Hindi naging madali sa ‘kin ang buhay sa ibang bansa habang lumalaki ang tiyan ko ay nagpapatuloy rin ang depression ko, ilang ulit na akong naisugod sa hospital at muntik ng mawala sa ‘kin ang anak ko.
Ngayon, anim na buwan na ang tiyan ko at umiiyak pa rin ako.
Tinitingnan ko ang kaawa-awang hitsura ko sa salamin, nasa estado na ‘ko ng buhay ko na puro galit na lang ang nararamdaman ko sa puso ko.
“Wala na ‘kong naririnig na balita tungkol sa kanya, pero hindi naman tumitigil ‘tong isip ko kaiisip na masaya siya at marahil ay isinusumpa ako dahil hindi niya mapakakasalan ang babae niya.”
Mabilis kong pinahid ang mga luha sa ‘king mata, kahit masakit na ang mata ko’y wala ‘kong pakialam.
“Dadaanan ko lang ‘to ngayon, pero darating din naman ang oras na mawawala na ang sakit at mapapalitan na lang ‘to nang panghihinayang.
Hinawakan ko ang tiyan ko.
“Anak, paglabas mo ay hindi na magluluksa si mommy ng ganito, okay? Sa ngayon, kumapit ka lang, ‘wag na ‘wag kang mawawala sa ‘kin dahil ikaw na lang ang pinagkukuhanan ko ng dahilan para mabuhay.”
Naglalandas na naman ang maiinit na luha sa ‘king pisngi.
“Ikaw na lang ang magpapanatili ng katinuan ko, hindi pa ‘ko p’wedeng sumuko ngayon, darating ka pa sa ‘kin at ipararamdam ko pa sa ‘yo ang pagmamahal ko, at isa pa, hindi ‘ko gustong talunan pa rin ako sa ‘king pagbabalik.”
Hinintay ko lang lumabas ang anak ko. Araw-araw akong umiiyak sa iba’t ibang dahilan, may pagkakataon din na lumuluha ako ng walang dahilan o hindi ko na rin maintindihan ang dahilan. Habang nasa bahay ako ay nagbabasa-basa ako at nag-e-enrol sa mga online seminar.
Sa ngayon, ang mama ko ay bumalik na sa Yakuza na nakilala niya noong entertainer pa siya, at sa darating na December ay ikakasal na sila. Naalala ko na sinabi ni mama sa ‘kin na mabait ito, at kahit nga hindi niya ‘ko anak ay itinuturing niya ‘kong anak at inaalam ang kalagayan ko. Noong una, talagang napapaisip ako na baka mapahamak lang kami ni mama sa kanya, pero ngayon na nakakapamuhay kami ng maganda at hindi kinakapos sa tulong niya ay naging komportable na rin ako.
Paglipas ng ilang buwan ay nanganak na rin ako at pinangalanan ko siyang Yajin Zyrus at kinuha niya ang apelyido kong Rivas, wala siyang middle name dahil hindi ko ipinadala sa kanya ang apelyido ng ama.
“Sigurado ka bang gusto mong mag-trabaho?” nag-aalala si mama habang buhat-buhat si Yazy.
Hinalikan ko sa noo ang apat na buwan ko ng anak no’n.
“Kailangan na, ma, matagal na rin akong pabigat. Isa pa, kailangan ko ‘to para sa pangarap ko para sa ‘min ni Yazy.
Tumango siya at nginitian ako. “Basta narito lang kami ng Uncle mo, pagbutihan mo hanggang makapagtayo ka ng sarili mong beauty line.”
Hindi nawala sa labi ko ang ngiti dahil nai-share ko kay mama na gusto kong pasukin ang beauty product at sa palagay ko ang mag-trabaho sa ilalim ng isang beauty line ay mapag-aaralan ko ang pasikot-sikot ng negosyo at ano ang mga posibleng maging problema at solusyon.
