“TAKE CARE of yourself. I'll be going, wife.” Pinanood ni Kevin na maglakad si Serena na magtungo sa main door at nang masigurong nasa bahay na ito, tinaas ni Kevin ang bintana ng kotse. “Drive,” utos niya sa driver. Lumingon ang Personal Secretary ni Kevin na si Secretary Lim. Naramdaman ni Kevin ang tingin nito. “Do you have questions?”“Sir, does the old master know the existence of madamé?”Kumunot ang noo ni Kevin at hindi kaagad nagsalita. Tumingin siya sa labas ng bintana. Noong akala ni Secretary Lim ay hindi na magsasalita ang boss, ang malamig na boses ni Kevin ang pumuno sa bawat sulok ng kotse. “They will know her eventually. In the future. But for now, protect her.”Nang marinig iyon ay tumango si Secretary Lim. Kita nito ang bawat tingin ng boss sa asawa. Alam niyang kakaiba ang nararamdaman ng boss sa babae. GUSTUHIN mang bumalik ni Serena sa apartment, pinagsabihan siya ni Kevin na huwag na roon umuwi. Mas maganda na narito siya sa bahay nito dahil mag-asawa naman
“KUNG ginagawa mo, dapat hindi ka natatakot na malaman at mapag-usapan ng mga tao.”Tinapunan ni Serena ng masamang tingin si Kelly. “Ano ang ginawa ko? Sabihin mo nga?! Bakit updated ka pa sa buhay ko kesa sa akin?”Humalukipkip si Kelly at h-in-ead to foot siya ng tingin. “Serena, 'wag ka nang mag-deny diyan. Mismong sa ex-fiance mo mismo naggaling na sugarbaby ka. Iyan kasi, marunong kang gumawa ng kalokohan pero hindi mo kayang malaman ng iba. Nakakahiya ba? Dapat lang mahiya ka. Pakunwari ka pang inosente, malándi ka naman pala. Serena, you're a mistress, aren't you? You're a third-party, hula ko.”“Hoy, Kelly, 'yang bibig mo! Dapat diyan, tinatahi! Puro kabalbalan ang lumalabas. Gusto mong kuskusin natin 'yan nang matuto ka? Iyong ex ni Serena ang nanloko at nag-cheat tapos doon ka naniwala?”Inirapan ni Kelly si Hanni. “Edi kung hindi nagsisinungaling 'tong si Serena, bakit hindi n'yo ilabas ang marriage certificate nang mapatunayan na kasal na?”“Bóbo ka pala, e. Kakakasal lan
“WHY are you sitting so far away from me? Am I scary?”Agad napatingin si Serena nang marinig ang himutok ni Kevin. “Hindi, ah! Sinong nagsabing takot ako sa'yo?”“Then if you're not afraid, scoot closer.”Tiningnan muna ni Serena ang layo niya kay Kevin at totoo naman na malayo siya rito. Halos dumikit na siya sa pinto ng kotse. Ginawa niya ang gusto nito at umurong siya papalapit. Nang gawin niya ang gusto ng lalaki, nakita ni Serena ang napakaliit na ngiti sa labi ni Kevin. Natulala siya roon at nasabi niya sa isip na napakagwapo talaga nito. Kung makikita ni Hanni si Kevin, sigurado siyang titili iyon dahil sa makikita. Dahil sa may katagalan niyang pagtingin dito, napansin iyon ni Kevin. “Hey, is there any dirt on my face?”“H-Ha? Wala!” Para pagtakpan ang ginawa, tumingin na lang sa labas ng bintana si Serena. “What are you thinking?”“Wala naman.”“Tell me... iniisip mo ba iyong lalaking kasama mo kanina?”Agad napaharap si Serena kay Kevin. Hindi dahil sa tanong nito kundi
GUMISING na naman si Serena na mabigat ang katawan. Nang tingnan ang sarili, nakabihis na siya ng nightgown. Alam niyang si Kevin ang nag-asikaso sa kanya. Nilibot niya ang paligid at wala ang presensiya nito. Nang magawi ang mata sa sidetable, may adhesive note na nakadikit doon. Wife, Eat your breakfast before you go to work. I'll be back later.Take care. —KevinIlang segundo niya pang minasdan iyon bago siya tumayo at inayos ang sarili. Dahil may markang iniwan si Kevin sa leeg niya, turtleneck longsleeves dress ang suot niya. Bago lumabas ng kwarto, tinago ni Serena ang note na iniwan ni Kevin. “Madamé, your breakfast is ready.”Asiwa pa rin si Serena sa pagtawag sa kanyang 'madamé' pero kahit anong sabi niya sa mga katiwala, hindi raw pwede ang gusto niya. Ito ang kagagalitan ni Kevin kapag nalamang pangalan lang ang tawag kay Serena. “Madamé, do you wanna bring your lunch? There's a readymade lunch for you,” ani Butler Gregory. “Talaga po? Sige, Butler Gregory, dalhin k
