Share

Kabanata 3

Author: yayykathy
last update Last Updated: 2021-08-10 12:12:55

HINDI ko gusto ang maglakad sa hall ng mag-isa. Hanggang ngayon takot pa rin ako sa mga matataong lugar. Minsan iniiba ko na lang 'yong daan ko para lang hindi makasalubong ang mga estudyante. Alam ko naman na kapag ginawa ko 'yon, lalait-laitin lang nila ako. Kahit sinong tao ay hindi na 'ko nagtitiwala. Masyado na akong nilamon ng mundo noon kaya hindi ko na hahayaan ang iba na saktan ako. Ako na lang ang lalayo. Para din ito sa ikabubuti ko.

    

    Ayoko rin naman sa mga pakitang-tao lang. Iyong kunwaring magbibigay ng motibo pero 'yon pala babaliktarin ka niya. Mga plastik! Mga walang modo! Kaya ayokong makipag-kaibigan e, kahit gaano karami ang kakilala mo, kung hindi naman sila totoo sa iyo, walang kahihinatnan ang lahat ng iyon. Sa huli, sarili mo lang din ang pagkakatiwalaan mo. Trust no one!

    

    Duty ako ngayon sa pool area ng aming eskwelahan. Hindi lang ako ang dapat na maglinis dito, may iba pa akong mga kasama ngunit pinagkakaisahan nila ako. Nasa isang sulok sila at nagkakatuwaan habang ako naman ay nagkukuskos ng sahig sa gilid ng pool. 

    

    "O! Narito pala si weirdo! Hahahahaha!"

    

    "Sige! Kuskos pa! Kuskusin mo pa! Hahahaha" Tila pinagkakaisahan na naman ako ng mga kaklase ko. Ginulo pa nito ang buhok ko.

    

    "Bobo ka ba? Ganito maglinis! Tingnan mo, ha?" Inagaw nito ang scrub sa kamay ko at sinimulan niyang kuskusin iyong mga kamay ko habang nakalapat iyon sa sahig. Tuwang-tuwa sila habang ginagawa iyon ng barkada niya. "Pagkatapos kuskusin, dapat buhusan ng tubig at banlawan!" Kinuha nito ang timbang may laman na tubig at binuhos mismo sa pagmumukha ko. Wala akong nagawa kundi pumikit na lang at mapayuko.

    

    "Hahahahahaha!"

    

    "Hahahahah! Bahala ka na nga riyan! WEIRDO!" bago pa man ito maka-alis ay dinuraan niya ako sa damit.

    

    Tuwang-tuwa sila habang nililisan ang pool area. Habang ako naman ay naka-upo sa sahig, basang-basa at nakayuko. Kumuyom ang kanang kamao ko sa sobrang galit. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong lugar. Hindi ko na napigilang mapa-iyak dahil sa nangyari. Kaya ayokong napapansin ng ibang tao dahil alam kong kawawa na naman ako. Alam nilang wala akong kalaban-laban kaya sobra kung abusuhin nila ang kakayahan ko.

    

    "Hoy? HHOOYYYYY!" 

    

    Napa-angat ako ng tingin dahil sa isang babaing narinig ko. Tumatakbo siya papalapit sa akin. 

    

    "Anong nangyari sa iyo? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila? Bakit basang-basa ka?" nag-aalalang anito at hinawakan ang balikat ko. "Umiiyak ka," mahinang sambit niya. Pansin ko ang mukha niya, nalulungkot ito dahil sa nangyari sa akin. 

    

    Nagpunas ako ng luha at tumayo. "Wala 'to," tipid na sagot ko habang nakayuko. Ayokong nakikitang naaawa siya sa isang katulad ko. Kahiya-hiya naman talaga ako, wala pala akong dapat ikahiya.

    

    Hinawakan niya ulit ang braso ko. Agad ko naman iyong inalis at nagsimula nang maglakad paalis sa kinatatayuan niya. "HOOYYYY! Hintayin mo 'ko," 

    

    Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makuha ko ang bag ko sa upuan na malapit sa pool area. Nagmamadali ako upang hindi niya ako masundan hanggang sa hinarangan nitong muli ang dinaraanan ko. "HOYYY! Iniiwasan mo ba ako? Akala ko ba okay na tayo?" bulyaw nito sa akin.

    

    Ilang araw na rin noong una kaming magkita ni Kate. Totoo ngang masiyahin siyang tao pero hindi tulad ngayon. Ibang-iba siya sa Kate na nakangiti. Nalulungkot ang mukha niya. Pati ang mga mata nito ay parang gusto nang umiyak. Ano bang mayroon sa isang katulad mo?

    

    "Ano bang kailangan mo?" sinungitan ko siya. 

    

    "Sasagutin mo na ba 'yong mga tanong ko? Nag-aalala ako sa iyo!" hiyaw nito.

    

    Napa-awang ang labi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko sasabog iyon ng wala sa oras. "O-Okay lang ako," hindi makapaniwalang sagot ko.

