DAHIL sa malakas na pagtili ng kasamang babae ni Alex at ng iba pang tao, napalibutan si Serena. Kahit nasasaktan ang katawan, tumayo si Hanni at dinaluhan ang kaibigan. “S-Serena, a-anong gagawin natin? Patáy na ba si Alex?”Napaiyak na si Hanni at dahil sa takot, napaluha na rin siya pero mabilis niyang hinamig ang sarili. “Ako ang humampas sa kanya ng upuan kaya lulusutan ko 'to, Hanni.”Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. “Hindi. Damay rin ako. Hindi kita iiwan, Serena. Isa rin ako sa nanakit kay Alex kaya hati tayo sa kasalanan.”Dumating naman ang tinawag na medics at agad na pinuntahan si Alex. Nang sabihin na nawalan lang ng malay si Alex, nakahinga nang maluwag si Serena at Hanni. Hindi sila nakapátay! Pero dahil nakasakit sila ng tao, dinala sila sa presinto ng management at si Alex naman ay sa ospital nadala. “Anong ginawa ninyo at dito kayo dinala?” Mahinahon naman ang tanong pero dahil presinto iyon, napaiyak na naman si Hanni. “Ateng pulis, sinaktàn po namin si Alex
“TAKE CARE of yourself. I'll be going, wife.” Pinanood ni Kevin na maglakad si Serena na magtungo sa main door at nang masigurong nasa bahay na ito, tinaas ni Kevin ang bintana ng kotse. “Drive,” utos niya sa driver. Lumingon ang Personal Secretary ni Kevin na si Secretary Lim. Naramdaman ni Kevin ang tingin nito. “Do you have questions?”“Sir, does the old master know the existence of madamé?”Kumunot ang noo ni Kevin at hindi kaagad nagsalita. Tumingin siya sa labas ng bintana. Noong akala ni Secretary Lim ay hindi na magsasalita ang boss, ang malamig na boses ni Kevin ang pumuno sa bawat sulok ng kotse. “They will know her eventually. In the future. But for now, protect her.”Nang marinig iyon ay tumango si Secretary Lim. Kita nito ang bawat tingin ng boss sa asawa. Alam niyang kakaiba ang nararamdaman ng boss sa babae. GUSTUHIN mang bumalik ni Serena sa apartment, pinagsabihan siya ni Kevin na huwag na roon umuwi. Mas maganda na narito siya sa bahay nito dahil mag-asawa naman
“KUNG ginagawa mo, dapat hindi ka natatakot na malaman at mapag-usapan ng mga tao.”Tinapunan ni Serena ng masamang tingin si Kelly. “Ano ang ginawa ko? Sabihin mo nga?! Bakit updated ka pa sa buhay ko kesa sa akin?”Humalukipkip si Kelly at h-in-ead to foot siya ng tingin. “Serena, 'wag ka nang mag-deny diyan. Mismong sa ex-fiance mo mismo naggaling na sugarbaby ka. Iyan kasi, marunong kang gumawa ng kalokohan pero hindi mo kayang malaman ng iba. Nakakahiya ba? Dapat lang mahiya ka. Pakunwari ka pang inosente, malándi ka naman pala. Serena, you're a mistress, aren't you? You're a third-party, hula ko.”“Hoy, Kelly, 'yang bibig mo! Dapat diyan, tinatahi! Puro kabalbalan ang lumalabas. Gusto mong kuskusin natin 'yan nang matuto ka? Iyong ex ni Serena ang nanloko at nag-cheat tapos doon ka naniwala?”Inirapan ni Kelly si Hanni. “Edi kung hindi nagsisinungaling 'tong si Serena, bakit hindi n'yo ilabas ang marriage certificate nang mapatunayan na kasal na?”“Bóbo ka pala, e. Kakakasal lan
