NAGBABA ng tingin si Serena pagkasabi noon.“Alam ko naman na kinasal lang tayo dahil nasaktan ka ng ex mo at ako ang nandoon kaya ako ang inaya mo. Hindi ka nakapag-isip nang maayos kasi nauna ang emosyon mo. Pero diba sabi ko sa'yo kung ayaw mo na, pwede mo naman sabihin sa akin para alam ko? Hindi naman kita pipigilan kasi alam ko kung saan ako lulugar. Hindi kita guguluhin, Kevin.”“Hindi mo ako guguluhin? I don't like that, Serena.” Bumuga ng hangin si Kevin at malungkot itong ngumiti. “You're my wife now but it looks like you don't feel anything for me. You still don't like me.”Hindi ganoon iyon!Gustong isatinig iyon ni Serena ngunit pinigil niya ang sarili dahil hindi nito pupwedeng malaman na may kakaibang nararamdaman na siya rito. “K-Kung gusto mo... mag-file ka na ng annulment bukas na bukas din. Para naman... makasama mo na ang taong nagugustuhan mo.”Kinagat ni Serena ang pang-ibabang labi nang matapos masabi iyon.“Who told you that I like someone? Wife, I don't like
“MAALIWALAS ang mukha mo? Huwag mong sabihin na pinatwad mo kaagad ang asawa mo? Sinasabi ko sa'yo, Serena, kokotongan kita kapag nalaman kong nagpauto ka!”Iyon ang naging bungad ni Hanni noong dumating si Serena sa loob ng opisina. Napalibot muna siya ng tingin at sinigurado na walang taong nakarinig bago siya umupo sa tabi ni Hanni. “Shh, h'wag ka ngang maingay! Misunderstanding lang pala ang lahat.”“Paanong misunderstanding, ha? Misunderstanding na may ka-date siyang iba habang ikaw ang asawa n'ya? Teka nga, tawagan mo 'yang asawa mo para makausap ko.”Umiling agad si Serena.“Teka lang. Ikukwento ko muna ang nangyari. Ano... nagkamali tayo ng hinala. Iyong babaeng nakayakap kay Kevin, pinsan niya pala iyon. Actually, ate ang pagkakasabi niya.”“Hindi pa kasi alam sa kanila na may asawa na siya kaya pinipilit pa rin siya sa blind date. Para talagang tumigil ang ate niya, sinama niya ang pinsan para tanggihan iyong date niya talaga.”“Ha? E bakit hindi pa alam sa kanila na kasal n
DAHIL sa inis, nag-decide si Maeve na pumunta sa office para mag-ikot para mawala ang inis na nadarama. Pero hindi naman niya naisip na maliligaw siya sa mismong kumpanya! Halos dalawang taon lang siyang nawala pero nag-iba ang loob ng company. Isa pa, mas madalas na nasa top floor si Maeve at madalang na bumisita sa ibabang bahagi ng company kaya ngayon ay nalilito siya kung saan pupunta. Nakarating si Maeve sa 15th floor at dahil walang signage kung anong department ang napuntahan, mas lalo yatang nanakit ang ulo niya. Now that she's back, she will notify the department in charge to put proper signage all over the company. Nakakahiya na isa siya sa namamahala ngunit naliligaw mismo sa kumpanya. May napadaang tao kaya hindi na nahiya si Maeve para tawagin ang atensyon nito. “Hello, excuse me,” sabi ni Maeve rito. LUMINGON si Serena at nakita niya ang isang magandang babae na tinatawag siya. Hindi malaman ni Serena kung saan niya ba ito nakita ngunit pamilyar ang mukha ng babae
PINADAMPOT ni Yves si Alex sa mga security guards at diniretso ang lalaki sa presinto. Halata ang gulat sa mukha ni Alex dahil hindi siguro nito inaasahan na sa kulungan ang bagsak niya. “Let me go! Hindi n'yo ba alam na illegal detainment ang ginagawa n'yo sa akin?”Tumaas ang sulok ng labi ni Yves habang pinakikinggan ang sinasabi ni Alex. “How can you consider that as an illegal detaintion if you're the one who trespassed a private company to threaten a person and pose a danger to her?”Sa sinabi ni Yves ay hindi nakakibo si Alex. Dahil kilala niya ang pulis na naroon, kinausap muna ni Yves ang kaibigan at sinabihan na gusto niyang makausap nang sarilinan si Alex.Nang sila na lang dalawa sa loob ng interrogation room, kabadong tumingin sa kanya si Alex. “A-Anong balak mong gawin?! D-Dahil ba boss ka ni Serena kaya pinoprotektahan mo siya?! Hindi mo kilala ang babaeng iyon! Manloloko siya kaya hindi ka dapat magpauto! ’Wag mong sabihin na pati ikaw e naloko na ng babaeng iyon?!”
