Share

Chapter 6

“Ma’am?”

Tiningnan ako ni mang Zaldy no’ng lumipas na ang limang minuto na ‘di pa rin ako lumalabas.

Bakit hindi lumalabas si Drake? Bumalik pa sila sa loob ng batang kasama niya.

Nag-ring na rin ang phone ko at tumatawag ang teacher ng anak ko.

“Mang Zaldy, kayo na lang po ang kumuha sa kanya pasabi na sumakit bigla ang ulo ko.”

Kaagad naman na sumunod si Mang Zaldy, hindi ko maalisan ng tingin ang naka-park na motor ni Drake.

Hindi pa ‘ko handang magpakita sa kanya. Kailangan ko bang ilipat ang anak ko para maiwasan ko siya?

Naiirita ko na para bang hindi pa rin pala ako handa.

Natanaw ko ang anak ko na nagpapaalam na sa batang kasama ni Drake, maging si Drake ay nakangiti sa ‘ming anak. Hindi ko mapigil na pumait ang panlasa sa nasasaksihan ko, ganito sana sila, masaya, maging kami ay masaya kung sana minahal niya ‘ko. Sana nakita niya rin ang anak namin mula sa pagsilang nito hanggang matuto ‘tong gumapang, umupo, tumayo at maglakad.

Pinahid ko ang naglandas na luha ko dahil ibinukas na ni Manong Zaldy ang pintuan ng back seat at pinaupo sa tabi ko ang anak ko. Nag-wave pa si Drake pero hindi ako tumingin, ayokong magtagpo ang mata namin para makilala niya ‘ko.

“Mommy, why you’re so late?” tanong kaagad ng anak ko.

Tiningnan ko pa si Drake at palayo na ang motor niya.

“Daddy ‘yon ng classmate mo?”

“I don’t know, mommy, hindi ko naitanong. Pero mabait siya, hinintay niyang sunduin ako bago sila umalis. Sana mommy lumabas ka po para nakilala ka rin nila, sinabi ko kasi maganda ang mommy ko!”

Hindi nga nagandahan sa ‘kin si Drake kahit minsan, ano naman ang gandang makikita niya sa ‘kin? Paniguradong anak ko lang ang nagagandahan sa ‘kin.

“Next time, masakit lang ang ulo ni mommy. Gusto mo bang sa mall tayo kumain?”

Nagningning ang mga mata niya, alam niya na, kapag sa mall ay maglalaro siya sa mga playing area. Gusto kong mawala sa sistema ko si Drake, hindi ako naging handa na may anak siya na halos kasing edad ng anak namin.

Kinabukasan, pinili kong isantabi si Drake, malapit na rin n rin naman kaming magkitang dalawa. Pero napapahinto ako sa work kapag naaalala ko ‘yong bata, iyong kaklase at nakakasalamuha ng anak ko. Hindi ko na siya inalis sa school, gustong-gusto ng anak ko sa school niya lalo ang teacher niya kaya iiwas na lang muna ako kay Drake.

“So, ito ang mga new product ng Doreen?” tanong ko kay Kimberly, ang isa sa ‘king staff.

“Yes, ma’am, Paris ang pangalan dahil made in Paris ang product at kasalukuyan na siyang tine-test ng ating testing team para makasabay tayo sa market. Itong Paris concealer ang pinaka-in na product ng Doreen ngayon dahil kine-claim nila na kaya niyang mag-cover without the help of primer.”

Tumango-tango ako.

“Bukod sa Doreen bilang expensive siya, ang line katulad Serah, at Anastacia naman ay sumasabay sa quality, hindi naman as in, pero affordable price kasi siya almost ½ lang ng price ng Doreen at iyon ang target price natin. Though, dahil mayroon naman tayong artist ana endorser at sikat siya, p’wede tayong mag-price nang higit sa Serah at Anastacia.”

“Ano ang next na ilalabas ng Doreen?”

“According sa kanilang mga teaser sa mga social media account nila, maglalabas sila ng set of lipstick—expensive as usual, at Paris din naka-line-up.”

Sumandal ako sa swivel chair at nag-isip.

“Magkakaro’n tayo ng urgent meeting after lunch, may ilang months pa tayo bago ang ber months. Siguro mauuna sila sa ‘tin pero as much as possible makapaglabas tayo ng ber months.”

Napansin kong nakatitig sa ‘kin si Kimberly.

“Bakit?” takang tanong ko.

Biglang lumapad ang kanyang ngiti. “Sobrang ganda mo talaga, ma’am.”

Hindi ko maiwasang mangiti.

“Magaling mambola, sige, ako na ang bahala sa lunch mo.”

Napapapalakpak siya.

“Ay, salamat, ma’am! Pero truly naman na napakaganda mo!”

“Oo na, sige na, ‘wag mong kalimutran na may urgent meeting.”

Tumayo na siya at lumabas ng office. Ininom ko ang lumamig ko ng kape sa mesa.

Iniangat ko ang picture frame kung saan magkasama kami ng anak ko sa Disneyland sa Tokyo, pareho pa kaming may mickey mouse headband.

Nakarinig ako ng katok kaya tumingin ako sa pintuan.

“Bakit?” tanong ko kay Kimberly.

“Ipinapaabot lang ng General Manager, nag-LBM kasi siya, ma’am.”

Nang makita ko ang malaking sobre na may dry sealed ay binuksan ko kaagad.

Isa ‘yong charity invitation, at iniimbitahan ako para sa gaganaping event. Hindi ko makakalimutan ang charity na ‘to dahil iniimbita talaga nila ang mga kilalang brand.

“Magandang opportunity mada’am, makikita mo face to face ang mga brand owner sa Pilipinas, excited nga si General!”

Nangiti ako, hindi naman nila kailangan ipaliwanag. Every three years lang ang event, sakto na ito ang ikatlong taon mula no’ng huling beses. Last time, dumalo ang Doreen, halos lahat ay dumadalo dahil magandang opportunity makakilala ng mga business partner.

“So, ito na ‘yong time na magkikita kami ng kabit mo?”

Nangisi ako, for sure, magkasama rin silang rarampa.

“Pakisabi kay General Manager na magresponse sa letter na dadalo tayo.”

Napapalakpak si Kimberly.

Nang umalis na si Kimberly ay tumayo ako.

“Magkikita na rin tayong tatlo, at sinisiguro ko na magiging worth it ang paghihintay ninyo sa ‘kin para pumirma sa hiwalayan natin Drake, well, I’ll give you both hells. After ruining my life, and almost losing my sanity, what do you expect me to give? A prayer?”

Hindi ko maiwasang mangiti habang iniisip kung ano ang nagiging reaksiyon nila kapag nakita nila 'kong dalawa, for sure, napakatagal nila 'kong hinanap, iniisip marahil na patay na rin, not knowing na lumalaban pa 'ko sa buhay para pabagsakin sila.

Lalo lang nagsisikip ang dibdib ko kapag iniisip ko na may anak na siyang kaedad halos ng anak namin. Wow, Drake! Or else, kaya siya gigil na gigil hiwalayan ako noon dahil buntis na ang kabit niya, baka mas nauna pa sa 'kin? Well, nabigla ako, until now hindi ko magawang iproseso pero kapag naiisip kong hindi naman ako minahal ni Drake, bakit Naman siya makokonsensiya na makipagtalik sa iba? Ilang ulit na ba nila iyong ginawa habang tahimik Akong umiyak at naghhiintay sa pagbabalik niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status