Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin sa shower room habang hinihintay ko ang result ng pregnancy test. Haggard na haggard na ‘ko, maging buhok ko’y gulong-gulo na at nakasuot lamang ako ng loose shirt.
Pinahid ko ang luha ko dahil naaawa na naman ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi lang sila ang nangmamaliit sa ‘kin kung hindi maging ako sa sarili ko ay sobrang baba ng tingin ko sa ‘king sarili.
Limang taon na kaming nagsasama ng asawa ko pero hindi pa rin kami makabuo, alam ko naman na kasalanan ko dahil siguro sa depression na pinagdaraanan ko kaya kahit nga ang menstruation ko minsan ay hindi na dumarating buwan-buwan.
Wala naman akong pag-asa na may positibo pa pero kahit one percent ay sinusubukan ko pa rin na baka sa araw na ‘to ay may mabuo na sa nakaraang p********k naming mag-asawa. Ilang saglit akong naghintay sa resulta, sandaling tila napakatagal sa ‘king pakiramdam.
Nang tingnan ko ang pregnancy test ay tila tumalon ang puso ko sa nakita kong dalawang linya.
Kumakalabog ang dibdib ko pero pilit akong kumakalma. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,kung takot, tuwa, o ano! Hindi ko maipaliwanag, maging ang mga balahibo ko ay nagtatayuan. Pilit kong kinalma ang aking sarili, nag-inhale-exhale ako para lang payapain ang aking kalooban.
“Totoo na ba ‘to ngayon?”
Hinawakan ko ang aking tiyan. “Totoo ba na may nabubuhay ng supling sa loob ng tiyan ko?”
Hindi ko napigil ang pagbabagsakan ng mga luha ko.
Finally!
Natatakot akong maniwala dahil baka false alarm na naman ‘to pero hindi ko mapigilan. Hindi pa ‘ko nakakaranas ng false-positive kaya mas umaasa ako ngayon sa nakita kong dalawang linya.
Mabilis akong nag-shower, nagbihis at hindi na nga ‘ko naglagay ng make-up at kaagad akong nagpahatid sa driver patungo sa pinakamalapit na OB dahil gusto ko ring ilihim ‘to dahil baka nga false alarm ay mapagtawanan na naman ako kaya pinili ko lang iyong maliit na lugar at hindi matao.
Four months na ‘kong hindi nagkakaro’n, sa totoo lang matagal na ‘yon sa iba pero ang pinakamatagal na hindi ko pagkakaro’n at hindi naman ako buntis ay pitong buwan at college pa lang alam ko naman na may PCOS ako pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa dahil may mga dumaan naman sa PCOS pero nabiyayaan ng anak, nahirapan lang ang iba at iniisip kong gano’ndin ang case ko, pero napakahirap magkaro’n ng PCOS dahil tumataba ako at pakiramdam ko’y pumapangit ako nang pumapangit taon-taon.
Sa apat na buwan bakit ngayon lang ako nag-pregnancy test? Sa totoo lang ay nakuha ko lang ‘to na hindi ko nagamit noon at kaysa itapon ko ay sinubukan ko na lang. Sa maraming beses na negative ay nawalan na ‘ko ng pag-asa talaga.
“Huwag sana false positive,” iyon lang ang dalangin ko.
False positive, isa ‘yon sa nararanasan ng ibang may PCOS, nag-positive sa pregnancy test pero false alarm lang.
Kabadong-kabado ako no’ng pinahiga na ‘ko ng midwife at nang itaas ko ang maluwag kong t’shirt. Hindi ko alam kung excited ba ‘kong malaman ang resulta o gusto ko ma-delay muna. Nakailang inhale-exhale ako, kabadong-kabado ako, pero mabuti na lamang at masayahin at makuwento ang nag-check-up sa ‘kin dahilan para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
Nang matapos ako magpa-check-up ay hindi ko mapigil na magbagsakan ang mga luha ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, para ‘kong lulutang sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko mula sa paglabas, hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay na sa loob ng sinapupunan ko. Ang saya-saya sobra lalo na at nawalan na talaga ‘ko ng pag-asa.
“Ma’am, okay ka lang?” tanong ni Mang Ronel.
“Opo,” gustong-gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako pero pinigil ko. Gusto kong ang unang mapagsabihan ko ay ang asawa ko mismo.
Nag-aalala siya sa ‘kin pero nagpatuloy naman siyang ihatid ako pabalik.
