Ano kayang deal nila? See you sa next chapter!
Hindi ako umalis ng mansyon dahil baka kung ano ang gawin or sabihin ni Dad kay Angel kapag wala ako. Hindi ko hahayaang maiwan mag-isa ang babaeng mahal ko kasama ang matandang iyon. Mahal ko naman ang tatay ko, ngunit sadyang nananalaytay sa kanya ang pagiging loyal sa organisasyon niya kaya nakakalimot ng anak niya ako.Nanatili ako sa aking opisina at umakyat lang sa aming silid ng bandang hapon dahil alam kong aalis si Angel. “Hi,” bati ko pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng aming silid at makita ko siyang nagsusuklay sa harap ng tokador.“Hi,” ang nakangiti niyang bati rin sa akin ng pumaling siya ng tingin. “Saan ka galing?”“Sa baba lang, wala naman akong schedule for today eh.” Naglakad ako palapit sa kanya at kinuha ang suklay na hawak niya tsaka ko siya sinuklayan. “Ang ganda ng buhok mo, baby. Makapal, bagsak at tsaka shiny.”Natawa siya sa sinabi ko sabay hampas sa akin. “Hindi mo dapat napapansin ang mga ganyang bagay dahil lalaki ka!”“Bakit naman? Anong tingin mo sa a
AngelNatatakot ako para sa amin ni Salvatore. Ama niya iyon at base sa mga napapanood ko ay nangyayari talaga ang ganun sa mga mayayaman. Aaminin ko, sa paghatid niya sa akin ay mas lalo akong kinabahan dahil alam kong gumagawa siya ng paraan para mas masecure ang feelings ko.Habang nagtatrabaho ay hindi ko maiwasan ang mag-alala at mukhang kita iyon sa itsura ko. “Anong nangyari? Hinatid ka naman ng love of your life mo.”“Ewan ko ba Cecil, para kasing kinakabahan ako,” tugon kong may halong pag-aalala.“Anong nangyari?” tanong niya ulit. Wala naman pang masyadong customer kaya naikwento ko sa kanya ang sinabi ng ama ni Salvatore.“Mahirap nga ang ganyan, pero kung sinabi ng jowa mo na magtiwala ka sa kanya eh di iyon na lang ang gawin mo. Kahit na ano pang mangyari ay huwag mong pansinin ang kung sino mang babae na yon na dadarating.”“Madali naman din kasing sabihin yan. In-assure ko pa si Salvatore na salita lang niya ang papakinggan ko. Ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang kabah
Angel“Amore mio!” ang bulalas naman ng babae na hindi kababakasan ng takot. Bakit ganun? Bakit parang hindi siya apektado ng galit ni Salvatore? Tiningala ko ang aking boyfriend at kitang kita ko ang paninigas ng kanyang panga pati na ang pagkunot ng kanyang noo. Walang kangiti ngiti ang kanyang mga labi at as in, expressionless ang kanyang mukha.Naging sobrang higpit na rin ng pagkakahawak niya sa kamay ko at medyo masakit na rin iyon. Lumingon akong muli sa babae at napansin ko ang pagngisi niya.“Amore mio, come on. Daddy Emilio said I could sleep here with you. We had his blessing so you don’t have to worry.” Tumayo ang babae mula sa pagkakahiga sa kama na hindi alintana ang kahubdan habang sinasabi iyon.Tumigil siya sa tapat ni Salvatore at saglit lang akong tinignan na tila isa lang akong alikabok bago muling ibinaling ang tingin sa aking boyfriend na ngayon ay binitawan na ako.“Salvatore!” sigaw ko ng bigla niyang sakalin ang babae, naitakip ko ang aking mga kamay sa aking b
AngelLumipas pa ang mga araw at nanatili ang tatay ni Salvatore sa mansyon pati na rin si Caterina na parehong nanlilisik ang mga mata kung makatingin sa akin. Lagi akong may paggalang sa mga nakakatanda, lalo na kung ama pa ng lalaking mahal ko. Pero kung sakali at lalagpas na siya sa hangganan ng pagiging makatao ay hindi rin naman ako papayag na gawin lang niya ang gusto niya sa akin lalo na kung masasaktan na ako physically.Kakababa ko lang sa dining area para mag lunch dahil kakatapos lang din ng klase ko. Pagdating ko ay wala pa si Salvatore pero nakaupo na si Caterina sa pwesto ko habang nasa pwesto naman ni Mauro ang ama ni Salvatore na napag-alaman kong Emilio ang pangalan. Tumango ako sa matanda bilang paggalang na ginantihan lang niya ng isang masamang tingin. Ayaw ko ring makipagtalo kaya naman sa ibang upuan na lang ako naupo.“There really are some people who are thick skinned,” sabi ni Caterina na hindi ko na lang pinansin. Kumpara sa aming dalawa, maas makapal siya.“
