Aba at marunong palang makahalata si Salvatore.. Kaya lang ay hindi marunong manuyo. Tignan nga natin ang mangyayari.. See you sa next chapter, thank you!
SalvatoreDumiretso ako sa dining table para kumain ng almusal at hinintay ko naman na sumunod sa akin ang babae. Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Nakita kong dumaan si Naty kaya naman, “Please call Angel. Sabihin mo na kakain na kami.”“Sir, kanina ko pa po siya niyaya, kape lang daw ang gusto niya at binigay na rin po iyon sa kanya sa poolside.”Naramdaman ko ang pagkibot ng gilid ng aking bibig at pagsalubong ng aking mga kilay, “Ahm, tuloy ko na po ang ginagawa ko.” Paalam ni Naty sabay alis. Alam na niya na hindi na maganda ang mood ko.Sumandal ako sa upuan at pumikit habang tila nagpipiyano ang aking mga daliri sa ibabaw ng lamesa. Ganito ako kapag sinisikap kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong gawin ito bago ko harapin si Angel dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang magawa ko.Nitong mga huling linggo, matapos akong kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan niya kasabay ang pulis na yon at hintayin siyang maauwi ay naging napakaganda ng
AngelHindi siya kumibo habang sige ang paghampas ko sa kanyang dibdib na mukhang hindi naman niya iniinda. Siguro ay dahil ayaw ko rin siyang masaktan physically. Ako na lang din ang sumuko at tumigil sa ginagawa ko. Nakakandong pa rin ako paharap sa kanya habang parang bata pa rin akong umiiyak hanggang sa unti unti akong tumigil at mauwi na lang ang lahat sa hikbi.Naramdaman ko ang pagkabig niya sa akin kaya isiniksik ko ang aking mukha sa sugpungan ng kanyang leeg at balikat. Mahigpit niya akong niyakap habang hinahagod ang aking likod kasabay ang manaka nakang banayad na halik sa aking sentido. Kaya naman tuluyan na ring tumigil kahit nag paghikbi ko at naging kalmado na ako.“Are you feeling better now, baby?” narinig kong tanong niya pero hindi ako kumibo. Hindi na rin siya nagsalita pa muna at naghintay pa ng ilang sandali.“Si Victoria ang kauna unahang babae sa buhay ko at ganun din naman ako sa kanya. Mga bata pa kami ng magkakilala kaya wala na akong magagawa doon kahit n
Mature ContentAngelGumapang na ang mga kamay ko kakahaplos sa kanyang dibdib hanggang sa laylayan ng suot niyang t-shirt at itinaas iyon. Ang kamay niyang humahagod sa magkabila kong hita ay itinaas niya kaya naman madali ko ng nahubad ang kanyang pang itaas. Napaka ganda ng kanyang katawan kahit na nga ayaw ko sa lalaking may tattoo dahil nadudumihan akong tingnan. Lalo na ang kay Salvatore na buong katawan ay meron non. Pero wala eh, baliw na yata ako sa lalaking ito.Pinaglandas ko ang aking hintuturo sa kanyang dibdib at hinayaan kong maglaro lang iyon doon. Ganun din naman si Salvatore na nakatingin lang sa akin at sinalubong ang aking mga mata kaya naman kitang kita ko ang pagnanasang kahit ako ay nararamdaman para sa kanya.Sumubsob ako sa kanyang leeg at hinalikan at dinilaan ko iyon, sinipsip at sinigurong may maiiwan akong marka. Bahala siya kung paano niyang itatago iyon kung nahihiya siyang makitaan na may ganon.Nang tumagal ay sinabunutan niya ako at itiningala bago ak
David“Sir, ano yon? Ganon na lang yon?” tanong ko sa aking hepe matapos niyang sabihin na kalimutan na ang kaso ni Manzano.“Kailan ka pa naman nagkaroon ng amor sa kriminal na yon, Calderon? Hindi ba at kating kati kang mahuli ang tarantadong yon? Tapos ngayong burado na siya sa mga isipin mo eh hindi mo pa rin ako tinatantanan!” sigaw niya sa akin.“Sir, hindi sa may amor ako don sa tarantadong yon, higit kanino man ay ako ang may gustong mahuli yon. Mahuli sir at hindi mamatay. Ang gusto ko pagbayarin siya sa mga kasalanan niya.”“Diyos na nga ang gumawa ng paraan para mawala na siya sa mundong ito at maparusahan siya eh pumuputak ka pa rin.”“Paano ko malulutas ang kaso ng dating mayor natin eh siya ang natitira kong lead sa kaso? Tsaka hindi man lang ba kayo nagtataka kung bakit ginawa sa kanya ang ganon kung kailan masasagot na ang mga tanong natin?”Kumamot ng kanyang ulo ang aking hepe bago nagmura at tsaka ako hinarap ulit, “Hoy, Calderon, ako nagtitimpi lang sayo ha. Ano an
