Share

Chapter 30

Salvatore

Dumiretso ako sa dining table para kumain ng almusal at hinintay ko naman na sumunod sa akin ang babae. Ngunit ilang minuto na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Nakita kong dumaan si Naty kaya naman, “Please call Angel. Sabihin mo na kakain na kami.”

“Sir, kanina ko pa po siya niyaya, kape lang daw ang gusto niya at binigay na rin po iyon sa kanya sa poolside.”

Naramdaman ko ang pagkibot ng gilid ng aking bibig at pagsalubong ng aking mga kilay, “Ahm, tuloy ko na po ang ginagawa ko.” Paalam ni Naty sabay alis. Alam na niya na hindi na maganda ang mood ko.

Sumandal ako sa upuan at pumikit habang tila nagpipiyano ang aking mga daliri sa ibabaw ng lamesa. Ganito ako kapag sinisikap kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong gawin ito bago ko harapin si Angel dahil kung hindi ay baka kung ano lang ang magawa ko.

Nitong mga huling linggo, matapos akong kumain sa restaurant na pinagtatrabahuan niya kasabay ang pulis na yon at hintayin siyang maauwi ay naging napakaganda ng
MysterRyght

Ano ba naman yan Salvatore.. Mag-aral ka ng manuyo dahil batang bata pa si Angel.

| 5
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status