“TEAM building na bukas. May plus one ka bang isasama, Serena?”Habang nag-aayos si Serena ng mga papeles sa table ay natigilan siya noong magsalita ang isa sa mga katrabaho niya. “A-Ah? Oo. Isasama ko 'yong asawa ko.”Nang marinig iyon, kumislap ang mga mata ng kasama at parang natuwa sa narinig. “Talaga? Maganda 'yan! Para naman makilala na namin 'yong asawa mo. Ni isang post naman kasi sa social media, wala kang nilalagay kaya blangko pa rin ang mukha niya sa amin. Buti na lang at naisipan mong isama bukas.”Nangiti na lang si Serena pero sa loob-loob niya, nagtataka talaga siya ugali ng mga tao na mahilig mangialam sa buhay ng iba. Ano naman ngayon kung hindi niya pino-post si Kevin? Hindi naman niya tungkulin na magbigay ng update ng buhay sa ibang tao, 'diba?“Sige, ipasa ko lang 'to kay Sir Yves. Alis muna ako,” paalam niya sa katrabaho. Nang makaalis si Serena patungo sa office ni Yves, nagkumpulan ang mga magkakatrabaho at ang topic nila ay ang asawa ni Serena. “Psst, exci
NAPANGANGA si Serena sa narinig. Bakit naisip ng mga kasama niyang pangit si Kevin? Kung pangit nga si Kevin, alikabok na lang siguro sila! Sa sobrang kagwapuhan nito na parang lumabas sa male model's magazine, pag-iisipan at sasabihin lang na pangit? What the heck. Nang tingnan ni Serena si Kevin, wala naman itong reaksyon kaya nakahinga siya nang maluwag. Ramdam pa rin ni Serena ang tingin ng mga kasama at pinili niyang hindi pansinin iyon. “Serena, andito ka na!” masayang sigaw ni Hanni. Sinulyapan din nito si Kevin at ngiting-ngiti ang kaibigan ni Serena. “Hello, bayaw!”Namula yata ang mukha ni Serena noong marinig ang sinabi ni Hanni. “Hanni!”“Bakit, totoo naman. Sisters tayo kaya bayaw ko siya,” sabi nito at inakbayan pa si Serena. Kumunot ang noo ni Kevin. “Bayaw?”Nakita ni Hanni na parang hindi naintindihan ni Kevin ang sinasabi nito. “Brother-in-law. Bayaw. Ikaw 'yon.”Sandaling nag-isip si Kevin at mayamaya ay napangiti ito. “I like that.”“'Yan ganyan dapat. Serena,
MAY hotel naman na naghihintay sa lahat ng empleyado na naroon sa team building. Dahil ang department lang naman nila ang may team building, hindi sila ganoon karami. Sa pagkakaalam ni Serena, nasa fifty silang employees at ang iba ay may plus one kaya nasa kulang one hundred sila. Dahil asawa niya si Kevin, automatic na sila ang magkasama sa kwarto pero ang problema ay si Hanni. “Wala na ba talagang ibang available room?”“Iyon na lang po talaga. Double bedroom naman po iyon kaya parang solo n'yo pa rin ang kwarto,” ani ng receptionist. Ayos lang naman kay Hanni kung iba ang kasama. Pero bakit si Sir Yves pa ang roommate nito? Pisting yawa! “Are you thinking that I'll do something to you? I still have a taste,” naiinis na tanong ni Yves na nasa gilid. “Sir, baka ako ang may gawing masama sa'yo, hindi mo ba gets 'yon?”Tumikwas ang dulo ng labi ni Yves at napailing. “Just let it be. Dalawa naman ang kama. Dalawang araw mo lang akong makakasama sa isang kwarto. Siguro naman ay mat
KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