Ibinenta ko ang mga nadala kong alahas at luxury item na iniregalo sa ‘kin for five years at ngayon ay nasa savings ko ang pera, plano kong gamitin lamang iyon kapag sure na ‘ko sa business na papasukin ko.
Ilang training na ang humubog sa ‘kin at kumakapal na rin ang mga certificate ko, sa loob ng dalawang taon pang lumipas ay naka-tatlong beauty line ako na pinasukan—one at a time. Marami akong natutunan sa bawat isa at nagtagal ako sa isang Half-Japanese at Half-filipina na si Diana bilang kanyang secretary.
“What do you think about our tomato-based product?” tanong sa ‘kin ni Diana.
Naiwanan kami sa office niya kung saan ay magkasama rin kami.
"So far, the samples that we are giving out are receiving high positive feedback."
"That's great news! Please prepare a hard copy of the compiled feedback for me."Tiningnan niya ‘ko habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair at nakatayo naman ako sa kanyang harapan habang ang folder na katatapos ko lang papirmahan sa kanya. "Can you lay out again the possible design for our tomato product?"
Simula nang malaman niyang marunong ako mag layout at nagustuhan naman niya ang design ko na inaayos at pinapalitan na lang ng maliliit na detalye ay pinapagawa niya na ‘ko ng possible layout lalo at maraming nagsasabi na maganda at mukhang mamahalin ang aming packaging, at masaya naman akong gawin ‘yon lalo at may extra-fee at natutuwa akong makita na out sa market ang design ko.
"Yasmin, I'm offering you the opportunity to be the packaging model again?"
Umiling ako. "I'm sorry, ma'am, for now, I want to work as both your layout artist and your secretary."
Ayokong magkaroon ng hint sila kung nasaan ako. For sure, kapag nalaman ni Drake kung nasaan ako ay magpapakita siya para lang makipaghiwalay sa ‘kin.
“Is it because of your husband?”
Tumango ako na may ngiti sa labi, para naman na kaming magkaibigan kaya may mga naikuwento na rin ako sa kanya.
"Is there an assumption that you are dead? Since you haven't been seen in years, he might believe that you have passed away. If my memory serves me correctly, there is a marriage petition related to that."
Under Article 41 of the Family Code of the Philippines, if a spouse has been absent for four (4) consecutive years and the spouse present had a well-founded belief that the absent spouse was already dead, he or she can file a summary proceeding to have the absent spouse declared presumptively dead, to remarry.
"Don't worry, ma'am. I'm just putting myself in a position where he won't have the slightest opportunity to take my son by force. I'm not running away from him forever."
For sure gugustuhin ng mother-in-law ko ang anak ko dahil sa gray ang mata nito na katulad ko. Gugustuhin din ni Drake ang anak namin dahil kamukhang-kamukha niya ‘to, mata at mahahabang pilikmata lang ang nakuha sa ‘kin ng anak namin.
Wala akong balita sa kanila, iniwasan kong alamin ang tungkol sa kanya dahil pakiramdam ko ay isa siyang trigger, ang kaunting impormasyon sa kanya at sa buhay niya ngayon ay maaaring maging rason para mawala ako sa pokus.
For another year, mas naging malawak na ang kaalaman ko at nang malaman ni Diana na plano ko ring magbukas ng beauty line ay tinulungan niya pa ‘ko, marami akong natutunan sa kanya at kahit maaaring maging magkalaban ang product namin sa susunod na mga taon ay okay lang sa kanya kaya naman napakalaki ng respeto ko sa kanya.
Mula sa Japan formula, napag-aralan ko rin ang Korean formula at maging ang Thailand formula. Sikat na ang product ni Diana, isa ang Philippines sa target-market ni Diana.
Mahirap magsimula lalo at hindi naman ako bilyonarya katulad ni Diana pero naging dedicated naman ako sa pagbuo ng product ko at plano kong ilabas ‘to sa mga online shopping pansamantala.Pero dahil sa dedikasyon na ‘to ay nag-invest si Diana kahit wala pa ‘kong product na on-hand at lahat ay plano pa lamang at nai-share ko sa kanya. Siya ang mentor ko at hindi niya ‘ko pinagdamutan kaya malaki ang pasasalamat ko sa tiwala niya sa ‘kin.