Masayang-masaya ‘ko nang makita ko ang sasakyan ng asawa ko sa parking.
Napaaga siya ngayon, naramdaman kaya niya na may magandang balita ako?
“Ma’am, mabuti dumating ka na, hinahanap ka kasi ni sir Drake.” Hindi mapakali ang hitsura ni Myrna, ang kasambahay namin na nasa tatlumpu ang edad.
“Bakit? Kanina pa ba siya?”
Nagiging makakalimutin ako, baka may event kaming pupuntahan at hindi ko na naman naalala.
“Kapag dumating ka raw po ay umakyat ka na lang sa kuwarto ninyo,” ani Myrna pa.
“Sige, ako na ang bahala.” Sana naman matuwa siya sa balita ko at mawala ang galit niya sa ‘kin.
Nagmamadali akong umakyat sa hagdanan at sa secondfloor lang naman ang malaking kuwarto namin. Naabutan ko siyang nakaupo sa paanan ng kama at inihihilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha.
“May problema ba? May nakalimutan na naman ba ‘ko?”
Nagsisimula na naman akong sisihin ang sarili ko. Parang madalas excuse na lang ang dahilan ko.
“Dra—”
Nagulat ako nang tumayo siya’t ibinato sa ‘kin ang isang folder at nagbagsakan ang mga laman niyong piraso ng papel.
“Pinilit kitang tanggapin, pinilit ko nga rin bumuo ng pamilya sa ‘yo kahit nahihirapan kang magbuntis! Iniisip ko na inosente ka rin naman, ano bang alam mo? Sila iyong nagdesisyon para sa ‘tin, at hindi natin kayang suwayin sila kahit magsama tayo na wala namang pagmamahalan at hindi nga natin kilala ang isa’t isa!” Namumula ang mukha niya sa galit.
“Drake, sandali—”
Dinadampot ko ang mga papel, xerox copy ‘yon ng kontrata na pinirmahan ko noon. Mabibilis ang mga luha ko, maging ang kalabog ng dibdib ko’y tila napakalakas.
“Kung sinabi mo sa ‘kin na pinakasalan mo ‘ko sa halagang sampung milyon lang, sana hiningi mo na lang sa ‘kin ‘yon!”
“I’m sorry, let me explain, Drake, please,” umiiyak akong nakaluhod sa kanyang harapan habang hinahahawakan ko ang binti niya. “Totoo na may ganitong kontrata, pero minahal kita, totoo ‘yon, mahal na mahal kita, sinabi ko naman sa ‘yo ‘di ba matagal na kitang gusto—”
“Shut up!”
Galit na galit siya at itinulak pa ‘ko sa balikat para bumitiw sa kanya.
“Limang taon na, siguro naman nakuha mo na rin ang buong bayad mo ‘di ba?” Nginisian niya ‘ko habang tinitingnan ako na tila inuuri ako. Napapailing pa siya habang nakangisi at tila ‘ko napakababang babae sa kanyang paningin. “Let’s end this, I don’t want to see your face again.” Napansin ko na nagpipigil pa siyang magsalita sa ‘kin.
“No, please, Drake, matagal na tayong dalawa.” Pinilit kong tumayo. “Limang taon na tayo, naging mabuti naman akong asawa sa ‘yo, bigyan mo pa ‘ko ng chance na magustuhan mo, please.” Pilit ko siyang hinahawakan pero tinatabig niya lang ang aking kamay.
“Mahal na mahal kita, kahit hindi mo ‘ko minamahal, nandito na tayo, magpapamilya—”
“Paano tayo magpapamilya kung hindi ka nga mabuntis?”
Nagulantang ako sa lakas ng boses niya.
Hindi ko magawang sabihin na buo na siya, narito na siya, at bubuoin na namin ang pamilya namin.
“Babayaran kita basta makipaghiwalay ka sa ‘kin, ikaw ang makipaghiwalay sa ‘ting dalawa.”
“Drake, no, please, tinitiis ko na nga lahat at naghihintay ako sa pagmamahal mo sa ‘kin ‘wag mo naman akong hiwalayan, please, mas kailangan kita ngayon,” iyak ako nang iyak at wala akong pakialam kung may makarinig sa ‘ming dalawa. Bago pa ba ‘to? Iyong umiiyak ako at nagtitiis sa sitwasyon at katiting na pagtingin na malilimos ko sa kanya?
