Ano kaya ang magiging papel ni PO3 David Calderon sa buhay nila Angel at Salvatore?
AngelMabilis akong lumapit sa customer namin sa hindi kalayuan kay David na napansin kong umalis na rin. “Ako na po,” ang sabi ko kasabay ang pagdampot ng tinidor na nasa lapag. Pag angat ko ng tingin ay galit na mukha ni Salvatore ang nakita ko na masama ang tingin sa akin. “Ikukuha ko lang po kayo ng panibagong tinidor.” Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya at iniwan ko na siya.Hindi ko rin naman malaman ang gagawin ko ng kailangan ko ng bumalik sa kanya. Nag-aalalangan ako pero may palagay akong lalo siyang magagalit kung hindi ako babalik. Kaya naman kahit na labag sa aking kalooban ay binalikan ko pa rin siya. “Ito po, Sir.”“Mukhang masayang masaya kang makipag-usap sa customer kanina pero sa akin ay hindi ka makangiti.” Mahina lang ang boses niya pero umabot ang mga salita niya sa tenga ko.“Hindi naman po, Sir.” Sinamahan ko na rin ng ngiti dahil baka mamaya ay sabihin na naman niya na hindi ko siya nginingitian. “May kailangan pa po kayo, Sir?” tanong ko at umiling nama
AngelAng sasakyan na huminto sa tabi ko ay kay Salvatore, simula rin ng gabing iyon ay palagi na akong sinusundo sa ganoong paraan. Yung tipong hinihintay niya na medyo malayo muna ako sa restaurant bago siya magpakita na para bang sinisiguro niya na walang makakakita sa amin.Okay lang naman sa akin iyon dahil ayaw ko ring panay panayin ni Cecil ang panunukso sa akin na simula ng mahuli niya kami ni Salvatore sa restroom ng restaurant ay hindi na ako tinigilan sa kakatanong hangga’t may nakikita siyang pagkakataon.Sa kabila ng mga pangyayari at muntikan ko ng pagkabura sa mundo ay naging masaya pa rin. Iba na kasi ang pakikitungo ni Salvatore sa akin. Naging sweet na siya at mahinahon, maliban lang sa kama. Lagi siyang akala mo ay sabik na sabik sa akin sa tuwing inaangkin niya ako na gabi gabi namang nangyayari. Kung minsan ay mayroon din sa umaga kapag medyo tanghali siya nakakaalis ng bahay na hindi ko naman alam kung saan siya nagpupunta.Patuloy akong nagtrabaho sa restaurant h
SalvatoreGustong gusto ko na makabalik ng Pampanga ngunit hindi ko naman din pwedeng madaliin ang lahat ng gawain ko dito. Isang linggo lang ang paalam ko kay Angel ngunit pang walong araw ko na rito sa Maynila ay hindi ko pa rin masiguro ang pag-uwi ko. Ayaw ko na kasing balikan pa ang kung ano mang pwede kong maiwan dito na importanteng bagay.“I’m sorry, Sir.” Hinihingal pa ang business manager ko. Nararamdaman kong natatakot siya sa akin ngunit pinipigilan niya lang. Ng lumuwas ako dito ay yun din ang unang beses na nagkita kami. Tinanggap ko siya sa trabaho niya online at may nilaan lang akong abogado na malapit sa akin na sumusubaybay sa kanya at maaari niyang kontakin kung kailangan niya ako.“Naayos ko na po ang lahat at pirma niyo na lang po ang kailangan.” Tapos ay inilapag niya ang folder na naglalaman ng mga kontrata. Kinuha ko iyon at binuklat bago iniabot kay Larry, ang abogadong kaibigan ko.“Okay na lahat ito,” pagkumpirma niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas
SalvatoreDumiretso ako sa dining table para kumain ng almusal at hinintay ko naman na sumunod sa akin ang babae. Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Nakita kong dumaan si Naty kaya naman, “Please call Angel. Sabihin mo na kakain na kami.”“Sir, kanina ko pa po siya niyaya, kape lang daw ang gusto niya at binigay na rin po iyon sa kanya sa poolside.”Naramdaman ko ang pagkibot ng gilid ng aking bibig at pagsalubong ng aking mga kilay, “Ahm, tuloy ko na po ang ginagawa ko.” Paalam ni Naty sabay alis. Alam na niya na hindi na maganda ang mood ko.Sumandal ako sa upuan at pumikit habang tila nagpipiyano ang aking mga daliri sa ibabaw ng lamesa. Ganito ako kapag sinisikap kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong gawin ito bago ko harapin si Angel dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang magawa ko.Nitong mga huling linggo, matapos akong kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan niya kasabay ang pulis na yon at hintayin siyang maauwi ay naging napakaganda ng
