Tiwala, salitang hindi ko maibigay sa kung sino man. Natatakot ako na baka iwan ako ng lahat ng taong nakakasalamuha ko. Natatakot ako na baka sila rin ang dahilan ng pagbagsak ko. Nagsimula ang lahat ng ito noong bata pa ako. Lahat ng mga nakakalaro ko noon, sinasaktan ako, kinukutya, pinagtatawanan. Naranasan ko ring mabugbog at pagka-isahan ng mga kapwa ko estudyante. Binuhat ako at itinapon sa nakatambak na basura. Sinadya rin nilang ipitin 'yong kaliwang kamay ko sa pinto, e kaliwete pa naman ako. Naranasan ko ring umuwi ng may dugo ang uniform ko, wala e, hindi talaga ako lumalaban, lalo na ayoko ring makasakit ng ibang tao. Nagsisinungaling na lang ako kay mama na gumulong ako sa hagdan kaysa naman mag-alala sila. Wala akong magawa kundi itago ang sakit na nararamdaman ko. Kahit alam kong napag-iiwanan na ako ng mundo. Gusto ko nang sumuko, nasa isip ko na ang magpakamatay. Sa madil
Last Updated : 2021-08-10 Read more