“Kahit anong drama mo, hinding-hindi na ‘ko maniniwala sa ‘yo. Umpisa pa lang, alam kong nagsisinungaling ka na sa ‘kin, hindi ko nga alam bakit naaawa ako sa ‘yo nang paulit-ulit at kung bakit muntikan mo na ‘kong mapaniwalang baka nga dapat tanggapin ko na lang na ikaw na talaga.”
Bakit sa ‘kin nangyayari lahat ng ‘to? Iyon bang kontrata at perang para lamang sagipin ang mama ko ay sobrang laking kasalanan para maparusahan ako ng ganito katindi? Limang taon akong nagdusa dahil sa mental health problem ko!
“No, Drake, please—”
Hinablot niya ‘ko sa braso nang madiin at sa titig niya alam kong galit na galit siya sa ‘kin dahil kung nakakasakit lamang ang titig ay humandusay na ‘ko.
“Drake, mahal na mahal kita, please, ayokong maghiwalay tayong dalawa. Bigyan mo ‘ko ng pagkakataon, huling pagkakataon, para sa pamilya—”
“I don’t love you, I don’t want to love you, and I hate you for lying and using me for your own good. Hinding-hindi mo na ‘ko mapapaikot, tama na ‘yong limang taon na sinayang ko ang buhay ko kasama ka.”
Para ‘kong sinikmuraan sa sinabi niya. Nawala iyong tapang kong ilaban siya dahil totoo ‘yon, mahal ko siya, at kahit alam kong hindi kami pareho ng damdamin ay minahal ko siya lalo dahil asawa ko siya. Gusto ko na habang-buhay kaming dalawa, magkaroon ng anak, at mawala na ang pader sa pagitan naming dalawa dahil may pagkakataon naman na pakiramdam ko ay pinagbubuksan niya ‘ko ng pintuan patungo sa puso niya, lalo sa mga gabing nagtatalik kaming dalawa.
“Sinayang mo ang buhay mo sa ‘kin? Paano ko sinayang ang buhay mo?”
Hindi ko napigil ang magtunog sarkastiko.
“Inasawa mo ‘ko, pero umaalis ka at minsan buwan bago ka umuwi! Galing sa business, bakasyon, at kung ano-ano pa pero may narinig ka ba sa ‘kin? Nagbuhay binata ka, nagkaroon ka ng ibang babae, ako ‘yong narito lang sa bahay at palaging naghihintay sa ‘yo na bumalik ka! Paano ko sinayang ang buhay mo sa pagiging mag-asawa natin? Kailan mo lang ba ‘ko itinuring na asawa? Kapag tigang ka at wala kang ibang pagpipilian kung hindi ako? Oo nga pala, no’ng unang may nangyari sa ‘tin anong sinabi mo sa ‘kin? Hindi mo kailangan bayaran ako dahil mag-asawa tayo, sa ganoong paraan makakatipid ka sa paglalabas ng init mo, ‘di ba?”
Nakita kong nabigla siya sa sinabi ko.
“Wala kang narinig sa ‘kin sa loob ng limang taon, Drake!” naghihisterikal na ‘ko dahil sa pagbabalik ng lahat-lahat sa isipan ko.
Wala akong pakialam no’ng narinig ko ang boses ng mommy niya dahil pumasok ito kasama ang isang kasambahay. Hinawakan ako ng kasambahay sa ‘king braso habang pumagitna sa ‘min ang mother-in-law ko.
“Yasmin, tumigil ka nga, ano bang nangyayari sa ‘yo? Tuluyan ka na bang nababaliw na babae ka?”
Pinigilan ni Drake ang ina.
“Mom—”
“Oh, narinig mo kung paano ako pagsalitaan ng mommy mo? Mild pa lang ‘yan, iba pa ‘yan sa araw-araw at kapag may mga kasama siyang kaibigan niya at ipangangalandakan na baog ako, hindi mabuntis, tumataba sa kakakain, at palaging may mental health problem kaya hindi nakakasama madalas ngayon baliw na, ‘di ba?”
Kahit kailan hindi ko siya sinagot, puro hayaan na lang ang sinasabi ko sa ‘king sarili.
May sinasabi siya sa mommy niya at tila nagagalit siya pero tila wala na ‘kong marinig at sobrang sakit na lang ng nararamdaman ko, para ring nananakit ang tiyan ko doon ko lang naalala na may kailangan akong alagaan.