AngelHindi siya kumibo habang sige ang paghampas ko sa kanyang dibdib na mukhang hindi naman niya iniinda. Siguro ay dahil ayaw ko rin siyang masaktan physically. Ako na lang din ang sumuko at tumigil sa ginagawa ko. Nakakandong pa rin ako paharap sa kanya habang parang bata pa rin akong umiiyak hanggang sa unti unti akong tumigil at mauwi na lang ang lahat sa hikbi.Naramdaman ko ang pagkabig niya sa akin kaya isiniksik ko ang aking mukha sa sugpungan ng kanyang leeg at balikat. Mahigpit niya akong niyakap habang hinahagod ang aking likod kasabay ang manaka nakang banayad na halik sa aking sentido. Kaya naman tuluyan na ring tumigil kahit nag paghikbi ko at naging kalmado na ako.“Are you feeling better now, baby?” narinig kong tanong niya pero hindi ako kumibo. Hindi na rin siya nagsalita pa muna at naghintay pa ng ilang sandali.“Si Victoria ang kauna unahang babae sa buhay ko at ganun din naman ako sa kanya. Mga bata pa kami ng magkakilala kaya wala na akong magagawa doon kahit na
Mature ContentAngelGumapang na ang mga kamay ko kakahaplos sa kanyang dibdib hanggang sa laylayan ng suot niyang t-shirt at itinaas iyon. Ang kamay niyang humahagod sa magkabila kong hita ay itinaas niya kaya naman madali ko ng nahubad ang kanyang pang itaas. Napaka ganda ng kanyang katawan kahit na nga ayaw ko sa lalaking may tattoo dahil nadudumihan akong tingnan. Lalo na ang kay Salvatore na buong katawan ay meron non. Pero wala eh, baliw na yata ako sa lalaking ito.Pinaglandas ko ang aking hintuturo sa kanyang dibdib at hinayaan kong maglaro lang iyon doon. Ganun din naman si Salvatore na nakatingin lang sa akin at sinalubong ang aking mga mata kaya naman kitang kita ko ang pagnanasang kahit ako ay nararamdaman para sa kanya.Sumubsob ako sa kanyang leeg at hinalikan at dinilaan ko iyon, sinipsip at sinigurong may maiiwan akong marka. Bahala siya kung paano niyang itatago iyon kung nahihiya siyang makitaan na may ganon.Nang tumagal ay sinabunutan niya ako at itiningala bago ako
David“Sir, ano yon? Ganon na lang yon?” tanong ko sa aking hepe matapos niyang sabihin na kalimutan na ang kaso ni Manzano.“Kailan ka pa naman nagkaroon ng amor sa kriminal na yon, Calderon? Hindi ba at kating kati kang mahuli ang tarantadong yon? Tapos ngayong burado na siya sa mga isipin mo eh hindi mo pa rin ako tinatantanan!” sigaw niya sa akin.“Sir, hindi sa may amor ako don sa tarantadong yon, higit kanino man ay ako ang may gustong mahuli yon. Mahuli sir at hindi mamatay. Ang gusto ko pagbayarin siya sa mga kasalanan niya.”“Diyos na nga ang gumawa ng paraan para mawala na siya sa mundong ito at maparusahan siya eh pumuputak ka pa rin.”“Paano ko malulutas ang kaso ng dating mayor natin eh siya ang natitira kong lead sa kaso? Tsaka hindi man lang ba kayo nagtataka kung bakit ginawa sa kanya ang ganon kung kailan masasagot na ang mga tanong natin?”Kumamot ng kanyang ulo ang aking hepe bago nagmura at tsaka ako hinarap ulit, “Hoy, Calderon, ako nagtitimpi lang sayo ha. Ano ang
Angel“Kamusta ang trabaho?” tanong ni Salvatore pagkasakay ko ng kotse niya na nakaabang na sa sakayan ko pauwi. Kakatapos lang ng shift ko at dahil nakabalik na siya galing sa Manila ay siya na mismo ang nagsundo sa akin.“Okay naman,” sagot kong nakangiti bago ko siya hinalikan sa kanyang mga labi. Mabilis lang at mukhang ayaw niya ng ganon dahil kinabig niya ako ulit tsaka madiin na hinalikan.“Hindi ako sanggol para bigyan mo ng ganong klase ng halik, naiintindihan mo?” sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng aking labi na siguradong naiwanan pa ng laway niya or laway ko habang nakangiti akong tumango dahil nagustuhan ko yon. Kaya lang smack ang binigay ko ay dahil naisip kong baka hindi niya feel dahil nga nasa sasakyan kami.“Hindi mo ba ako tatanungin ng tungkol sa matandang spoiled?”“Why would I ask about her? At tsaka matandang spoiled talaga?” tanong naman niya na nagpasalubong ng aking mga kilay.“Ayaw mong tawagin ko siyang matandang spoiled?”“Nagtatanong lang ako, b