Isingit ko lang po ang POV ni Mauro ha... See you sa next chapter!
MauroPagpunta ko sa living room ay nadatnan kong nakapikit si Nadia, napakamot ako ng ulo sa pag-iisip kung gigisingin ko ba siya o hindi. Tinitigan ko muna siyang mabuti, at hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa ganda niya. Puta, totoo yata yung pila balde ah!Pinagsawa ko pa ang aking mga mata sa kagandahang nasa harapan ko na mabilis ko ring pinagsisihan dahil bigla itong nagdilat ng mga mata at huling huli niya ako.“Anong tinitingin tingin mo dyan?” tanong niya sabay ayos ng upo.“Eh ano pa, di yung laway mong tumutulo!” Dahil alam kong sasagot siya ay agad ko siyang tinalikuran para hindi niya makita ang ngiting sumulay sa aking mga labi. Hindi ko maiwasan eh, ang ganda niya talaga.“Anong tulo laway pinagsasasabi mo, wala naman!” sigaw niya habang nararamdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Sa likuran na kami dumaan dahil mas mabilis doon ang daan papunta kay Angelo.“Ang laki naman ng lugar mo,” sabi niya ng makalabas kami ng bahay ko at magsimula ng maglakad. Nang lingunin ko
Mature contentAngelHindi mapawi pawi ang ngiti sa aking mga labi dahil sa naging birthday celebration ko. Unang beses iyon na nag celebrate ako matapos mamatay ng mga magulang ko. Kinalimutan ko na nga ang araw na ito dahil nga para lang siyang normal na araw para sa akin noon dahil nga sila Nadia at Angelo lang din naman ang nakakaalala non. Binabati man nila akong dalawa ay nakasanayan ko pa rin na ituring lang na normal na araw ito.Pero iba na ngayon. Simpleng kainan at kami kami lang pero napaka espesyal para sa akin. Iyon ay dahil sa effort na ginawa nila, lalo na ni Salvatore. Lalo tuloy nahulog ang loob ko sa kanya. Kapag magkasama kami ay gusto kong lagi kaming magkatabi lalo na kung nasa bahay siya.Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Salvatore at masasabi ko na sobrang palagay na ako sa kanya. Noong una lang ako natakot dahil talagang nakakatakot naman talaga siya lalo na sa paraan ng unang pagkikita namin. Pero ngayon ay sobrang palagay na ang kalooban ko at nasanay na
AngelLangit, nasa langit ako! Geezzz.. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong uri ng kaligayahan. Malinaw na sa akin ang lahat at sobrang saya ko. Mahal ako ni Salvatore at mahal ko rin siya. Alam ko na rin na hindi na sila ni Victoria, matagal na. Kaya naman kahit na ano pang gawin ng matandang spoiled na yon ay wala ng epekto sa akin. Ipaglalaban ko ang relasyon namin kahit na anong mangyari at pang 17 days na namin.Mukhang bibilangin ko talaga ang bawat araw ng pagiging magkatipan namin dahil sa sobrang excitement ko. Syempre, first boyfriend ko siya at second girlfriend naman niya ako. Okay ng si Victoria ang first dahil sisiguraduhin kong ako na rin ang last niya at nag-iisang babaeng pinagpapasasaan niya.Sabado at dahil wala akong online class ay heto at magkasama kami ni Nadia. Kagaya noong una ay hinatid lang din ako ng isa sa mga tauhan ni Salvatore. “Masayang masaya ka girl?” puna ni Nadia na ngiting ngiti rin sa akin.“Masama ba?” tanong ko naman at alam ko, para
AngelKasalukuyan pa rin kaming kumakain ng makatanggap ako ng message mula kay Salvatore.Salvatore: Where are you?Angel: Fast food sa mall, kumakain.Salvatore: Sino kasama niyo?Lumingon lingon ako sa paligid. Napaisip ako kung may nakasunod ba sa amin dahgil alam naman niyang kami ni nadia ang magkasama pero parang sigurado siya na may kasama pa kaming iba at may palagay akong alam din niya na si David iyon.“May problema ba, Angel?” tanong ni David na lumingon lingon din.“Wala naman, naisip ko lang na ang dami talagang tao ngayon.”“Oo nga eh,” pagsang-ayon niya bago ako tumingin ulit sa aking cellphone.Salvatore: Why are you not answering?Angel: Sorry, may kinausap lang. Si David nandito kumakain rin. Pero aksidente lang ang pagkikita namin.Kailangan ipaliwanag agad at baka kung ano pa ang isipin niya eh mahirap na. Sobra pa namang seloso nito.Salvatore: What is he doing there? Anong oras kayo uuwi?Angel: Nagyayaya pa si Nadia eh. Pinapauwi mo na ba ako?Matagal bago siya