Nang tingnan ko si Drake at magkatitigan kami, pumasok sa isipan kong hinding-hindi niya makikilala ang anak niya.
“Tinanggap ko ang pera dahil kailangan ko, pero bakit hindi mo sisihin kung sino ang nag-arrange marriage sa ‘yo para lang maging kulay abo ang mata ng apo niya?”
Nanlaki ang mata ng mommy ni Drake.
Nalaman ko sa asawa ni daddy na kaya gusto nitong ipakasal sa anak nito si Drake dahil sa gusto nitong magkaroon ng gray na mata sa pamilya nito, dahil ang mommy ni Drake ay ex ni daddy pero nagkaroon ito ng opportunity na mas maging mayaman sa piling ng ama ni Drake kaya naghiwalay ang dalawa.
“Minahal kita, nagpakatagal ako nang husto sa ‘yo at tiniis ko lahat para lang maghintay sa ‘yo, kung tutuusin lahat ng nararamdaman ko ay wala naman ‘to bago kita inasawa, pero naging tapat ako sa ‘yo, walang araw o oras na inisip kong humanap ng iba kahit maraming beses kong nakita ang mga pruweba na may mga naging babae ka pa bukod sa ex mo.”
Gusto kong idura ang pait sa ‘king dila. Paano ko ba pinasok ang buhay na ‘to kasama siya?
Nagsimula ang lahat sa araw ng Biyernes, limang taon na ang nakalilipas...“Yasmin, what do you think?”Napalunok ako habang tinitingnan ang kontratang hawak ko. Nasa harapan ako ni Kate ang bestfriend ko at narito kami sa labas ng coffee shop. Lumalamig na ang kape ko pero nananatiling nanlalamig ang pakiramdam ko.“Gusto mo si Drake ‘di ba? Bakit hindi mo na lang ituloy ‘yan?”“Alam mo naman na hindi ako gano’n, Kate, I mean, gusto ko si Drake since highschool pero hindi ko naman inaasahan na may ganitong twist na p’wedeng mapunta siya sa ‘kin.”“Gusto mo si Drake kaya hindi ka mahihirapang makisama sa kanya.”Tiningnan ko si Kate para tingnan ang kanyang reaksiyon.“Kate, kailangan ko ng pera para mabili ‘yong lupa ni lola pabalik sa ‘min at maipagamot kaagad ang sakit ni mama bago pa lumala, wala naman akong hiniling sa Diyos kung hindi iyon lang, hindi ko naman inasam na makuha pa si Drake. Isa pa, alam naman natin pareho na may longtime girlfriend na siya.”Totoo na hindi ako lu
Umalis ako nang maghiwalay kami ni Drake, wala pa ‘kong pinipirmahan. Hindi ako nagsabi sa daddy ko kung nasaan ako, ang tanging may alam lang kung nasaan ako ay ang mama ko. Pinatay ko lahat ng source ng communication sa iba, nanatili ako kay Dina, kaibigan ko, childhood bestfriend.“Sigurado ka bang hindi mo na siya haharapin?”Inabutan ako ni Dina ng gatas at naupo siya sa ‘king harapan.“Okay lang sa ‘kin na magtagal ka rito, mag-isa naman ako. Kaso palagi kang umiiyak, nag-aalala ako sa anak mo, ayaw mo ba talagang magpa-check up?”Umiling ako. “Ayokong may makaalam kung nasaan ako.”Nakita ko na naaawa siya at hindi halos matingnan ako ng matagal.“Inaayos lang ni mama ang iba naming dadalhin at pupunta na kami sa Japan.”Sabi niya’y magagawan niya ng paraan iyong mabago pansamantala ang pagkakakilanlan namin dahil may Yakuza na customer si mama noon, alam nito ang mga dapat gawin. May mga ilan daw tao sa Japan na nagpapapalit ng identity.Wala akong balita sa asawa ko, nag-away
