We're So Connected
I'm a gloomy loner guy. I prefer not to associates with others. I have no friends, I'm nobody, lack of self-confidence, an introvert.
My life is a mess. I'm scared, I don't know why I'm like this. I'm tired physically, emotionally, everything! I wanna end up this sh*t! Loneliness doesn't kill, but sometimes I wish it did!
Until I met her, she changed my dark side. She became a light to me. But one day, I never thought she would suddenly disappear in my arms. I can't imagine losing the person who give the way for my future. She has been my inspiration to move forward in life.
Read
Chapter: Kabanata 18"BAKIT? Mamamatay ka na ba?" Nakangising tanong ko. "Malapit na." Nakangiting tumingin ito sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Totoo ba talagang mamamatay na siya? Lagi niyang binabanggit ang salitang iyon at hindi rin ako mapakali sa kai-isip kung anong dahilan. Hindi kaya, tungkol lahat kay Kate iyong mga napapanaginipan ko? Imposible 'yon! Hindi siya iyon. Nagkataon lang siguro na magkamukha 'yong papa niya at kapatid nito sa panaginip ko. Hindi mangyayari 'yon. Hindi siya mawawala at lalong hindi siya mamamatay. She's so rare, hindi ko kayang mawala siya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" In
Last Updated: 2021-11-06
Chapter: Kabanata 17WALA sa sarili na lang akong napahinto. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakangiti ako. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Parang may kakaiba talaga kay Kate na hindi ko maintindihan. She is amazing. Pero mapapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. She changed a lot in me. I became more stronger and braver because of her. Sinulyapan ako nito sa hindi kalayuan at ngumiti. Ang mga ngiting iyon, walang katulad sa buong mundo. Her dark eyes, her long eyelashes, her lips are so perfect. Mas lalong bumagay sa kanya ang itim at mahaba nitong buhok. I hope I could confess my feelings right away. "We're here," aniya sabay turo sa bahay namin. "Hindi ka muna ba papasok?" Umiling siya. "Hindi na. Magkita na lang tayo sa school.
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: Kabanata 16NAPAKUNOT ang noo ko. Medyo naguluhan ata ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ito sa kinauupuan niya at nag-krus ng mga braso. "You will know the answer soon. Ngayon hahayaan ko lang na mag-isip ka ng kung ano-ano." "Hindi ka naman mawawala, 'di ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Nagseseryoso talaga ako kapag si Kate ang pinag-uusapan. She's a diamond that needs to be treasured. Mahalaga siya sa akin. "I don't know. Pero posible," nginitian niya ako. "Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yon," matapang na sagot ko. Halata namang hindi ito naniniwala. "Kapag oras mo na, oras mo na. Hindi mo mapipigilan ang isang bagay na matagal ng itinakda." "So, itinakda ka
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: Kabanata 15UNTI-UNTI nang nanghihina ang mga tuhod ko. Bumabagal na rin ang aking pagtakbo. Humahangos at habol-habol ang hininga ko. Bigla na lang akong natumba. Nagkaroon ng gasgas ang magkabilang tuhod ko. Kahit ang mga palad ko ay nakalapat na sa mismong sahig. Pagod na ako. Pero hinding-hindi ako susuko. Tumayo akong muli at sinubukan kong tumakbo. "Kate!" Hindi ako tumigil. Sige, takbo lang! Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Ito iyong dagat na pinuntahan namin noon ni Kate. Malalakas na ang hampas ng alon mula doon. Ang kalangitan naman ay madilim pa rin. Ni sinag ng araw ay wala akong makita. Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat. Ito 'yong dagat na akala ko kakainin ako ng buhay. Na akala kong hinihila ako ng mga tubig nito. Ngunit hindi pala, mali ako. Nangyari iyon dahil ito ang kinatatakutan ko. Ang tubig. Ang bagyo. Takot ako sa mga ito. Nara
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: Kabanata 14NORMAL na araw lang ang nangyari ngayon. Kanina habang papunta sa eskwela ay hindi ko napansin si Kate. Dati-rati ay nagkakasabay kaming dalawa sa pagpasok. Ngayon ay hindi ko na nakita ang anino niya. Hanggang sa makarating na ako sa eskwela ay hindi ko pa rin ito nakita. Siya lang talaga ang nakakahanap sa akin kung saan ako naroroon. Gusto ko man siyang puntahan at hanapin ay hindi ko naman alam kung saan ko uumpisahan. "Talaga ba? Wow! Congrats sa atin!" Nagkakasiyahan sina Danny at iba pa naming kagrupo sa research. Matapos ang ilang linggo ay lumabas na ang resulta nito. Kami ang may pinaka-mataas na grado. Masaya ako nang dahil doon. "Raymond!” Ibinaling sa akin ang tingin ni Danny. Nasa likod lang ako nito. Magkasunod lang ang upuan namin. "Congrats," bati nito. "Congrats din sa iyo," sa
Last Updated: 2021-11-04
Chapter: Kabanata 13KAHIT anong iyak ang gawin ko ay walang Kate ang dumating. Ni hindi ako nito pinuntahan kung nasaan ako. Sinubukan kong tumayo ngunit natumba ulit ako. Nakaramdam ako ng pananakit sa kanang paa ko. Hindi ko iyon inintindi. Dapat maging malakas ako, maging matapat. Iyon ang gusto ni Kate. Ayaw niyang nakikita akong sinasaktan o inaapi ng ibang tao. Hila-hila ko ang kanang paa ko habang iika-ikang naglakad pa-uwi sa bahay. Ang lungkot. Parang may kusang nagpapatugtog ng nakakalungkot na musika. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nangyayari. Gusto kong malaman ang lahat para hindi na ako nag-a-adjust ng ganito. I want to help myself and also Kate. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Naka-upo ako sa kama ko habang may tuwalya sa likod ko. Basang-basa ako. Ramdam ko ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa buhok ko. Nakakabinging katahimikan. Hindi k
Last Updated: 2021-10-30