We're So Connected

We're So Connected

last updateLast Updated : 2021-11-06
By:   yayykathy  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
19Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

I'm a gloomy loner guy. I prefer not to associates with others. I have no friends, I'm nobody, lack of self-confidence, an introvert. My life is a mess. I'm scared, I don't know why I'm like this. I'm tired physically, emotionally, everything! I wanna end up this sh*t! Loneliness doesn't kill, but sometimes I wish it did! Until I met her, she changed my dark side. She became a light to me. But one day, I never thought she would suddenly disappear in my arms. I can't imagine losing the person who give the way for my future. She has been my inspiration to move forward in life.

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

Tiwala, salitang hindi ko maibigay sa kung sino man. Natatakot ako na baka iwan ako ng lahat ng taong nakakasalamuha ko. Natatakot ako na baka sila rin ang dahilan ng pagbagsak ko. Nagsimula ang lahat ng ito noong bata pa ako. Lahat ng mga nakakalaro ko noon, sinasaktan ako, kinukutya, pinagtatawanan. Naranasan ko ring mabugbog at pagka-isahan ng mga kapwa ko estudyante. Binuhat ako at itinapon sa nakatambak na basura. Sinadya rin nilang ipitin 'yong kaliwang kamay ko sa pinto, e kaliwete pa naman ako. Naranasan ko ring umuwi ng may dugo ang uniform ko, wala e, hindi talaga ako lumalaban, lalo na ayoko ring makasakit ng ibang tao. Nagsisinungaling na lang ako kay mama na gumulong ako sa hagdan kaysa naman mag-alala sila. Wala akong magawa kundi itago ang sakit na nararamdaman ko. Kahit alam kong napag-iiwanan na ako ng mundo. Gusto ko nang sumuko, nasa isip ko na ang magpakamatay. Sa madil...