“WHY are you sitting so far away from me? Am I scary?”Agad napatingin si Serena nang marinig ang himutok ni Kevin. “Hindi, ah! Sinong nagsabing takot ako sa'yo?”“Then if you're not afraid, scoot closer.”Tiningnan muna ni Serena ang layo niya kay Kevin at totoo naman na malayo siya rito. Halos dumikit na siya sa pinto ng kotse. Ginawa niya ang gusto nito at umurong siya papalapit. Nang gawin niya ang gusto ng lalaki, nakita ni Serena ang napakaliit na ngiti sa labi ni Kevin. Natulala siya roon at nasabi niya sa isip na napakagwapo talaga nito. Kung makikita ni Hanni si Kevin, sigurado siyang titili iyon dahil sa makikita. Dahil sa may katagalan niyang pagtingin dito, napansin iyon ni Kevin. “Hey, is there any dirt on my face?”“H-Ha? Wala!” Para pagtakpan ang ginawa, tumingin na lang sa labas ng bintana si Serena. “What are you thinking?”“Wala naman.”“Tell me... iniisip mo ba iyong lalaking kasama mo kanina?”Agad napaharap si Serena kay Kevin. Hindi dahil sa tanong nito kundi
GUMISING na naman si Serena na mabigat ang katawan. Nang tingnan ang sarili, nakabihis na siya ng nightgown. Alam niyang si Kevin ang nag-asikaso sa kanya. Nilibot niya ang paligid at wala ang presensiya nito. Nang magawi ang mata sa sidetable, may adhesive note na nakadikit doon. Wife, Eat your breakfast before you go to work. I'll be back later.Take care. —KevinIlang segundo niya pang minasdan iyon bago siya tumayo at inayos ang sarili. Dahil may markang iniwan si Kevin sa leeg niya, turtleneck longsleeves dress ang suot niya. Bago lumabas ng kwarto, tinago ni Serena ang note na iniwan ni Kevin. “Madamé, your breakfast is ready.”Asiwa pa rin si Serena sa pagtawag sa kanyang 'madamé' pero kahit anong sabi niya sa mga katiwala, hindi raw pwede ang gusto niya. Ito ang kagagalitan ni Kevin kapag nalamang pangalan lang ang tawag kay Serena. “Madamé, do you wanna bring your lunch? There's a readymade lunch for you,” ani Butler Gregory. “Talaga po? Sige, Butler Gregory, dalhin k
“GUYS, libre ko mamaya sa KTV. Lahat sasama, okay? KJ ang hindi sasama,” announcement ni Kelly nang pauwi na sila. “Hindi ako sasama,” sagot agad ni Serena at napatingin sa kanya ang lahat. Nagtaas din ng kamay si Hanni. “Ako rin.”“Kaya nga ako manlilibre dahil hihingi ako ng sorry kay Serena dahil mali ang akala ko tapos hindi kayo pupunta?”Sumabat na rin si Rose. “Pumunta na kayong dalawa. Serena, para pala sa'yo 'yon tapos ikaw ang wala? Sama na kayo, sige na.”Nagkatinginan si Serena at Hanni. Parehong ayaw ng dalawa pero binubuyo sila ng mga katrabaho at sa huli, sumama nga sila. Bago sumama ay tinawagan ni Serena si Kevin para hindi siya nito hanapin. “Hello, Kevin?”[“Hmm?”]“Nag-imbita ang isa sa kasama ko na mag-KTV at hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. Kapag sobrang gabi na, sa apartment na ako uuwi.”[“I can pick you up.”]“Hindi na, Kevin. Baka kasi gabihin ako. Bukas na lang ako uuwi, ha?”A sigh was heard on the other line. [“Fine. Take care of yourself.
