NATAPOS ang dinner at kanya-kanyang balik na sa kwarto ang gagawin para makapagpahinga. Maaga pa ang lahat bukas dahil pupunta sila sa lugar kung saan gagawin ang tree planting na isa sa theme ng team building. Alangan namang nakatanaw si Kevin sa asawang si Serena dahil babalik na ito ng kwarto na hindi siya ang kasama. Sa unang bahagi ng challenge ay team ni Yves at Kevin ang nanalo kahit na walang tinulong si Kevin sa kusina. Pero kahit nanalo, hindi ramdam ni Kevin na masaya siya. Ayaw niyang matulog na hindi katabi ang asawa ngunit dahil nakiusap ito, magtitiyaga siyang hindi muna ito kasama. Dahil si Yves lang naman ang kilala bukod sa asawa ay ito lang ang kinakausap ni Kevin. Nang bumalik ito sa assigned room, bumalik na rin siya roon. Ngunit hindi alam ni Kevin na dahil nagtataka sa kanyang kinikilos si Dylan, nagbayad ito ng tao para sundan siya. “Ano? Magkasama sa iisang kwarto si Sir at si Mr. Yves Magalona? Sigurado ka sa sinasabi mo?”Nang makumpirma na totoo nga an
DAHIL hindi nakapagpaalam si Kevin kahit na alam ni Serena na busy ito, medyo wala siyang energy na napansin ni Hanni noong nagti-tree planting sila. “Miss mo na ba kaagad ang asawa mo?” biro sa kanya ni Hanni. “Hindi, no!”“Sus, deny ka pa e pagkagising mo nga kanina, hindi mo man lang ako nabati ng good morning. Diretso labas ka ng kwarto para hanapin mo s'ya. Sabihin mo, in love ka na sa asawa mo, 'no?”Hindi agad nakakibo si Serena dahil bago pa mapansin ni Hanni ang kilos niya, aware na siya sa nararamdaman niya. Sino ba naman kasing hindi makararamdam kay Kevin kung masyado itong maalaga sa kanya? Nariyan din ang lalaki tuwing kailangan niya ng tulong at kahit minsan nakakainis ito, she could feel that he really cares for her. Pero kung sasabihing mahal na niya ito... hindi ba masyadong maaga para doon? Ngunit aamin siyang hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa lalaki lalo pa't asawa niya naman ito. “Uy, bebs, hindi ka na kumibo. Pero ayos lang naman iyon. Walang masam
NANG marinig ni Dylan ang malamig na boses ni Kevin, napalunok siyang sunod-sunod. “Is she serious? Well, then arrange it if she's not afraid of me offending those people who want to date me.”Napangiwi si Dylan. Naalala niya pa ang huling blind date ng boss. Nilait lang naman nito ang ka-date na babae na may halotosis kaya umiiyak na umalis ang babae. Napahiya ang babae kaya inurong ng pamilya nito ang investment para sana sa SGC. Galit man ang lolo at si Miss Maeve, wala silang magawa kay Xavier dahil matigas daw ang ulo nito na minana sa ama. “Sir, bakit ba ayaw mo ng blind date? Hindi ba't ganoon naman ang uso sa inyo?”Tinaas ni Kevin ang ulo at diretso siyang tinitigan. “Then why don't I arrange one for you?”Agad na umiling si Dylan. “No thanks, Sir. May iba akong gusto!”“Who?”Hindi nakapagsalita si Dylan. “Never mind. Just bring all the files I need to check before we go pick my cousin.”TOUCHDOWN airport. Tinaas ni Maeve ang sunglasses na suot at hinagilap kung saang p
