TUMANGO ako. "Salamat, Ate,"
Hinaplos nito ang likod ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang pagngiti nila. Hindi ko alam na ganito pala sila kasaya nang makita ako.
"Bye, Hanna, pakabait ka kay mommy ha?!"
"Bye, tito!" Hinalikan ko siya sa noo at nagpa-alam na rin kina mama at ate.
Nakangiti akong naglalakad palabas ng bahay. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganito. Sabi ko nga, buong buhay ko ay hindi ko naranasan 'to, ngayon pa lang. Napahinto ako nang madatnan kong naghihintay si Kate sa labas. Sinisipa-sipa nito ang mga bato. Simple lang ang suot niya, gaya ko, nakapantalon lang din ito. Naka-semi formal sa pang-itaas at may hawak na panlamig. Umayos ako ng tindig. Itinago ko muna ang ngiti ko at seryoso akong humarap sa kanya.
Nang mapansin ako nito ay agad siyang napahinto sa pagsipa ng mga bato. Lumapit naman ako sa kanya. Napansin kong, nagsisimula nang lumawak ang ngiti niya. Hulaan ko, tutuksuhin ako ng babaing 'to!
"Woah! Magni-ninong ka ba sa binyag? Ayos ah!"
Napa-iwas na lang ako ng tingin. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang. "Ikaw, mukha kang saleslady sa mall," bawi ko naman sa kanya.
Sabi ko na nga ba! Tutuksuhin ako ng babaing 'to! Bumawi na lang ako para hindi halata.
"Hahahaha!" tumingala 'to at tumawa ng malakas. Sa asta niya para siyang batang nasa birthday party, ang saya niya lang. 'Yon bang matatawa ka rin kapag tumawa siya.
"Ano bang nakakatawa sa suot ko?" bulong ko sabay tingin sa damit ko. Hindi ko alam na narinig niya pala 'yon.
"Hahahaha! Wala naman. Ang pogi mo kaya. Sa susunod hindi ka na ninong, mayor ka na! Hahahah!" hindi pa rin ito natigil sa kakatawa.
Nginisian ko siya at iniwang mag-isa sa kinatatayuan niya. Akala niya ba masaya 'yon? Hindi na talaga ako magsusuot ng ganitong damit. Mapapahiya lang ako!
"Hoyyy! Teka lang!" sumunod siya sa akin. "Mali naman 'yang dinaraanan mo, eh! Dito tayo!” Hinila niya ang braso ko papunta sa kung saan.
Umagang-umaga naririnig ko na naman ang pagtawa niya. Tila tunog musika iyon sa aking tainga. Ang sarap pakinggan, nakakagaan ng loob. Hawak-hawak niya ang braso ko habang tumatakbo. Para akong nasa isang teleserye, hinihila ako ng isang babae habang tumatakbo ng mabagal. Sa tuwing lilingon siya ay mapapanganga ka na lang sa sobrang ganda ng ngiti niya. Sabay sa galaw din ang buhok nito na siyang nagpapaganda lalo sa kanya. I can't believe that this is happening!
"Wala ka bang dalang ibang gamit? No changing of clothes?" tanong niya.
Umiling ako. "Is that important?" nagtatakang tanong ko.
Tumango naman siya at napatingin sa station na tapat namin. Train station I should say. "We are escaping city for now. Napag-isipan ko, kailangan nating magbakasyon ngayong weekend,"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman biglaan kung magsabi siya? "Why didn't you tell me?!" gulat na tanong ko. Eh, 'di sana kahit kapirasong brief ay nagdala ako. Umalis ako ng bahay ng walang dala, pero itong si Kate may dalang sling bag. Hindi naman kasya roon ang mga damit nito kaya parehas lang kami.
"It's a suprise!" Nginitian niya ako at naunang naglakad sa loob. Nauna na pala siyang bumili ng ticket namin kaya hindi na 'ko magtataka.
"Saan mo ba 'ko dadalhin?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi niya ako binalingan ng tingin ngunit napansin kong gumuhit ang labi niya. Nginisian ba ako nito?
