“WHY are you sitting so far away from me? Am I scary?”Agad napatingin si Serena nang marinig ang himutok ni Kevin. “Hindi, ah! Sinong nagsabing takot ako sa'yo?”“Then if you're not afraid, scoot closer.”Tiningnan muna ni Serena ang layo niya kay Kevin at totoo naman na malayo siya rito. Halos dumikit na siya sa pinto ng kotse. Ginawa niya ang gusto nito at umurong siya papalapit. Nang gawin niya ang gusto ng lalaki, nakita ni Serena ang napakaliit na ngiti sa labi ni Kevin. Natulala siya roon at nasabi niya sa isip na napakagwapo talaga nito. Kung makikita ni Hanni si Kevin, sigurado siyang titili iyon dahil sa makikita. Dahil sa may katagalan niyang pagtingin dito, napansin iyon ni Kevin. “Hey, is there any dirt on my face?”“H-Ha? Wala!” Para pagtakpan ang ginawa, tumingin na lang sa labas ng bintana si Serena. “What are you thinking?”“Wala naman.”“Tell me... iniisip mo ba iyong lalaking kasama mo kanina?”Agad napaharap si Serena kay Kevin. Hindi dahil sa tanong nito kundi
GUMISING na naman si Serena na mabigat ang katawan. Nang tingnan ang sarili, nakabihis na siya ng nightgown. Alam niyang si Kevin ang nag-asikaso sa kanya. Nilibot niya ang paligid at wala ang presensiya nito. Nang magawi ang mata sa sidetable, may adhesive note na nakadikit doon. Wife, Eat your breakfast before you go to work. I'll be back later.Take care. —KevinIlang segundo niya pang minasdan iyon bago siya tumayo at inayos ang sarili. Dahil may markang iniwan si Kevin sa leeg niya, turtleneck longsleeves dress ang suot niya. Bago lumabas ng kwarto, tinago ni Serena ang note na iniwan ni Kevin. “Madamé, your breakfast is ready.”Asiwa pa rin si Serena sa pagtawag sa kanyang 'madamé' pero kahit anong sabi niya sa mga katiwala, hindi raw pwede ang gusto niya. Ito ang kagagalitan ni Kevin kapag nalamang pangalan lang ang tawag kay Serena. “Madamé, do you wanna bring your lunch? There's a readymade lunch for you,” ani Butler Gregory. “Talaga po? Sige, Butler Gregory, dalhin k
“GUYS, libre ko mamaya sa KTV. Lahat sasama, okay? KJ ang hindi sasama,” announcement ni Kelly nang pauwi na sila. “Hindi ako sasama,” sagot agad ni Serena at napatingin sa kanya ang lahat. Nagtaas din ng kamay si Hanni. “Ako rin.”“Kaya nga ako manlilibre dahil hihingi ako ng sorry kay Serena dahil mali ang akala ko tapos hindi kayo pupunta?”Sumabat na rin si Rose. “Pumunta na kayong dalawa. Serena, para pala sa'yo 'yon tapos ikaw ang wala? Sama na kayo, sige na.”Nagkatinginan si Serena at Hanni. Parehong ayaw ng dalawa pero binubuyo sila ng mga katrabaho at sa huli, sumama nga sila. Bago sumama ay tinawagan ni Serena si Kevin para hindi siya nito hanapin. “Hello, Kevin?”[“Hmm?”]“Nag-imbita ang isa sa kasama ko na mag-KTV at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Kapag sobrang gabi na, sa apartment na ako uuwi.”[“I can pick you up.”]“Hindi na, Kevin. Baka kasi gabihin ako. Bukas na lang ako uuwi, ha?”A sigh was heard on the other line. [“Fine. Take care of yourself.
