Dahil sa sinapit niya, ano kaya ang susunod na gagawin ni Victoria kay Angel na siyang sinisisi niya sa nangyari sa kanya. Abangann po ang susunod na kabanata. Salamat po.
AngelMasayang masaya ako sa relasyon namin ngayon ni Salvatore. Pakiramdam ko ay sobrang close na kami at super extra sweet na rin siya sa akin. Alagang alaga niya ako at hindi niya talaga ako pinapabayaan. Sa kabila ng nangyari sa restaurant ay naging masaya pa rin naman ako, kaming dalawa actually. Nakatulong din sa paggaan ng sitwasyon yung pagdala niya sa akin sa park.Gulat na gulat ako ng gabing iyon dahil halatang pinaghandaan niya iyon. Mula sa sapin hanggang sa pagkain kahit na pawang mga snacks lang naman iyon. Yung biglaang dinner date namin na yon ay isa ng malaking surpresa para sa akin, paano pa kaya yung pagpunta namin sa park?Naiyak ako sa pinanood namin na mukhang luma na pero tumagos pa rin sa aking puso. Hindi ko rin akalain na ganong klase pala ng pelikula ang gusto ng isang marahas at napaka astig na si Salvatore.Araw ng Sabado at wala akong pasok sa online class ko, nasa poolside kami ni Salvatore at nag-a-almusal ng dumating si Mauro. “Kain na,” yaya ko sa kan
AngelParang nalaglag ang puso ko ng marinig ko ang putok na yon kasabay ang pagpikit ko ay pagyapos kay Salvatore. Magtititili na sana ako kung hindi lang biglang bumukas ang mga ilaw at makarinig ako ng awitin.“Happy birthday to you!”“Happy birthday to you!”“Happy birthday, happy birthday, Happy birthday to you!”Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa mga taong nasa harapan ko. Ang nasa isip ko habang papunta kami rito ay makita lang ang kapatid ko, pero hindi ko inasahan na nandito rin si Nadia na ngiting ngiti sa akin.“Happy birthday!!!” sabay sabay nilang sigaw na nagpapitlag sa akin at nagpabalik sa katawang lupa ko sa kasalukuyan. Mabilis na lumipad ang aking paningin sa katabi kong si Salvatore na nakatingin din sa akin habang nakangiti na unti unti ring naglaho at napalitan ng pangungunot ng kanyang noo.“You really had no idea what day it was today?” takang tanong niya. Doon ko lang na-realize na birthday ko pala ngayon.Natampal ko ang aking noo bago tumingin sa akin
SalvatoreKakaiba din naman si Angel, sa dinami rami ng pwedeng makalimutan ay ang birthday niya pa. Isa lang ang ibig sabihin non, talagang selfless siya. Hindi niya naiisip ang sarili at tanging ang mga taong mahalaga lamang sa buhay niya ang importante.Nakahinga ako ng maluwag ng mapapayag ni Mauro si Nadia na pumunta. Buti na lang daw ay naisipan niiyang i-video call si Angelo kaya naman ayun, sumama ng kusa ang dalaga sa kanya.Alam kong nagulat si Nadia sa sinabi ni Angelo tungkol sa aming dalawa ni Angel. Hindi ko maiwasan ang mag-isip tuloy ngayon. “Bwisit na Mauro!” ang inis na sigaw ko, sakto sa pagpasok ng aking kaibigan. Nasa aking office ako ngayon habang hinihintay na matapos ang online class ni Angel.“Bakit? Anong ginawa ko?” takang tanong niya kaya naman tinitigan ko siya ng masama.“Nagtatanong ka pa, ano ngayon ang gagawin ko? Bakit kasi sinabihan mo si Angel na marriage application yung finill-out-an niya?”“Eh wala akong maisip eh, tsaka di ba nasabi ko na nga kay
MauroShit, hindi ko akalain na napakatalas na pala ng pakiramdam ni Salvatore ngayon. Iba yata talaga ang nagagawa ni Angel sa kanya. Mabilis ko siyang iniwan sa kanyang opisina dahil na rin ayaw kong sagutin ang kahit na anong tanong na gusto niyang ibato sa akin kung related rin naman iyon kay Nadia.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin ng mga oras na yon at bigla ko na lang n*******n yung bata. Shit! Bata talaga. Ang bata naman niya kasi talaga. Kasing edad lang sila ni Angel at nahihiya ako sa sarili ko na nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya.Ayaw ko sanang magaya kay Salvatore na alam kong nahihirapan. Oo, naiintindihan ko ang ikinakatakot niya at alam ko rin na may basehan iyon. Alam ko na gusto niyang ipagsigawan sa mundo ang kung ano man meron sa kanilang dalawa kagaya noong inakala niyang legal na ang relasyon nilang dalawa ni Victoria sa ama ng babae.Sobrang saya niya noon, at talagang sinikap niya na makatapos ng pag-aaral para may maipagmalaki siya kay Victoria. N