Pumasok na kami sa train station at umupo. Parang upuan sa bus ang mga upuan doon may mga mesa rin at nagse-serve sila ng mga pagkain lalo na at mahaba ang biyahe. Kasama na sa bayad ang pagkaltas ng mga 'yon. I found this train is too expensive. High class ang sinakyan namin, iniisip ko nga kung saan kumukuha ng pera itong si Kate. Sobrang masayahin siya. Ngayon ay sinusuri nito ang isang mapang hawak niya, nakakunot ang noo nito. Sinulyapan ko naman ito. Nang mapansin kong baliktad ang pagkakahawak niya, bahagya akong natawa. Hindi niya narinig ang pagbungisngis ko.
"Why like this? I can not understand!" nakakunot noo niyang wika.
I laughed. "Here!" Kinuha ko 'yon at binaliktad.
Napatingin naman siya sa akin at bahagyang natawa. "Oh! Sorry! I didn't noticed it!" natataeang aniya at saka napakamot batok ito.
Ang cute niyang tingnan. Para siyang munting anghel na bumaba sa langit. Nang matapos akong kumain ay ininom ko na iyong tubig na nakalagay sa plastic bottle. Hindi p'wede ang baso rito at baka mabuhos pa ang tubig o 'di kaya ay juice.
"Siguro pumunta tayo ng mall at bumili ng mga damit. O 'di kaya sa tiyangge. Kumain tayo ng ramen, may alam akong lugar kung saan may pinaka-masarap na luto ng ramen. Gusto ko rin mamasyal at ipagpitas ng bulaklak ang kapatid ko,"
Sobrang dami niyang gustong gawin. Siguro nga ganito siya ka-excite i-spend ang natatangi niyang oras sa mundo. 'Yon bang marami ka munang gustong gawin bago mawala sa mundong ginagalawan mo. But I really don't believe her na malapit na siyang mamatay.
"Anong masasabi mo na isinama kita rito?" tanong niya habang kumakain.
Nagbabasa lang ako ng diyaryo. Hindi ko 'to pinansin ngunit narinig ko ang sinabi niya. "Nakakainis ka!" walang ganang tugon ko.
Tumawa naman ito. "Hahaha! Bakit? Nakalimutan mong magdala ng brief mo?"
Tinakpan ko ang bunganga niya. "Shhh! Ang ingay mo! Nakakahiya ka!" bulong ko sa kanya sabay tingin sa mga tao. Ang daming pasahero, nakakahiya kung marinig nila iyong sinasabi ni Kate.
Tumawa lang ito nang tumawa. She keep on shouting that thing. Ang kulit niya lang hanggang sa hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin.
Nang makarating kami sa isang maliit na syudad ay agad namang nag-aya si Kate na pumunta ng mall. Dinala niya ako sa men section, siya ang pumili ng mga damit at jacket na susuotin ko. "This one! Bagay sa iyo!" nakangiting aniya. Hindi talaga siya nangangawit sa kakangiti, habang ako naman ay seryoso pa rin ang reaksyon.
Nagpakawala ako ng mahabang buntong-hininga at sumunod na lang sa gusto niya. Kahit tumanggi ako ay ipipilit din nito ang mga gusto niyang bilhin kahit hindi ko naman gusto.
Hinayaan ko lang din ito kung saan niya gustong pumunta, lagi niya akong hinihila kapag may nakikita siyang magagandang bagay. Nagawi rin kami sa plaza, 'di tulad sa aming lugar, mas malaki ito kumpara doon. Maraming nagbebenta, at sobrang daming tao. May mga bulaklak din doon. Bumibili si Kate ng ice cream, imbes na hintayin ko siya ay naagaw naman ng isang bulaklak ang atensyon ko. Ang ganda niyon kaya nilapitan ko.
Walang babala na ipinagbabawal ang pumitas kaya kumuha ako ng isa. Kulay dilaw ang bulaklak na iyon. Naisipan kong bigyan si Kate. She deserve it. She changed my life indeed. Napansin kong papalapit na siya sa gawi ko kaya itinago ko iyong bulaklak sa likod ko.
"Here," aniya at saka nito inilahad iyong ice cream sa harapan ko.
"Thanks," tipid na sagot ko sabay kuha sa ice cream na ibinigay niya. Sinimulan niyang dilaan 'yong ice cream habang nakangiti sa akin. Ang ganda niya. Halos matunaw ang ice cream na hawak ko sa kakatitig sa kanya. Inilabas ko na 'yong kapirasong bulaklak, napahinto naman siya nang makita iyon.