NANG marinig ni Dylan ang malamig na boses ni Kevin, napalunok siyang sunod-sunod. “Is she serious? Well, then arrange it if she's not afraid of me offending those people who want to date me.”Napangiwi si Dylan. Naalala niya pa ang huling blind date ng boss. Nilait lang naman nito ang ka-date na babae na may halotosis kaya umiiyak na umalis ang babae. Napahiya ang babae kaya inurong ng pamilya nito ang investment para sana sa SGC. Galit man ang lolo at si Miss Maeve, wala silang magawa kay Xavier dahil matigas daw ang ulo nito na minana sa ama. “Sir, bakit ba ayaw mo ng blind date? Hindi ba't ganoon naman ang uso sa inyo?”Tinaas ni Kevin ang ulo at diretso siyang tinitigan. “Then why don't I arrange one for you?”Agad na umiling si Dylan. “No thanks, Sir. May iba akong gusto!”“Who?”Hindi nakapagsalita si Dylan. “Never mind. Just bring all the files I need to check before we go pick my cousin.”TOUCHDOWN airport. Tinaas ni Maeve ang sunglasses na suot at hinagilap kung saang p
KINABUKASAN, sinubukan ni Serena na tawagan si Kevin ngunit unattended ang cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo't ang huling usap pa nilang dalawa ay noong humingi siya ng pabor dito. Isang ulit pa niyang sinubukan ngunit hindi talaga sumasagot si Kevin kaya tumigil na si Serena. Dahil walang tao sa department nila dahil nasa team building pa rin ay hindi rin naman siya makapapasok. Wala siyang magawa sa bahay kundi ang tumulala at isipin kung ayos ba si Kevin. Mabuti na lang at tumawag si Hanni. Sumabay kasi ito sa kanya na umuwi dahil para dito, boring ang team building kung wala siya. Mabuti nga at napapayag nila si Sir Yves. Iyon nga lang, hindi naman pwedeng i-refund ang gastos sa hotel accomodation na nasa ilalim ng name nila.[“Bebs, busy ka?”]Katatapos lang ni Serena mag-umagahan at nililinis ng maid ang pinagkainan niya. Gusto niyang tumulong pero pinagbawalan siya ni Butler Gregory dahil mawawalan daw ng trabaho ang maids kung sasaluhin niya an
Chapter 5SA tingin ng iba, imposibleng magawa ang trabahong ito, pero wala nang ibang pagpipilian si Patricia kundi lumaban hanggang dulo. Kapag ang isang tao ay naipit sa desperadong sitwasyon, doon lang niya malalaman kung gaano siya katatag.Sa huli, wala siyang ibang magawa kundi humingi ng tulong kay Queenie para maghanap ng paraan.Hindi niya masabi kung maganda o hindi ang relasyon nila ni Queenie. Para itong isang nakatatandang kapatid na palaging handang tumulong sa mga kritikal na sandali.Kahit ang trabaho niya bilang assistant, si Queenie ang nagrekomenda. Pero rekomendasyon lang ang kaya nitong gawin, nasa kanya pa rin kung mananatili siya o hindi.Si Queenie ay mahigpit pagdating sa trabaho at personal na buhay. Alam ito ni Patricia, kaya kahit kailan, hindi niya inisip na gamitin ito para makapasok sa madaling paraan.Mabilis na nasagot ang tawag at agad niyang narinig ang bahagyang pagod na boses ni Queenie sa kabilang linya. "Ano yun, Patpat?"Saglit siyang nag-alinl
Chapter 4PALAGI na lang si Patricia tahimik kapag inaapi, palaging tinatago ang sakit at nagkukulong sa kwarto. Kaya ngayon lang nakita ni Inez si Patricia na ganito.Pero agad niyang ibinalik ang pagiging matanda sa pamilya at malakas na hinampas ang mesa. “Sumasagot ka na ngayon? Tingnan mo nga ang sarili mo! Maganda ka ba gaya ni Paris? Mukha kang probinsyana at parang tatanga-tanga, aasahan pa ba kitang makahanap ng mayamang mapapangasawa para iahon tayo sa hirap?”“Ikaw na nga lang ang pangit sa pamilya natin, tapos hindi mo pa inaalagaan ang kapatid mo? Gusto mo rin ba siyang matulad sa’yo, kung sino-sinong lalaki na lang ang mapangasawa?”“Naku naman! Nagagalit ka pa? Pasalamat ka nga na isinilang ka ng nanay mo, kahit ganito ka. Suwerte lang ni Paris, kasi siya, para siyang prinsesa. Talagang isinilang siya para hangaan ng mga tao. Kung may reklamo ka, sige, magreklamo ka sa Diyos!”Tahimik lang si Patricia habang nakikinig. Hanggang sa dulo, napangiti siya, isang ngiting pun
