ang pagkasara ng pinto, lumapit si Serena sa kwarto at doon, nasaksihan niya ang kawalangh
“MAGPAPAKASAL ka pa rin kay Alex, Serena. Tapos ang usapan!”Kahit anong kumbinse ni Serena sa pamilya, gusto pa rin nilang ituloy ang kasal kahit na nalaman nilang niloko na siya ni Alex. Bakit ba hindi nila maintindihan kung saan sita nagmumula? “Serena, makinig ka, ha? Normal sa lalaki ang magloko. Magpasalamat ka nga at papakasalan ka pa rin ni Alex; ikaw pa rin ang ihaharap niya sa simbahan. Huwag ka nang mag-inarte riyan at pumasok ka sa kwarto mo,” ani ng tiyahin sa kanya. “Hindi ako magpapakasal sa kanya! Tita, narinig mo ba ang sinabi ko? Nahuli ko si Alex na may babae tapos parang wala lang sa inyo?” “May magagawa ka ba? Kahit nahuli mo siya, hindi na pwedeng iurong ang kasal. Anong gusto mo, isauli ko ang mga binigay ni Alex at ng pamilya niya sa atin? Hindi pwede! Iyon na nga lang ang pakinabang mo sa amin, babawiin pa? Gumastos na lang din naman sa kasal, ituloy na. Huwag kang umarte-arte riyan, Serena, kundi sasamain ka sa akin!”Bumuhos ang luha ni Serena sa sobrang
NAPAYAKAP si Serena sa sarili noong makalabas sa office ng judge. Dahil gabi na, malamig ang ihip ng hangin. Napaigtad siya noong may lumapat na kung ano sa balikat niya. Bahagya niya pang naamoy ang panlalaking cologne. Pagsilip niya, nasa balikat niya ang coat ni Kevin. “You're shivering from the cold, put the coat on,” anito sa baritonong boses. Napakurap ng mata si Serena ngunit sinunod niya si Kevin. Huminto naman sa harapan nila ang kotse at pinagbuksan sila ng driver ng pinto. Pagkaupo, napaisip agad si Serena. Ngayong kasal na siya... ibig bang sabihin no'n ay sa bahay na siya ni Kevin uuwi? Nanlaki ang mga mata niya. “Ano...Mr. Sanchez,” tawag niya rito. “What did you call me?” malamig ang pagkakasabi nito, parang inis. Bakit parang galit? May nasabi ba siyang mali?“M-Mr. Sanchez? 'Di ba iyon ang apelyido mo?”Kumunot ang noo ni Kevin at matiim siyang tinitigan. Mayamaya, gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi nito. “Yes, Mrs. Sanchez?”Si Serena naman ang napipilan nga
NANANAKIT ang buong katawan ni Serena nang magising—lalo na iyong sikretong parte ng katawan. Dahil doon, agad na pumasok sa kanya ang nangyari kagabi. “Trust me, wife, hmm? I’ll be gentle...”Dahil bathrobe lang ang suot, maingat ngunit mabilis na naalis ni Kevin iyon at nagpaubaya naman si Serena. Paano siya makakatanggi kung bawat haplos at hàlik nito sa kanya, nadadala siya? At isa pa, kasal naman na sila, 'diba? Pero ngayong nahimasmasan si Serena, hiyang-hiya siya! Hindi kaya iniisip ni Kevin na easy-to-get siya? Kakikilala pa lang nila at kinasal man, hindi niya pa lubos na kilala ito. Parang walang pinagkaiba sa one night stand ang nangyari sa kanila. Napakagat ng labi si Serena at naguguluhan. Dito bumukas ang pinto at pumasok si Kevin. “You're awake,” anito habang bitbit ang foodtray. Lumapit ito sa direksyon niya.Hindi naman siya makatingin nang maayos dito dahil pumapasok pa rin sa isip ang nangyari kagabi. Halata ni Kevin ang hiya ni Serena at mabuti na lang, hindi i
