Home / Romance / WAY BACK HOME / Chapter Four

Share

Chapter Four

Author: yokuiko
last update Last Updated: 2024-11-26 09:06:58

Palubog na ang araw, mabilis na tinatahak ng mga mumunting binti ng dalawang bata ang madamong parang. Isang batang lalake at batang babae. Nangingibabaw ang tunong ng kanilang mga bungisngis sa payapang paligid. Ang malamlam na liwanag ay tumatama sa mukha ng dalawang paslit na siyang lalong nagpapatingkad sa kulay tsokolate nilang mga mata, at mga ngiting hindi mapawi buhat ng presensya ng isa't-isa.

Narating ng dalawang bata ang dulong bahagi ng parang kung saan isang bangin ang matatagpuan at matatanaw ang malawak na mga kabundukang pastulan. Ang kalangitan ay pinaghalong kulay lila at kahel habang ang kagiliran naman ay nagmimistulang ginintuan na dala ng liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. 

Magkahawak ang kamay nilang tinanaw saglit ang paligid upang ito ay apresyahin saka pikit matang nilasap ang sariwang hangin na siyang nagpapaalon sa abot tuhod na mga damo sa paligid. Dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata at magkahawak pa rin ang mga kamay na hinarap ang isa't-isa. Sa kabila nang musmos na edad ay tila ba malalim na ang pagkakaintindihan na namamagitan sa dalawa at makikita ito sa mga tinging ibinabato nila sa isa't-isa. 

 Ang batang lalake ay katorse anyos, habang ang babae naman ay sampung taong gulang. 

Ang mga kasuotan nila ay payak na akma sa lugar na kanilang simpleng kinalakhan, puting kamiseta sa lalake na may manggas na abot bisig at kortong kulay asul na abot tuhod. Ang batang babae ay nakasuot ng bestidang puti na lagpas tuhod, nakalugay ang kaniyang abot baywang na buhok na kulay tsokolate at may nakaipit na puting orkidyas sa kaniyang kanang tainga, ang kaniyang bisig ay napapalamutin ng mga santan na hinabing pulseras.  

Nagpakawala ng malalim na paghinga ang batang lalake habang hinahangaan ang kagandahan na nasa harapan niya ngayon. 

"Ano ba 'yong sasabihin mo? Palubog na ang araw at kailangan ko nang umuwi ng bahay. Ayoko na magtalo na naman sila Mom at Dad dahil pinayagan ako ni Daddy na manatiling nasa labas pa rin kahit padilim na." Nangangambang sabi ng batang babae.

"Kung ganon ay bilisan mo ang pag-sagot sa itatanong ko." Tugon naman ng batang lalake.

Nagtataka ngunit may ngiting dahan-dahan na tumango ang babaeng paslit.

  "Bilisan mo na!" Naiinip na saad ng batang babae.

Gulat na napatikip ng kaniyang bibig ang batang babae habang nananatiling hawak ng musmos na lalake ang kaniyang kabilang kamay na ngayon ay nakaluhod na sa isa nitong tuhod.

"Tina, papayag ka bang magpakasal sa akin?" Kabadong tanong ng batang lalake.

Inalis ni Tina ang palad na nakatakip sa ibabaw ng kaniyang bibig habang kagat ang pang-ibabang labi na pinipigilang matawa.

"Seryoso ako." Ani ng batang lalake nang mapansin na natatawa ang kababata sa tanong na binitawan. 

Lumuhod si Tina kaharap ang musmos na lalake, at hinawakan ang mga kamay nito. Tinagpo niya ito ng tingin.

"Masiyado pa tayong bata para magpakasal! Kahit kelan ay hindi ka talaga nag-iisip!" Ani niya na sinundan ng mahihinang hagikhik.

"Bakit ba kailangan pa natin na maghintay ng matagal kung alam rin lang naman natin na tayo pa rin ang magsasama sa huli?" 

Napailing si Tina. Hindi man siya sang-ayon sa pagiging mabilis ng kababata ay hindi niya maiwasang kiligin na kita sa kaniyang mga murang ngiti.

"Bakit ka umiiling? Ayaw mo ba sa akin?" Muling tanong ng batang lalake.

"Hindi sa ganon!"

"Kung ganoon ay pakasalan mo ako."

"Hindi ngayon."

Natahimik saglit ang lalake. Dahan-dahan itong tumayo, batid ang labis na lungkot at pagkadismaya sa mukha nito na ngayon ay halos sumubsob na sa lupa. Tinalikuran nito si Tina at nagsimula nang humakbang palayo nang maramdaman nitong may umakap sa kaniya habang siya ay nakatalikod.

Napahinto ang batang lalake nang malaman kung kaninong mga bisig ang pumulupot sa kaniya. 