"Woah! Para kanina 'yan? Sa crush mo? Aayyieehh!" Nanunukso ang bawat tingin at ngiti niya. Hindi pa ito nakuntento at sinundot pa niya ang tagiliran ko.
Napa-iwas ako ng tingin dahil naramdaman kong nakikiliti ako. Pilit kong tinatago ang ngiti sa aking labi. Ayokong isipin niyang may gusto ako sa kanya, pero parang gano'n na nga. Masyadong mabilis pero gusto ko na yata siya.
"Stop it!" pagpigil ko sa ginagawa niya. Huminto naman ito at nginitian niya na lang ako. "This is for you," seryosong sabi ko. Bahagya akong napangiti nang umawang ang labi nito. Hindi ko na pinatagal at inilagay ko ang bulaklak na iyon sa likod ng tainga niya.
'Yan! Mas lalo siyang gumanda!
Napangiti naman ako nang ngumiti siya. "Romantic ka rin pala 'no?" natatawang aniya.
"Ngayon ko lang ginawa 'to sa isang babae," saad ko. Bahagya pa akong napa-iwas ng tingin sa kawalan dahil hiya. Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.
Laking gulat ko nang lumapit ito sa akin at yakapin ako. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya sa dibdib ko. Hindi ako makagalaw. Nakatulala lang ako sa kawalan kahit alam kong yakap-yakap niya na ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng niyayakap ng ibang tao.
We are just a stranger when we first met. But now, I think I'm falling in love with you!
"'Yong ice cream mo, natutunaw na!"
Namulat na ako sa reyalidad. Sinulyapan ko ang hawak kong Ice cream, natutunaw na pala iyon sa kamay ko, ni hindi ko man lang namamalayan. Pinagtawanan lang ako ni Kate, nginitian ko lang din siya nang dahil doon.
Ano bang mayroon sa kanya? Iba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko maipaliwanag iyon. Sa buong buhay ko hindi ako nakaramdam ng ganito. Ngayon pa lang talaga.
Nakarating kami sa isang sitio. Parang ramdam ko ang katahimikan na bumabalot sa buong lugar. Malayo sa bayan ang lugar na 'to, ang tanging makikita mo lang ay mga palayan, maisan at iba pang mga taniman. May isang bahay ang nakatirik sa gitna. Sa tingin ko roon kami pupunta ni Kate.
"Hoyyy! Tara!" anyaya ni Mate. Nasa unahan siya habang ako naman ay nakasunod sa kanya.
"Ateee!" sigaw ng isang batang babae na naglalaro sa tapat ng bahay. Tumakbo siya at agad sinalubong si Kate. Binuhat niya naman iyon at hinalikan.
"Ang laki-laki mo na! Mmuuaahh!" Bakas sa mukha ni Kate ang saya.
Nasa hindi kalayuan ako at nakatayo. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw ni Kate. May isang babae rin ang lumabas at sinalubong ito. Nagmano siya at niyakap iyon. Laking pagtataka ko kung bakit nandito ang kapatid niya e, sa kabilang siyudad pa ang lugar namin.
"Hhooyy! Tara dito! Tara!" tinawag niya ako.
Lumapit naman ako at nagmano sa isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang kanyang ina.
"Magandang araw po," bati ko.
"Magandang araw din,"
"Ma, siya si Hoy! Kaibigan ko," nakangiting wika nito.
Napakunot noo ako. Hoy? Ang pangalan ko? Kaya pala lagi niyang akong tinatawag sa salitang hoy! . Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya kung anong pangalan ko. Ilang araw na kaming magkasama pero hindi pa rin nito tinatanong ang pangalan ko.
"Pasok kayo sa loob, maghahanda ako ng meryenda!" nakangiting saad niyong mama niya. na ikinatango ko na lamang. Kamukha ni Kate ang kanyang ina. Sa tuwing ngingiti sila ay nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi nga sila nagkakahiwalay.
Nang maka-upo ako sa upuan ay hindi na ako tinantanan ng kapatid ni Kate. Nakatayo siya sa harapan ko at halatang sinusuri ang buong katauhan ko. Nakakunot ang noo niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaalibadbaran.
