“MR. Sanchez, here's the file you asked me to gather.”Kinuha ni Kevin ang portfolio na inaabot sa kanya at pinatong iyon sa desk. Binalik niya ang tingin kay Dylan na isa sa empleyadong pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo. “Lagdameo's matter was handled well. But why did no one notice the things he did in the first place?”Napalunok si Dylan noong makwestiyon ito ni Kevin. “Sir...sa dami ng empleyado ng SGC, hindi lahat ay nababantayan. Isa pa, malaki ang naitutulong niya sa kompanya lalo na kung pagbabatayan ang annual financial statements na nasa reports niya. Efficient employees ang hanap ng SGC at hindi...role models ng lipunan.”Alam ni Kevin na ganoon naman talaga lalo kung nagpapatakbo ng kompanya ngunit hindi niya pa rin gusto na sinubukan nitong saktan si Serena. Napabuga si Kevin ng hangin. “Just let the lawyers deal with his matter thoroughly. Let him stay in prison.”Tumango si Dylan ngunit hindi nito mapigilang hindi magtanong. “Okay, Sir. But how did he offend you? Hind
“WHAT are you going to tell me?”Biglang sabi ni Kevin noong matapos itong ngumiti. Bumalik din sa isip ni Serena ang sasabihin niya kanina. “Nakwento ko na nakulong si Mr. Lagdameo, 'diba? Si Sir Yves yata ang nagsumbong kaya nalaman ng SGC ang mga ginawa niya.”Nabura na naman ang magandang mood ni Kevin at naramdaman iyon ni Serena. Hindi lang siya sigurado kung saan ang maling nasabi.“He told you that he did it?” malamig na anito. “Hindi syempre. Pero tingin namin siya ang may gawa n'on. Kasi noong nalaman niyang nawawala ang files sa laptop, sinabi niya sa amin ni Hanni na siya na ang bahala.”“You sure about that?”Lumiit ang boses ni Serena habang nagpapaliwanag. “Sabi kasi ni Hanni, ramdam niyang may gusto si Sir Yves sa akin kaya sure siyang si Sir ang nagsumbong. Naisip ni Hanni 'yon dahil noong birthday ko, binigyan ako ng chocolate ni Sir Yves na hindi naman gawain ni Sir. Mabait din daw sa akin. “Pero wala sa isip ko 'yon, ha? Kaya nga dahil team building next week, p
“TEAM building na bukas. May plus one ka bang isasama, Serena?”Habang nag-aayos si Serena ng mga papeles sa table ay natigilan siya noong magsalita ang isa sa mga katrabaho niya. “A-Ah? Oo. Isasama ko 'yong asawa ko.”Nang marinig iyon, kumislap ang mga mata ng kasama at parang natuwa sa narinig. “Talaga? Maganda 'yan! Para naman makilala na namin 'yong asawa mo. Ni isang post naman kasi sa social media, wala kang nilalagay kaya blangko pa rin ang mukha niya sa amin. Buti na lang at naisipan mong isama bukas.”Nangiti na lang si Serena pero sa loob-loob niya, nagtataka talaga siya ugali ng mga tao na mahilig mangialam sa buhay ng iba. Ano naman ngayon kung hindi niya pino-post si Kevin? Hindi naman niya tungkulin na magbigay ng update ng buhay sa ibang tao, 'diba?“Sige, ipasa ko lang 'to kay Sir Yves. Alis muna ako,” paalam niya sa katrabaho. Nang makaalis si Serena patungo sa office ni Yves, nagkumpulan ang mga magkakatrabaho at ang topic nila ay ang asawa ni Serena. “Psst, exci
NAPANGANGA si Serena sa narinig. Bakit naisip ng mga kasama niyang pangit si Kevin? Kung pangit nga si Kevin, alikabok na lang siguro sila! Sa sobrang kagwapuhan nito na parang lumabas sa male model's magazine, pag-iisipan at sasabihin lang na pangit? What the heck. Nang tingnan ni Serena si Kevin, wala naman itong reaksyon kaya nakahinga siya nang maluwag. Ramdam pa rin ni Serena ang tingin ng mga kasama at pinili niyang hindi pansinin iyon. “Serena, andito ka na!” masayang sigaw ni Hanni. Sinulyapan din nito si Kevin at ngiting-ngiti ang kaibigan ni Serena. “Hello, bayaw!”Namula yata ang mukha ni Serena noong marinig ang sinabi ni Hanni. “Hanni!”“Bakit, totoo naman. Sisters tayo kaya bayaw ko siya,” sabi nito at inakbayan pa si Serena. Kumunot ang noo ni Kevin. “Bayaw?”Nakita ni Hanni na parang hindi naintindihan ni Kevin ang sinasabi nito. “Brother-in-law. Bayaw. Ikaw 'yon.”Sandaling nag-isip si Kevin at mayamaya ay napangiti ito. “I like that.”“'Yan ganyan dapat. Serena,