LISTLESS. That's what Serena feels. Wala siyang ganang pumasok ngunit dahil hindi siya maaaring lumiban sa trabaho, pinilit niya pa rin ang sarili na pumasok. Mabuti nga at hindi nagtanong sa kanya si Kevin noong makauwi siya kahapon. Ayon dito, mukha siyang problemado at dinahilan na lang niya na medyo burnout siya sa trabaho. “Ayos ka na ba?” tanong ni Hanni noong dumating siya. Tumango si Serena dito. “Gusto mo, kape tayo? Treat ko.”Tumayo na si Hanni at hinatak si Serena. Hindi pa naman umpisa ng working hours at maaga pa sila kaya may free time ang tulad nilang empleyado na bumili sa ibaba. Palabas na sila ng office nang madaan sila sa tumpukan ng mga katrabaho. Dahil curious, lumapit si Hanni. Pati si Serena ay natangay kaya nagpatianod na lang siya sa kaibigan. “Hala, totoo ba? May proof na kayo? Shet 'yan, sa gwapo ni Sir Yves, imbes na babae ang magustuhan, iba pala ang nais niya!”Dahil narinig ang pangalan ng department manager, maging si Serena ay napalapit na roon.
HANNI was a little absentminded. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isipan niya ang nalaman tungkol kay Yves. Is that man gay? Really gay as in gay that he's into another guy? He likes to date a man? Pero sa naalala ni Hanni, babae ang madalas ma-link kay Yves noong college days nila. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan na close sa lalaki. Hindi rin niya nabalitaan na may boyfriend ito dati. Magaling lang ba talaga magtago ng katotohanan si Yves? Kaya ba mas close ito sa babae ay dahil pusong babae rin ito? Napakagát ng ibabang labi si Hanni at nangilid ang luha sa mga mata na mabilis niyang pinunasan para hindi na bumagsak pa.“He can't be gay,” she whined lowly. Pero kahit anong sabi niya na hindi maaaring maging bakla ang lalaki, may magagawa ba siya kung iyon talaga ang pagkatao ni Yves? Sabi nga ni Serena, hindi na mababago ang preference nila. May nakapang sakit at kirot sa puso si Hanni pero pinilit niyang hindi maramdaman iyon. Hindi naman niya gusto si Yves kaya baki
“ALAM mo ba kanina sa office, may chismis akong narinig,” umpisang kwento ni Serena kay Kevin habang kumakain sila ng dinner. Sinundo siya ng lalaki sa opisina at dumiretso agad silang umuwi dahil wala namang balak puntahan si Serena. Inaya siya ni Kevin na kung gusto niya raw bang kumain sa labas ngunit humindi siya. Sayang ang mga hinanda ni Butler Gregory kung walang kakain n'on, diba? Hindi pa nga niya nasisingil ang asawa sa sinabi nitong pagluluto siya nito. Hihintayin na lang ni Serena kung kailan maalala ni Kevin ang pangako nito sa kanya. “And what is it?”“Kilala mo si Sir Yves, diba? Iyong supervisor namin? May chismis sa office na dini-date niya raw ang interim CEO ng SGC. Bale ganito 'yon. May CEO kaming babae pero since may inaayos sa ibang bansa, umalis iyon tapos pinalitan daw ng mismong apo ng Chairman. Iyong Chairman yung halos owner ng SGC kasi siya ang may pinakamalaking shares. Legitimate heir niya raw iyong interim CEO. Ngayong nakabalik na si Ma'am Maeve, iyo
