May kinalaman nga ba si Salvatore? Ano kaya ang mararamdaman ni Angel kung sakaling totoo nga? Ano ang rason ni David sa pagkausap kay Angel? Abangan po nag susunod na kabanata. Bekenemen may extra po kayong gems. Maraming salamat!
SalvatoreTahimik lang si Angel ng sumakay sa sasakyan habang ako naman ay ganun din. Paanong hindi kung nakita ko siyang kumakain kasama ang pulis na iyon? Masaya silang nagkukwentuhan at nakita ko kung gaano siya kapalagay habang kausap ang lalaking iyon kaya hindi ko maiwasan ang magselos. I had never date her yet tapos naunahan pa ako ng lalaking iyon?Huminga ako ng malalim ng makarating kami ng mansyon. Wala pa rin siyang imik hanggang sa napagbuksan ko na siya ng sasakyan at hinintay na makababa. “Hey, is something wrong?” tanong ko kasabay ang pagsilip ko sa kanya.“Ha?” maang na tanong naman niya din sabay tingin sa paligid at doon lang niya tila napansin na nakauwi na kami. Tsaka pa lang siya kumilos para bumaba ng sasakyan at nagpauna nang lumakad papasok ng mansyon habang ako naman ay sinusundan lang siya ng tingin.Dire diretso hanggang sa aming silid at ako’y nakasunod pa rin sa kanya. Pero ng papunta na siya sa walk-in closet ay pinigilan ko na siya. “Baby, what’s wrong?
AngelHindi naging malinaw sa akin kung si Salvatore nga ba ang dahilan ng pagkamatay ng lalaking nang hostage sa akin, hindi naman din niya kasi sinagot ng diretso ang tanong ko. Pero kahit na ganun ay umaasa pa rin ako na kung sakali ay hindi na niya gagawin ang ganung klaseng paghihiganti lalo na kung para lang sa akin.Pagkatapos ng gabi ding iyon ay napansin ko na nag-iba si Salvatore. Parang ang dali na niya kausap at mas madalas na napaka-sweet niya sa akin. Hindi lang sa kama ha, as in sa lahat. Sa pagkain namin, sa bawat pagkilos ko ay lagi siyang nakaalalay. Kahit sa pag-aaral ko ay sinsikap niya akong tulungan, ako na lang ang umaayaw dahil kaya ko naman. Hindi rin sa pagmamayabang pero may utak naman ako talaga lang hindi ako pinag-aral ng tiyahin ko.Hindi rin pumayag si Salvatore na tumigil ako sa pagtatrabaho at nangako siya na sisikapin niyang maging sobrang seloso. Sa parteng yun ay okay lang naman sa akin kung magselos siya, para kasing ang sarap niyang asarin at napa
Angel“Next time kapag off mo naman tayo kakain sa labas.” Napatingin ako kay Salvatore. Sigurado ba siya? “Bakit ganyan ka makatingin? Ayaw mo ba?”“Ha? Hindi ah, gusto ko. Gustong gusto,” mabilis kong tugon. Ayaw kong magpakipot pa dahil iyon naman ang totoo. Gusto ko na may mga taong makakita sa amin na magkasama, yung maiisip nila na may relasyon kami para naman wala na ring ibang babae pa ang sumubok na lumapit sa kanya kapag hindi kami magkasama.“Or gusto mo kapag nag-leave ka na lang and then we go out of town? Saan mo gustong pumunta?” Lalo akong hindi nakasagot. Talaga bang niyayaya niya ako?“Kahit saan mo gusto. Hindi pa naman ako nakapunta sa kahit na saan kaya lahat ay bago sa akin at siguradong mag-e-enjoy ako.” Gusto ko pa sanang idagdag na kahit saan basta siya ang kasama ko ay walang problema kahit pa nga sa tabi tabi lang ay ayos na.Nagpatuloy kami sa pagkain at talagang pakiramdam ko ay lumulutang ako sa hangin. “After nito ay didiretso na tayo ng uwi.”Napatingin
Salvatore“Shut the fuck up!” sigaw ko kay Victoria. Ayaw kong marinig ang kung ano mang sasabihin niya na may kinalaman sa agwat ng edad namin Angel. Alam ko yon at malinaw kong nauunawaan yon. At kahit na natatakot ako sa posibilidad na pwede ngang mangyari ang sinabi niya ay lagi kong pinapakalma ang sarili ko.“Bakit? Ayaw mong tanggapin ang katotohanan na maaaring makakita siya ng iba? Yung mas bata, mayaman? Hindi imposibleng mangyari iyon, Salvatore. At sa hilatsa ng mukha ng babaeng iyan ay sigurado akong mangyayari iyon.”“Tumigil ka na, Victoria.” Babala ko ulit sa kanya pero ayaw niyang makinig at nagpatuloy pa ito.“Sa kabila ng uniform niya, kitang kita ko ang ganda ng katawan niya na alam kong kinababaliwan mo. Marami ang magkakagusto sa kanya, lalo na kung mawawala ka na sa paningin niya. At sigurado ako na tatalon at tatalon siya sa sinumang lalaking magbibigay sa kanya ng espesyal na atensyon. Sabihin na lang natin si— PO3 Calderon.”Nanginig ang katawan ko at naikuyom