    

    "Totoo?" May kung anong mayroon ang mga mata niya. Hindi ko alam kung nagpapa-kyut ito o sadyang teary-eyes lamang siya.

    

    Nginitian ko siya sa pangalawang pagkakataon. Mayamaya pa ay hindi na rin malungkot ang mukha niya. Hinaplos ko ang buhok nito at pinisil ang pisnge niya. "H'wag ka ng malungkot, okay lang ako. Hindi ako nasaktan," 

    

    "Bakit nakita kitang umiiyak kanina?" pagtataka nito.

    

    Natigilan ako sa sinabi niya. Iniba ko na lang ang usapan para hindi na ito mag-alala pa. "Tara! Ililibre kita," anyaya ko sa kanya.

    

    "Saan naman?" 

    

    "Basta! Tara!" sabi ko at nagsimula na kaming maglakad ng magkasama.

    

    Hindi ko talaga matiis ang isang 'to!

    

    Hindi ko pinansin ang uniporme kong basang-basa. Ang alam ko lang, magkasama kami ngayon ni Kate. Nakangiti lang siya sa buong oras. Minsan nga natutuwa ako sa mga galaw niya, tinitingala na ako nito kapag kinakausap niya ako. Dahil mas matangkad ako sa kanya, bahagya akong nakayuko kapag titignan ko siya. Ganoon ako katangkad, inisip ko, kung matagal ko na siyang nakilala, hindi ganito ka-miserable ang buhay ko ngayon. Sana pala, noon pa lang ay pinagtagpo na kami ng tadhana. 

    

    "Alam mo, Hoyy! Dapat hindi ka na nagpapa-api sa mga 'yon," komento nito nang mai-kuwento ko sa kanya ang nangyari sa 'kin kanina. "Kung makita ko lang sila, gugulpihin ko ang mga 'yon at ipagtatanggol kita," taas noo niyang sabi.

    

    Bahagya akong napangiti. Bilib din ako sa batang 'to, sobrang tapang. Akalain mo 'yon, sa ganiyang kaliit na katulad niya papatulan niya ang mas matangkad pa sa kanya? Imposible. Iiwas na lang ako para wala ng gulo. Ayoko namang madamay pa si Kate nang dahil lang sa kamalasan ko.

    

    Nasa labas kami ng eskwelahan habang kumakain ng turo-turo. Ito ang ni-request niyang kainin kaya sinunod ko na lang. Saka, laking pasasalamat ko sa kanya dahil nagkaroon ako ng makakasama at makaka-usap.

    

    "Ikaw talaga! Hindi mo naman kailangang ipagtanggol ako, saka, kaya ko ang sarili ko!" sabi ko habang nakatingin sa kinakain ko.

    

    "Weh? E, bakit mo hinayaan ang mga 'yon na buhusan ka ng tubig? Tapos dinuraan ka pa! Alam mo?! Mga walang hiya 'yang mga 'yan e,. Ang bagay sa kanila, balian ng buto! Ganito oh... tapos uppercut punch... suntok naman sa tiyan... sa mukha naman..." Umakto pa itong parang nakikipaglaban. Kunwaring kasuntukan nito ang hangin.

    

    Natuwa naman ako sa ginawa niya. Kahit papaano ay napapasaya niya ako. 

    

    "Ano? Ayos ba?!" nagtaas-baba pa siya ng kilay niya.

    

    Pinagtawanan ko na lamang ito at inubos na ang kinakain ko. Nakakawala ng problema kapag siya ang kasama ko. Nakakalimutan kong mag-overthink at malungkot. Sobrang saya lang sa pakiramdam dahil nakaramdam na ako ng maluwag sa puso ko. Unti-unti nang nakukulayan ang mundo ko. 

    

    "Tara!" Hinila niya ako at dinala sa kung saan. Maya-maya pa ay napunta kami sa dagat. Malapit lang ito sa amin. Sobrang tahimik dito. 

    

    Agad akong nangamba nang makita ko ang lakas ng alon. Parang may naalala akong panaginip ko nang dahil do'n. 

    

    "Maganda ba? Dito ako pumupunta kapag gusto kong panoorin ang paglubog ng araw," nakangiting aniya habang nakatingin sa kabuuan ng dagat.

    

    Kinabahan naman agad ako. "Puwede na ba akong umalis?" akmang aalis na ako nang hawakan nito ang pulsuan ko. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak doon. 

    

    Habang hawak-hawak niya ang braso ko, pinagmamasdan niya ang ganda ng dalampasigan. Nakangiti pa rin siya. "Pumikit ka," 

    

    Nagtaka ako nang dahil sa sinabi niya. Kesyo naman umangal pa ako, sinunod ko na lang ang gusto niya. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

    

    "Pakinggan mo ang mga alon sa dagat," kalamadong anito.