NATHAN was still skeptical seeing his cousin at the company since he knew that Xavier stepped back from the CEO's position when their Ate Maeve returned. Tama ba talaga ang nasa isip niya na baka binabantayan siya nito as general manager dahil ito ang naglinis ng gulong iniwan niya noong isa pa siya sa executives? Ini'isip ba nito na baka pumalpak na naman siya? Dàmn. He couldn't mess up again or Xavier will really beat the shít out of him! Dahil sa iniisip, pinindot niya ang avaya at tinawag ang secretary. Noong pumasok ito, sinabihan niya na tawagin si Miss Madrigal at Miss Garcia. Ang dalawang employee ang gumawa ng plan na nagustuhan niya dahil precise at kita naman na pinag-isipan nang mabuti ang proposal na ginawa ng dalawa. Noong makapasok ang dalawa, he informed them to handle the plan immediately and put it into reality. Gusto niyang makita na hindi puro palpak ang mga bagay na hinahawakan niya. “Sir? Kami po ang kakausap at magko-close ng deal?”Nathan tapped the solid
Chapter 34PARANG WALANG gana na pumasok si Leila sa school. Noong una nga ay wala siyang balak na pumasok pero mas lalo lang siyang mabo-bored kung mananatili sa bahay. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang. Mas malilibang siya sa school, hindi ba? Pero hindi niya alam kung tama ba desisyon na iyon dahil pagtapak pa lang ng paa niya sa eskwelahan, ramdam niya na ang mga nakakatusok na tingin na galing sa mga tao sa paligid. Mas tumindi pa iyon noong makarating siya sa loob ng campus. Palihim na siyang tumingin sa sarili kung may mali ba sa suot niya. Inamoy niya na rin ang sarili at wala rin namang mali sa kanya - mabango siya at hindi mabaho. Ano ba ang dahilan at nakatingin ang halos lahat ng naroon sa kanya? May ginawa ba siyang hindi niya alam?Dahil walang sasagot sa tanong niya, pinilit ni Leila na ibaon sa limot ang tanong na iyon at dumiretso siya sa designated seat. Nag-aayos siya ng bag nang makarinig siya ng lagabog ng pinto. Napatingin siya roon at mariin ang pagkak
Chapter 33NAKAKABINGI ang katahimikan sa loob ng condo ni Zephyr kaya hindi sanay si Leila roon. Mabuti na lang at hindi sobrang laki ng condo unit ni Zephyr kaya hindi siya natatakot kahit pa mag-isa siya. Pero noong gabing iyon, nakakaramdam ng kahungkagan si Leila lalo't mag-isa lang siya sa kama. Sa ilang linggo niyang katabi si Zephyr sa kama, hinahanap na niya ang presensiya nito. See? Ang bilis ng attachment niya kay Zephyr. Wala pang isang taon pero heto siya't nababaliw na dahil hinahanap-hanap na niya ito. She's really crazy for him, huh? Kaya noong tumawag ito sa kanya noong sinabi ni Zephyr na nakarating na ito sa pinuntahan at may libreng oras para matawagan siya, halos lumundag sa tuwa si Leila. Nang may incoming call mula kay Zephyr, mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ni Leila iyon at bago pa mag-connect ang tawag, nakangiti nang nakabungad si Leila. When she saw Zephyr, she smiled sweetly at him. “I missed you.”Hindi niya mapigil na sabihin iyon. Nakita rin ni