Chapter 14: You can't touch me, SerenaPARANG may humahaplos na malamig na bagay sa mukha ni Serena at iyon ang nagpabalik ng malay niya. Nang buksan ang mata, hindi niya kilalang lalaki ang nabungaran niya kaya napaupo siya at napaurong palayo rito. Agad naman nitong tinaas ang kamay. “I’m harmless. I didn't do anything to you,” paliwanag nito, hawak pa ang basang towel na pinupunas sa mukha ni Serena. “S-Sino ka?!” Niyakap ni Serena ang sarili at may takot sa mga matang tumingin sa lalaki. “Hindi mo ba maalala? Hinatak mo ang damit ko at humingi ka ng tulong sa akin that's why I helped you. You were held by a woman and after some seconds, may lalaki ring dumating. I think they're plotting something nasty that's why I intervened. I brought you here to get you checked and it's positive na may date drügs sa ininom mo.”Bumalik sa alaala ni Serena ang nangyari at kinuyom niya ang kamay. May masama ngang balak si Kelly sa kanya at alam niyang si Mr. Lagdameo ang boses na narinig bago
HINDI man nasabi sa mga dapat makaalam ang nangyari kay Serena, lumuwag ang pakiramdam niya noong makaganti kay Kelly. Pero pakiramdam niya ay kulang pa iyon. She almost got ráped! Ngunit gustuhin man niyang sabihin sa ibang tao ang naranasan, ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya. Sabagay, siya rin ang may kasalanan dahil alam niyang hindi sila magkasundo ni Kelly pero nagtiwala pa rin siya. Sa huli, siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa kanya. Isa pa, walang patunay na ginawan siya ng masama dahil wala siyang pruweba bukod sa witness, 'diba? At totoo naman ang sinabi ni Kelly na maraming kapit si Mr. Lagdameo habang siya ay hamak na empleyado lang. Iniling ni Serena ang ulo para nawala sa utak ang iniisip. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa dahil ilang minuto na lang ay ipapakita nila ang nagawang proposal sa weekly meeting. “Punta na raw tayong office, Serena.”Nag-ready si Serena at bitbit ang laptop, pumunta sila sa AVR para i-set up ang reports at proposal. Nang ma
USAP-USAPAN ang nangyari kay Mr. Lagdameo at Kelly. Nabalita pa nga ito sa TV dahil kilalang kumpanya ang SGC kaya mas maraming tao ang nakikita ni Serena na nakikiusyoso sa labas. Mas lalo ring maingay sa loob. “Alam mo ba dahil sa nangyari, lumabas din ang totoo tungkol kay Kelly. Kábit pala siya ni Mr. Lagdameo at dahil lang sa kapit kaya nakapasok si Kelly dito! Kaya pala noong una, ni mag-fax at gumamit ng printer, hindi marunong si Kelly pero kung umasta parang amo. Kaya pala gan'on ay dahil umaasa siya kay Sir Lagdameo! Isa rin pala siya sa kasabwat ni Sir at nagdedespalko sila ng pera ng company!”“Tapos iyong nagrereklamo pala dati na pinagsamantalahan ni Mr. Lagdameo, totoo raw pala talaga! Tinakot lang ni Mr. Lagdameo kaya nanahimik. Tinapalan daw ng pera at sinabi na kung hindi pa kalilimutan ang lahat, baka ipatümba raw ni Mr. Lagdameo iyong babae. Ayun, nawala ang issue na 'yon, 'diba? Another case uli iyon.”“At ito talaga pinakamatindi kasi kasali si Serena sa issue n