    

    Habang nakapikit ako, iniisip kong naglalakad ako sa tabi ng dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at ang lamig ng hanging nanunuot sa buong katawan ko. Wala akong ibang kasama roon kundi ang sarili ko. Para akong nasa isang isla, tahimik, walang katao-tao, tanging ang hampas ng alon at pag-agos ng tubig ang naririnig ko. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, bahagya akong napahinto nang makaramdam ako ng isang patak ng tubig sa aking braso. Tumingin ako sa itaas, ang kaninang sobrang tirik ng araw ay biglang nabalutan ng masama at madilim na kalangitan. Napa-awang ang aking bibig dahil kakaiba iyon sa normal na pagdilim ng mga ulap sa tuwing nagbabadyang umulan. Iyon bang may darating na malakas na bagyo. 

    

    Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang malakas na hangin. Nakatingin pa rin ako sa mga ulap, tila bang dahan-dahan ang pag-ikot niyon at bumubuo ng malaking bilog sa kalangitan. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay isang mata ng bagyo. Napa-atras ako sa aking kinatatayuan, tatakbo na sana ako nang bigla akong madapa sa buhangin. Habang dumidilim ang buong lugar dulot ng masamang panahon ay nagdadala na rin ito ng pagkulog at pagkidlat. Napayuko ako nang gumuhit sa itaas ang isang malakas na kidlat at tumama iyon sa isang puno. Nagkataong malapit ako roon, agad akong nagmadaling tumayo at iniwasan ang punong iyon. Nakita ko na lang na bumagsak iyon sa harapan ko.

    

    Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong mapuntahan kahit magtatakbo ako sa tabi ng dagat. Binilisan ko ang pagtakbo. Tumakbo ako ng tumakbo, hindi alintana ang malakas na ulan. Tuluyan na ngang nandilim ang buong lugar, tanging ang pag-guhit ng kidlat ang nagsisilbing ilaw para sa akin. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Bigla na lang bumagal ang pagtakbo ako, hingal na hingal akong humawak sa aking tuhod. Nang makita ko ulit ang isang puno sa harapan ko. "Ha?" Ito lamang ang naging reaksyon ko nang mapagtanto kong pabalik-balik lang pala ako. Hindi ko namamalayan na pa-ulit-ulit lang pala ang lugar na tinatakbuhan ko. "Hi-Hindi! Hindi maaari!" 

    

    Isang malaking tubig ang nabuo sa kabuuan ng karagatan. Tumataas ito at lumalaki, dala ng hangin at ulan ay nabubuo ang isang uri ng ipo-ipo. Napasalampak na lamang ako sa buhangin, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Papalapit iyon sa gawi ko, habang papalapit nang papalapit ang kung anong bagay na iyon ay napapa-atras naman ako. Takot ako sa tubig, ayokong mabasa o lumubog ako sa isang parte ng dagat. "Oras na!" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang sinabi nito.

    

    Nagsasalitang ipo-ipo?

    

    "Halika na!" 

    

    "Hindi!" Tumayo ako at nagsimulang tumakbo. Ramdam ko ang kaba at takot. Bilisan ko man ang pagtakbo ngunit nadadapa pa rin ako. Nangangatog na ang mga binti ko at hindi na kayang tumakas sa banta ng masamang panahon. Napaluhod na lang ako. Kahit takasan ko pa ay sumusunod din ito kahit saan ako magpunta. 

    

    Mayamaya pa ay nararamdaman ko na ang tubig sa aking mga binti. Hindi ko alam na hinihila na pala ako ng dagat papunta roon. Pilit ko mang makatayo at umiwas sa tubig ay hindi ko magawa, hindi ako makagalaw. Tila kusang lumalapit sa kinauupuan ko ang tubig dagat. "WWAAAHHHHHH!" Mabilis akong nahila ng tubig kaya nasa gitna na ako ng parte nito. Pakiramdam ko ay nasa karagatan ako. Lahat ng nakikita ko ay halos tubig, hindi ko na makita ang dalampasigan.

    

    Langoy. Pilit akong lumalangoy kahit alam kong walang katapusan iyon. Bigla na lang bumigat ang katawan ko kaya dahan-dahan nang lumulubog iyon. Itinaas ko ang aking kamay, senyales lamang iyon na palubog na ang aking katawan. Sobrang tahimik sa ilalim. Wala akong marinig. Nakatingala lang ako habang pinapakiramdaman ang paglubog ko. 

    

    "Kate! Kate!" kahit sumigaw ako, wala pa ring makakarinig sa akin. 

    

    Gusto kong lumangoy pataas ngunit hinihila na ako ng karagatan. 

    

    Para akong nasa ilalim ng madilim na karagatan, unti-unting nahuhulog at lumulubog, sumisigaw ngunit walang nakakarinig. 

    

    Bigla akong nanginig. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Napapikit na lang ako. Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Kate sa kamay ko at biglang natumba sa sahig. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tinitingnan ko siya. 

    

    *Dug Dug! Dug Dug! Dug Dug!"