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
19 Chapters
Simula
    Tiwala, salitang hindi ko maibigay sa kung sino man. Natatakot ako na baka iwan ako ng lahat ng taong nakakasalamuha ko. Natatakot ako na baka sila rin ang dahilan ng pagbagsak ko.     Nagsimula ang lahat ng ito noong bata pa ako. Lahat ng mga nakakalaro ko noon, sinasaktan ako, kinukutya, pinagtatawanan. Naranasan ko ring mabugbog at pagka-isahan ng mga kapwa ko estudyante. Binuhat ako at itinapon sa nakatambak na basura. Sinadya rin nilang ipitin 'yong kaliwang kamay ko sa pinto, e kaliwete pa naman ako. Naranasan ko ring umuwi ng may dugo ang uniform ko, wala e, hindi talaga ako lumalaban, lalo na ayoko ring makasakit ng ibang tao. Nagsisinungaling na lang ako kay mama na gumulong ako sa hagdan kaysa naman mag-alala sila.     Wala akong magawa kundi itago ang sakit na nararamdaman ko. Kahit alam kong napag-iiwanan na ako ng mundo.     Gusto ko nang sumuko, nasa isip ko na ang magpakamatay. Sa madil
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
Kabanata 1
Gaya ng sabi ko, I'm a gloomy loner guy. Mas gusto kong manahimik na lang sa iisang anggulo ng kwarto habang nakikinig ng mga paborito kong japanese pop. Isa akong Otaku, mahilig akong manood ng anime movies or anime series. Nahiligan ko na ring magbasa ng mga libro. Sa ganoong paraan ay naililibang ang sarili ko. This is how I escape my life for awhile.        I also love to drink coffee pero hindi ako nerbyoso o magugulatin. Sa isang araw nakaka-pitong tasa ako ng kape o higit pa. Kahit madaling araw na ay mulat pa rin ang mga mata ko, hindi nga lang halata dahil singkit ako. Sabi nila kapag singkit ka attracted ka, oo tama naman 'yon. Lahat ng tao napapansin ako, sa paraang pinagtatawanan at inaasar. Suki yata ako ng mga bully, mahilig nila akong gawing punching bag kapag naiinis sila.        Simpleng pamilya lang ang mayroon ako. Sa walong magkakapatid, ikatlo ako. Marami man kami sa bahay ngunit m
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
Kabanata 2
"HOYY! Ikaw pala!" dali-dali siyang lumapit sa akin upang sabayan ako sa paglalakad ko.        Hindi ko siya pinansin at nanatiling nasa daan ang atensyon ko.        "Gusto mong mag-lunch tayo ng sabay mamaya? Promise... treat ko... ako magbabayad." Nagtaas pa siya ng palad nito na animoy nangangako talaga.        "Sorry," mahinang sambit ko. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya. Alam kong may pagkakamali akong nagawa sa kanya, lalo na 'yong sinabi ko sa kanyang magpakamatay na siya. Alam kong nag-a-adjust pa ako, pero hindi ko naman talaga intensyong sabihin ang mga 'yon sa kanya.        "Hahaha! Ano ka ba?! Okay lang 'yon... ano? Game ka? Mag-lunch tayo ng sabay?" abot tainga ang ngiti niya.        Bahagya akong napangiti nang dahil sa kanya. Tumango na lang ako at sumang-ayon sa s
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
Kabanata 3
HINDI ko gusto ang maglakad sa hall ng mag-isa. Hanggang ngayon takot pa rin ako sa mga matataong lugar. Minsan iniiba ko na lang 'yong daan ko para lang hindi makasalubong ang mga estudyante. Alam ko naman na kapag ginawa ko 'yon, lalait-laitin lang nila ako. Kahit sinong tao ay hindi na 'ko nagtitiwala. Masyado na akong nilamon ng mundo noon kaya hindi ko na hahayaan ang iba na saktan ako. Ako na lang ang lalayo. Para din ito sa ikabubuti ko.        Ayoko rin naman sa mga pakitang-tao lang. Iyong kunwaring magbibigay ng motibo pero 'yon pala babaliktarin ka niya. Mga plastik! Mga walang modo! Kaya ayokong makipag-kaibigan e, kahit gaano karami ang kakilala mo, kung hindi naman sila totoo sa iyo, walang kahihinatnan ang lahat ng iyon. Sa huli, sarili mo lang din ang pagkakatiwalaan mo. Trust no one!        Duty ako ngayon sa pool area ng aming eskwelahan. Hindi lang ako ang dapat na maglinis dito, may
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more
Kabanata 4
TUMANGO ako. "Salamat, Ate,"        Hinaplos nito ang likod ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang pagngiti nila. Hindi ko alam na ganito pala sila kasaya nang makita ako.         "Bye, Hanna, pakabait ka kay mommy ha?!"        "Bye, tito!" Hinalikan ko siya sa noo at nagpa-alam na rin kina mama at ate.         Nakangiti akong naglalakad palabas ng bahay. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganito. Sabi ko nga, buong buhay ko ay hindi ko naranasan 'to, ngayon pa lang. Napahinto ako nang madatnan kong naghihintay si Kate sa labas. Sinisipa-sipa nito ang mga bato. Simple lang ang suot niya, gaya ko, nakapantalon lang din ito. Naka-semi formal sa pang-itaas at may hawak na panlamig. Umayos ako ng tindig. Itinago ko muna ang ngiti ko at seryoso akong humarap sa kanya.        Nan
