KEVIN was surprised when he heard Yves that he knew him. Totoo naman ang sinabi nito na madalas siyang laman ng business gala lalo na kung hindi makakarating ang chairman na mismong abuelo kaya sa kanya at kay Maeve pinagkakatiwala ang lahat. Ngunit bakit nga ba siya nagulat gayong anak ito ni Don Juan? Malamang ay sinasama ito ng ama para sa koneksyon. Hindi niya lang ito kilala dahil pili lang ang taong pinagtutuonan niya ng pansin. “Since you already know who I am, you should know to distance yourself from my wife.”Ito naman ang nagulat sa tinuran ni Kevin. Umawang ang bibig ni Yves at sandaling hindi nakakibo. “Are you thinking that I like your wife?”“Aren't you?”“Damn. You're overthinking things, Mr. Sanchez. We're just workmates. I'll be honest, Serena's good but I don't like her that way.”Kumunot ang noo ni Kevin at mabilis na nag-isip. Kung hindi ang asawa niya ang gusto nito, ibig-sabihin... “If you don't like my wife... you like her bestfriend, right?”Napaubo si Yve
NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga a
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
NANG marinig ni Dylan ang malamig na boses ni Kevin, napalunok siyang sunod-sunod. “Is she serious? Well, then arrange it if she's not afraid of me offending those people who want to date me.”Napangiwi si Dylan. Naalala niya pa ang huling blind date ng boss. Nilait lang naman nito ang ka-date na babae na may halotosis kaya umiiyak na umalis ang babae. Napahiya ang babae kaya inurong ng pamilya nito ang investment para sana sa SGC. Galit man ang lolo at si Miss Maeve, wala silang magawa kay Xavier dahil matigas daw ang ulo nito na minana sa ama. “Sir, bakit ba ayaw mo ng blind date? Hindi ba't ganoon naman ang uso sa inyo?”Tinaas ni Kevin ang ulo at diretso siyang tinitigan. “Then why don't I arrange one for you?”Agad na umiling si Dylan. “No thanks, Sir. May iba akong gusto!”“Who?”Hindi nakapagsalita si Dylan. “Never mind. Just bring all the files I need to check before we go pick my cousin.”TOUCHDOWN airport. Tinaas ni Maeve ang sunglasses na suot at hinagilap kung saang p
KINABUKASAN, sinubukan ni Serena na tawagan si Kevin ngunit unattended ang cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo't ang huling usap pa nilang dalawa ay noong humingi siya ng pabor dito. Isang ulit pa niyang sinubukan ngunit hindi talaga sumasagot si Kevin kaya tumigil na si Serena. Dahil walang tao sa department nila dahil nasa team building pa rin ay hindi rin naman siya makapapasok. Wala siyang magawa sa bahay kundi ang tumulala at isipin kung ayos ba si Kevin. Mabuti na lang at tumawag si Hanni. Sumabay kasi ito sa kanya na umuwi dahil para dito, boring ang team building kung wala siya. Mabuti nga at napapayag nila si Sir Yves. Iyon nga lang, hindi naman pwedeng i-refund ang gastos sa hotel accomodation na nasa ilalim ng name nila.[“Bebs, busy ka?”]Katatapos lang ni Serena mag-umagahan at nililinis ng maid ang pinagkainan niya. Gusto niyang tumulong pero pinagbawalan siya ni Butler Gregory dahil mawawalan daw ng trabaho ang maids kung sasaluhin niya an
NAISIPAN nilang umikot-ikot pa rin sa mall at dahil hindi nila namalayan ang oras, sinabihan siya ni Hanni na doon na lang din sila mag-early dinner at libre na nito dahil si Serena ang sumagot ng bayad ng mga binili nilang dress. Gusto ngang bayaran ni Hanni iyon ngunit hindi siya pumayag dahil malaki rin ang utang na loob niya kay Hanni. Kulang pa nga ito sa lahat ng tulong sa kanya ng kaibigan. Napunta sila sa isang five star French Restaurant at puro magagandang review ang nakikita nila sa page nito kaya doon nag-aya si Hanni. Ngunit noong nag-inquire sila, strictly for reservation pala ang mga customer doon. “Hindi talaga pwede ang walk-in?” dismayadong tanong ni Hanni. “I'm sorry, Ma'am, hindi po pwede iyon.”“Pwede mo silang tanggapin, Annie. May nag-back out sa reservation.”Napalingon sila sa nagsalita at isang lalaking nasa mid-20s ang nakita ni Serena. Mukhang kilala ito ni Hanni dahil ngumiti ang lalaki sa gawi ng kaibigan niya. “Bryan, ikaw pala 'yan! Nakalimutan kon
NAGBABA ng tingin si Serena pagkasabi noon.“Alam ko naman na kinasal lang tayo dahil nasaktan ka ng ex mo at ako ang nandoon kaya ako ang inaya mo. Hindi ka nakapag-isip nang maayos kasi nauna ang emosyon mo. Pero diba sabi ko sa'yo kung ayaw mo na, pwede mo naman sabihin sa akin para alam ko? Hindi naman kita pipigilan kasi alam ko kung saan ako lulugar. Hindi kita guguluhin, Kevin.”“Hindi mo ako guguluhin? I don't like that, Serena.” Bumuga ng hangin si Kevin at malungkot itong ngumiti. “You're my wife now but it looks like you don't feel anything for me. You still don't like me.”Hindi ganoon iyon!Gustong isatinig iyon ni Serena ngunit pinigil niya ang sarili dahil hindi nito pupwedeng malaman na may kakaibang nararamdaman na siya rito. “K-Kung gusto mo... mag-file ka na ng annulment bukas na bukas din. Para naman... makasama mo na ang taong nagugustuhan mo.”Kinagat ni Serena ang pang-ibabang labi nang matapos masabi iyon.“Who told you that I like someone? Wife, I don't like
“MAALIWALAS ang mukha mo? Huwag mong sabihin na pinatwad mo kaagad ang asawa mo? Sinasabi ko sa'yo, Serena, kokotongan kita kapag nalaman kong nagpauto ka!”Iyon ang naging bungad ni Hanni noong dumating si Serena sa loob ng opisina. Napalibot muna siya ng tingin at sinigurado na walang taong nakarinig bago siya umupo sa tabi ni Hanni. “Shh, h'wag ka ngang maingay! Misunderstanding lang pala ang lahat.”“Paanong misunderstanding, ha? Misunderstanding na may ka-date siyang iba habang ikaw ang asawa n'ya? Teka nga, tawagan mo 'yang asawa mo para makausap ko.”Umiling agad si Serena.“Teka lang. Ikukwento ko muna ang nangyari. Ano... nagkamali tayo ng hinala. Iyong babaeng nakayakap kay Kevin, pinsan niya pala iyon. Actually, ate ang pagkakasabi niya.”“Hindi pa kasi alam sa kanila na may asawa na siya kaya pinipilit pa rin siya sa blind date. Para talagang tumigil ang ate niya, sinama niya ang pinsan para tanggihan iyong date niya talaga.”“Ha? E bakit hindi pa alam sa kanila na kasal n