    

    Hinihingal ako. Hinahabol-habol ko ang hininga ko. Paano nangyari 'yon? Akala ko mamamatay na 'ko sa ilalim na karagatan na iyon.

    

    "Pa-Paanong?!" hindi makapaniwalang sambit ko. This is unbelievable! 

    

    "Dinala kita sa kinatatakutan mong lugar, at iyon ang tubig, hindi ba? Kahit nasa dagat ka lang, pakiramdam mo nasa karagatan ka." Nakangiti pa rin ito.

    

    Naningkit ang mga mata ko nang tumama kay Kate ang sinag ng araw. Tumama sa kanya ang hangin kasama ng paghawi ng mahaba nitong buhok. Para akong nananaginip, para akong nasa loob ng isang pantasyang mundo. Panaginip nga lang ba ang lahat?

    

    "Tara na, umuwi na tayo. Bumababa na ang araw," saad niya sabay tingin nito sa gawi ng araw. 

    

    Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Akala ko talaga naroon ako sa pangyayaring 'yon. Akala ko mamamatay na 'ko. Akala ko lang pala. Pero imposible! Paanong nagawa 'yon ni Kate? Nang makaramdam ako ng kuryente sa kamay niya, doon lang bumalik sa katotohanan ang lahat. Katotohanan na panaginip lang pala ang mga iyon. 

    

    Pero paano? Maligno ba siya? Paanong nangyari 'yon?

    

    "Siguro nagtataka ka sa nangyari sa iyo. Alam mo ba kung bakit 'yon ang greatest fear mo?" panimula niya habang tinatahak namin ang daan pauwi.

    

    Umiling ako. Hindi ko naman talaga alam ang sagot kung bakit nananaginip ako nang gano'ng kasamang panaginip. Buong buhay ko ay dala-dala ko na 'yon. Palaisipan na lang talaga sa 'kin ang lahat.

    

    "Masyado kang kinawawa ng mundo noon. Nalugmok ka sa kalungkutan at hanggang ngayon ay naroon ka pa rin. Madilim pa rin ang mundo mo hangga't hindi mo binubuksan ang puso mo sa ibang tao. Hangga't hindi mo pa rin kayang labanan ang mga kinatatakutan mo. Mananatili kang mahina kung babaliwalain mo ang mga 'yon." Huminto ito at humarap sa akin. Inilapat nito ang kanyang kamay sa dibdib ko. "Heart. Heart is your only sword and power to defeat the darkness inside. But this..." Itinuro niya ang ulo ko. "Don't forget to take your brain in every fight of your life. Matatalo ka kung hindi mo bubuksan ang puso mo sa reyalidad. H'wag mong ikulong ang sarili mo sa mundong hindi mo talaga gusto." 

    

    "Hi-Hindi ko maintindihan," 

    

    Nginitian niya ako at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Habang ako naman ay naiwang nakatulala sa kinatatayuan ko. 

    

    "Mata Ashita!" sigaw nito nang makalayo na. Kumaway-kaway ito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. 

    

    Hindi ba, japanese words iyon? 

    

    Napangiti na lang din ako sa mga sinabi niya. Noong una, hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari sa akin. Unti-unti kong nalalaman ang dapat kong malaman tungkol sa laro ng buhay. Si Kate, siya ang babaing nagpapaliwanag sa akin ng lahat. Siguro nga, dapat kong gawin ang sinabi niya. 

    

    Buksan ang puso sa mga tao. Hindi naging maganda ang simula ng buhay ko. Pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko no'n. Sobrang hirap ng sitwasyon dahil halos mawalan ako ng pag-asa. Kung iisipin ko ulit, sariling comfort ang ginagawa ko noon upang kumalma ako. Dahil ako lang ang nakaka-alam ng problema ko noon, sobrang sakit sa dibdib. Hanggang ngayon na matanda na 'ko, gano'n pa rin, dala-dala pa rin ang nakaraan. Sana nga magawa ko 'yon. Sana magawa kong buksan ang puso ko sa mga tao. 

    

    Nang maimulat ko ang aking mga mata, agad kong narinig ang pagtunog ng cell phone ko sa gilid. Nakahiga pa rin ako hanggang ngayon. Sabado ngayon kaya walang pasok, nirerelax ko lang ang katawan at isip ko sa mga oras na 'to.

    

    "Hello?" 

    

    "HOOOYYY! Ohayo Gozaimasu!" 

    

    Nailayo ko ang telepono sa tainga ko nang marinig ko na naman ang sigaw niya. Umagang-umaga nag-iingay siya. Ano raw? Kailan pa siya nahilig sa japanese words?

    

    "Ohayo! Kailan ka pa natutong mag-hapon? Haponesa ka ba?" Tumayo ako sa kinahihigaan ko at umupo sa kama. 