MAY hotel naman na naghihintay sa lahat ng empleyado na naroon sa team building. Dahil ang department lang naman nila ang may team building, hindi sila ganoon karami. Sa pagkakaalam ni Serena, nasa fifty silang employees at ang iba ay may plus one kaya nasa kulang one hundred sila. Dahil asawa niya si Kevin, automatic na sila ang magkasama sa kwarto pero ang problema ay si Hanni. “Wala na ba talagang ibang available room?”“Iyon na lang po talaga. Double bedroom naman po iyon kaya parang solo n'yo pa rin ang kwarto,” ani ng receptionist. Ayos lang naman kay Hanni kung iba ang kasama. Pero bakit si Sir Yves pa ang roommate nito? Pisting yawa! “Are you thinking that I'll do something to you? I still have a taste,” naiinis na tanong ni Yves na nasa gilid. “Sir, baka ako ang may gawing masama sa'yo, hindi mo ba gets 'yon?”Tumikwas ang dulo ng labi ni Yves at napailing. “Just let it be. Dalawa naman ang kama. Dalawang araw mo lang akong makakasama sa isang kwarto. Siguro naman ay mat
KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s
Chapter 29KANINA PA naghihintay si Leila kay Zephyr dahil nagpaalam ito sa kanya na may aasikasuhin saglit. Habang hinihintay ito, nag-ayos si Leila ng gamit sa condo ni Zephyr. Hindi naman maliit ang condo nito pero hindi rin sobrang kalakihan kung ikukumpara sa bahay na kinalakihan ni Leila at ni Zephyr. But for Leila, this condo is the best for both of them. Kada kilos, nagkikita sila ni Zephyr at hindi nawawala sa paningin ng isa't isa. Ang pakiramdam niya tuloy bagong kasal sila ni Zephyr at nasa honeymoon phase kahit na mahigit isang taon naman na mula noong ikasal silang dalawa. Ngunit tama rin naman siguro siya sa ganoong pakiramdam dahil ngayon lang sila nagsama ni Zephyr talaga. Naalala ni Leila noon, pagkakasal nila ni Zephyr, hindi pa natutuyo ang pirma nito sa marriage certificate, nilisan na agad nito ang attorney's office. Civil wedding lang kasi ang uri ng kasal nilang dalawa at hindi siya nagpumilit sa church wedding kahit pa gusto niyang maglakad patungo kay Zeph
Chapter 28HALOS MAWALAN ng hininga si Sienna sa tindi at higpit ng pagsakal dito ni Zephyr. Takot ang bumanaag sa mga mata ng babae at hindi nito mapaniwalaan na kayang gawin ng lalaki iyon sa kanya. “Z-Zephyr, h-hindi ako makahinga—ahh! Z-Zephyr, t-tigilan mo na-na!” hirap na hirap na ani Sienna. Isang mariing pisil pa ang ginawa ni Zephyr bago pabalyang binitiwan si Sienna. Napasadlak sa sahig si Sienna, hinawakan ang leeg na nasaktan at takot na tumingin sa gawi ni Zephyr. Natatakot ito sa Zephyr na kaharap ngayon. Parang hindi kilala ni Sienna ang lalaki. Kung dati ay kahit anong salita nito ay sinusuportahan at sinusunod ni Zephyr, ngayon ay parang ibang tao na ang lalaki. Dahil ba kay Leila kaya nagbago ito? Hindi ininda ni Sienna ang nasaktang sarili at humarap sa direksyon ni Zephyr. “A-Ako ang nandito, Zephyr. Paano mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba sa kanya kaya mo ako sinasaktan, Zephyr? She's just your wife in papers. 'D-Di ba ang sabi mo sa akin, you hate her so much? N