Dumating ang araw ng alis ni Salvatore at syempre ay nalungkot ako. Araw ng Sabado at wala akong klase, okay sana kung isama niya ako ngunit kagaya ng sinabi ni Mauro ay puro lalaki raw ang mga kasama niya doon.Kasalukuyan akong nasa balcony at nagre-review ng aming lesson para sa exam namin ng makarinig ako ng pagputok ng baril. Mabilis akong napatayo at sumilip sa labas sa baba ngunit wala naman akong nakita. Sobrang takot ang nararamdaman ko lalo na ng makarinig pa ako ng sunud sunod na pagputok pa kaya mabilis akong napatakbo papasok sa kwarto para lumabas ng silid.Papunta na ako sa hagdanan ng biglang may humila sa akin. “Dito tayo,” sabi ni Mauro habang hila hila ako papunta sa dulo ng pasilyo ng second floor.“Anong nangyayari? Anong putukan iyon?” tanong kong habang binubuksan ni Mauro ang pintuan ng isang silid.Pagpasok namin ay nilapitan niya ang isang floor to ceiling na built-in cabinet. Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang isang bahagi non na parang pintuan. “Paso
Angel“Excuse me,” sabi ko sabay lakad. Balak ko na siyang lagpasan at tumagilid na ako dahil nakaharang siya.“You’re not bothered by my presence, are you used to seeing men?” Hinawakan niya ako sa braso kaya naman mabilis akong pumiksi at iwinaksi ang kanyang kamay ngunit hinigpitan pa niya ang paghawak sa akin.“Let me go,” sabi ko habang nakatingala ako at nagpupumilit pa ring makakawala sa pagkakahawak niya. Ngunit ngumisi lang ito ng nakakaloko. “I said, let me go! Don’t you know who I am?” galit kong tanong na ikinatawa lang ng lalaki.“Are you not a slut who keep the men here happy?”“I’m not, so let me go.”“I don’t believe you. None of the men here will bring their women in a place like this. I’m sure you have customers here.”“I said, let me go!” Sumigaw na ako at mas lalo pang nagpumiglas ng mas lalo pang humigpit ang hawak niya. Ngunit naging mas mukhang demonyo pa ito at nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at ihiga sa lamesa tsaka sinampal.“Ahh!!” sigaw ko h
Inalo na ako ng husto ni Salvatore hanggang sa tuluyan na akong makatulog matapos niyang palitan ang pang-itaas ko. Nakapajama set ako dahil wala naman siya kaya hindi ko kailangang magpa-sexy ng suot. Mabuti na nga lang at ganun ang isinuot ko, paano kung karaniwan ko ng pantulog pa iyon? Baka tuluyan na akong naangkin ng hayop na lalaking iyon.Paggising ko ay si Salvatore agad ang hinanap ko. Tumingin ako sa aking tabi ngunit nadismaya ako ng makitang wala na siya. Bumangon ako at tsaka inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng aming silid ngunit wala siya. Tumingin ako sa orasan sa bedside table at nanlaki ang aking mga mata ng makita kong alas nueve y medya na pala! Hindi na naman ako nakapasok sa akin online class.Papunta na sana ako sa bathroom ng bumukas ang pintuan ng aming silid at pumasok si Salvatore. Lumapit siya sa akin at tsaka ako kinintalan ng halik sa aking mga labi na akin din namang tinugon. “Saan ka galing?” tanong ko.“Sa baba, may inayos lang.” Tumango ako sa ka
Salvatore“Doon pa rin tayo pupunta?” tanong ni Mauro ng makasakay na kami sa sasakyan na tinanguan ko naman. “Nandoon na rin ang Dad mo.” Hindi na ako umimik at nanatiling seryoso ang mukha.Natagalan ako sa Manila dahil sa ilang mga bagay na inasikaso ko. Nagpatulong na rin ako kila Sandejas at sa dalawa pa naming mga kaibigan. Naisip kong kailangan kong paramihin ang mga legal kong negosyo para kay Angel habang unti unting ko ng titigilan ang mga ilegal kong gawain katulad ng pagbebenta ng mga armas. Alam kong mahihirapan ako, pero kung sa ikasisiguro ng kaligtasan ng babaeng mahal ko ay handa akong gawin ang kahit na ano.Kailanman ay hindi ako sinabihan ni Angel tungkol sa mga gawain ko or pinatigil man lang. Ni hindi siya nagtanong, siguro ay dahil ayaw niya ngang pangunahan ako. Pero mahal ko na nga siya at handa akong magsimula ng bagong buhay para sa kanya at para sa aming dalawa pati na rin sa pamilyang gusto kong buuin kasama siya.Buo ang tiwala ko kay Mauro na mababantayan