    

    "Hindi. Nakita ko kasi 'yong mga manga books sa sala niyo kaya naisip ko na baka mahilig ka sa anime," 

    

    Oo nga, hindi ko pa pala naaayos 'yong mga librong nakakalat doon. Kaya naman pala kung ano-anong japanese words ang mga sinasabi niya sa akin. Pero dahil mahilig akong manood ng anime, natututo rin akong magsalita ng hapon, pero iyong mga basic lang.

    

    "Teka, nakaligo ka na ba?!" 

    

    "Ha? Ano bang paki mo?!" Napakamot batok na lang ako. Anong klasing tanong ba 'yon? 

    

    "Maligo ka na! May pupuntahan tayo," 

    

    Napakunot noo ako. "Sa-Saan-"

    

    "Bye!" 

    

    Hindi pa ako tapos magsalita nang babaan ako nito ng linya. Seryoso ba siya? Gusto kong magpahinga ngayon sa bahay lang, pero kung mapilit ang babaing 'yon, bakit hindi. Siya naman ang kasama ko. 

    

    Agad akong bumaba sa kama at binilisan ko ang pagkilos. Hyper ang galawan ko ngayon, parang masaya yata ang gising ko. Medyo mataas na rin ang araw nang silipin ko sa bintana. Nagsuot lang ako ng simpleng plain T-shirt at jacket. Itim na pantalon naman ang pambaba at sapatos. Inayos ko rin ang pagsuklay ko sa buhok nang magawi ako sa salamin. Bahagya akong napangiti. Ngayon lang ako sumaya ng ganito. Sinuri ko ang kabuuan ng mukha ko, ang pogi ko pala kapag nag-ayos. Kumindat at nagpapogi lang ako sa tapat ng salamin. "'Yan! Mukha ka ng main character sa isang anime! Ang pogi mo, Mond!" Itinuro ko iyong salamin at kumindat.

    

    "Ma! Alis na po ako," sabi ko nang makarating sa sala.

    

    Napansin ko namang napahinto sila nang makita ako. Ilang segundo pa nang magsalita si mama. "Anak? Ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni mama.

    

    Napalunok naman ako sa sinabi niya. Buong buhay ko, ngayon lang ako nag-ayos ng ganito. Nagmukha na akong tao.

    

    "Aba! Ang pogi ng kapatid ko, ah!" Halatang naninibago pa sila. "Ma! Naiisip mo ba ang naiisip ko?" 

    

    Nagkatinginan silang dalawa. "MAY DATE KA?!" sabay nilang tanong habang nakatingin sa akin. 

    

    Medyo natawa ako nang dahil sa inasta nila. "Ma, ate, kaibigan ko lang po ang kasama ko," pagpapaliwanag ko. 

    

    "Si Kate ba anak?" hanggang ngayon ay nakangiti pa rin si mama. "AAWWW! Proud na proud ako sa iyo! Akalain mo 'yon, sa buong buhay ko ngayon lang kita nakitang ganito." Itinuro niya ang buong katawan ko.

    

    "Kaya naman.... kailangan ko na pong umalis baka hinihintay na po ako," 

    

    "Hindi ka na magkakape?" 

    

    "Hindi na po ma," nakangiting tugon ko.

    

    Lumapit sa akin si Ate at hinawakan ang balikat ko. "I'm glad you've changed! Kilala kita Mond dahil kapatid kita. Ngayon, alam ko nang hindi ka papayag na bumalik sa dati ulit. Alam kong magiging maayos din ang lahat,”

Related chapters

  • We're So Connected   Kabanata 4

    TUMANGO ako. "Salamat, Ate," Hinaplos nito ang likod ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang pagngiti nila. Hindi ko alam na ganito pala sila kasaya nang makita ako. "Bye, Hanna, pakabait ka kay mommy ha?!" "Bye, tito!" Hinalikan ko siya sa noo at nagpa-alam na rin kina mama at ate. Nakangiti akong naglalakad palabas ng bahay. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganito. Sabi ko nga, buong buhay ko ay hindi ko naranasan 'to, ngayon pa lang. Napahinto ako nang madatnan kong naghihintay si Kate sa labas. Sinisipa-sipa nito ang mga bato. Simple lang ang suot niya, gaya ko, nakapantalon lang din ito. Naka-semi formal sa pang-itaas at may hawak na panlamig. Umayos ako ng tindig. Itinago ko muna ang ngiti ko at seryoso akong humarap sa kanya. Nan

    Last Updated : 2021-09-24
  • We're So Connected   Kabanata 5

    "THANK YOU, GOD!" sambit nina Kate, Kath at ang kanyang ina. Naglapat ang kanilang mga palad at yumuko na para bang nagpapasalamat. Naki-gaya na lang din ako sa ginawa nila. "Kainan na!!" masayang sigaw ni Kath at nagsimula nang kumain. Bawat isa ay tahimik lang. Tanging simoy ng hangin na mula sa bintana at electricfan lang ang naririnig namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa probinsya ka. Parang gusto ko tuloy manirahan dito. "Ako na po riyan," sabi ko nang matapos kaming kumain. Tumakbo na si Kath palabas ng bahay at naglaro. "Hindi na, Hoy! Ako na lang," nakangiting tugon ng mama niya. "Okay lang po talaga, sanay naman po akong magligpit ng mga pinggan," magalang na sambit ko. &nb