Sa tiwala sa ‘kin na ibinigay ni Diana, kahit no’ng unang pagkalugi ko ay inalalayan niya ‘ko at naniniwala siya sa ‘king product kaya sinagip niya ‘ko sa pamamagitan ng paglalabas ng product ko kasama ang kanya sa mga personal store ng kanyang mga distributor.
Sa naging hakbang ni Diana ay nagsimula ng makilala ang unang product na inilabas ko, lotion, hair perfume, at serum hanggang maging in-demand siya lalo sa Pilipinas, at ibang Asian Country.
After nearly five years na lumayo ako sa asawa ko, natagpuan ko na uli ang sarili ko. Iyong dedicated, passionate, at palangiting ako ay bumalik na sa ‘kin.
Kapag naaala ko ang mga araw na sobrang down na down ako noon ay nagiging proud ako sa ‘king sarili na nakarating ako rito, nakayanan ko ‘to at nagawa kong itayo ang sarili ko. Naging maganda na rin ang mental health ko, sobrang nakaka-therapy kapag ginagawa talaga ang gusto, isama pa na napakalambing ng anak ko at malaking reward sa ‘kin na kahit busy ako ay sinasalubong pa rin niya ‘ko na excited siya at mahal na mahal ako.
All this time ay ipinipilit kong mahalin ako ng taong hindi ako kayang mahalin, pero narito ang batang mahal na mahal ako at wala akong kailangan na patunayan at pekein sa kanyang harapan dahil mahal niya ‘ko sa kung ano at sino ako.
“Are you ready to go back?” tanong sa ‘kin ni mama habang nagdi-dinner kami.
Tiningnan ko ang anak ko habang kumakain na siyang mag-isa sa edad na apat.
"Yes, I'm ready. I want to see them again."
“Kung ako ang tatanungin mo mas gusto ko ng protektahan ang sarili mo. Matagal rin bago ka naging okay, tapos ay babalik ka ro’n para sa alam mo na, para bang bubuhayin mo lang uli ‘yong pilat na naghilom na at pilit pa ring pagsasariwain ba,” ani mama, naiintindihan ko ang pag-aalala niya.
“Hindi naman hilom ‘yon, ma, natapalan lang kaya kailangan kong gamutin na ng tuluyan sa pagbabalik ko.”
Hindi na siya kumibo at bumuntong-hininga na lamang.
Hinawakan ko ang buhok ni Yajin.
“Anong plano mo sa kanila?” tukoy ni mama kay Yazy, at Drake.
“Magkakakilala naman sila, ma, hindi niya lang makukuha sa ‘kin.”
“Gagamitin mo ang bata para lang—”
“Ma, please, hindi ‘to mawawala sa kalooban ko ng pagpapatawad lang, kailangan ko ‘to para maka-move-on na ‘ko ng tuluyan sa buhay ko.”
Hindi na siya nagsalita at nag-aalalang titig lang ang ibinigay niya sa ‘kin.
“Kumusta na ang ipinagagawa mong main office sa Pilipinas?” pag-iiba niya. “Three months din tayong ‘di nagkita.”
Pumunta sila para mag-celebrate ng Anniversary sa Hawaii at Paris.
“Eighty Percent na po, pero ang pagawaan ay nagsisimula na simula nang makumpleto ang mga operating machine at makakuha ng mga workers, sa ngayon, through videocall ko lang sila na-i-meet at si Kate at Dina naman pansamantalang nag-handle sa kanila. Maganda naman ang flow at wala naman akong gaanong nakukuhang complain sa mga distributor. Iyong sa Thailand at India ay maganda naman at kakaunti rin ang complain, ang iniisip ko na lang ay kung sino ang artistang kukunin ko o sikat na influencer para dalhin ang product ko sa Pilipinas dahil sa dami ng beauty product sa market ay kailangan na sikat ka o sikat ang pipiliin mong mag-endorse.”