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more
Kabanata 5
"THANK YOU, GOD!" sambit nina Kate, Kath at ang kanyang ina. Naglapat ang kanilang mga palad at yumuko na para bang nagpapasalamat. Naki-gaya na lang din ako sa ginawa nila.        "Kainan na!!" masayang sigaw ni Kath at nagsimula nang kumain.         Bawat isa ay tahimik lang. Tanging simoy ng hangin na mula sa bintana at electricfan lang ang naririnig namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa probinsya ka. Parang gusto ko tuloy manirahan dito.         "Ako na po riyan," sabi ko nang matapos kaming kumain. Tumakbo na si Kath palabas ng bahay at naglaro.         "Hindi na, Hoy! Ako na lang," nakangiting tugon ng mama niya.         "Okay lang po talaga, sanay naman po akong magligpit ng mga pinggan," magalang na sambit ko.    &nb
last updateLast Updated : 2021-10-01
Read more
Kabanata 6
NAKADUNGAW ako sa bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. Nasa iisang kuwarto kami ni Kate. Malayo ako sa kanya kahit pa sobrang dilim, sa lakas ng ulan at hampas ng hangin ay nawalan ng kuryente. Kaya kami ngayon, nakatunganga sa isang sulok, hinihintay kung kailan titila ang ulan.        Sa tuwing umuulan, naaalala ko iyong nangyari sa akin. Iyong mga panaginip kong nakakatakot. Kinakabahan ako sa tuwing naiisip o naaalala ang mga iyon.        "Hindi ka na ba takot?" rinig kong tanong ni Kate. Naka-upo ito sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod habang nakatingin sa sahig. Ilang segundo akong natahimik.         Hindi ganoon kadali kalimutan ang nakaraan. Kahit ako ay nahihirapan pa rin sa sitwasyon ko ngunit hindi na ganoon kabigat. Gumagaan na kahit papaano.        "Saan?" &nb
last updateLast Updated : 2021-10-10
Read more
Kabanata 7
NAKAHIGA na ako katabi si Kate. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakapatong iyong braso ko sa noo. Tahimik na ang lahat, kahit iyong ulan ay huminto na rin. Nakatalikod naman sa akin si Kate. Binalingan ko ito ng tingin, "Tulog ka na ba?" mahinang tanong ko. Ilang segundo itong hindi sumagot kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa kisame. Unti-unti na rin akong pumikit at hindi namalayan ang pagtulog ko.        Ano bang mayroon sa babaing 'to? She makes my heartbeat fast.         Sinag ng araw ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad na nanlaki ang mga iyon nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko, nakagilid ang posisyon ko. Magkaharap kami ni Kate, dikit na dikit. Nakasampa ang binti nito sa binti ko habang nakayakap sa akin.         "WWAAAHHH!" napasigaw ako nang mapagtanto ang mga iyon. Sa sobrang gulat ay bigla n
last updateLast Updated : 2021-10-22
Read more
Kabanata 8
HANGGANG sa makarating kami sa eskinita papunta kila Kate ay tahimik pa rin ito. Pinapanood ko lang ang likod niya habang naglalakad pauwi sa kanila. Lungkot na lungkot siya.         Tumalikod na lang din ako at naglakad pa-uwi sa amin. Tahimik ang lahat. Kung may daraan na mga sasakyan, kakaunti lang. Nang makaraan ako sa plaza ay wala ring mga batang naglalaro doon. Kahit mga nagtitinda ng ice cream at lobo ay wala. Umaayon ba 'yong nararamdaman ni Kate sa lahat ng bagay? Pakiramdam ko ay blangko ako ngayong araw. Pagod lang siguro ako at kailangang magpahinga.         Pagpasok ko sa bahay ay sobrang tahimik. "Narito na po ako," walang ganang sambit ko. Ni isang katawan sa bahay ay wala akong nakita. Siguro nasa palengke sila o hindi kaya pumasyal sa ibang lugar. Nagtungo na lamang ako sa kuwarto at ibinagsak ang nanghihina kong katawan sa kama.      
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more
Kabanata 9
"TUMINGALA ka," rinig kong sambit niya. Nakapikit pa rin ito hanggang ngayon.         Sinunod ko na lang ito. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Ilang minuto ang lumipas ay biglang lumiwanag iyon. Gabi pa rin naman pero ibang klase ang liwanag na ibinibigay ng mga bituin. "A-Anong..." napanganga ako at nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.         Ang mga bituin ang nagsisilbing liwanag namin. Para akong nasa isang anime world o ano mang klasing fantasy story. Hindi ito imahinasyon, totoo itong mga nakikita ko. Ibang klase. Sa sobrang dami ng bituin sa langit ay hindi ko na mabilang. Nagliliwanag ang mga iyon, kumikislap na para bang mga dyamante sa itaas ng kalangitan.         Iminulat na ni Kate ang mga mata nito kaya binalingan ko ito ng pansin. "Sinungaling!"       &
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status