    Last Updated : 2021-10-01
  • We're So Connected   Kabanata 6

    NAKADUNGAW ako sa bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. Nasa iisang kuwarto kami ni Kate. Malayo ako sa kanya kahit pa sobrang dilim, sa lakas ng ulan at hampas ng hangin ay nawalan ng kuryente. Kaya kami ngayon, nakatunganga sa isang sulok, hinihintay kung kailan titila ang ulan. Sa tuwing umuulan, naaalala ko iyong nangyari sa akin. Iyong mga panaginip kong nakakatakot. Kinakabahan ako sa tuwing naiisip o naaalala ang mga iyon. "Hindi ka na ba takot?" rinig kong tanong ni Kate. Naka-upo ito sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod habang nakatingin sa sahig. Ilang segundo akong natahimik. Hindi ganoon kadali kalimutan ang nakaraan. Kahit ako ay nahihirapan pa rin sa sitwasyon ko ngunit hindi na ganoon kabigat. Gumagaan na kahit papaano. "Saan?"&nb

    Last Updated : 2021-10-10
  • We're So Connected   Kabanata 7

    NAKAHIGA na ako katabi si Kate. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakapatong iyong braso ko sa noo. Tahimik na ang lahat, kahit iyong ulan ay huminto na rin. Nakatalikod naman sa akin si Kate. Binalingan ko ito ng tingin, "Tulog ka na ba?" mahinang tanong ko. Ilang segundo itong hindi sumagot kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa kisame. Unti-unti na rin akong pumikit at hindi namalayan ang pagtulog ko. Ano bang mayroon sa babaing 'to? She makes my heartbeat fast. Sinag ng araw ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad na nanlaki ang mga iyon nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko, nakagilid ang posisyon ko. Magkaharap kami ni Kate, dikit na dikit. Nakasampa ang binti nito sa binti ko habang nakayakap sa akin. "WWAAAHHH!" napasigaw ako nang mapagtanto ang mga iyon. Sa sobrang gulat ay bigla n

    Last Updated : 2021-10-22
  • We're So Connected   Kabanata 8

    HANGGANG sa makarating kami sa eskinita papunta kila Kate ay tahimik pa rin ito. Pinapanood ko lang ang likod niya habang naglalakad pauwi sa kanila. Lungkot na lungkot siya. Tumalikod na lang din ako at naglakad pa-uwi sa amin. Tahimik ang lahat. Kung may daraan na mga sasakyan, kakaunti lang. Nang makaraan ako sa plaza ay wala ring mga batang naglalaro doon. Kahit mga nagtitinda ng ice cream at lobo ay wala. Umaayon ba 'yong nararamdaman ni Kate sa lahat ng bagay? Pakiramdam ko ay blangko ako ngayong araw. Pagod lang siguro ako at kailangang magpahinga. Pagpasok ko sa bahay ay sobrang tahimik. "Narito na po ako," walang ganang sambit ko. Ni isang katawan sa bahay ay wala akong nakita. Siguro nasa palengke sila o hindi kaya pumasyal sa ibang lugar. Nagtungo na lamang ako sa kuwarto at ibinagsak ang nanghihina kong katawan sa kama.  

    Last Updated : 2021-10-23
  • We're So Connected   Kabanata 9

    "TUMINGALA ka," rinig kong sambit niya. Nakapikit pa rin ito hanggang ngayon. Sinunod ko na lang ito. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Ilang minuto ang lumipas ay biglang lumiwanag iyon. Gabi pa rin naman pero ibang klase ang liwanag na ibinibigay ng mga bituin. "A-Anong..." napanganga ako at nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ang mga bituin ang nagsisilbing liwanag namin. Para akong nasa isang anime world o ano mang klasing fantasy story. Hindi ito imahinasyon, totoo itong mga nakikita ko. Ibang klase. Sa sobrang dami ng bituin sa langit ay hindi ko na mabilang. Nagliliwanag ang mga iyon, kumikislap na para bang mga dyamante sa itaas ng kalangitan. Iminulat na ni Kate ang mga mata nito kaya binalingan ko ito ng pansin. "Sinungaling!" &

    Last Updated : 2021-10-29
  • We're So Connected   Kabanata 10

    NAKANGANGA ako habang pinapanood si Kate na kumain. Halos lahat ata ng in-order ko ay siya ang naka-ubos. Sobrang bilis niyang kumain. Para bang hindi nakakain ng isang taon. Pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang ganda niya pa ring pagmasdan. Iyon bang mapapahinto ka talaga sa ginagawa mo kapag nakita mo na siya. Kaunti na lang talaga ay tutulo na ang laway ko. Mas gusto kong tumulo ang laway ko kaysa mawala sa paningin niya. "Hinay-hinay lang," mahinahong sambit ko. Kinuha ko naman iyong tubig at inilapit sa kanya. Sunod-sunod ang subo nito ngunit laking gulat ko na lang dahil hindi ito nabibilaukan. Food is life ika-nga. "Ang sarap pala ng pagkain nila rito, ano?" aniya nang maubos niya lahat nang kinain nito. Kinuha niya iyong baso at uminom. Mukha namang nabusog ito. "May schedule ka pa today?" Umiling ako. "