KINABUKASAN, sinubukan ni Serena na tawagan si Kevin ngunit unattended ang cellphone nito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mag-alala lalo't ang huling usap pa nilang dalawa ay noong humingi siya ng pabor dito. Isang ulit pa niyang sinubukan ngunit hindi talaga sumasagot si Kevin kaya tumigil na si Serena. Dahil walang tao sa department nila dahil nasa team building pa rin ay hindi rin naman siya makapapasok. Wala siyang magawa sa bahay kundi ang tumulala at isipin kung ayos ba si Kevin. Mabuti na lang at tumawag si Hanni. Sumabay kasi ito sa kanya na umuwi dahil para dito, boring ang team building kung wala siya. Mabuti nga at napapayag nila si Sir Yves. Iyon nga lang, hindi naman pwedeng i-refund ang gastos sa hotel accomodation na nasa ilalim ng name nila.[“Bebs, busy ka?”]Katatapos lang ni Serena mag-umagahan at nililinis ng maid ang pinagkainan niya. Gusto niyang tumulong pero pinagbawalan siya ni Butler Gregory dahil mawawalan daw ng trabaho ang maids kung sasaluhin niya an
NAISIPAN nilang umikot-ikot pa rin sa mall at dahil hindi nila namalayan ang oras, sinabihan siya ni Hanni na doon na lang din sila mag-early dinner at libre na nito dahil si Serena ang sumagot ng bayad ng mga binili nilang dress. Gusto ngang bayaran ni Hanni iyon ngunit hindi siya pumayag dahil malaki rin ang utang na loob niya kay Hanni. Kulang pa nga ito sa lahat ng tulong sa kanya ng kaibigan. Napunta sila sa isang five star French Restaurant at puro magagandang review ang nakikita nila sa page nito kaya doon nag-aya si Hanni. Ngunit noong nag-inquire sila, strictly for reservation pala ang mga customer doon. “Hindi talaga pwede ang walk-in?” dismayadong tanong ni Hanni. “I'm sorry, Ma'am, hindi po pwede iyon.”“Pwede mo silang tanggapin, Annie. May nag-back out sa reservation.”Napalingon sila sa nagsalita at isang lalaking nasa mid-20s ang nakita ni Serena. Mukhang kilala ito ni Hanni dahil ngumiti ang lalaki sa gawi ng kaibigan niya. “Bryan, ikaw pala 'yan! Nakalimutan kon
NAGBABA ng tingin si Serena pagkasabi noon.“Alam ko naman na kinasal lang tayo dahil nasaktan ka ng ex mo at ako ang nandoon kaya ako ang inaya mo. Hindi ka nakapag-isip nang maayos kasi nauna ang emosyon mo. Pero diba sabi ko sa'yo kung ayaw mo na, pwede mo naman sabihin sa akin para alam ko? Hindi naman kita pipigilan kasi alam ko kung saan ako lulugar. Hindi kita guguluhin, Kevin.”“Hindi mo ako guguluhin? I don't like that, Serena.” Bumuga ng hangin si Kevin at malungkot itong ngumiti. “You're my wife now but it looks like you don't feel anything for me. You still don't like me.”Hindi ganoon iyon!Gustong isatinig iyon ni Serena ngunit pinigil niya ang sarili dahil hindi nito pupwedeng malaman na may kakaibang nararamdaman na siya rito. “K-Kung gusto mo... mag-file ka na ng annulment bukas na bukas din. Para naman... makasama mo na ang taong nagugustuhan mo.”Kinagat ni Serena ang pang-ibabang labi nang matapos masabi iyon.“Who told you that I like someone? Wife, I don't like
“MAALIWALAS ang mukha mo? Huwag mong sabihin na pinatwad mo kaagad ang asawa mo? Sinasabi ko sa'yo, Serena, kokotongan kita kapag nalaman kong nagpauto ka!”Iyon ang naging bungad ni Hanni noong dumating si Serena sa loob ng opisina. Napalibot muna siya ng tingin at sinigurado na walang taong nakarinig bago siya umupo sa tabi ni Hanni. “Shh, h'wag ka ngang maingay! Misunderstanding lang pala ang lahat.”“Paanong misunderstanding, ha? Misunderstanding na may ka-date siyang iba habang ikaw ang asawa n'ya? Teka nga, tawagan mo 'yang asawa mo para makausap ko.”Umiling agad si Serena.“Teka lang. Ikukwento ko muna ang nangyari. Ano... nagkamali tayo ng hinala. Iyong babaeng nakayakap kay Kevin, pinsan niya pala iyon. Actually, ate ang pagkakasabi niya.”“Hindi pa kasi alam sa kanila na may asawa na siya kaya pinipilit pa rin siya sa blind date. Para talagang tumigil ang ate niya, sinama niya ang pinsan para tanggihan iyong date niya talaga.”“Ha? E bakit hindi pa alam sa kanila na kasal n