Chapter 27NAGING usap-usapan ang mga nakadikit na photos sa lahat ng bulletin board ng campus maging ang tarpaulin na nakasabit sa mga gate ng university. Kahit na natanggal agad iyon, may mga nakakuha na ng picture at kumalat iyon sa social media. Kasabay din noon na lumabas ang anonymous posts tungkol sa tatlong babae at sa nilalaman ng post, sinasabi roon na hindi lang escort girl ang mga babaeng iyon kundi ang dalawa sa kanila ay kabit ng mga kilalang negosyante sa lipunan habang ang isa naman ay may anak na sa mayor ng lugar nila. The university tried to do something about it but the anonymous post keeps on coming back even though it was reported. Dahil doon, pinatawag ang tatlong babae at pinatawan ng parusa: expulsion. May isa ring balita na lumabas sa school forum. Walang relasyon si Zephyr at Sienna. Kay Zephyr mismo nanggaling ang balitang iyon dahil nagpaunlak ang lalaki ng exclusive interview ng student press sa loob ng campus. Ayon sa interview, pinabulaanan ni Zephyr
Chapter 26“SO HOW do you stick this thing to your undies? Am I doing this right?” Hawak ni Zephyr ang sanitary pads na binili nito at kasalukuyang kinakabit sa undies na dala nito. Pero hindi nito alam kung paano ang gagawin kaya nagtatanong kay Leila. Nahihiya si Leila na kinukuha ang hawak nito pero iniiwas iyon ni Zephyr, namamangha ito sa ginagawa. “Explain this to me, hmm? How to do this?”“Akin na kasi. Ako na ang gagawa. Ikaw ang makulit, eh.”Pinilit niya ulit na abutin ang undies pero muli ay iniwas iyon ni Zephyr at tinaas pa. “I'll do it. C'mon, give me instructions.”Napabuntong hininga si Leila at nilunok ang hiyang nadarama. “Y-You open the sanitary pad and take off the sticker at the back of it.”Binuksan nga ni Zephyr ang isa sa sanitary pad at nakuha nito ang laman noon. He ripped off the sticker, at natira na lang ang madikit na parte ng napkin. “Iyong sticky part, ididikit mo sa hmm, d-diyan sa ano center ng undies.”Seryosong-seryoso si Zephyr, hindi makitaan na
Chapter 25MAY TAONG MAHIGPIT ang pagkakahawak kay Leila. Iyon ang unang pumasok sa isipan niya noong magising ang diwa pero hindi pa binubuksan ang mga mata. Leila then slowly opened her eyes and like what happened in the morning, she was greeted with the sight of Zephyr beside her. Nakayakap pa ito sa kanya at tulog ang lalaki. Noong ilibot ni Leila ang paningin, nasa private room siya na sa tingin niya ay ospital. Ngayon ay pumasok sa isip niya na ang huling alaala niya ay nawalan siya ng malay at ang nag-aalalang tinig ni Zephyr ang narinig niya bago dumilim ang lahat. That means, she lost consciousness and Zephyr brought her to the hospital? Leila blinked her eyes. Gumalaw naman si Zephyr sa tabi niya at dinilat din nito ang mga mata at nang makita nitong gising na siya, napabalikwas ito ng bangon, naupo sa hospital bed at agad na pinatong ang palad sa noo niya. “Your temperature's fine now.”“Dinala mo ako sa hospital? Dapat hindi na. Feel ko napagod lang ako kaya nawalan ak
Chapter 24LEILA'S sick once again. Ngayon, mas mataas na ang temperature ng katawan nito na labis nagpa-worry kay Zephyr. He took a leave of absence directly and he carried Leila all the way to the hospital from the school. Some professor stopped him but he told them it was an emergency. Nang tanungin ng mga propesor kung anong kaugnayan ni Leila sa kanya, doon walang alinlangan na sinabi ni Zephyr na asawa niya si Leila. They asked if he's serious, and Zephyr answered yes. Leila's his wife in legal sense. Dahil doon, hindi na siya pinigilan at nadala niya sa ospital si Leila. He's worried for his wife, alright? Maybe doctors could give him an explanation on what's happening with Leila. Magaling na ito, hindi ba? He fúcking checked her temperature and made her drink her antipyretic medicines. Now, why did she lose consciousness? Agad nag-book ng private room si Zephyr nang alukin siya ng nurse na sa public ward ilalagay si Leila. He couldn't risk it. Paano kung imbes na umayos ang