HINDI makakain nang maayos si Serena at maya'tmaya na napapasulyap sa taas. Ayaw mang isipin, gusto niyang malaman kung anong pinag-uusapan ni Kevin at Dahlia. “Madamé, may hindi po ba kayo gusto sa luto? Sabihin n'yo po sa akin para makapagpaluto ako sa chef.”Nabaling ang tingin ni Serena kay Marie, iyong maid kanina. Umiling siya rito. “M-Masarap ang pagkain, don't worry.”“Basta kung may gusto po kayong ipaluto o ayaw sa pagkain, sabihin n'yo po sa akin. Sundin daw po kasi namin ang gusto n'yo sabi ni Master.”Magsasalita sana si Serena nang makarinig siya ng tunog ng takong na papunta sa gawi niya. Nang lumingon, si Dahlia iyon na papalapit. Nakataas ang noo nito at parang hinahamon siya sa tinging ginagawa. “Xavier and I broke up but he gave me a house and also promised to introduce me to a high paying job. I lost him pero hindi ako talo. And see this?”May winagayway ito sa harap niya. Cheke sa tingin ni Serena. “Break-up fee. He's generous, right?”Galit na tumingin si Ser
NAHAMIG ng ama ni Serena ang sarili at may pang-uuyam na pinasadahan ng tingin si Kevin; mukhang hindi kumbinsido sa narinig. “Hoy, totoy. Alam kong guwapo ka at mukhang may pera kahit paano. Pero 'yang sinasabi mong bibilhin mo sa amin si Serena? Mukhang hindi ka pa yata tapos managinip.”“Serena, bayad mo ba 'tong lalaking 'to? Kung may ganun ka naman pala kalaking pera, bakit hindi mo binigay sa amin? Bakit hindi mo pinagamot ang lola mo? Sinasabi ko na nga bang puro ka lang salita at yabang, e,” ani naman ni Jessa. Pagkatapos nito ay sumubok uli itong lumapit kay Kevin na kunot na kunot ang noo. “Bakit hindi na lang ako ang samahan mo? Huwag na 'tong si Serena. Wala namang kwenta—”Hindi na natapos si Jessa sa sinasabi nang samaan ito ng malamig na tingin ni Kevin kaya napaurong ito. Binalik ni Kevin ang mga mata sa ama ni Serena at inulit ang sinabi. “10 Million for Serena. Take it or leave it? But even if I don't give money, she's still going with me because she's my wife.”“
“SERYOSO ka ba talaga sa sinabi mo kanina, ha? Gagá, hindi mo ba ako binibiro lang?”Hindi umuwi si Serena sa bahay ni Kevin kundi nagpahatid siya sa apartment kung saan kadikit lang ng unit niya ang room ni Hanni. Ngayon ay magkausap sila sa unit nito. “K-Kasal na nga ako, bebs. I'm not kidding.”“Oo dapat hindi ka nga magbiro kasi sasákalin kita. Pero ano kasi nangyari at hindi si Alex? Hindi sa sinasabi kong gusto ko iyong fiancé mo, ha? Feel ko bad vibes niya malayo pa lang. Pero paliwanag mo ano nangyari. I need chika!”Umupo si Serena sa beanbag na malapit at humarap kay Hanni. “Nahuli ko kasi si Alex na niloloko ako. Naalala mo iyong pumunta ako sa hotel room niya? Doon siya gumagawa ng milagro! Sa galit ko, umurong agad ako sa kasal.”“Huwat? Niloko ka n'ong gagúng iyon! Kapàl ng mukha, ha? Gwapo siya? Kung hindi pa siya mukhang túbol—”“Hanni, iyang bibig mo, ha!”“Bakit? Totoo naman, ha? Para siyang muscle na nagkaroon ng mukha. Pangit-pangit niya, siya pa may ganang maglok