Angel“Kamusta ang trabaho?” tanong ni Salvatore pagkasakay ko ng kotse niya na nakaabang na sa sakayan ko pauwi. Kakatapos lang ng shift ko at dahil nakabalik na siya galing sa Manila ay siya na mismo ang nagsundo sa akin.“Okay naman,” sagot kong nakangiti bago ko siya hinalikan sa kanyang mga labi. Mabilis lang at mukhang ayaw niya ng ganon dahil kinabig niya ako ulit tsaka madiin na hinalikan.“Hindi ako sanggol para bigyan mo ng ganong klase ng halik, naiintindihan mo?” sabi niya habang pinupunasan ang gilid ng aking labi na siguradong naiwanan pa ng laway niya or laway ko habang nakangiti akong tumango dahil nagustuhan ko yon. Kaya lang smack ang binigay ko ay dahil naisip kong baka hindi niya feel dahil nga nasa sasakyan kami.“Hindi mo ba ako tatanungin ng tungkol sa matandang spoiled?”“Why would I ask about her? At tsaka matandang spoiled talaga?” tanong naman niya na nagpasalubong ng aking mga kilay.“Ayaw mong tawagin ko siyang matandang spoiled?”“Nagtatanong lang ako,
SalvatoreTahimik lang si Angel ng sumakay sa sasakyan habang ako naman ay ganun din. Paanong hindi kung nakita ko siyang kumakain kasama ang pulis na iyon? Masaya silang nagkukwentuhan at nakita ko kung gaano siya kapalagay habang kausap ang lalaking iyon kaya hindi ko maiwasan ang magselos. I had never date her yet tapos naunahan pa ako ng lalaking iyon?Huminga ako ng malalim ng makarating kami ng mansyon. Wala pa rin siyang imik hanggang sa napagbuksan ko na siya ng sasakyan at hinintay na makababa. “Hey, is something wrong?” tanong ko kasabay ang pagsilip ko sa kanya.“Ha?” maang na tanong naman niya din sabay tingin sa paligid at doon lang niya tila napansin na nakauwi na kami. Tsaka pa lang siya kumilos para bumaba ng sasakyan at nagpauna nang lumakad papasok ng mansyon habang ako naman ay sinusundan lang siya ng tingin.Dire diretso hanggang sa aming silid at ako’y nakasunod pa rin sa kanya. Pero ng papunta na siya sa walk-in closet ay pinigilan ko na siya. “Baby, what’s wrong
AngelHindi naging malinaw sa akin kung si Salvatore nga ba ang dahilan ng pagkamatay ng lalaking nang hostage sa akin, hindi naman din niya kasi sinagot ng diretso ang tanong ko. Pero kahit na ganun ay umaasa pa rin ako na kung sakali ay hindi na niya gagawin ang ganung klaseng paghihiganti lalo na kung para lang sa akin.Pagkatapos ng gabi ding iyon ay napansin ko na nag-iba si Salvatore. Parang ang dali na niya kausap at mas madalas na napaka-sweet niya sa akin. Hindi lang sa kama ha, as in sa lahat. Sa pagkain namin, sa bawat pagkilos ko ay lagi siyang nakaalalay. Kahit sa pag-aaral ko ay sinsikap niya akong tulungan, ako na lang ang umaayaw dahil kaya ko naman. Hindi rin sa pagmamayabang pero may utak naman ako talaga lang hindi ako pinag-aral ng tiyahin ko.Hindi rin pumayag si Salvatore na tumigil ako sa pagtatrabaho at nangako siya na sisikapin niyang maging sobrang seloso. Sa parteng yun ay okay lang naman sa akin kung magselos siya, para kasing ang sarap niyang asarin at nap
Angel“Ikaw na babae ka, wala kang silbi!” galit na sigaw sa akin ni Tita Anacleta habang sabusabunot niya ako kaya naman hawak hawak ko rin ang kanyang kamay at nagsusumikap na makakawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa mahaba kong buhok.“Tita please po, masakit...” ang umiiyak kong sabi habang sige pa rin siya sa pagsabunot niya sa akin.“Sasama ka sa mga lalaking pupunta dito mamaya o si Angelo ang ibibigay ko sa kanila. Sabagay, lalaki ang kapatid mo, mas mapapakinabangan nila iyon kapag naturuan nilang manggulpi at pumatay ng tao, siguradong lalaking kriminal ang pinakamamahal mong kapatid.”“Huwag po tita,ang bata bata pa po ni Angelo. Tsaka nangako po ako kila mama at papa na aalagaan ko at papalakihin siya ng wasto.” Hindi pwedeng hindi ako mangatwiran dahil ayaw ko namang bumangon sa hukay ang mga magulang ko o kaya naman ay multuhin ako dahil pinabyaan ko ang aming bunso.“Hindi pa ba tapos yan? Kanina mo pa kinakausap eh hindi mo pa mapa-oo.” Napatingin kami pareho sa b