"Sino ka?!" pasigaw nitong tanong sa akin habang nakapameywang. Para siyang matanda.
"Hoy! Pagpasensyahan mo na 'yang kapatid ko, talagang ganiyan lang 'yan. Naninibago kapag may nakikita siyang ibang tao," nakangiting wika ni Kate. "Wait lang! Tutulungan ko lang si mama sa kusina," paalam niya at tumayo rin mula sa kinauupuan nito.
"Ang pangit ng pangalan mo!" bulala niyong bata. Sungitan ba naman ako ng kapatid ni Kate.
"Ikaw? Sino ka ba?! Ang liit-liit mo pero kung makapagsalita ka akala mo matanda ka na," sumbat ko. Hindi ako naglabas nang kung anong emosyon. Gusto ko itong inisin ngunit kinakabahan ako baka umiyak.
"Tsee! Ako si Kath. Hindi na 'ko bata ano? Hhmmp!" nag-iwas siya ng tingin. Natuwa naman ako sa inasta niya. Talagang magkapatid na magkapatid nga sila. Kahit ang galawan nito ay hindi nalalayo sa ugali ni Kate. Ang cute nila kung magsungit o kapag nalulungkot.
"THANK YOU, GOD!" sambit nina Kate, Kath at ang kanyang ina. Naglapat ang kanilang mga palad at yumuko na para bang nagpapasalamat. Naki-gaya na lang din ako sa ginawa nila. "Kainan na!!" masayang sigaw ni Kath at nagsimula nang kumain. Bawat isa ay tahimik lang. Tanging simoy ng hangin na mula sa bintana at electricfan lang ang naririnig namin. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa probinsya ka. Parang gusto ko tuloy manirahan dito. "Ako na po riyan," sabi ko nang matapos kaming kumain. Tumakbo na si Kath palabas ng bahay at naglaro. "Hindi na, Hoy! Ako na lang," nakangiting tugon ng mama niya. "Okay lang po talaga, sanay naman po akong magligpit ng mga pinggan," magalang na sambit ko. &nb
NAKADUNGAW ako sa bintana habang pinapanood ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan. Nasa iisang kuwarto kami ni Kate. Malayo ako sa kanya kahit pa sobrang dilim, sa lakas ng ulan at hampas ng hangin ay nawalan ng kuryente. Kaya kami ngayon, nakatunganga sa isang sulok, hinihintay kung kailan titila ang ulan. Sa tuwing umuulan, naaalala ko iyong nangyari sa akin. Iyong mga panaginip kong nakakatakot. Kinakabahan ako sa tuwing naiisip o naaalala ang mga iyon. "Hindi ka na ba takot?" rinig kong tanong ni Kate. Naka-upo ito sa sahig at yakap-yakap ang mga tuhod habang nakatingin sa sahig. Ilang segundo akong natahimik. Hindi ganoon kadali kalimutan ang nakaraan. Kahit ako ay nahihirapan pa rin sa sitwasyon ko ngunit hindi na ganoon kabigat. Gumagaan na kahit papaano. "Saan?"&nb
NAKAHIGA na ako katabi si Kate. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakapatong iyong braso ko sa noo. Tahimik na ang lahat, kahit iyong ulan ay huminto na rin. Nakatalikod naman sa akin si Kate. Binalingan ko ito ng tingin, "Tulog ka na ba?" mahinang tanong ko. Ilang segundo itong hindi sumagot kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa kisame. Unti-unti na rin akong pumikit at hindi namalayan ang pagtulog ko. Ano bang mayroon sa babaing 'to? She makes my heartbeat fast. Sinag ng araw ang gumising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Agad na nanlaki ang mga iyon nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko, nakagilid ang posisyon ko. Magkaharap kami ni Kate, dikit na dikit. Nakasampa ang binti nito sa binti ko habang nakayakap sa akin. "WWAAAHHH!" napasigaw ako nang mapagtanto ang mga iyon. Sa sobrang gulat ay bigla n
HANGGANG sa makarating kami sa eskinita papunta kila Kate ay tahimik pa rin ito. Pinapanood ko lang ang likod niya habang naglalakad pauwi sa kanila. Lungkot na lungkot siya. Tumalikod na lang din ako at naglakad pa-uwi sa amin. Tahimik ang lahat. Kung may daraan na mga sasakyan, kakaunti lang. Nang makaraan ako sa plaza ay wala ring mga batang naglalaro doon. Kahit mga nagtitinda ng ice cream at lobo ay wala. Umaayon ba 'yong nararamdaman ni Kate sa lahat ng bagay? Pakiramdam ko ay blangko ako ngayong araw. Pagod lang siguro ako at kailangang magpahinga. Pagpasok ko sa bahay ay sobrang tahimik. "Narito na po ako," walang ganang sambit ko. Ni isang katawan sa bahay ay wala akong nakita. Siguro nasa palengke sila o hindi kaya pumasyal sa ibang lugar. Nagtungo na lamang ako sa kuwarto at ibinagsak ang nanghihina kong katawan sa kama.  