Chapter 3NAKINIG si Patricia sa busy tone ng cellphone at nakaramdam ng matinding sama ng loob sa kanyang puso.Tama nga naman, simula pagkabata hanggang ngayon, palagi siyang hindi napapansin at hindi niya masyadong naramdaman ang pagmamahal. Namatay ang kanyang ina dahil sa komplikasyon sa panganganak at noong sumunod na taon, nagpakasal ang kanyang ama kay Inez at ipinanganak si Paris.Kaya lahat ng pagmamahal ay napunta kay Paris.Bukod pa roon, madali siyang tumaba kahit tubig lang ang inumin niya kaya palagi siyang mataba kahit anong gawin niya. Dahil dito, madalas siyang kinukutya at tinatawag na "baboy" ng ibang tao.Hindi rin siya ganoon katalino noong bata pa siya kaya kailangan niyang magdobleng kayod sa pag-aaral para makahabol sa iba. Pero dahil palagi siyang masipag, sa huli, halos pantay lang din ang mga resulta niya sa kanila.Palagi siyang kailangang magtrabaho nang mas mahirap kaysa sa iba para makuha ang mga bagay na madali lang sa iba.Pero si Paris ay kabaligtara
Chapter 2KAPAG nagigising si Hennessy, nagagalit ito nang husto. Ang pagbabasag ng plato at mangkok ay maliit na bagay lang. Minsan, itinatapon pa niya ang mga ito sa ulo ng ibang tao!Tinamaan si Patricia sa noo ng isang ashtray na lumipad sa direksyon niya at agad na lumabas ang dugo. Pero hindi man lang siya tinignan ni Hennessy, bagkus naglakad ito papunta sa elevator nang naka-high heels at nagreklamo ng isang matinis na: "Nakakainis!"Napilitan si Patricia pumunta sa ospital mag-isa para ipagamot ang sugat niya. Pagbalik niya, agad siyang pinagalitan ng manager nilang si Manager Wenceslao dahil sa nasayang na oras.Pero dahil mataas naman ang sahod niya sa trabahong ito, tiniis niya na lang. Kung magtitipid siya at gagamitin lang sa pang-araw-araw na gastusin ng pamilya, makakapag-ipon pa rin siya kahit papaano. Kaya kahit nahihirapan na siya, hindi siya nagbitiw sa trabaho.Si Hennessy ay nakatira sa isang mamahaling suite sa isang five-star hotel. Sa isang banda, nagpapasalam
The Playboy Billionaire's Chubby Wife“Bakit parang kasalanan ko pang gusto mo ako? Sinabi ko bang magustuhan mo ako? Iyo na 'yang pagmamahal mo!”Kumunot ang noo ni Daemon at masamang tingin ang binato kay Patricia. “Do you think I like to feel these feelings for you? Ni wala nga sa isip kong mahulog sa 'yo—”“Edi itigil mo na. Hindi ko rin naman gusto na maramdaman mo sa akin 'yan. Do you see me? Mataba ako, pangit, bobo, at higit sa lahat mahirap ako. Hindi tayo bagay kaya, pasensya na, Sir Daemon, hindi tayo pwede.”Tumalikod si Patricia, ngunit bago pa siya makalayo, hinatak na siya ni Daemon at mahigpit na niyakap. May kayabangan pa rin itong nagsalita kahit na nahahalata na ni Patricia na kabang-kaba ito. Paano niya nalaman? Sa tagal niyang kasama ito, medyo kabisado na niya ang lalaking 'to. “Hindi ka aalis. Mamahalin mo pa ako, Patricia.”***Chapter 1GINISING si Patricia ng alarm clock mula sa kanyang magandang panaginip pabalik sa realidad. Sa panaginip niya, kasama niya