"Ang sagot ko ay oo, balang araw ay pakakasalan kita."  Rinig niyang samyo ni Tina na nagpagaan sa kaniyang bagsak na pakiramdam at nagpabalik ng ngiti sa kaniyang mga labi.

Hinarap niyang muli ang batang babae na kung kaniyang ituring ay isang anghel, isang prinsesa, at balang araw ay magiging kaniya. Ikinulong niya ang magkabilang pisngi nito sa kaniyang mga palad.

"Kung ganoon ay habang hinihintay ang panahon na 'yon ay hayaan mo akong paglingkuran ka." Saad niya bago nila hagkan ang isa't-isa.

Maagang bumangon sa kaniyang papag na higaan si Scott. Mag-aalas sinco na! 

Kung ang ibang kabataan ay nanaginip pa sa kanikanilang higaan ay tanghali na itong maituturing para kay Scott. Kasalukuyan siyang nakikitira sa silong na imbakan ng gamit ni Mang Hector kung saan siya nagtatrabaho bilang isa sa mga katiwala. Simula nang magtrabaho siya sa Iron Hill Ranch ay dito na siya tumutuloy, at panaka-naka nalang kung umuwi sa sarilling tirahan kung saan niya kasama ang kaniyang inang si Rowena. Maaga pa kasi ay kaialangan nasa Rantso na siya upang mag-pastol ng mga baka, at kagabi lang ay nagpaanak sila ni Mang Hector ng kabayo na kailangan niya ring bantayan. 

Nagmamadali siyang naghilamos sa gripong nakaposte sa kawan matapos iligpit ang pinaghigaan, sinuot ang kaniyang sambalilo, at namitas ng mga bulaklak. Hindi maitago ang pananabik sa kaniyang mga mata at boyish na ngiti. 

Kinatok niya ang pintuan ng isa sa mga gusaling matatagpuan sa loob ng rantso kung saan nakatira ang may-aring si Mang Hector at ang pamilya nito. Ngunit hindi para sa kaniyang amo ang mga bulaklak na dala niya, kundi para sa anak nitong babae na si Tina.

Saglit niyang inayos ang kaniyang buhok, muling isinuot ang sambalilo, at inayos ang tayo nang marinig ang pagkaluskos at pag-awang ng pinto. Mula rito ay sumilip ang isang matikas na ginoo, may hawak itong bote ng alak sa kaniyang kamay, tuluyan siya nitong pinagbuksan ng pinto nang makita siya.

"Tanghali ka na." Saad ng ginoo.

"Sorry po boss, dideretso na ako sa rantso pagkalapag ko nito sa mesa ni --,"

"Itapon mo na ang mga 'yan." Ani nito sabay lagok sa bote ng alak na hawak.

Nagtataka niyang tinitigan saglit ang ginoo. Nakakapanibago na tila ba ay ayaw nitong makita niya si Tina. Hindi naman ito hadlang sa panliligaw na ginagawa niya.

"May problema ho ba?" Usisa ng binatilyong si Scott.

"Wala na sila dito ng Mommy niya." Matamlay na sagot ng ginoo.

"Pano pong wala? A-ano pong ibig niyong sabihin?"

Inaya siya ng ginoo na pumasok sa loob ng bahay. Hinubad niya ang suot na sambalilo at pinasadahan ng tingin ang paligid, umaasa na makita niya ni anino manlang ni Tina. Dapat ganitong oras ay gising na ito at ipinaghahanda na ng kape ang mga magulang, o di kaya ay nagdidilig na sa mga tanim nilang bulaklak. 

Naupo si Scott kasama ang Ginoo sa mahabang upuang kahoy na nasa sala. 

"Nabanggit ba sa iyo ng anak ko ang matagal na niyang pangarap?" Tanong ng Ginoo.

"Pangarap niya na maging artista." Tugon ng binata habang nakatuon ang tingin sa mga hawak na bulaklak.

"Lumuwas sila ng Maynila ng Mommy niya upang tuparin ang pangarap nilang dalawa." Saad ng Ginoo bago inilapag ang hawak na bote sa kaharap nilang mesa. "Kung nagising ka ng mas maaga ay malamang naabutan mo pa sila."

Dismayadong napangisi at napa-iling si Scott. Hindi siya makapaniwala na itinago ito sa kaniya ni Tina, na may balak pala itong umalis at iwanan nalang siya ng walang pasabi. Malalim siyang napa-buntong hininga, at tumayo na nang maramdaman ang pamamasa ng kaniyang magkabilang mata. 

"Babalik na ho ako sa rantso. Magandang umaga Mang Hector." Saad niya bago ibinalik sa kaniyang ulo ang sambalilo. 

Isinara ng binata ang pinto pagkalabas niya, at ihinulog sa basurahan ang hawak na bungkos ng bulaklak.  Habang palayo ay pinahiran niya ang luhang tuluyan nang pumatak mula sa kaniyang mga mata. 