Nadia“Ihahatid naman kami ni David eh,” nagmamaktol kong sabi habang naglalakad kami ni Mauro papunta sa sasakyan.“David, David ka dyan, close kayo?” tanong niya na mukhang galit. “Sir David at mag po at opo ka dahil matanda sayo yon.”“Sus, ikaw nga Mauro lang tawag ko eh mas mukhang matanda ka pa kay David.” Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman napatigil din ako at tinignan siya. “Huwag mong sabihing wala kang susi?”“Umuwi kang mag-isa mo.” Iyon lang at malalaki ang ginawa niyang paghakbang papunta sa sasakyan habang naiwan naman akong tulala. Anong nangyari doon?“Umuwing mag-is, eh di umuwing mag-isa, akala niya naman hindi ko kaya!” bubulong bulong kong sabi sa aking sarili pagkatapos kong tumalikod papunta sa sasakyan. Anong akala niya, hindi ko kayang umuwing mag-isa?Ang hirap sa tumatanda, masyadong nagiging moody. Ang hirap pang spelling-in tapos ayaw naman sabihin ng diretso kung ano ang ipinuputok ng butse niya. Bigla akong napahawak sa aking ulo ng makaramdam a
AngelMatapos kong masiguro na si Mauro na nga ang maghahatid kay Nadia ay umuwi na rin kami ni Salvatore na sobrang seloso. Hindi ako pinapansin at kinakausap ngunit ang kamay naman ay nakapulupot sa baywang ko simula ng umalis kami ng bar hangggang ngayong nakapasok na kami sa aming silid.“Ayaw mo ba talaga akong kausapin?” tanong ko.“Bakit hindi ang pulis na yon ang kausapin mo?”“Sus, napaka seloso. Tinignan ko lang naman dahil parang nakakahiya na nag-effort siya na bantayan kami ni Nadia sa bar tapos ay paaalisin lang namin basta.”“Bakit kasi kasama niyo pa siya?”“Inalok siya ni Nadia at nag-oo naman siya. Ayaw ko namang sabihin sa harapan nila na hindi mo magugustuhan ang ganun dahil ayaw kong isipin nila na napaka possessive mo.”“Possessive ako sa lahat ng pag-aari ko, baby.” Hinagod niya ang aking pisngi ng sabihin niya iyon.“Alam ko naman, kaya nga sinabi ko pa rin sayo na kasama namin siya para hindi ka mag-isip ng kakaiba.” Huminga siya ng malalim at ngumiti at tsaka
AngelHindi ako mapakali dahil sa mga salitang iniwan sa akin ni Victoria. Gusto ko pa siyang habulin at kausapin ngunit sa paraan ng pagkakangisi niya ay sigurado akong hindi niya sasabihin or ipapaliwanag man lang kung ano ang ibig niyang sabihin.May lead ba siya sa pagkamatay ng mga magulang ko? Kinailangan pa talaga niyang alamin iyon para lang iwan ko si Salvatore. Oo nga at may mga koneksyon siya at ang pamilya niya, pero hindi ibig sabihin non ay accurate ang mga impormasyong nakukuha niya, right?Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa kakaisip non. Nasa online class ako at noong isang gabi pa kami nag-usap kaya dapat ay iwaglit ko na sa utak ko ang kung ano mang ideyang pilit na nagsusumiksik sa isipan ko. Kailangan kong mag focus sa pag-aaral.Pasalamat talaga ako at napagtagumpayan ko naman na matapos ang klase ko ng hindi ko na inisip pa si Victoria. Kailangan kong seryosohin ang pag-aaral ko kung gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Hindi naman porket nandiyan na si Salvato
Natapos ang aming lunch at hinatid niya muna ako aming silid bago siya nagpaalam na may aasikasuhin lang sa kanyang opisina. Hindi ko alam kung ano talaga ang mga gawain ni Salvatore at sa totoo lang ay hindi ko maiwasan ang kabahan para sa kanya kung minsan.Maaaring masamang tao ang tingin sa kanya ng mundo ngunit para sa akin ay hindi. Mahal ko na talaga siya at tanggap ko kung ano siya. Wala rin naman siguro siyang itinatago sa akin kaya buo ang tiwala ko sa kanya.Oo, gusto ko na magbagong buhay na siya at si Mauro. Pati na rin ang mga tauhan niya. Kung instantly lang ba ang epekto ng holy water ay baka pinaliguan ko na sila non. Pero alam ko rin na ang pagbabago ay sa sarili nila magmumula, ang tanging magagawa ko lang ay paalalahanan siya at ipagdasal.Sinaglit kong gawin ang assignment ko bago ako nagdesisyong ihanda na ang uniform at gamit ko sa pagpasok mamaya. Nang matapos ay pumwesto na ako sa kama para matulog at ng hindi naman ako aantok antok sa trabaho.Pahiga na ako ng