“MR. Sanchez, here's the file you asked me to gather.”Kinuha ni Kevin ang portfolio na inaabot sa kanya at pinatong iyon sa desk. Binalik niya ang tingin kay Dylan na isa sa empleyadong pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo. “Lagdameo's matter was handled well. But why did no one notice the things he did in the first place?”Napalunok si Dylan noong makwestiyon ito ni Kevin. “Sir...sa dami ng empleyado ng SGC, hindi lahat ay nababantayan. Isa pa, malaki ang naitutulong niya sa kompanya lalo na kung pagbabatayan ang annual financial statements na nasa reports niya. Efficient employees ang hanap ng SGC at hindi...role models ng lipunan.”Alam ni Kevin na ganoon naman talaga lalo kung nagpapatakbo ng kompanya ngunit hindi niya pa rin gusto na sinubukan nitong saktan si Serena. Napabuga si Kevin ng hangin. “Just let the lawyers deal with his matter thoroughly. Let him stay in prison.”Tumango si Dylan ngunit hindi nito mapigilang hindi magtanong. “Okay, Sir. But how did he offend you? Hind
“WHAT are you going to tell me?”Biglang sabi ni Kevin noong matapos itong ngumiti. Bumalik din sa isip ni Serena ang sasabihin niya kanina. “Nakwento ko na nakulong si Mr. Lagdameo, 'diba? Si Sir Yves yata ang nagsumbong kaya nalaman ng SGC ang mga ginawa niya.”Nabura na naman ang magandang mood ni Kevin at naramdaman iyon ni Serena. Hindi lang siya sigurado kung saan ang maling nasabi.“He told you that he did it?” malamig na anito. “Hindi syempre. Pero tingin namin siya ang may gawa n'on. Kasi noong nalaman niyang nawawala ang files sa laptop, sinabi niya sa amin ni Hanni na siya na ang bahala.”“You sure about that?”Lumiit ang boses ni Serena habang nagpapaliwanag. “Sabi kasi ni Hanni, ramdam niyang may gusto si Sir Yves sa akin kaya sure siyang si Sir ang nagsumbong. Naisip ni Hanni 'yon dahil noong birthday ko, binigyan ako ng chocolate ni Sir Yves na hindi naman gawain ni Sir. Mabait din daw sa akin. “Pero wala sa isip ko 'yon, ha? Kaya nga dahil team building next week, p
Nang marinig ni Chester ang iyak ng ina niya, mas lalo siyang nagwala. Tinulak niya ito at sumigaw, “Bakit ka umiiyak?! Sino nagsabing wala na akong silbi?! Tumawag ka ng mga babae! Patutunayan ko sa inyong lahat na hindi ako inutil! Hahaha! Hindi ako inutil!”Halos matumba ang ina sa pagkakatulak. Pagkatayo niya, di na siya muling umiyak. Alam niyang mas lalo lang magagalit si Chester.Mayamaya, napansin ni Chester si Paris na nagtatago sa likod ng mga tao at ayaw lumapit.Bigla siyang sumigaw. “Paris! Lumapit ka rito! Bilis!”Nang marinig ang pangalan niya, halos manginig si Paris… Parang demonyo si Chester! Lahat ng lumapit sa kanya, parang kinakain ng buo!Pero wala siyang magawa… Andami ng matatandang miyembro ng pamilya Beltran sa paligid. Kahit kunwari lang, kailangan niyang lumapit.Kaya pinisil niya ang sarili niya nang malakas para lumabas ang luha, at lumapit sa kama habang umiiyak: “Bakit ganito ang nangyari… Bakit ganito… Master Chester, masakit ba…?”Pero imbes na maawa,
Chapter 68ISANG bungkos ng mga gulay na mukhang walang lasa ang nakahain sa tanghalian. Pagkakita pa lang ni Chastain, parang sumakit agad ang tiyan niya at nawalan siya ng gana.Si Patricia naman, kalmado lang sa pagkain. Alam niya kasing ang may-ari ng karinderyang ito ay mahilig magdagdag ng tubig habang nagluluto at matipid sa mantika, kaya ang “ginisa” ay parang pinakuluan lang.Ganito rin talaga ang kain niya dahil iniisip pa rin niyang magpapayat, at sinabihan din siya ng doktor na iwasan ang matatabang at maaanghang na pagkain. Mas okay na raw ang mga masustansyang gulay.Pero si Chastain ay normal na tao! Paano naman siya gaganahang kumain ng ganitong luto na parang nilaga lang? Kaya dalawang subo lang ng kanin ang nakain niya, sumuko na agad.Nakita ni Patricia ang itsura niyang parang mamamatay na sa gutom, kaya napabuntong-hininga ito at itinuro ang kabinet sa kusina gamit ang kanyang kutsara. “Naalala ko may bote ng chili oil d'yan. Kung sobrang wala talagang lasa sa'yo,