DAHIL sa malakas na pagtili ng kasamang babae ni Alex at ng iba pang tao, napalibutan si Serena. Kahit nasasaktan ang katawan, tumayo si Hanni at dinaluhan ang kaibigan. “S-Serena, a-anong gagawin natin? Patáy na ba si Alex?”Napaiyak na si Hanni at dahil sa takot, napaluha na rin siya pero mabilis niyang hinamig ang sarili. “Ako ang humampas sa kanya ng upuan kaya lulusutan ko 'to, Hanni.”Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. “Hindi. Damay rin ako. Hindi kita iiwan, Serena. Isa rin ako sa nanakit kay Alex kaya hati tayo sa kasalanan.”Dumating naman ang tinawag na medics at agad na pinuntahan si Alex. Nang sabihin na nawalan lang ng malay si Alex, nakahinga nang maluwag si Serena at Hanni. Hindi sila nakapátay! Pero dahil nakasakit sila ng tao, dinala sila sa presinto ng management at si Alex naman ay sa ospital nadala. “Anong ginawa ninyo at dito kayo dinala?” Mahinahon naman ang tanong pero dahil presinto iyon, napaiyak na naman si Hanni. “Ateng pulis, sinaktàn po namin si Alex
"Bakit, ayaw mo ba?" Nakita ni Witch Lia ang nahihiyang itsura ni Patricia kaya bahagya siyang ngumiti ng may pangungutya.Akala ni Lia, may magagawa si Patricia. Pero sa totoo lang, para lang siyang langgam sa harap ng mga tao sa Beltran family at Alejandro. Si Daemon, sa totoo lang, hindi rin siya makikinig. Matigas ang ulo at sanay sa sariling diskarte.Mukhang napansin ni Lia na matagal na siyang hindi kumikibo kaya inisip siguro nitong wala siyang maitutulong kay Chastain. Tiningnan siya nito na para bang wala siyang silbi. "So ganyan ka pala."Napakunot-noo si Patricia at seryosong tumingin sa kanya. "Talaga bang iniisip mong kaya kong gawin 'yung dalawang bagay na ‘yon? Sa tingin mo ba magso-sorry si Daemon kay Chastain? O papayag ang Alejandro family na ipakasal ang isa sa kanila kay Chester?"Pinaglaruan ni Lia ang kutsilyo sa kamay niya habang matalim ang tingin. "Depende. Malapit ka kay Daemon eh."Alam ni Patricia na kahit ano pang paliwanag niya, ang dating lang kay Lia a
Chapter 73NANG makita ni Andrei na masama ang mukha ni Patricia, ngumiti lang siya ng bahagya at sinabing, “Okay na, nagbibiro lang ako. Wala naman akong kakaibang bisyo.”Medyo nakahinga ng maluwag si Patricia, pero nakakunot pa rin ang noo niya. “Andrei, pag seryoso ang usapan, pwede bang seryoso ka rin?”“Hindi pwede.” sabay labas ng dila ni Andrei, parang batang pasaway.Napailing na lang si Patricia. “Hay naku, bata ka pa kaya hindi na lang kita papatulan. Pero ha, huwag kang gagawa ng kalokohan. Okay?”“Ok.” sagot ni Andrei habang tamad na tumango at nag-unat. Wala talaga siyang pakialam kahit pinagsasabihan siya.Napailing ulit si Patricia at dahil hindi na niya makontrol, sabi niya, “Kakanta ka sa show na ire-record natin mamaya, ‘di ba? Napraktis mo na ba ‘yung kanta mo? Nakausap mo na ba ‘yung vocal coach?”Tumango si Andrei. “Hindi ko na kailangang mag-practice.”Napangiwi si Patricia. “So, ibig sabihin, hindi ka pa handa?”Tumango ulit si Andrei. Halos manginig si Patrici
Kapag naging matigas siya ngayon, baka magalit si Andrei. E siya pa naman ang inaasahan ni Patricia para makapanatili siya sa posisyon niya. Pero kung masyado siyang magpapakumbaba, baka hindi na siya seryosohin ng ibang assistants.Tahimik lang si Patricia saglit, tapos binuklat ang ilang scripts sa lamesa habang kunwaring seryoso siyang nag-iisip. "Okay lang kung ayaw mo ng spy drama. Meron din namang supporting role sa isang idol drama. Hindi siya namatay sa aksidente, pero nawalan siya ng memory at parang naging siraulo. Tapos meron din horror movie, gusto ka nilang gumanap na sidekick ng kontrabida. Naghahabol kayo ng mga babae tapos kinukuha n’yo 'yung puso nila para kainin nang hilaw…”Habang tumatagal, padilim nang padilim ang mukha ni Andrei… Saan ba kinuha ni Patricia ‘tong mga kakaibang roles? Lahat parang nakakakilabot. Sa huli, napilitang sumigaw si Andrei. "Ayoko ng kahit alin diyan! Gusto ko yung mga normal lang!"Binagsak ni Patricia ang mga scripts sa mesa. "Yung norm