Chapter 14: You can't touch me, SerenaPARANG may humahaplos na malamig na bagay sa mukha ni Serena at iyon ang nagpabalik ng malay niya. Nang buksan ang mata, hindi niya kilalang lalaki ang nabungaran niya kaya napaupo siya at napaurong palayo rito. Agad naman nitong tinaas ang kamay. “I’m harmless. I didn't do anything to you,” paliwanag nito, hawak pa ang basang towel na pinupunas sa mukha ni Serena. “S-Sino ka?!” Niyakap ni Serena ang sarili at may takot sa mga matang tumingin sa lalaki. “Hindi mo ba maalala? Hinatak mo ang damit ko at humingi ka ng tulong sa akin that's why I helped you. You were held by a woman and after some seconds, may lalaki ring dumating. I think they're plotting something nasty that's why I intervened. I brought you here to get you checked and it's positive na may date drügs sa ininom mo.”Bumalik sa alaala ni Serena ang nangyari at kinuyom niya ang kamay. May masama ngang balak si Kelly sa kanya at alam niyang si Mr. Lagdameo ang boses na narinig bago
HINDI man nasabi sa mga dapat makaalam ang nangyari kay Serena, lumuwag ang pakiramdam niya noong makaganti kay Kelly. Pero pakiramdam niya ay kulang pa iyon. She almost got ráped! Ngunit gustuhin man niyang sabihin sa ibang tao ang naranasan, ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kanya. Sabagay, siya rin ang may kasalanan dahil alam niyang hindi sila magkasundo ni Kelly pero nagtiwala pa rin siya. Sa huli, siya rin ang dapat sisihin sa nangyari sa kanya. Isa pa, walang patunay na ginawan siya ng masama dahil wala siyang pruweba bukod sa witness, 'diba? At totoo naman ang sinabi ni Kelly na maraming kapit si Mr. Lagdameo habang siya ay hamak na empleyado lang. Iniling ni Serena ang ulo para nawala sa utak ang iniisip. Binalik niya ang atensyon sa ginagawa dahil ilang minuto na lang ay ipapakita nila ang nagawang proposal sa weekly meeting. “Punta na raw tayong office, Serena.”Nag-ready si Serena at bitbit ang laptop, pumunta sila sa AVR para i-set up ang reports at proposal. Nang ma
NAKATITIG si Tati sa mga koi fish na lumalangoy sa man-made pond sa loob ng garden. Pinanonood niya iyon habang malaya silang lumalangoy sa tubig pero kahit malaya sila, limitado pa rin ang ginagalawan nila dahil gawa lang naman ng tao ang lugar kung saan sila nakatira. Tulad ng mga koi fish, malaya siyang kumilos sa lugar na ito ngunit limitado ang kalayaan niya - may hangganan. Hindi siya maaaring lumabas dahil magagalit sa kanya ni Hector.Sinabi nito na gusto lang siya protektahan dahil maraming taong maaaring manakit sa kanya. Pero dahil din doon, hindi maramdaman ni Tati na malaya siya talaga. Nilibot ng tingin ni Tati ang buong lugar at halos siya lang ang tao sa malaking mansyon at malaking garden. May mga tauhan man, tago ang presensya nila. Ni hindi pa nakita ni Tati ang mga naglilingkod kay Hector dahil ayaw ni Hector ng taong makakasalubong nito. Tuloy, walang makausap si Tati kundi ang mga koi fish na hindi naman siya sasagutin sa mga katanungang mayroon sa utak niya.
