Share

Chapter 32: Sir Yves is dating a guy!

LISTLESS. That's what Serena feels. Wala siyang ganang pumasok ngunit dahil hindi siya maaaring lumiban sa trabaho, pinilit niya pa rin ang sarili na pumasok.

Mabuti nga at hindi nagtanong sa kanya si Kevin noong makauwi siya kahapon. Ayon dito, mukha siyang problemado at dinahilan na lang niya na medyo burnout siya sa trabaho.

“Ayos ka na ba?” tanong ni Hanni noong dumating siya. Tumango si Serena dito.

“Gusto mo, kape tayo? Treat ko.”

Tumayo na si Hanni at hinatak si Serena. Hindi pa naman umpisa ng working hours at maaga pa sila kaya may free time ang tulad nilang empleyado na bumili sa ibaba.

Palabas na sila ng office nang madaan sila sa tumpukan ng mga katrabaho.

Dahil curious, lumapit si Hanni. Pati si Serena ay natangay kaya nagpatianod na lang siya sa kaibigan.

“Hala, totoo ba? May proof na kayo? Shet 'yan, sa gwapo ni Sir Yves, imbes na babae ang magustuhan, iba pala ang nais niya!”

Dahil narinig ang pangalan ng department manager, maging si Serena ay napalapit na roon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status