Chapter 72NAKITA rin ni Patricia ang iritadong itsura ni Manager Wenceslao. Alam niya kung bakit ito galit, pero dahil nirerespeto pa rin niya ito bilang nakatataas sa kumpanya, iniwasan na lang niya ang gulo at binati ito tulad ng dati, “Hi, Manager Wenceslao.”Pero dumaan lang ito sa harap niya kasama ang dalawang assistant, walang emosyon sa mukha at hindi man lang siya binati pabalik.Hindi naman ito pinansin ni Patricia. Nag-shrug lang siya ng balikat at inilabas ang dila. Pagpasok niya sa opisina, nandoon na ang pitong assistant ni Andrei, pero ang lalaki mismo ay wala pa.Pitong assistant; tatlong lalaki, apat na babae. Kahapon pa lang ay tiningnan na ni Patricia ang background ng mga ito habang naghahanda siya. Yung tatlo ay matagal nang kasama ni Andrei mula pa noong nagsimula siya at sumama pa ito nang lumipat siya ng agency. Yung apat naman ay mga bagong hire ng WG. Hindi pa sanay sa trabaho, pero sunod-sunuran.Alam ni Patricia na hindi magiging madali para sa kanya na pa
Habang tulala pa rin ang tatlo, tumingin si Daemon sa relo at napansing gabi na. Kaya tumalikod siya at binigyan si Patricia ng tingin na parang utos. "Tapos na ang training mo ngayon. Uwi na tayo."Nakatunganga lang si Patricia, hindi gumalaw. Pinanghahawakan pa naman niya kanina na magpapapayat siya para maging bagay sila ni Daemon, pero ilang salita lang nito, parang nadurog na ang desisyon niya. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam niya, parang tinunaw ng araw ang yelo sa puso niya.Matagal na niyang pinangarap na may lalaki sanang magsasabi sa kanya na hindi niya kailangang magpapayat o pahirapan ang sarili niya at sapat na siya. Na kahit hindi siya perpekto, mahal pa rin siya.Yung tipong pag namimili siya ng damit at walang kasya sa kanya, may magsasabing kahit ano isuot niya, maganda pa rin siya.Kahit hindi sinabi ni Daemon nang diretso ang ganitong klaseng matatamis na salita, sa ginagawa nito ngayon, malinaw ang sinasabi. hindi ni Daemon iniintindi ang itsura ni Patric
Chapter 71PAGKATAPOS isinakay agad ni Daemon si Patricia sa passenger seat nang walang paliwanag. Bago pa maisara ang pinto, siya na rin ang nag-seatbelt sa kanya sa unang pagkakataon, tapos isinara ang pinto, sumakay sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.Ngayon na nakahinga na siya, sobrang luwag ng pakiramdam ni Patricia, pero… ayos lang ba talaga 'to? Ang dami ng pinagawa sa kanya ni Witch Lia para lang mapunta siya sa ganitong impyerno, tapos ngayon, babalik na agad siya kahit halos isang minuto pa lang siya tumatakbo?Parang nabasa ni Daemon ang iniisip niya at napailing ito sa kanya. "Mas mahalaga ba ang pagiging payat o ang buhay mo?""Pagpapapayat." Mabilis na sagot ni Patricia.Tumigil sandali si Daemon, tumalim ang tingin sa kanya, tapos tumingin ng masama. Dahil sa isang tingin lang na 'yon, agad na bumawi si Patricia. "Buhay... mas mahalaga ang buhay..."Saka lang lumambot ang itsura ni Daemon. "Kung alam mong mahalaga ang buhay, huwag mong isugal. Sasabihin ko kay