ISANG buong araw silang nagpahinga at hindi agad lumabas ng kanya-kanyang kwarto para pahupain ang awkwardness na mayroon kay Kevin at sa ina nito. Inalam din nila ang mga kailangang alamin tungkol sa isla dahil malaki iyon. Kung talagang lilibutin ay aabutin sila ng ilang linggo o posibleng buwan pa nga. Doon nila Serena nalaman na nagkaroon na ng sariling pamilya ang ilan sa mga taong naroon at may maliit na komunidad na ang mga taong naroon. May small hospital doon, school, at may prison din. May market din kung iyon ang hahanapin. Every month daw ay may rasyon si Helios na pinadadala sa isla at kapalit naman noon ay mga pananim at nahuling lamang-dagat mula sa mga mamamayan ng isla. Payak ang pamumuhay ng mga taong naroon pero kung dumaan ka sa kamay ng RLS at naghirap, alam ni Serena na paraiso na iyon para sa mga taong iyon. Humanga tuloy si Serena kay Helios dahil hindi man nito ipagmalaki, kitang-kita naman na maayos ang pamamalakad nito sa isla. Kung hindi lang makasalanan
MAGKAHARAP SI Kevin at ang ina nito ngayon at tahimik na nag-uusap ang dalawa habang si Serena at ang iba ay nakatanaw naman sa dalawa. Hindi nila lubos akalain na ang imposibleng mangyari - na makitang buhay pa pala ang ina ni Kevin - ay masasaksihan nila pagpunta sa isla na iyon. “My Yaya is your husband's mother?” ani Helios, napapantastikuhan sa nalaman. “Yaya mo siya?” tanong naman ni Serena. “Yes. Bata pa ako noong kinuha sa mama ko. Isang taon pa lang ako noon at si Yaya na ang nagpalaki sa akin. Siya ang nagturo sa akin magsalita ng Tagalog bilang secret language namin. Siya rin ang nagpamulat sa akin na mali ang ginagawa ng RLS; partikular na ang RLS dahil marami silang biktima. Dahil kay Yaya kaya nagsikap ako na buwagin ang RLS.”Namilog ang mga mata ni Serena. Masyado bang maliit ang mundo nila dahil may koneksyon pala sila kay Helios? It's unbelievable! “Hindi mo alam na si Agent Terra siya?”Umiling si Helios. “Heck. I didn't even know she had a son! Basta ang alam ko
“WHY DID you do that, Kevin?” Nakapameywang si Serena noong itanong iyon kay Kevin.Kevin rolled his eyes and didn't utter a word. He crossed his arms and averted his gaze, thinking that there's nothing wrong with what he did a while ago. He didn't like to see Helios here. Nakangiwi naman si Helios na pinanonood si Serena at Kevin na mukhang mag-aaway pa yata ang dalawa.Nang pagsaraduhan kasi ng pinto ni Kevin si Helios, hindi ito tumigil sa pagkuha ng atensyon kaya may isang katulong na pinagbuksan ito lalo't kilala naman si Helios bilang ama ni Catherine na anak-anakan ni Serena. Also, Helios wouldn't go there if not for the important news he's going to tell Serena. Kaya nagtiyaga ito sa harapan ng pinto at hindi umalis. Si Kevin naman ay pikon dahil hindi napalayas ang asungot na si Helios. Maganda na sana ang gising nito ngunit nasira lang dahil nakatapak pa rin si Helios sa loob ng ancestral house. “Hindi naman si Helios pupunta rito kung walang importanteng sasabihin. Nagses
KEVIN WIPED Serena's wet cheeks as she cried. Kunot na kunot naman ang noo ni Kevin at madilim ang ekspresyon ngayong nakikita na umiiyak ang asawa niya.Ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak dahil pinangako niya sa sarili na hindi na niya paiiyakin pa ito - unless it's happy tears she's shedding - pero ang ina nito, nagawang mapaiyak si Serena pagdating pa lang, hindi ba? He's now rethinking welcoming this woman towards their family. Ang impresyon tuloy ni Kevin sa mother-in-law ay naging hindi maganda. Blangko ang emosyon sa mukha na sinulyapan niya ito ngunit hindi na kinausap dahil baka kung ano ang masabi niya dahil mainit ang ulo niya. Imbes, binalik ni Kevin ang atensyon kay Serena na patuloy pa rin sa pag-iyak ngayon. He creased his forehead. Ano ba ang sinabi ng ina ni Serena sa asawa niya at ganito ngayon si Serena? Did she hurt his wife? “What happened, Serena? Did she hurt you? Tell me what happened, hmm?”“I won't hurt my daughter! Baka nga ikaw pa iyon!” piksi nam