Chapter 55 (LAST CHAPTER FOR ZEPHYR AND LEILA)“YOU WON'T really back down with the wedding? You can still run away, Leila. I can arrange your escape.”Inaayos ang make up ni Leila at nakatitig siya sa salamin, pinupuri ang sarili nang biglang sabihin iyon ni Kevin na nasa loob. Dapat ay puro babae lang ang naroon, tulad ni Serena, March, at ilang bridesmaids. Pero sabi ni Kevin ay may importante itong sasabihin kay Leila kaya pinapasok ito. Natigilan ang make up artist at napalingon silang lahat kay Kevin. Wala namang pakialam si Kevin sa tingin nila at inulit pa nito ang tanong. “Why don't you leave Zephyr? He doesn't deserve you—”Bago pa nito matapos ang sasabihin, nasiko na nito ni Serena sa tiyan na kinaigik ni Kevin. Sinapo ni Kevin ang nasaktang tiyan at nagpapaawang tumingin sa asawa. “Why? I'm only telling the truth. Zephyr doesn't deserve my little cousin—”Siniringan ito ni Serena at humalukipkip. “Kapatid ko pa rin iyon. At teka nga, kung ako sinunod ko talaga ang pay
Chapter 54MATAGAL na tumitig si Leila kay Zephyr bago siya bumuntong hininga at tuluyang itinango ang ulo bilang sagot sa tanong nito. Now, Zephyr didn't know how to approach her. Nang isip bata pa si Leila, madali pa para kay Zephyr ang lapitan ang asawa dahil hindi pa ni Leila naaalala ang lahat ng mga mali nitong ginawa. “L-Leila...”Kinagat ni Leila ang pang-ibabang labi bago binaba ang tingin sa anak nilang si Eydi na inosenteng nakatingin sa kanila. “Mama, Papa?”“Eydi, do you wanna play with your airplane? Mama and Papa will talk. We will be quiet, okay?”Tinagilid ni Eydi ang ulo at parang nagtatanong ito. “Talk? Papa and Mama? Hmm, okay! Eydi play!”Sa puntong iyon, lumapit naman si Zephyr. Tumagal ang titig nito kay Leila at huminto ito sa harapan niya. “Leila...”“I remember everything now.”Sandaling napapikit si Zephyr bago binuksan ang mga mata at ito naman ngayon ang bumuntong hininga. Zephyr sat beside her but there's still a space between them. Parang natatakot
Chapter 53NAKAKAALALA na si Leila. After the row Zephyr had with Kevin, and her trying to rescue Zephyr from her cousin's fist, she lost her consciousness. Nang magising siya, hindi niya alam kung bakit nakakaalala na siya. Maging ang mga panahong lumipas na nasa tabi niya si Zephyr. She remembered it all. Pero kahit na naalala nya ang mga iyon, hindi nakabawas sa sakit iyon. Naaalala niya pa rin ang sakit ng pagkuha ni Zephyr sa anak nila. Ang pagmamakaawa niya, pakiusap na huwag nitong kunin ang anak nila - pero nanatiling bingi sa mga sinasabi niya si Zephyr. She felt like dying that time. She was hopeless. Dahil alam niyang hindi na maibabalik sa kanya ang anak, naisip niya na patàyin ang sarili. She was suffering from PTSD and Post Partum Depression. Kaya nga ayaw siyang iwan noon ni March mag-isa dahil alam nito ang kalagayan pero napilitan ito dahil may nangyari sa kapatid nito kaya nawala sa tabi niya si March. At doon nagsimula ang lahat.Leila blinked her eyes and st
Chapter 52“BABY is cute. I wanna kiss him!” Leila exclaimed in happiness. Zephyr smiled as he gazed at Leila who was playing with Baby Eydi. Eydi is soon turning one year old. Hindi akalain ni Zephyr na mabilis ang paglipas ng panahon. Ang dating sanggol na alaga niya lang ay malapit nang mag-isang taon. Nagawi rin ang tingin niya kay Leila na buhat si Eydi. May ngiti sa labi ni Leila habang nakikipagkulitan sa anak nila. Leila still has a child's mind right now. Madalas itong umaktong bata at mabilis ding makalimot ng mga tinuturo dito. Naka-therapy si Leila pero hindi ni Zephyr alam kung nakakatulong ba ito sa asawa. But he also didn't mind if Leila stayed this way. Minsan nga ay nasa isip niyang sana hindi na lang maalala ni Leila ang katotohanan. Hindi dahil natatakot siya na iwan siya nito o layuan siya nito sa oras na bumalik ang dating si Leila. But Zephyr is afraid of Leila's hurting. Alam niyang sa oras na dumating ang panahon makakaalala ito, babalik din dito ang saki