“GUYS, libre ko mamaya sa KTV. Lahat sasama, okay? KJ ang hindi sasama,” announcement ni Kelly nang pauwi na sila. “Hindi ako sasama,” sagot agad ni Serena at napatingin sa kanya ang lahat. Nagtaas din ng kamay si Hanni. “Ako rin.”“Kaya nga ako manlilibre dahil hihingi ako ng sorry kay Serena dahil mali ang akala ko tapos hindi kayo pupunta?”Sumabat na rin si Rose. “Pumunta na kayong dalawa. Serena, para pala sa'yo 'yon tapos ikaw ang wala? Sama na kayo, sige na.”Nagkatinginan si Serena at Hanni. Parehong ayaw ng dalawa pero binubuyo sila ng mga katrabaho at sa huli, sumama nga sila. Bago sumama ay tinawagan ni Serena si Kevin para hindi siya nito hanapin. “Hello, Kevin?”[“Hmm?”]“Nag-imbita ang isa sa kasama ko na mag-KTV at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Kapag sobrang gabi na, sa apartment na ako uuwi.”[“I can pick you up.”]“Hindi na, Kevin. Baka kasi gabihin ako. Bukas na lang ako uuwi, ha?”A sigh was heard on the other line. [“Fine. Take care of yourself.
Chapter 14: You can't touch me, SerenaPARANG may humahaplos na malamig na bagay sa mukha ni Serena at iyon ang nagpabalik ng malay niya. Nang buksan ang mata, hindi niya kilalang lalaki ang nabungaran niya kaya napaupo siya at napaurong palayo rito. Agad naman nitong tinaas ang kamay. “I’m harmless. I didn't do anything to you,” paliwanag nito, hawak pa ang basang towel na pinupunas sa mukha ni Serena. “S-Sino ka?!” Niyakap ni Serena ang sarili at may takot sa mga matang tumingin sa lalaki. “Hindi mo ba maalala? Hinatak mo ang damit ko at humingi ka ng tulong sa akin that's why I helped you. You were held by a woman and after some seconds, may lalaki ring dumating. I think they're plotting something nasty that's why I intervened. I brought you here to get you checked and it's positive na may date drügs sa ininom mo.”Bumalik sa alaala ni Serena ang nangyari at kinuyom niya ang kamay. May masama ngang balak si Kelly sa kanya at alam niyang si Mr. Lagdameo ang boses na narinig bago
HINDI man nasabi sa mga dapat makaalam ang nangyari kay Serena, lumuwag ang pakiramdam niya noong makaganti kay Kelly. Pero pakiramdam niya ay kulang pa iyon. She almost got ráped! Ngunit gustuhin man niyang sabihin sa ibang tao ang naranasan, ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya. Sabagay, siya rin ang may kasalanan dahil alam niyang hindi sila magkasundo ni Kelly pero nagtiwala pa rin siya. Sa huli, siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa kanya. Isa pa, walang patunay na ginawan siya ng masama dahil wala siyang pruweba bukod sa witness, 'diba? At totoo naman ang sinabi ni Kelly na maraming kapit si Mr. Lagdameo habang siya ay hamak na empleyado lang. Iniling ni Serena ang ulo para nawala sa utak ang iniisip. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa dahil ilang minuto na lang ay ipapakita nila ang nagawang proposal sa weekly meeting. “Punta na raw tayong office, Serena.”Nag-ready si Serena at bitbit ang laptop, pumunta sila sa AVR para i-set up ang reports at proposal. Nang ma
USAP-USAPAN ang nangyari kay Mr. Lagdameo at Kelly. Nabalita pa nga ito sa TV dahil kilalang kumpanya ang SGC kaya mas maraming tao ang nakikita ni Serena na nakikiusyoso sa labas. Mas lalo ring maingay sa loob. “Alam mo ba dahil sa nangyari, lumabas din ang totoo tungkol kay Kelly. Kábit pala siya ni Mr. Lagdameo at dahil lang sa kapit kaya nakapasok si Kelly dito! Kaya pala noong una, ni mag-fax at gumamit ng printer, hindi marunong si Kelly pero kung umasta parang amo. Kaya pala gan'on ay dahil umaasa siya kay Sir Lagdameo! Isa rin pala siya sa kasabwat ni Sir at nagdedespalko sila ng pera ng company!”“Tapos iyong nagrereklamo pala dati na pinagsamantalahan ni Mr. Lagdameo, totoo raw pala talaga! Tinakot lang ni Mr. Lagdameo kaya nanahimik. Tinapalan daw ng pera at sinabi na kung hindi pa kalilimutan ang lahat, baka ipatümba raw ni Mr. Lagdameo iyong babae. Ayun, nawala ang issue na 'yon, 'diba? Another case uli iyon.”“At ito talaga pinakamatindi kasi kasali si Serena sa issue n