Chapter 32NAKAISIP ng kalokohan si March habang nasa gilid at naririnig ang mga babaeng nag-uusap. Pinalalabas pala ni Sienna na stalker si Leila ni Zephyr at 'palabas' lang lahat iyon. Pero may tao bang matino mag-isip na ide-date ang stalker nila? March thought that Zephyr wouldn't do that. Bakit naman gagawin iyon ni Zephyr kung titingnan eh, kaya nitong protektahan ang sarili? Kung siya si Zephyr, bakit naman siya susunod sa isang babae? Takot ba ito kung ganoon? Nah. She wouldn't buy that. She could read on that guy's eyes that he feels something about Leila. March really calls this farce; a búllshît. But sadly, may tao talagang uto-uto. Tulad ng mga kasama nitong si Sienna. Narinig ni March na nagsinghapan ang mga kausap ni Sienna at agad na sinabi na igaganti nila si Sienna kay Leila. Tuturuan daw nila ng leksyon si Leila nang malaman nito kung saan dapat ilugar ang sarili. “Tsk tsk. There's something wrong with their brains. Oh God, help me,” bulong ni March at patuloy pa
Chapter 31EVERYONE was surprised to see Zephyr leading Leila. Lalo na't ang kamay nito ay nakasalikop sa kamay ng babae at hindi pinapansin ang mga tinging binabato nila. Kahit na gaano ka-close si Zephyr kay Sienna ay hindi ito ganito sa babae. Kaiba sa nakikita nilang galaw nito kay Leila. Doon lang sila naniwala sa balita na nakita sa forum. Si Zephyr na mismo ang nagsabi na hindi nito girlfriend si Sienna at kahit kailan ay hindi naging ex. Zephyr is now with Leila and even though they're not clear with his relationship with her, they could see that Leila's a special person for Zephyr. Ang mga taong pinag-uusapan ng mga tao sa campus ay magkatabi ngayon sa upuan. Leila could feel the piercing gaze of the people around her that made her uncomfortable but she didn't voice out her sentiments. Pero nawala ang atensyon niya noong ipatong ni Zephyr ang ulo nito sa gilid ng balikat niya. Napipilan si Leila at dahan-dahang napatingin kay Zephyr na nakapikit ngayon. “I'm sleepy…” bu
Chapter 30NATAPOS na sila Leila at Zephyr na monood ng movie at noong mga oras na iyon ay nasa kama na sila para matulog. Nakatulong ang hot compress sa period ni Leila pero hindi pa rin ganoon kakomportable ang tummy niya kaya ang pabiling biling siya sa higaan. Maingat naman ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang masira ang pahinga ni Zephyr. Naghahanap ng komportableng pwesto si Leila noong maramdaman niyang may braso na humawak sa beywang niya. Pagkatapos, inikot siya ni Zephyr at napunta siya sa ibabaw nito. “Sleep, Leila,” he uttered in raspy voice. Halatang inaantok na si Zephyr. “M-Matutulog na ako. A-Ano alisin mo iyong kamay mo sa akin para makabalik ako sa pwesto ko—”“Sleep on top of me, Leila.”“H-Ha? Ano 'yang sinasabi mo?”“Sleep there so you'll get comfortable. Close your eyes and hug me,” maawtoridad nitong sabi sa kanya. Nahihiya na iniyakap ni Leila ang mga braso kay Zephyr at pinikit ang mga mata kahit pa parang hindi siya makakatulog dahil halos mabingi siya s
Chapter 29KANINA PA naghihintay si Leila kay Zephyr dahil nagpaalam ito sa kanya na may aasikasuhin saglit. Habang hinihintay ito, nag-ayos si Leila ng gamit sa condo ni Zephyr. Hindi naman maliit ang condo nito pero hindi rin sobrang kalakihan kung ikukumpara sa bahay na kinalakihan ni Leila at ni Zephyr. But for Leila, this condo is the best for both of them. Kada kilos, nagkikita sila ni Zephyr at hindi nawawala sa paningin ng isa't isa. Ang pakiramdam niya tuloy bagong kasal sila ni Zephyr at nasa honeymoon phase kahit na mahigit isang taon naman na mula noong ikasal silang dalawa. Ngunit tama rin naman siguro siya sa ganoong pakiramdam dahil ngayon lang sila nagsama ni Zephyr talaga. Naalala ni Leila noon, pagkakasal nila ni Zephyr, hindi pa natutuyo ang pirma nito sa marriage certificate, nilisan na agad nito ang attorney's office. Civil wedding lang kasi ang uri ng kasal nilang dalawa at hindi siya nagpumilit sa church wedding kahit pa gusto niyang maglakad patungo kay Zeph