MauroPagpunta ko sa living room ay nadatnan kong nakapikit si Nadia, napakamot ako ng ulo sa pag-iisip kung gigisingin ko ba siya o hindi. Tinitigan ko muna siyang mabuti, at hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa ganda niya. Puta, totoo yata yung pila balde ah!Pinagsawa ko pa ang aking mga mata sa kagandahang nasa harapan ko na mabilis ko ring pinagsisihan dahil bigla itong nagdilat ng mga mata at huling huli niya ako.“Anong tinitingin tingin mo dyan?” tanong niya sabay ayos ng upo.“Eh ano pa, di yung laway mong tumutulo!” Dahil alam kong sasagot siya ay agad ko siyang tinalikuran para hindi niya makita ang ngiting sumulay sa aking mga labi. Hindi ko maiwasan eh, ang ganda niya talaga.“Anong tulo laway pinagsasasabi mo, wala naman!” sigaw niya habang nararamdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Sa likuran na kami dumaan dahil mas mabilis doon ang daan papunta kay Angelo.“Ang laki naman ng lugar mo,” sabi niya ng makalabas kami ng bahay ko at magsimula ng maglakad. Nang lingunin ko
Mature contentAngelHindi mapawi pawi ang ngiti sa aking mga labi dahil sa naging birthday celebration ko. Unang beses iyon na nag celebrate ako matapos mamatay ng mga magulang ko. Kinalimutan ko na nga ang araw na ito dahil nga para lang siyang normal na araw para sa akin noon dahil nga sila Nadia at Angelo lang din naman ang nakakaalala non. Binabati man nila akong dalawa ay nakasanayan ko pa rin na ituring lang na normal na araw ito.Pero iba na ngayon. Simpleng kainan at kami kami lang pero napaka espesyal para sa akin. Iyon ay dahil sa effort na ginawa nila, lalo na ni Salvatore. Lalo tuloy nahulog ang loob ko sa kanya. Kapag magkasama kami ay gusto kong lagi kaming magkatabi lalo na kung nasa bahay siya.Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Salvatore at masasabi ko na sobrang palagay na ako sa kanya. Noong una lang ako natakot dahil talagang nakakatakot naman talaga siya lalo na sa paraan ng unang pagkikita namin. Pero ngayon ay sobrang palagay na ang kalooban ko at nasanay na
AngelLangit, nasa langit ako! Geezzz.. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong uri ng kaligayahan. Malinaw na sa akin ang lahat at sobrang saya ko. Mahal ako ni Salvatore at mahal ko rin siya. Alam ko na rin na hindi na sila ni Victoria, matagal na. Kaya naman kahit na ano pang gawin ng matandang spoiled na yon ay wala ng epekto sa akin. Ipaglalaban ko ang relasyon namin kahit na anong mangyari at pang 17 days na namin.Mukhang bibilangin ko talaga ang bawat araw ng pagiging magkatipan namin dahil sa sobrang excitement ko. Syempre, first boyfriend ko siya at second girlfriend naman niya ako. Okay ng si Victoria ang first dahil sisiguraduhin kong ako na rin ang last niya at nag-iisang babaeng pinagpapasasaan niya.Sabado at dahil wala akong online class ay heto at magkasama kami ni Nadia. Kagaya noong una ay hinatid lang din ako ng isa sa mga tauhan ni Salvatore. “Masayang masaya ka girl?” puna ni Nadia na ngiting ngiti rin sa akin.“Masama ba?” tanong ko naman at alam ko, para
AngelKasalukuyan pa rin kaming kumakain ng makatanggap ako ng message mula kay Salvatore.Salvatore: Where are you?Angel: Fast food sa mall, kumakain.Salvatore: Sino kasama niyo?Lumingon lingon ako sa paligid. Napaisip ako kung may nakasunod ba sa amin dahgil alam naman niyang kami ni nadia ang magkasama pero parang sigurado siya na may kasama pa kaming iba at may palagay akong alam din niya na si David iyon.“May problema ba, Angel?” tanong ni David na lumingon lingon din.“Wala naman, naisip ko lang na ang dami talagang tao ngayon.”“Oo nga eh,” pagsang-ayon niya bago ako tumingin ulit sa aking cellphone.Salvatore: Why are you not answering?Angel: Sorry, may kinausap lang. Si David nandito kumakain rin. Pero aksidente lang ang pagkikita namin.Kailangan ipaliwanag agad at baka kung ano pa ang isipin niya eh mahirap na. Sobra pa namang seloso nito.Salvatore: What is he doing there? Anong oras kayo uuwi?Angel: Nagyayaya pa si Nadia eh. Pinapauwi mo na ba ako?Matagal bago siya