Chapter 38“AT SINO ka para paalisin kami? Hindi ako papayag na umalis kami rito! Yaya ako ni Zephyr mula pa pagkabata at parang ina na niya ako! Mas close pa nga siya sa akin kaysa sa ina niya kaya siya rin ang magagalit sa gagawin mo! Hah! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!”Hinarangan ni Manang Gina si Leila na papasok sana sa loob. Tumalim ang tingin niya sa matandang babae at pinagkrus niya ang mga braso. Tumikwas ang kilay niya habang nakatitig dito. Hindi na siya ang Leila na magpapaapi rito. Ngayong alam niyang may importansya na siya kay Zephyr, may tapang na rin siya na harapin ito. At oras na saktan siya nito, ihaharap niya si Zephyr sa mag-titang si Gina at Sienna. Kung kaya nilang magpanggap na inosente at walang kasalanan na ginawa, kayang-kaya niya rin iyong gawin. “Ako ang may kapal ng mukha? Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Manang Gina? Ako ang asawa ng 'amo' mo. Yes, you were his yaya and you watched him grow up. But that doesn't mean you ca
Chapter 37“I'LL BE DONE AFTER A WEEK HERE. Wait for me, hmm? Listen to me, Leila, okay? Stay away from guys. I don't want to see guys hovering around you.”Napalingon si Leila sa magkabilang gilid, hinahanap ang lalaking sinasabi ni Zephyr pero wala naman siyang nakita. Nagulat siya nang tumawag muli si Zephyr at imbes na manatili ito ng dalawang buwan sa importante nitong ginagawa, sinabi nito sa kanya na sa isang linggo na lang ang lilipas at uuwi na ito. Syempre, natuwa siya. Miss na miss na niya si Zephyr, e. Nasanay na siyang kasama ito kaya nang marinig niyang pauwi na ito, halos pumalakpak ang tenga niya.Pero natigil ang tuwa niya nang sabihin iyon ni Zephyr. Lalaki? Tsaka niya naalala na noong huling videocall ni Zephyr sa kanya, nakita nito sa likuran niya si Mark na kapatid ni March. Before she could explain things to Zephyr, the call was cut. At ngayon, ito ang sumunod na tawag ni Zephyr sa kanya. “Guys? Wala namang lumalapit sa akin, Zephyr. Kulang na nga lang magin
Chapter 36“WHY DO you look so glum, dude? Anong nangyari? We're in the middle of the mission when you open your fire and kill one of their men. Dati naman, hindi ka ganyan, Zeph. What happened?” litanya ni Cash. Instead of answering him, pinunasan ni Zephyr ang hawak na baril. Hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang lalaking nakita sa likod ni Leila. Alam niyang walang ginagawang mali si Leila. He knows how crazy his wife for him. Pero hindi niya maiwasan na hindi mainis dahil nararamdaman niya na habang wala siya ay may pumoporma sa asawa niya. Paano kung mas magtagal siya rito sa misyon na ginagawa at unti-unting mawala sa kanya si Leila? Damn it. Bakit niya ba naiisip iyon? Leila won't love anyone other than him. Kung mayroon man, he will make sure he will shoot that person first. Leila's his. Sa kanya lang. Ang pagtapik sa balikat niya ang nagpabalik sa huwisyo ni Zephyr. Matalim ang tinging binigay niya kay Cash na parang sinasabi na tigilan siya nito. Kung hindi niya map
Chapter 35SA TULONG ni March at Mark, nai-report ang mga taong nagtangkang gawan ng masama si Leila. Pero hindi bago pakantahin ni March ang mga babaeng iyon ng binabalak nila kay Leila at nang malaman ang totoong balak nila na pagkatapos bugbugin ay gusto nilang dalhin sa kung saan si Leila at hayaan kung ano ang mangyari sa kanya, halos manlamig ang buong katawan ni Leila. Sa isip niya, paano kung nagtagumpay sila sa balak nila? Saan na lang siya pupulutin? Paano kung sa masasamang tao siya napasakamay? Paano kung na-rapé siya sa balak nilang pag-iwan sa kanya? Ano na lang ang magiging kapalaran nya? Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ni Leila kay Sienna. Kung nasa harap niya lang ang babae, ipapakita niya ang kaya niyang gawin dito. Pero maghintay lang ito, matitikman nito ang bagsik niya. Pinapangako niya iyon. Sa gulong kinasangkutan nila, nagharap-harap sila sa dean's office. May mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang mga babaeng gustong saktan si Leila ha
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkaka
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s