Mature ContentVictoria“Hindi ako papayag! Hinding hindi ako makakapayag na may ibang babae ng paglaanan ng panahon ang lalaking mahal ko!” sigaw ko pagpasok ko sa aking silid sa mansyon ng aking ama kasabay ang pagbato ng aking bag at paglandas ng luha sa aking pisngi.Kitang kita ko kung paano tingnan ni Salvatore ang waitres na yon. Punong puno ng pagmamahal. Mga tinging dati ay para sa akin lang at na-mi-miss ko na iyon. Na-mi-miss ko ng may taong maglaan sa akin ng pagmamahal. Ng tunay na pagmamahal. Napasalampak ako sa sahig habang patuloy ako sa pag-iyak.Sising sisi ako dahil mas pinili kong sundin ang ama ko kaysa sa lalaking mahal ko. Sising sisi ako dahil mas pinili ko ang marangyang buhay na kayang ibigay ng aking ama at pamilya ni Narciso kaysa ang mahirap at simpleng pamumuhay kasama si Salvatore.Kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay hinding hindi ko pipiliin ang buhay ko ngayon. Buhay na pariwara at walang direksyon. May asawa ngunit walang pamilya. Naging sunud sunu
AngelMasayang masaya ako sa relasyon namin ngayon ni Salvatore. Pakiramdam ko ay sobrang close na kami at super extra sweet na rin siya sa akin. Alagang alaga niya ako at hindi niya talaga ako pinapabayaan. Sa kabila ng nangyari sa restaurant ay naging masaya pa rin naman ako, kaming dalawa actually. Nakatulong din sa paggaan ng sitwasyon yung pagdala niya sa akin sa park.Gulat na gulat ako ng gabing iyon dahil halatang pinaghandaan niya iyon. Mula sa sapin hanggang sa pagkain kahit na pawang mga snacks lang naman iyon. Yung biglaang dinner date namin na yon ay isa ng malaking surpresa para sa akin, paano pa kaya yung pagpunta namin sa park?Naiyak ako sa pinanood namin na mukhang luma na pero tumagos pa rin sa aking puso. Hindi ko rin akalain na ganong klase pala ng pelikula ang gusto ng isang marahas at napaka astig na si Salvatore.Araw ng Sabado at wala akong pasok sa online class ko, nasa poolside kami ni Salvatore at nag-a-almusal ng dumating si Mauro. “Kain na,” yaya ko sa kan
AngelParang nalaglag ang puso ko ng marinig ko ang putok na yon kasabay ang pagpikit ko ay pagyapos kay Salvatore. Magtititili na sana ako kung hindi lang biglang bumukas ang mga ilaw at makarinig ako ng awitin.“Happy birthday to you!”“Happy birthday to you!”“Happy birthday, happy birthday, Happy birthday to you!”Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa mga taong nasa harapan ko. Ang nasa isip ko habang papunta kami rito ay makita lang ang kapatid ko, pero hindi ko inasahan na nandito rin si Nadia na ngiting ngiti sa akin.“Happy birthday!!!” sabay sabay nilang sigaw na nagpapitlag sa akin at nagpabalik sa katawang lupa ko sa kasalukuyan. Mabilis na lumipad ang aking paningin sa katabi kong si Salvatore na nakatingin din sa akin habang nakangiti na unti unti ring naglaho at napalitan ng pangungunot ng kanyang noo.“You really had no idea what day it was today?” takang tanong niya. Doon ko lang na-realize na birthday ko pala ngayon.Natampal ko ang aking noo bago tumingin sa akin
SalvatoreKakaiba din naman si Angel, sa dinami rami ng pwedeng makalimutan ay ang birthday niya pa. Isa lang ang ibig sabihin non, talagang selfless siya. Hindi niya naiisip ang sarili at tanging ang mga taong mahalaga lamang sa buhay niya ang importante.Nakahinga ako ng maluwag ng mapapayag ni Mauro si Nadia na pumunta. Buti na lang daw ay naisipan niiyang i-video call si Angelo kaya naman ayun, sumama ng kusa ang dalaga sa kanya.Alam kong nagulat si Nadia sa sinabi ni Angelo tungkol sa aming dalawa ni Angel. Hindi ko maiwasan ang mag-isip tuloy ngayon. “Bwisit na Mauro!” ang inis na sigaw ko, sakto sa pagpasok ng aking kaibigan. Nasa aking office ako ngayon habang hinihintay na matapos ang online class ni Angel.“Bakit? Anong ginawa ko?” takang tanong niya kaya naman tinitigan ko siya ng masama.“Nagtatanong ka pa, ano ngayon ang gagawin ko? Bakit kasi sinabihan mo si Angel na marriage application yung finill-out-an niya?”“Eh wala akong maisip eh, tsaka di ba nasabi ko na nga kay