DAHIL sa inis, nag-decide si Maeve na pumunta sa office para mag-ikot para mawala ang inis na nadarama. Pero hindi naman niya naisip na maliligaw siya sa mismong kumpanya! Halos dalawang taon lang siyang nawala pero nag-iba ang loob ng company. Isa pa, mas madalas na nasa top floor si Maeve at madalang na bumisita sa ibabang bahagi ng company kaya ngayon ay nalilito siya kung saan pupunta. Nakarating si Maeve sa 15th floor at dahil walang signage kung anong department ang napuntahan, mas lalo yatang nanakit ang ulo niya. Now that she's back, she will notify the department in charge to put proper signage all over the company. Nakakahiya na isa siya sa namamahala ngunit naliligaw mismo sa kumpanya. May napadaang tao kaya hindi na nahiya si Maeve para tawagin ang atensyon nito. “Hello, excuse me,” sabi ni Maeve rito. LUMINGON si Serena at nakita niya ang isang magandang babae na tinatawag siya. Hindi malaman ni Serena kung saan niya ba ito nakita ngunit pamilyar ang mukha ng babae
Chapter 23KINABUKASAN, ipinakita ni Patricia kay Manager Wenceslao ang script na pinili niya.Isang sulyap lang ang ginawa ni Manager Wenceslao bago ito napakunot-noo. "Historical theme? Hindi pa yata nakakagawa si Hennessy ng ganoong drama. Isa pa, masyado nang nakatatak sa isip ng tao ang imahe niya bilang modern queen. Kung bigla siyang gagawa ng ganitong palabas, baka hindi ito mag-work. At saka, mukhang kontrabida pa ang role niya rito? Hindi man lang siya ang female lead!"Alam na ni Patricia na ganito ang magiging reaksyon nito kaya agad siyang nagpaliwanag. "Binasa ko itong script nang mabuti. Totoo, mahal ng mga karakter ang female lead sa ending, pero kung tutuusin, ordinaryo lang siya. Walang masyadong dating ang role niya. Samantalang itong second female villain, kahit kontrabida, may parehas na bigat sa kwento tulad ng bida. Matapang siya, straightforward at sa dulo ng palabas, ipapakita kung gaano siya kaapi-api. Siya ang may pinakamalalim at pinaka-totoong karakter dit
Chapter 22"WALANG silbi ang makisama lang sa mundo. Dapat mong matutunang lumaban at gawing mas kawawa sa 'yo ang kalaban mo. Saka ka lang panalo kung kahit anong gawin nila, hindi ka nila kayang palitan."Napakislot ang puso ni Patricia. Parang nahawa siya sa kakaibang energy na dala nito. Tinitigan niya ito nang malalim. "Bakit... bakit mo sinasabi sa akin 'to?"Nang marinig ito, sandaling kumurap si Daemon at parang hindi komportable ang ekspresyon nito sa mukha. Matagal bago ito sumagot at nang ginawa nito, mahina lang ang boses nito. "Hindi ko rin alam...""Siguro... kasi kamukha mo siya..." Walang gaanong pag-iisip na sagot ni Daemon.Sa totoo lang, kung sasabihin ni Daemon na naaawa lang siya at hindi niya matiis na hindi si Patricia tulungan tuwing nakikita niya itong ganito... malamang hindi rin maniniwala si Patricia. Kahit siya mismo, hindi rin niya kayang paniwalaan yun.Dahil ang pinaka-katangian ni Daemon ay wala siyang konsensya!Mukhang hindi rin ni Daemon nagustuhan