Sa wakas, luminga-linga si Chastain at tumigil ang tingin niya kay Patricia. “Kahit na parang ordinaryo at hindi kapansin-pansin ka sa paningin ng iba, para sa ’kin isa kang interesting na tao. Kaya handa akong maglaan ng oras para maging kaibigan ka. Kung tutulong ka man sa’kin sa hinaharap, nasa ‘yo na ‘yon.”Medyo natulala si Patricia.Ang salitang “kaibigan” ay parang isang luho para sa kanya. Ang buong buhay niya dati ay punong-puno ng mga taong minamaliit siya at gustong yurakan ang pagkatao niya.Ngayon lang siya nagsimulang magkaroon ng mga totoong kaibigan. Pero hindi rin siya sigurado kung totoo bang mabait sila sa kanya, o ginagamit lang siya para sa pansariling interes.Pero si Chastain yata ang unang nagsabi na gusto siyang maging kaibigan.Habang tulala pa si Patricia, hinawakan ni Chastain ang braso ni Patrick at binuhat ito sa likod niya. “Patricia, wag mo nang gawing komplikado pa ang pag-iisip sa’kin. Oo, may ambisyon ako, pero hindi ibig sabihin gusto kong agawin an
Chapter 67NGUMITI si Chastain ng bahagya. "Wala akong pakialam kung anong gulo meron kayo ng pamilya Alejandro. Basta, wala kang karapatan dito. Kung aalis ka, umalis ka na agad para hindi ka nakakaabala. Habang wala si Daemon, ako ang magpoprotekta sa babaeng 'to."Napakagat ng labi si Carmina sa inis, tinitigan si Chastain nang masama, at sa huli, napasipa siya sa lupa: "Hindi ko kalilimutan 'to!"Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad papunta sa kanyang Maybach...Ang dalawa niyang tauhan ay napabagsak na ni Chastain, hindi man lang nakaporma o nakapalag.Sa huli, umalis si Carmina na halos nakakahiya, iniwan ang alikabok habang papalayo ang Maybach. Nakatingin pa rin si Patricia sa direksyong nilisan nito, tila tulala pa rin.Kahit na hindi talaga kaaya-aya si Carmina, totoo pa rin ang mga sinabi niya. Para bang tinamaan si Patricia sa pinakasensitibong parte ng damdamin niya.Tama... parang naging pabigat na lang talaga siya kay Daemon...Habang nag-iisip pa siya, bigla siyang t
Tahimik lang si Patricia, kagat labi. Paano niya malalaman?“Dahil hindi mo alam kung nasaan ka, at hindi mo alam ang lugar mo!” Sobrang linaw at diin ng bawat salitang binitiwan ng babae, parang gusto siyang durugin sa salita pa lang!Pero hindi umiwas ng tingin si Patricia, kalmado siyang tumingin pabalik: “sa labindalawang taon ng buhay ko, sobra na akong naging mabait. Ngayon naman, gusto ko na lang piliin sarili ko, hindi ba pwede iyon?”SLAP! Isa pang sampal mula sa kabila! Lalong naging matalim ang mga mata ng babae. “Akala mo ba may karapatan kang magsalita ng ganyan sa harap ko?!”Na-off guard si Patricia at nasampal ulit. Nainis na siya bigla. Ang babaeng ‘to bigla na lang sumulpot na parang baliw tapos nanampal pa nang walang dahilan. Pero alam ni Patricia na malakas ang koneksyon ng babaeng ‘to kaya pinilit na lang niyang pigilan ang inis niya, “Hindi ko alam kung sino ka, at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko sa’yo, pero pwede bang kahit konti lang, igalang mo naman