Chapter 28HALOS MAWALAN ng hininga si Sienna sa tindi at higpit ng pagsakal dito ni Zephyr. Takot ang bumanaag sa mga mata ng babae at hindi nito mapaniwalaan na kayang gawin ng lalaki iyon sa kanya. “Z-Zephyr, h-hindi ako makahinga—ahh! Z-Zephyr, t-tigilan mo na-na!” hirap na hirap na ani Sienna. Isang mariing pisil pa ang ginawa ni Zephyr bago pabalyang binitiwan si Sienna. Napasadlak sa sahig si Sienna, hinawakan ang leeg na nasaktan at takot na tumingin sa gawi ni Zephyr. Natatakot ito sa Zephyr na kaharap ngayon. Parang hindi kilala ni Sienna ang lalaki. Kung dati ay kahit anong salita nito ay sinusuportahan at sinusunod ni Zephyr, ngayon ay parang ibang tao na ang lalaki. Dahil ba kay Leila kaya nagbago ito? Hindi ininda ni Sienna ang nasaktang sarili at humarap sa direksyon ni Zephyr. “A-Ako ang nandito, Zephyr. Paano mo nagawa sa akin 'to? Dahil ba sa kanya kaya mo ako sinasaktan, Zephyr? She's just your wife in papers. 'D-Di ba ang sabi mo sa akin, you hate her so much? N
Chapter 27NAGING usap-usapan ang mga nakadikit na photos sa lahat ng bulletin board ng campus maging ang tarpaulin na nakasabit sa mga gate ng university. Kahit na natanggal agad iyon, may mga nakakuha na ng picture at kumalat iyon sa social media. Kasabay din noon na lumabas ang anonymous posts tungkol sa tatlong babae at sa nilalaman ng post, sinasabi roon na hindi lang escort girl ang mga babaeng iyon kundi ang dalawa sa kanila ay kabit ng mga kilalang negosyante sa lipunan habang ang isa naman ay may anak na sa mayor ng lugar nila. The university tried to do something about it but the anonymous post keeps on coming back even though it was reported. Dahil doon, pinatawag ang tatlong babae at pinatawan ng parusa: expulsion. May isa ring balita na lumabas sa school forum. Walang relasyon si Zephyr at Sienna. Kay Zephyr mismo nanggaling ang balitang iyon dahil nagpaunlak ang lalaki ng exclusive interview ng student press sa loob ng campus. Ayon sa interview, pinabulaanan ni Zephyr
Chapter 26“SO HOW do you stick this thing to your undies? Am I doing this right?” Hawak ni Zephyr ang sanitary pads na binili nito at kasalukuyang kinakabit sa undies na dala nito. Pero hindi nito alam kung paano ang gagawin kaya nagtatanong kay Leila. Nahihiya si Leila na kinukuha ang hawak nito pero iniiwas iyon ni Zephyr, namamangha ito sa ginagawa. “Explain this to me, hmm? How to do this?”“Akin na kasi. Ako na ang gagawa. Ikaw ang makulit, eh.”Pinilit niya ulit na abutin ang undies pero muli ay iniwas iyon ni Zephyr at tinaas pa. “I'll do it. C'mon, give me instructions.”Napabuntong hininga si Leila at nilunok ang hiyang nadarama. “Y-You open the sanitary pad and take off the sticker at the back of it.”Binuksan nga ni Zephyr ang isa sa sanitary pad at nakuha nito ang laman noon. He ripped off the sticker, at natira na lang ang madikit na parte ng napkin. “Iyong sticky part, ididikit mo sa hmm, d-diyan sa ano center ng undies.”Seryosong-seryoso si Zephyr, hindi makitaan na