Chapter 21PAGDATING ni Patricia sa ibaba ng kumpanya, luminga-linga siya, iniisip kung ano ang kakainin.Sa huli, matapos pag-isipang mabuti, nagdesisyon siyang pumunta sa isang murang fast food restaurant. Kahit na nakatanggap siya ng money gift ngayon, hindi pa rin ito sapat para mabayaran ang gastusin sa pagpapagamot.Kung magpapa-check-up siya ngayon, halos lahat ng sweldo niya ngayong buwan ay mauubos kaya mas mabuti nang magtipid.Pumasok siya sa fast food restaurant, umorder ng ilang paborito niyang pagkain, at umupo para kumain. Kahit medyo nahihilo siya, mas hindi niya matiis ang kumakalam niyang sikmura.Habang nakatutok siya sa pagkain, biglang may lumitaw na anino sa harapan niya at may umupo sa tapat niya.Nagulat si Patricia at napatingala, nagtama ang mata nila ni Daemon na may malamig na tingin.Halos malaglag ang kutsara niya sa gulat, at inabot siya ng ilang segundo bago makabawi. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"Hindi siya sinagot ni Daemon, bagkus ay nagtanong it
Chapter 20NAKITA rin ni Daemon si Patricia. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, at may isang emosyon sa kanyang mga mata na mahirap maintindihan. Pero sa huli, nagkasalubong lang silang dalawa sa isa’t isa na parang magkaibang mundo.Ang tingin ni Patricia sa kanya ay parang isang boss lang, walang kahit anong emosyon.Sa hindi malamang dahilan, medyo nainis si Daemon.Sa normal na pagkakataon, ang isang babae na ilang beses nang nagkita at nakasalamuha siya, kahit hindi naman siya habulin, dapat kahit paano ay may nararamdaman na o kaya ay nagkakaroon ng ilusyon tungkol sa kanya.Pero itong si Patricia, na hindi naman kagandahan, parang wala lang? Ni hindi man lang siya naapektuhan?Mas lalong kumunot ang noo ni Daemon at humigpit ang hawak niya sa balikat ni Lorraine.Napairap si Lorraine sa sakit. "Ang sakit! Ang higpit mong humawak!"Hindi siya sinagot ni Daemon. Sa halip, hinigpitan pa niya ang kanyang kamao at nagdesisyon, sa susunod na makita niya ulit ang babaeng ‘yun, hindi n
Chapter 19"MISS, ano pong pangalan niyo?" tanong ng babaeng may hawak na recorder, halatang gustong malaman ang buong pangyayari."Patricia Scarlett De Jesus.""Sige, Ms. De Jesus, ikuwento mo lang nang maikli kung paano ka hinimatay at paano ka nailigtas, tapos ipahayag mo ang pasasalamat mo kay Andrei.""Pero hindi ko na masyadong maalala..." Hinimatay nga siya! Paano niya malalaman kung paano siya nailigtas?"Hindi mo maalala? Wala ‘yon, gawin mo na lang. May mga handa akong script dito, pwede mong gamitin bilang reference."Kinuha ni Patricia ang isang stack ng A4 papers at binasa ang title: "100 ways to say thank you... How to show gratefulness.. Lines to make people cry..."Napangiwi siya. Wala talaga siyang talent sa ganitong bagay… Hindi siya marunong umarte at hindi rin sanay magsinungaling.Pero wala siyang choice...Binasa niya ang impormasyon, pinag-isipan ang buong nangyari, at sa huli, nakabuo siya ng mahabang monologue. Sa totoo lang, magaling siyang mag-ayos ng mga s
Chapter 18NAPAILING si Andrei. "Uy, kahit man lang magpasalamat ka. Hindi lahat ng mabubuting gawa ay nasusuklian. Ang daming babae diyan ang gustong yumakap sa akin, pero ni hindi ko sila pinansin...""Thank you..." Sa wakas ay nasabi rin ni Patricia ang dalawang salitang iyon. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang pumasok sa banyo habang mahigpit na humahawak sa pader.Sandaling nag-alinlangan si Andrei sa labas.Sa totoo lang, lumabas lang siya saglit habang nagpapahinga ang manager niya para libutin ang kumpanya at tingnan kung okay bang manatili doon. Pero dahil sa hindi niya maayos na pakiramdam ng direksyon, naligaw siya.Nagkataong nagtanong siya kung saan ang banyo, tapos ang natagpuan niya ay si Patricia na sobrang putla na parang malapit nang mawalan ng malay...Mukha bang malas siya?Pagkalabas niya ng banyo, napansin niyang wala nang tao sa hallway. Pero base sa lagay ni Patricia kanina, malabo siyang makalabas nang mas mabilis sa kanya. Ibig sabihin, nasa loob pa siya ng ban