Ano raw yung pagpapapayat at pagpapaganda… Ngayon lang niya naintindihan kung bakit napunta sa ospital si Patricia! Kaya pala!Patuloy pa rin si Zaldy sa pag-ikot-ikot ng sagot, parang tuwang-tuwa pa siya na naririnig ang pagkabahala sa boses ni Daemon: “Mr. Alejandro, ayaw mo bang makita siyang gumanda? Sa tono ng boses mo, parang gusto mong guluhin ang plano.”“Maikli lang ang pasensya ko.” Parang bomba si Daemon na pwedeng sumabog kahit anong oras.Ramdam ni Zaldy na nasa sukdulan na talaga ang pasensya nito, kaya napabuntong-hininga na lang siya: “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung saan talaga sila pumunta. Pero noong minsan na nagkwentuhan kami ni Witch, nabanggit niya na madalas siyang mag-ehersisyo sa Berry Road…”Hindi na nagsalita pa si Daemon. Binaba na lang niya ang tawag. Tapos sinabi niya sa assistant niya, “Kunin mo yung sasakyan sa parking. May pupuntahan ako. Ikaw na muna bahala sa mga gawain sa kompanya.”Halos umiyak na ang assistant, “Pero ang dami pa pong kailan
Chapter 70ISANG tawag ang nagpabalik sa ulirat ni Patricia mula sa pagbabasa ng mga dokumento. Sa caller ID, nakalagay na si Zaldy ang tumatawag. Bigla siyang napabuntong-hininga.Hindi pa tapos ang rebolusyon, kailangan pa ring magpursigi sa pagpapapayat!Pagkatapos niyang mangakong darating siya sa oras, itinago na ni Patricia ang lahat ng dokumento sa drawer, nagpalit ng sportswear at naghanda nang umalis. Luto na rin ang pagkain ni Patrick at ang bango-bango pa. Pero kinailangan niyang tiisin ang tukso ng tiyan niyang kumakalam. "Pa, lalabas muna ako saglit, babalik din ako."Sumakay siya ng taxi papunta sa gym.Pero pagdating niya sa gym, wala roon si Chastain. Ang dumating ay si Zaldy, kasama ang isang magandang babae na naka-vest at sports shorts. Nakatayo ito malapit sa mga gym equipment at parang naghihintay sa kanya.Medyo nalito si Patricia. Magpapalit na ba siya ng coach? Pero totoo naman, dapat matagal na. Anong klaseng coach ba si Chastain? Palaging pinapatakbo siya han
Kaya pala ang daming tao ang gustong ma-promote at tumaas ang sweldo. Ang sarap pala ng feeling kapag na-promote ka!Pero pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, biglang inilapag ng supervisor niya ang isang makapal na folder ng mga documents, halos 10 sentimetro ang kapal sa harap ni Patricia. “Basahin mo ito mamaya pag-uwi mo. Lahat ng impormasyon tungkol kay Andrei nandito, pati mga ginawa niya mula noong nag-debut siya. Dati mo nang hinawakan si Hennessy kaya alam mo na siguro kung para saan ang mga ganitong files. Ayusin mo na lang sa bahay.”Tumango si Patricia, kinuha ang mga papeles at ang kontrata, at naglakad palabas ng meeting room. Pero bigla siyang pinigilan ng supervisor niya.“Ah, oo nga pala. Kailangan din kitang paalalahanan. Si Andrei ay medyo kakaibang artista. Bukod sa taping o shooting, may limang araw siya kada buwan na naka-day off. Baka hindi mo siya makita o makontak sa limang araw na 'yon. Pero wag kang kabahan, babalik din siya pagkatapos.”“Ha?” Gulat na gul