"TUMINGALA ka," rinig kong sambit niya. Nakapikit pa rin ito hanggang ngayon. Sinunod ko na lang ito. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Ilang minuto ang lumipas ay biglang lumiwanag iyon. Gabi pa rin naman pero ibang klase ang liwanag na ibinibigay ng mga bituin. "A-Anong..." napanganga ako at nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ang mga bituin ang nagsisilbing liwanag namin. Para akong nasa isang anime world o ano mang klasing fantasy story. Hindi ito imahinasyon, totoo itong mga nakikita ko. Ibang klase. Sa sobrang dami ng bituin sa langit ay hindi ko na mabilang. Nagliliwanag ang mga iyon, kumikislap na para bang mga dyamante sa itaas ng kalangitan. Iminulat na ni Kate ang mga mata nito kaya binalingan ko ito ng pansin. "Sinungaling!" &
NAKANGANGA ako habang pinapanood si Kate na kumain. Halos lahat ata ng in-order ko ay siya ang naka-ubos. Sobrang bilis niyang kumain. Para bang hindi nakakain ng isang taon. Pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang ganda niya pa ring pagmasdan. Iyon bang mapapahinto ka talaga sa ginagawa mo kapag nakita mo na siya. Kaunti na lang talaga ay tutulo na ang laway ko. Mas gusto kong tumulo ang laway ko kaysa mawala sa paningin niya. "Hinay-hinay lang," mahinahong sambit ko. Kinuha ko naman iyong tubig at inilapit sa kanya. Sunod-sunod ang subo nito ngunit laking gulat ko na lang dahil hindi ito nabibilaukan. Food is life ika-nga. "Ang sarap pala ng pagkain nila rito, ano?" aniya nang maubos niya lahat nang kinain nito. Kinuha niya iyong baso at uminom. Mukha namang nabusog ito. "May schedule ka pa today?" Umiling ako. "
“HHMMP! So weird," she whispered. "Anyway, matagal na kayong magkakilala?" "Uhm, almost a month?" Hindi ko na matandaan. Ilang araw at linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang makilala ko siya. Sobrang tagal na rin. "Siguro gusto mo na siya," Napataas ako ng kilay at umiling. "Nope." Natawa ako sa sinabi ko dahil ang totoo naman ay gusto ko siya. "Ahysus! Kilala ko kayong mga lalaki. Kunwaring hindi aamin pero ang totoo may gusto naman pala," nanunukso ang ngiti niya. "Tara na, baka hinihintay na tayo nina Allan," anyaya nito at nauna na. "Sige, sunod ako." Wala sa sarili akong napangiti. Maglalakad na sana ako kasunod ni Danny nang biglang tumunog ang phone ko. May text akong natanggap mula kay Kate.
HINAPLOS ko ang likod niya na animoy pinapakalma. "Sshhh! It's all right. Narito lang ako," mahinang sabi ko. Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at yumuko. "So-Sorry. Ta-Takot kasi ako sa dilim," nauutal na tugon nito. Hinila ko naman siya at pinaupo sa kama. "Tabi na lang tayo tutal medyo malaki naman 'tong kama ko. Huwag kang mag-alala, hindi ako 'yong lalaking basta lalaki lang. Wa-Wala akong intensyong masama sa iyo," "Salamat, ha? Ang bait mo pala. Akala ko noon iniiwasan ka nila dahil masama kang tao. Akala ko lang pala 'yon." Nginitian ko siya ng pilit. "Walang anuman. Sige na, magpahinga ka na." Binigyan ko ito ng extra blanket upang hindi kami mag-share sa iisang kumot. Kung gusto ko mang makipag-share ng kumot, hindi kay Danny, kundi kay Kate lang.