Hindi naging madali sa ‘kin ang buhay sa ibang bansa habang lumalaki ang tiyan ko ay nagpapatuloy rin ang depression ko, ilang ulit na akong naisugod sa hospital at muntik ng mawala sa ‘kin ang anak ko.Ngayon, anim na buwan na ang tiyan ko at umiiyak pa rin ako.Tinitingnan ko ang kaawa-awang hitsura ko sa salamin, nasa estado na ‘ko ng buhay ko na puro galit na lang ang nararamdaman ko sa puso ko.“Wala na ‘kong naririnig na balita tungkol sa kanya, pero hindi naman tumitigil ‘tong isip ko kaiisip na masaya siya at marahil ay isinusumpa ako dahil hindi niya mapakakasalan ang babae niya.”Mabilis kong pinahid ang mga luha sa ‘king mata, kahit masakit na ang mata ko’y wala ‘kong pakialam.“Dadaanan ko lang ‘to ngayon, pero darating din naman ang oras na mawawala na ang sakit at mapapalitan na lang ‘to nang panghihinayang.Hinawakan ko ang tiyan ko.“Anak, paglabas mo ay hindi na magluluksa si mommy ng ganito, okay? Sa ngayon, kumapit ka lang, ‘wag na ‘wag kang mawawala sa ‘kin dahil i
After three months umuwi na ‘ko sa Pilipinas, hindi muna ako nagpakita ng bakas sa kahit na sino sa pagdating ko maliban sa mga taong may kinalaman sa ‘king business, lumalaki na ang demand ng mga products ko at hindi kami maka-keep-up sa dami dahil nga kulang pa ang production force pero mas magiging maganda naman ang papasok na mga buwan dahil may mga bagong product akong ilalabas.One-month na ‘ko sa Pilipinas nang magkaroom ako ng close door meeting kay Angela Ponce, isang twenty-two years old na sikat na artista. Mataas ang talent fee niya, well, kung gusto kong mas lumakas ang product ko kailangan ko ring mag-invest sa magiging brand ambassador ko sa Pilipinas.“Thank you for choosing me as your brand ambassador, it’s truly an honor to represent Yasmin, most especially because I’m also a user of your brand. I remember that it was just an accident to use your sunscreen product way back when I was in Japan, and before I went back to the Philippines, I bought a lot of it.”Yes, ang
“Ma’am?”Tiningnan ako ni mang Zaldy no’ng lumipas na ang limang minuto na ‘di pa rin ako lumalabas. Bakit hindi lumalabas si Drake? Bumalik pa sila sa loob ng batang kasama niya.Nag-ring na rin ang phone ko at tumatawag ang teacher ng anak ko.“Mang Zaldy, kayo na lang po ang kumuha sa kanya pasabi na sumakit bigla ang ulo ko.”Kaagad naman na sumunod si Mang Zaldy, hindi ko maalisan ng tingin ang naka-park na motor ni Drake.Hindi pa ‘ko handang magpakita sa kanya. Kailangan ko bang ilipat ang anak ko para maiwasan ko siya?Naiirita ko na para bang hindi pa rin pala ako handa. Natanaw ko ang anak ko na nagpapaalam na sa batang kasama ni Drake, maging si Drake ay nakangiti sa ‘ming anak. Hindi ko mapigil na pumait ang panlasa sa nasasaksihan ko, ganito sana sila, masaya, maging kami ay masaya kung sana minahal niya ‘ko. Sana nakita niya rin ang anak namin mula sa pagsilang nito hanggang matuto ‘tong gumapang, umupo, tumayo at maglakad. Pinahid ko ang naglandas na luha ko dahil ibi
“Patatagalin mo pa ba ang pag-file? It’s been more than four years Drake.”Tiningnan ko si mommy habang inaayos ang ribbon sa buhok ni Isabella, kasama namin siyang dadalo sa isang charity event.“Pero hindi naman patay si Yasmin, wala rin ang mommy niya—”“Oo nga, naglaho lang sila parehong parang bula, pero kahit saan mo sila hanapin ay wala man lang ikaw clue na nakuha kahit minsan sa loob ng higit apat na taon.”Nginitian ako ni Isabella kaya nginitian ko rin siya bago ako tumayo mula sa pagkakaluhod.“Ayusin mo na at nang makapagpakasal ka na sa iba! Iyon naman ang nasa batas, kung apat na taon ng wala at naniniwala kang patay na ang asawa mo na nawawala ay p’wede ka ng mag-file para makapag-asawa ng iba.”“Isabella, kunin mo na kay Yaya Madel iyong candies na dadalhin mo,” sabi ni mommy sa four years old higit na si Isabella.“Hindi naman ako nagmamadali—”“Bakit biglang hindi ka na nagmamadali? Kung kailan may chance ka na?”“I’m a busy person, saka ko na ‘yan aasikasuhin kapag