    Last Updated : 2021-10-29
  • We're So Connected   Kabanata 11

    “HHMMP! So weird," she whispered. "Anyway, matagal na kayong magkakilala?" "Uhm, almost a month?" Hindi ko na matandaan. Ilang araw at linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang makilala ko siya. Sobrang tagal na rin. "Siguro gusto mo na siya," Napataas ako ng kilay at umiling. "Nope." Natawa ako sa sinabi ko dahil ang totoo naman ay gusto ko siya. "Ahysus! Kilala ko kayong mga lalaki. Kunwaring hindi aamin pero ang totoo may gusto naman pala," nanunukso ang ngiti niya. "Tara na, baka hinihintay na tayo nina Allan," anyaya nito at nauna na. "Sige, sunod ako." Wala sa sarili akong napangiti. Maglalakad na sana ako kasunod ni Danny nang biglang tumunog ang phone ko. May text akong natanggap mula kay Kate.

    Last Updated : 2021-10-29

Latest chapter

  • We're So Connected   Kabanata 18

    "BAKIT? Mamamatay ka na ba?" Nakangising tanong ko. "Malapit na." Nakangiting tumingin ito sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Totoo ba talagang mamamatay na siya? Lagi niyang binabanggit ang salitang iyon at hindi rin ako mapakali sa kai-isip kung anong dahilan. Hindi kaya, tungkol lahat kay Kate iyong mga napapanaginipan ko? Imposible 'yon! Hindi siya iyon. Nagkataon lang siguro na magkamukha 'yong papa niya at kapatid nito sa panaginip ko. Hindi mangyayari 'yon. Hindi siya mawawala at lalong hindi siya mamamatay. She's so rare, hindi ko kayang mawala siya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" In

  • We're So Connected   Kabanata 17

    WALA sa sarili na lang akong napahinto. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakangiti ako. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Parang may kakaiba talaga kay Kate na hindi ko maintindihan. She is amazing. Pero mapapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. She changed a lot in me. I became more stronger and braver because of her. Sinulyapan ako nito sa hindi kalayuan at ngumiti. Ang mga ngiting iyon, walang katulad sa buong mundo. Her dark eyes, her long eyelashes, her lips are so perfect. Mas lalong bumagay sa kanya ang itim at mahaba nitong buhok. I hope I could confess my feelings right away. "We're here," aniya sabay turo sa bahay namin. "Hindi ka muna ba papasok?" Umiling siya. "Hindi na. Magkita na lang tayo sa school.

  • We're So Connected   Kabanata 16

    NAPAKUNOT ang noo ko. Medyo naguluhan ata ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ito sa kinauupuan niya at nag-krus ng mga braso. "You will know the answer soon. Ngayon hahayaan ko lang na mag-isip ka ng kung ano-ano." "Hindi ka naman mawawala, 'di ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Nagseseryoso talaga ako kapag si Kate ang pinag-uusapan. She's a diamond that needs to be treasured. Mahalaga siya sa akin. "I don't know. Pero posible," nginitian niya ako. "Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yon," matapang na sagot ko. Halata namang hindi ito naniniwala. "Kapag oras mo na, oras mo na. Hindi mo mapipigilan ang isang bagay na matagal ng itinakda." "So, itinakda ka

  • We're So Connected   Kabanata 15

    UNTI-UNTI nang nanghihina ang mga tuhod ko. Bumabagal na rin ang aking pagtakbo. Humahangos at habol-habol ang hininga ko. Bigla na lang akong natumba. Nagkaroon ng gasgas ang magkabilang tuhod ko. Kahit ang mga palad ko ay nakalapat na sa mismong sahig. Pagod na ako. Pero hinding-hindi ako susuko. Tumayo akong muli at sinubukan kong tumakbo. "Kate!" Hindi ako tumigil. Sige, takbo lang! Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Ito iyong dagat na pinuntahan namin noon ni Kate. Malalakas na ang hampas ng alon mula doon. Ang kalangitan naman ay madilim pa rin. Ni sinag ng araw ay wala akong makita. Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat. Ito 'yong dagat na akala ko kakainin ako ng buhay. Na akala kong hinihila ako ng mga tubig nito. Ngunit hindi pala, mali ako. Nangyari iyon dahil ito ang kinatatakutan ko. Ang tubig. Ang bagyo. Takot ako sa mga ito. Nara