"BAKIT? Mamamatay ka na ba?" Nakangising tanong ko. "Malapit na." Nakangiting tumingin ito sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Totoo ba talagang mamamatay na siya? Lagi niyang binabanggit ang salitang iyon at hindi rin ako mapakali sa kai-isip kung anong dahilan. Hindi kaya, tungkol lahat kay Kate iyong mga napapanaginipan ko? Imposible 'yon! Hindi siya iyon. Nagkataon lang siguro na magkamukha 'yong papa niya at kapatid nito sa panaginip ko. Hindi mangyayari 'yon. Hindi siya mawawala at lalong hindi siya mamamatay. She's so rare, hindi ko kayang mawala siya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" In
WALA sa sarili na lang akong napahinto. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakangiti ako. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Parang may kakaiba talaga kay Kate na hindi ko maintindihan. She is amazing. Pero mapapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. She changed a lot in me. I became more stronger and braver because of her. Sinulyapan ako nito sa hindi kalayuan at ngumiti. Ang mga ngiting iyon, walang katulad sa buong mundo. Her dark eyes, her long eyelashes, her lips are so perfect. Mas lalong bumagay sa kanya ang itim at mahaba nitong buhok. I hope I could confess my feelings right away. "We're here," aniya sabay turo sa bahay namin. "Hindi ka muna ba papasok?" Umiling siya. "Hindi na. Magkita na lang tayo sa school.
NAPAKUNOT ang noo ko. Medyo naguluhan ata ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ito sa kinauupuan niya at nag-krus ng mga braso. "You will know the answer soon. Ngayon hahayaan ko lang na mag-isip ka ng kung ano-ano." "Hindi ka naman mawawala, 'di ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Nagseseryoso talaga ako kapag si Kate ang pinag-uusapan. She's a diamond that needs to be treasured. Mahalaga siya sa akin. "I don't know. Pero posible," nginitian niya ako. "Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yon," matapang na sagot ko. Halata namang hindi ito naniniwala. "Kapag oras mo na, oras mo na. Hindi mo mapipigilan ang isang bagay na matagal ng itinakda." "So, itinakda ka
UNTI-UNTI nang nanghihina ang mga tuhod ko. Bumabagal na rin ang aking pagtakbo. Humahangos at habol-habol ang hininga ko. Bigla na lang akong natumba. Nagkaroon ng gasgas ang magkabilang tuhod ko. Kahit ang mga palad ko ay nakalapat na sa mismong sahig. Pagod na ako. Pero hinding-hindi ako susuko. Tumayo akong muli at sinubukan kong tumakbo. "Kate!" Hindi ako tumigil. Sige, takbo lang! Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Ito iyong dagat na pinuntahan namin noon ni Kate. Malalakas na ang hampas ng alon mula doon. Ang kalangitan naman ay madilim pa rin. Ni sinag ng araw ay wala akong makita. Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat. Ito 'yong dagat na akala ko kakainin ako ng buhay. Na akala kong hinihila ako ng mga tubig nito. Ngunit hindi pala, mali ako. Nangyari iyon dahil ito ang kinatatakutan ko. Ang tubig. Ang bagyo. Takot ako sa mga ito. Nara
NORMAL na araw lang ang nangyari ngayon. Kanina habang papunta sa eskwela ay hindi ko napansin si Kate. Dati-rati ay nagkakasabay kaming dalawa sa pagpasok. Ngayon ay hindi ko na nakita ang anino niya. Hanggang sa makarating na ako sa eskwela ay hindi ko pa rin ito nakita. Siya lang talaga ang nakakahanap sa akin kung saan ako naroroon. Gusto ko man siyang puntahan at hanapin ay hindi ko naman alam kung saan ko uumpisahan. "Talaga ba? Wow! Congrats sa atin!" Nagkakasiyahan sina Danny at iba pa naming kagrupo sa research. Matapos ang ilang linggo ay lumabas na ang resulta nito. Kami ang may pinaka-mataas na grado. Masaya ako nang dahil doon. "Raymond!” Ibinaling sa akin ang tingin ni Danny. Nasa likod lang ako nito. Magkasunod lang ang upuan namin. "Congrats," bati nito. "Congrats din sa iyo," sa