Chapter 17KINABUKASAN, medyo bumaba na ang lagnat ni Patricia, pero masakit pa rin ang tiyan niya at parang hindi niya matanggap.Mabilis siyang tumakbo papunta sa banyo at nagsuka, pero wala namang lumabas. Saka niya naalala na hindi pa pala siya kumakain kagabi dahil sobrang abala siya sa party.Pero ngayon, pagkatapos kunin ni Paris ang labinlimang libo mula sa suweldo niya, halos wala nang natira sa pera niya. Simula pa lang ng buwan pero hindi na sapat para sa mga gastusin niya kaya dali-dali niyang inayos ang sarili, kinuha ang bag niya at lumabas.Bumili siya ng dalawang siopao at isang bote ng soya milk sa tindahan sa baba.Sa totoo lang, medyo magastos ang siopao, dalawa kada one hundred pesos sobrang mahal. At nang kumagat siya, wala naman halos laman sa loob, parang kumakain lang siya ng tinapay. Ang soya milk naman, parang sinabawan ng tubig, halos walang lasa.Matapos ang simpleng almusal, naglakad na siya papunta sa kumpanya.Wala siyang kailangang asikasuhin sa labas n
Chapter 16Tumagal ng tatlo’t kalahating oras ang party, pero dalawang oras pa lang ay lumabas na sina Daemon at Rowie sa VIP exit. Bihira silang magtagal nang ganito sa mga event, lalo na si Daemon.Habang naglalakad, mukhang nag-enjoy si Rowie sa party. May tusong ngiti sa labi niya, "Sa totoo lang, maganda rin ang bagong artist natin na si Lisa. Maganda ang katawan niya sa lahat ng aspeto."Bahagyang ngumiti si Daemon. "Ano? Ipipilit mo na naman ang mga artista mo sa akin?"Natawa si Rowie na parang nahuli sa akto. "Aba, nadiskubre mo agad. Gusto ko talaga ibigay sa’yo. Ang saya siguro ‘nun. Tingnan mo na lang si Hennessy ngayon, ang init ng ulo, parang toro! Lalo lang siyang nagiging mas magagalitin araw-araw. Hindi ko na siya kayang pigilan!"Umiling lang si Daemon at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang nagpasiklab sa toro, ayoko na makakita ng babaeng naghahagis ng baso sa harap ko ulit.""Grabe ba talaga si Hennessy?" Nagulat si Rowie. Alam niyang mahirap pakisamahan si Hennessy, p
Chapter 15MABILIS lang dumaan ang tsismis at napansin nilang si Patricia ay pareho pa rin, tahimik na binu-bully tulad ng dati. Kahit na inaapi siya, parang wala siyang magawa para magreklamo.Bihira dumalaw ang young master na si Rowie sa kumpanya, at si Daemon naman ay parang multo, hindi mahagilap. Kaya kahit sabihin pang may “backer” si Patricia, parang wala rin. At ‘yung sinabi ni Manager Wenceslao noon na irerekomenda siyang ma-promote? Wala ring nangyari.Kaya siya pa rin ang binibigyan ng pinakamabibigat na gawain, madalas, puro pisikal na trabaho at mga utos lang.Ngayong gabi, may cultural performance ang Glev Travel Company, kung saan si Hennessy ang image ambassador. Hindi lang siya kakanta, magsasayaw din siya.May ilang patong ang suot ni Hennessy na kasuotan, kakanta siyang suot ang lahat ng ito, at unti-unting huhubarin ang mga patong habang kumakanta, hanggang sa lumabas ang makinang niyang gintong damit-panayaw.Ipinapakita nito na ang bagong proyekto ng Glev ay nag