  • We're So Connected   Kabanata 14

    NORMAL na araw lang ang nangyari ngayon. Kanina habang papunta sa eskwela ay hindi ko napansin si Kate. Dati-rati ay nagkakasabay kaming dalawa sa pagpasok. Ngayon ay hindi ko na nakita ang anino niya. Hanggang sa makarating na ako sa eskwela ay hindi ko pa rin ito nakita. Siya lang talaga ang nakakahanap sa akin kung saan ako naroroon. Gusto ko man siyang puntahan at hanapin ay hindi ko naman alam kung saan ko uumpisahan. "Talaga ba? Wow! Congrats sa atin!" Nagkakasiyahan sina Danny at iba pa naming kagrupo sa research. Matapos ang ilang linggo ay lumabas na ang resulta nito. Kami ang may pinaka-mataas na grado. Masaya ako nang dahil doon. "Raymond!” Ibinaling sa akin ang tingin ni Danny. Nasa likod lang ako nito. Magkasunod lang ang upuan namin. "Congrats," bati nito. "Congrats din sa iyo," sa

  • We're So Connected   Kabanata 13

    KAHIT anong iyak ang gawin ko ay walang Kate ang dumating. Ni hindi ako nito pinuntahan kung nasaan ako. Sinubukan kong tumayo ngunit natumba ulit ako. Nakaramdam ako ng pananakit sa kanang paa ko. Hindi ko iyon inintindi. Dapat maging malakas ako, maging matapat. Iyon ang gusto ni Kate. Ayaw niyang nakikita akong sinasaktan o inaapi ng ibang tao. Hila-hila ko ang kanang paa ko habang iika-ikang naglakad pa-uwi sa bahay. Ang lungkot. Parang may kusang nagpapatugtog ng nakakalungkot na musika. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nangyayari. Gusto kong malaman ang lahat para hindi na ako nag-a-adjust ng ganito. I want to help myself and also Kate. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Naka-upo ako sa kama ko habang may tuwalya sa likod ko. Basang-basa ako. Ramdam ko ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa buhok ko. Nakakabinging katahimikan. Hindi k

  • We're So Connected   Kabanata 12

    HINAPLOS ko ang likod niya na animoy pinapakalma. "Sshhh! It's all right. Narito lang ako," mahinang sabi ko. Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at yumuko. "So-Sorry. Ta-Takot kasi ako sa dilim," nauutal na tugon nito. Hinila ko naman siya at pinaupo sa kama. "Tabi na lang tayo tutal medyo malaki naman 'tong kama ko. Huwag kang mag-alala, hindi ako 'yong lalaking basta lalaki lang. Wa-Wala akong intensyong masama sa iyo," "Salamat, ha? Ang bait mo pala. Akala ko noon iniiwasan ka nila dahil masama kang tao. Akala ko lang pala 'yon." Nginitian ko siya ng pilit. "Walang anuman. Sige na, magpahinga ka na." Binigyan ko ito ng extra blanket upang hindi kami mag-share sa iisang kumot. Kung gusto ko mang makipag-share ng kumot, hindi kay Danny, kundi kay Kate lang.

  • We're So Connected   Kabanata 11

    “HHMMP! So weird," she whispered. "Anyway, matagal na kayong magkakilala?" "Uhm, almost a month?" Hindi ko na matandaan. Ilang araw at linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang makilala ko siya. Sobrang tagal na rin. "Siguro gusto mo na siya," Napataas ako ng kilay at umiling. "Nope." Natawa ako sa sinabi ko dahil ang totoo naman ay gusto ko siya. "Ahysus! Kilala ko kayong mga lalaki. Kunwaring hindi aamin pero ang totoo may gusto naman pala," nanunukso ang ngiti niya. "Tara na, baka hinihintay na tayo nina Allan," anyaya nito at nauna na. "Sige, sunod ako." Wala sa sarili akong napangiti. Maglalakad na sana ako kasunod ni Danny nang biglang tumunog ang phone ko. May text akong natanggap mula kay Kate.

  • We're So Connected   Kabanata 10

    NAKANGANGA ako habang pinapanood si Kate na kumain. Halos lahat ata ng in-order ko ay siya ang naka-ubos. Sobrang bilis niyang kumain. Para bang hindi nakakain ng isang taon. Pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang ganda niya pa ring pagmasdan. Iyon bang mapapahinto ka talaga sa ginagawa mo kapag nakita mo na siya. Kaunti na lang talaga ay tutulo na ang laway ko. Mas gusto kong tumulo ang laway ko kaysa mawala sa paningin niya. "Hinay-hinay lang," mahinahong sambit ko. Kinuha ko naman iyong tubig at inilapit sa kanya. Sunod-sunod ang subo nito ngunit laking gulat ko na lang dahil hindi ito nabibilaukan. Food is life ika-nga. "Ang sarap pala ng pagkain nila rito, ano?" aniya nang maubos niya lahat nang kinain nito. Kinuha niya iyong baso at uminom. Mukha namang nabusog ito. "May schedule ka pa today?" Umiling ako. "

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status