KAHIT anong iyak ang gawin ko ay walang Kate ang dumating. Ni hindi ako nito pinuntahan kung nasaan ako. Sinubukan kong tumayo ngunit natumba ulit ako. Nakaramdam ako ng pananakit sa kanang paa ko. Hindi ko iyon inintindi. Dapat maging malakas ako, maging matapat. Iyon ang gusto ni Kate. Ayaw niyang nakikita akong sinasaktan o inaapi ng ibang tao. Hila-hila ko ang kanang paa ko habang iika-ikang naglakad pa-uwi sa bahay. Ang lungkot. Parang may kusang nagpapatugtog ng nakakalungkot na musika. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nangyayari. Gusto kong malaman ang lahat para hindi na ako nag-a-adjust ng ganito. I want to help myself and also Kate. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Naka-upo ako sa kama ko habang may tuwalya sa likod ko. Basang-basa ako. Ramdam ko ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa buhok ko. Nakakabinging katahimikan. Hindi k
HINAPLOS ko ang likod niya na animoy pinapakalma. "Sshhh! It's all right. Narito lang ako," mahinang sabi ko. Dahan-dahan naman siyang lumayo sa akin at yumuko. "So-Sorry. Ta-Takot kasi ako sa dilim," nauutal na tugon nito. Hinila ko naman siya at pinaupo sa kama. "Tabi na lang tayo tutal medyo malaki naman 'tong kama ko. Huwag kang mag-alala, hindi ako 'yong lalaking basta lalaki lang. Wa-Wala akong intensyong masama sa iyo," "Salamat, ha? Ang bait mo pala. Akala ko noon iniiwasan ka nila dahil masama kang tao. Akala ko lang pala 'yon." Nginitian ko siya ng pilit. "Walang anuman. Sige na, magpahinga ka na." Binigyan ko ito ng extra blanket upang hindi kami mag-share sa iisang kumot. Kung gusto ko mang makipag-share ng kumot, hindi kay Danny, kundi kay Kate lang.
“HHMMP! So weird," she whispered. "Anyway, matagal na kayong magkakilala?" "Uhm, almost a month?" Hindi ko na matandaan. Ilang araw at linggo na rin kasi ang nakalipas simula nang makilala ko siya. Sobrang tagal na rin. "Siguro gusto mo na siya," Napataas ako ng kilay at umiling. "Nope." Natawa ako sa sinabi ko dahil ang totoo naman ay gusto ko siya. "Ahysus! Kilala ko kayong mga lalaki. Kunwaring hindi aamin pero ang totoo may gusto naman pala," nanunukso ang ngiti niya. "Tara na, baka hinihintay na tayo nina Allan," anyaya nito at nauna na. "Sige, sunod ako." Wala sa sarili akong napangiti. Maglalakad na sana ako kasunod ni Danny nang biglang tumunog ang phone ko. May text akong natanggap mula kay Kate.
NAKANGANGA ako habang pinapanood si Kate na kumain. Halos lahat ata ng in-order ko ay siya ang naka-ubos. Sobrang bilis niyang kumain. Para bang hindi nakakain ng isang taon. Pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang ganda niya pa ring pagmasdan. Iyon bang mapapahinto ka talaga sa ginagawa mo kapag nakita mo na siya. Kaunti na lang talaga ay tutulo na ang laway ko. Mas gusto kong tumulo ang laway ko kaysa mawala sa paningin niya. "Hinay-hinay lang," mahinahong sambit ko. Kinuha ko naman iyong tubig at inilapit sa kanya. Sunod-sunod ang subo nito ngunit laking gulat ko na lang dahil hindi ito nabibilaukan. Food is life ika-nga. "Ang sarap pala ng pagkain nila rito, ano?" aniya nang maubos niya lahat nang kinain nito. Kinuha niya iyong baso at uminom. Mukha namang nabusog ito. "May schedule ka pa today?" Umiling ako. "