“Bakit ka pa hahanap ng iba? Sangayon ako kay Ms. Diana na ikaw na lang ang mag-market ng sarili mong product? Look, mukha ka na rin namang artista.”
Natawa ‘ko sa sinabi ni mama, well, aaminin ko na malaki naman talaga ang ipinagbago ng katawan at kutis ko, dahil katulad nga ng sabi ni Diana, kami ang unang titingnan ng tao bago kami paniwalaan na effective ang aming product.
After three months umuwi na ‘ko sa Pilipinas, hindi muna ako nagpakita ng bakas sa kahit na sino sa pagdating ko maliban sa mga taong may kinalaman sa ‘king business, lumalaki na ang demand ng mga products ko at hindi kami maka-keep-up sa dami dahil nga kulang pa ang production force pero mas magiging maganda naman ang papasok na mga buwan dahil may mga bagong product akong ilalabas.One-month na ‘ko sa Pilipinas nang magkaroom ako ng close door meeting kay Angela Ponce, isang twenty-two years old na sikat na artista. Mataas ang talent fee niya, well, kung gusto kong mas lumakas ang product ko kailangan ko ring mag-invest sa magiging brand ambassador ko sa Pilipinas.“Thank you for choosing me as your brand ambassador, it’s truly an honor to represent Yasmin, most especially because I’m also a user of your brand. I remember that it was just an accident to use your sunscreen product way back when I was in Japan, and before I went back to the Philippines, I bought a lot of it.”Yes, ang
“Ma’am?”Tiningnan ako ni mang Zaldy no’ng lumipas na ang limang minuto na ‘di pa rin ako lumalabas. Bakit hindi lumalabas si Drake? Bumalik pa sila sa loob ng batang kasama niya.Nag-ring na rin ang phone ko at tumatawag ang teacher ng anak ko.“Mang Zaldy, kayo na lang po ang kumuha sa kanya pasabi na sumakit bigla ang ulo ko.”Kaagad naman na sumunod si Mang Zaldy, hindi ko maalisan ng tingin ang naka-park na motor ni Drake.Hindi pa ‘ko handang magpakita sa kanya. Kailangan ko bang ilipat ang anak ko para maiwasan ko siya?Naiirita ko na para bang hindi pa rin pala ako handa. Natanaw ko ang anak ko na nagpapaalam na sa batang kasama ni Drake, maging si Drake ay nakangiti sa ‘ming anak. Hindi ko mapigil na pumait ang panlasa sa nasasaksihan ko, ganito sana sila, masaya, maging kami ay masaya kung sana minahal niya ‘ko. Sana nakita niya rin ang anak namin mula sa pagsilang nito hanggang matuto ‘tong gumapang, umupo, tumayo at maglakad. Pinahid ko ang naglandas na luha ko dahil ibi
“Patatagalin mo pa ba ang pag-file? It’s been more than four years Drake.”Tiningnan ko si mommy habang inaayos ang ribbon sa buhok ni Isabella, kasama namin siyang dadalo sa isang charity event.“Pero hindi naman patay si Yasmin, wala rin ang mommy niya—”“Oo nga, naglaho lang sila parehong parang bula, pero kahit saan mo sila hanapin ay wala man lang ikaw clue na nakuha kahit minsan sa loob ng higit apat na taon.”Nginitian ako ni Isabella kaya nginitian ko rin siya bago ako tumayo mula sa pagkakaluhod.“Ayusin mo na at nang makapagpakasal ka na sa iba! Iyon naman ang nasa batas, kung apat na taon ng wala at naniniwala kang patay na ang asawa mo na nawawala ay p’wede ka ng mag-file para makapag-asawa ng iba.”“Isabella, kunin mo na kay Yaya Madel iyong candies na dadalhin mo,” sabi ni mommy sa four years old higit na si Isabella.“Hindi naman ako nagmamadali—”“Bakit biglang hindi ka na nagmamadali? Kung kailan may chance ka na?”“I’m a busy person, saka ko na ‘yan aasikasuhin kapag
Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin sa shower room habang hinihintay ko ang result ng pregnancy test. Haggard na haggard na ‘ko, maging buhok ko’y gulong-gulo na at nakasuot lamang ako ng loose shirt. Pinahid ko ang luha ko dahil naaawa na naman ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi lang sila ang nangmamaliit sa ‘kin kung hindi maging ako sa sarili ko ay sobrang baba ng tingin ko sa ‘king sarili.Limang taon na kaming nagsasama ng asawa ko pero hindi pa rin kami makabuo, alam ko naman na kasalanan ko dahil siguro sa depression na pinagdaraanan ko kaya kahit nga ang menstruation ko minsan ay hindi na dumarating buwan-buwan.Wala naman akong pag-asa na may positibo pa pero kahit one percent ay sinusubukan ko pa rin na baka sa araw na ‘to ay may mabuo na sa nakaraang pagtatalik naming mag-asawa. Ilang saglit akong naghintay sa resulta, sandaling tila napakatagal sa ‘king pakiramdam.Nang tingnan ko ang pregnancy test ay tila tumalon ang puso ko sa nakita kong dalawang linya.Kumakal
Nagsimula ang lahat sa araw ng Biyernes, limang taon na ang nakalilipas...“Yasmin, what do you think?”Napalunok ako habang tinitingnan ang kontratang hawak ko. Nasa harapan ako ni Kate ang bestfriend ko at narito kami sa labas ng coffee shop. Lumalamig na ang kape ko pero nananatiling nanlalamig ang pakiramdam ko.“Gusto mo si Drake ‘di ba? Bakit hindi mo na lang ituloy ‘yan?”“Alam mo naman na hindi ako gano’n, Kate, I mean, gusto ko si Drake since highschool pero hindi ko naman inaasahan na may ganitong twist na p’wedeng mapunta siya sa ‘kin.”“Gusto mo si Drake kaya hindi ka mahihirapang makisama sa kanya.”Tiningnan ko si Kate para tingnan ang kanyang reaksiyon.“Kate, kailangan ko ng pera para mabili ‘yong lupa ni lola pabalik sa ‘min at maipagamot kaagad ang sakit ni mama bago pa lumala, wala naman akong hiniling sa Diyos kung hindi iyon lang, hindi ko naman inasam na makuha pa si Drake. Isa pa, alam naman natin pareho na may longtime girlfriend na siya.”Totoo na hindi ako lu
Umalis ako nang maghiwalay kami ni Drake, wala pa ‘kong pinipirmahan. Hindi ako nagsabi sa daddy ko kung nasaan ako, ang tanging may alam lang kung nasaan ako ay ang mama ko. Pinatay ko lahat ng source ng communication sa iba, nanatili ako kay Dina, kaibigan ko, childhood bestfriend.“Sigurado ka bang hindi mo na siya haharapin?”Inabutan ako ni Dina ng gatas at naupo siya sa ‘king harapan.“Okay lang sa ‘kin na magtagal ka rito, mag-isa naman ako. Kaso palagi kang umiiyak, nag-aalala ako sa anak mo, ayaw mo ba talagang magpa-check up?”Umiling ako. “Ayokong may makaalam kung nasaan ako.”Nakita ko na naaawa siya at hindi halos matingnan ako ng matagal.“Inaayos lang ni mama ang iba naming dadalhin at pupunta na kami sa Japan.”Sabi niya’y magagawan niya ng paraan iyong mabago pansamantala ang pagkakakilanlan namin dahil may Yakuza na customer si mama noon, alam nito ang mga dapat gawin. May mga ilan daw tao sa Japan na nagpapapalit ng identity.Wala akong balita sa asawa ko, nag-away