Chapter 66HALATANG nabigla ang doktor sa sinabi ni Daemon, pero mabilis din nitong inayos ang sarili, hinila ang kwelyo ng kanyang polo at kalmadong nagsalita, “Walang magiging problema. Pwede mo na siyang iuwi bukas para makapagpahinga. Iwasan lang ang mga bawal kainin at uminom ng gamot sa tamang oras.”Hindi na nagsalita pa si Daemon sa doktor, tumingin na lang siya kay Patricia. “Sundin mo lang sinabi ng doktor. Gusto mo bang ma-ospital ka ulit?”Tahimik lang si Patricia… Bakit parang sinasabi ni Daemon na gusto pa niya mapunta sa ospital?Hinawakan ni Daemon ang ulo niya, parang pagod na pagod. “Hindi ko naman kayang bantayan ka palagi, kaya sana huwag ka nang gumawa ng kalokohan.”Napailing lang si Patricia sabay labas ng dila… Concern ba ‘to o pananakot?Pero sa huli, binawi ni Daemon ang kamay niya at tiningnan siya. “Pumasok ka na at magpahinga nang maaga.”Tumigil muna si Patricia, tapos tumango, “Sige.”Sa totoo lang, halata sa mga mata ni Daemon na parang ayaw pa niyang u
Minsan, ni si Daemon mismo, hindi na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi, o kung sino ba talaga siya.Masyado nang komplikado ang mundo niya para unawain. Kahit ilang palapag lang ang inakyat nila, parang ang tagal nilang naglakad.Pagdating nila sa pinto, kinuha ni Patricia ang susi sa bag niya at binuksan ang pinto. Madilim sa loob, at tulog na ang tatay niya.Pagkalabas ni Patricia mula ospital, tinawagan niya ang tatay niya para sabihing may dinner siyang pupuntahan at huwag na siyang hintayin sa ospital—umuwi na lang at magpahinga.Tahimik siyang pumasok para 'di magising ang tatay niya. Pero nakita niyang natutulog pa rin ito sa reclining chair sa sala. Maayos ang bahay, malinis.Napansin din 'yon ni Daemon kaya medyo kumunot ang noo niya.Naalala niya nung pumunta siya sa ospital para bisitahin si Patricia. Pagkatapos no’n, nagdesisyon siyang huwag guluhin ang normal na buhay nito kaya pumayag muna siya sa alok ni Chastain—pansamantalang pakikisama para mapakalma si Mr.
Chapter 65HINDI talaga inakala ni Patricia na dadalhin siya ni Daemon dito… Diba sa mga nobela at palabas sa TV, dapat ang mga eksena ay sa magagandang lugar, may romantic setup, at maraming nakakakilig na linya?O kaya naman ay sa isang private na lugar kung saan madalas pumunta ang bida, tapos doon niya ibabahagi ang mga sikreto niya sa babae…Pero kabaligtaran ang ginawa ni Daemon.Dinala siya sa pinaka-pamilyar niyang lugar. Inisip pa nga niya na ihahatid lang siya nito pauwi sa apartment at aalis na. Pero kung iisipin, pinaalala ni Zaldy na kailangan siyang ibalik sa ospital… baka naman hindi niya nakalimutan, ‘no?Hindi bumaba ng kotse si Patricia, tumingin lang siya kay Daemon na parang nagtatanong gamit ang kanyang mga mata.Hindi rin bumaba si Daemon. Kinuha lang niya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan. Tumingin siya sa mga gusaling naaninag lang sa dilim. Ang dim na ilaw ng streetlamp ay tumama sa mukha niya, at doon nakita ang lungkot at parang pagod na pagod siyang tao…
Napansin ni Patricia na nakatitig sa kanya si Daemon habang wala sa sarili, kaya umiwas siya ng tingin, medyo nahihiya. Tapos, mahina niyang tinanong, halos hindi niya na marinig ang sarili niya, “Ahm… okay lang ba talaga ‘yung sagot-sagot mo sa lolo mo?”Ngumiti si Daemon, “Ano sa tingin mo?”Hindi nakaimik si Patricia. Habang tinitingnan ang ngiti ni Daemon, pakiramdam niya mas lalong may masamang mangyayari kapag kinontra mo siya.Alam ni Daemon na wala siyang maisasagot, kaya tinaasan niya ng balikat. “Wala ka rin namang magagawa sa mga ‘to. Mas mabuti pa, magpalit ka muna ng damit.”Nang marinig niya ‘yun, doon lang niya naramdaman na nilalamig pala siya. Napahatsing siya bigla.Tumawag si Daemon at pumasok si Zaldy. Pagkakita niya kay Patricia na parang basang sisiw at kay Daemon na mukhang pagod na pagod, nagulat siya. “Wala ba talagang nangyari sa inyo?”Tumawa si Daemon. “Ano sa tingin mo dapat ang nangyari?”Agad na iniba ni Zaldy ang ekspresyon niya, tapos ngumiti ng parang