“WHAT DO mean he escaped? Paano siya nakatakas at ngayon n'yo lang nalaman iyon? Mga tanga ba kayo at dalawang taon na ang nakalipas bago ninyo nalaman na wala na ang taong binabantayan ninyo?!”Umalingawngaw ang boses ni Helios sa condo unit niya na bigay mismo ng HQ sa kanya. Gigil na gigil siya at gustong ibalibag ang cellphone na hawak sa pader ngunit naisip niyang mahal iyon at kulang pa ang funds na mayroon siya kaya pinigil niya ang sarili. “M-Master, may pinagpanggap po ang kapatid ninyo na siya kaya hindi namin nalaman agad na nakatakas na siya sa Isla. Kung hindi pa namin tinitigan nang maayos ang lalaki at nag-interrogate dahil nakita naming may mali, hindi pa namin matutuklasan na may mali na pala!”Helios gritted his teeth. “Should I applaud for that? Na matalino kayo dahil nalaman ninyo ang ginawa niya? Hijo de púta! Alam ninyo kung gaano kadelikado si Hector! Hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya! Paano kung kasabwat siya ng RLS at nagpaplano na siya
NANG MARINIG iyon ni Laurin, napasinghap ito at halata na may gustong sabihin ngunit hindi maisatinig. Napansin ni Don Constantine na may awkwardness kaya tinipon na nito ang lahat at pumasok na sila sa loob ng ancestral house. Sumunod sa matanda ang lahat at nagsidatingan na rin ang iba pang anak nito tulad ni Cyrus, Claude, at Carson. Kasunod din nila ang kani-kanilang pamilya. Ang tanging wala lang ay si Chlyrus sa mga anak ni Cyrus. Nang makita ni Laurin ang mga kapatid na ilang dekada nitong hindi nakita, naluluha itong yumakap sa kanila. Si Zacarias ay nakipagpalitan ng tango sa mga kapatid ng asawa at umupo ito sa gilid. Si Serena, tahimik din at ayaw agawin ang spotlight. Masaya na siya na nakabalik ang mga magulang dito sa Pilipinas. Hinawakan niya si Chiles at Catherine habang si Lavender ay na kay Kevin. Umupo sila sa table na malapit sa dulo at hinayaan ang pamilya Fuentes na i-welcome ang bagong dating. “You're not close to your mother?” tanong ni Kevin sa kanya. “Hin
NANG MALAMAN ni Serena na nasa Pilipinas na ang mga magulang, talagang nagulat siya. Ang alam niya na noong hinuli ang mga myembro ng RLS kasama ang abuelo niya sa ama, nagtago na agad ang mga magulang niya dahil katulong nila ni Helios ang dalawa. About Helia Tatiana's situation, noong pumunta siya ng Spain, ang sinabi sa kanya ay pinarusahan ito dahil sa ginawa nito kay Zephyr. Ang huling balita niya ay nakakulong ito sa kulungan na para sa mga katulad nito. And now knowing that her parents are back, she has a complicated feelings. Masaya siya na makukuha na ng lolo niya na si Don Constantine na makasama ang anak nito pero nag-aalala rin siya na baka i-take advantage iyon ng RLS at saktan sila. Pero naisip ni Serena na hindi naman ipipilit ni Don Constantine ang plano nito na pabalikin ang anak dito sa Pilipinas kung wala itong pamamaraan para protektahan sila, hindi ba? Kaya sa isipin na iyon naging panatag si Serena. “You mean your parents are back?” Tumango siya kay Kevin. Si
WHEN HELIOS learned that RLS is rebuilding the organization and might come after them, no, it's not ’might’ those people will really come at them because they're the catalyst why the organization was brought down, Helios trained hard at the HQ. Bilang dating tagapagmana ng RLS, alam halos ni Helios ang pasikot-sikot tungkol sa RLS. Hindi man ito sobrang galing sa combat sports, magaling si Helios sa mga tactics. Kaya nga napuruhan nila ang RLS at nasira, bukod sa malaki ang tiwala ng ama ni Helios sa anak. Ang ama ni Helios ang current leader ng RLS at hindi nito nilihim ang mga transaksyon nito dahil sa isip ng ama ni Helios, ang anak naman ang magmamana sa mga iiwan nito. Hindi nito alam na ayaw ni Helios ang pamamahala at imbes matagal na nitong plinano na sirain ang RLS.Kaya ngayong alam ni Helios ang RLS ay maaaring sirain na naman ang katahimikan na nakuha na nila, nakipag-ugnayan ito sa mga tao ng FBI at CIA para masabi pa ang mga nalalaman nito na pwedeng makatulong para sir