Related chapters

  • WAY BACK HOME   Chapter Five

    SCOTT'S POV Hinihintay ko na matapos ang pagsusukat ni Saphira sa napili niyang damit nang mapansin ko ang kahina-hinalang lalake na pumasok sa loob ng shop. Nasa loob ng fitting room si Saphira kasama ang isa sa mga saleslady na inaalalayan siya sa pagbibihis. Mahina kong pinitik ang kurtina upang kunin ang atensyon ng anak ko, at agad naman siyang sumilip sa kinatatayuan ko. “Anak, huwag ka munang lalabas. May aayusin lang saglit si Papa pakisabi na rin kay Ate na kasama mo diyan sa loob.” Hindi na nagtanong pa si Saphira at tumango nalang bago bumalik sa loob ng fitting area. Nakamaskara ang lalake at mabilis nitong itinutok sa nagkakaha ang hawak na .45. “Bilis! Bilisan mo kundi ipuputok ko to!” Singhal niya sa nanginginig sa takot na kahera habang sinususian nito ang drawer na lalagyan ng pera. “O-opo! Wag nyo po akong sasaktan pakiusap!” Ani ng humahagulhol sa takot na kahera. “Pare.” Saad ko. Bago pa man siya makaharap sa direksyon ko ay nahawakan ko na ang balikat

    Last Updated : 2024-11-26
  • WAY BACK HOME   Chapter Six

    SCOTTMarahan kong hinaplos ang pisngi ng natutulog kong Prinsesa at hinawi ang mga hibla ng kulot niyang buhok na nakatabon sa parte ng kaniyang mukha. Alas-sinco palang ng umaga pero kailangan ko nang magtungo sa rantso upang tulungan si Mang Hector na maghanda sa pagdating ng anak niyang si Christina. “Ako na bahala dyan kay Liit. Puntahan mo na si Mang Hector, kagabi pa 'yon hindi makatulog kakaisip. Susunod nalang kami mamaya.” Ipinaling ko ang tingin sa babaeng nakatayo sa may bukana ng kuwarto ni Saphira. Morena ang babae na may abot baywang na buhok, nakalugay ito na akma sa simple ngunit maganda niyang mukha. Payat man ang katawan ay makikita naman na batak ito sa trabaho na siyang nagbibigay sa dalaga ng mala-atleta nitong hubog. Tomboyin rin ito kung pumorma sa suot nitong sando at pantalon. Ngumiti ako bilang tugon at lumapit kay Jordane. Isa siya sa mga kababata namin ni Christina, at parang kapatid ko na rin kung ituring. Sa kaniya ko ipinauubaya si Saphira kapag nasa

    Last Updated : 2024-11-26
  • WAY BACK HOME   Chapter Seven

    CHRISTINA'S POVTEKA SAGLIT! Paano ako makasisigurong hindi kidnaper ang isang 'to? Wala sa hitsura niya pero malala na ang trust issues ko ngayon. "Teka lang! Icoconfirm ko lang kay Daddy kung dapat ba talaga akong sumama sayo."Napangisi lang siya na may kasamang pag-iling habang nakapamewang. Hindi mo ako madadala sa mga ngiti mong 'yan. Napansin ko nang ngumiti siya ay may lumitaw na dimple sa kaniyang kanang pisngi, at isang tao lang ang kilala kong mayroon noon sa buong Poblacion. Scott AlvaroI know his face like the back of my hand. His unique features, his mannerisms, his past. Pero matagal nang panahon ang lumipas at marami na ang nagbago sa kaniya for sure. Di-nial ko ang numero ni Daddy upang tawagan siya.Please naman Dad, I am about to get abducted by someone here. Sagutin mo na ang tawag ko!Sinulyapan ko ulit si 'Scott' na tour guide ko kuno, at mukhang nagkakatuwaan sila ni Kuyang Taxi Driver. Mukhang hindi naman siya masamang tao pero mahirap nang sumugal. Las

    Last Updated : 2024-11-26
  • WAY BACK HOME   Chapter One

    CHRISTINA'S POVKasabay ng unti-unting pagtigil ng sasakyan ay ang pagkapal ng tao sa paligid, karamihan sa kanila ay mga media, paparazzi, vloggers at fans na naghihintay sa official announcement na manggagaling sa akin. It's been three days nang pumutok ang balita ng break-up namin ni Andrei Vasquez, at ngayong araw ay nagdesisyon na ako na linawin ang lahat. Yes, ang loveteam na minahal ng maraming tao for ten years ay nagtapos na. Ang pantasya na sinimulan namin ay nagwakas na two months ago pa ngunit ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob, at pagkakataon na isapubliko ang lahat. Isinuot ko ang hawak na shades at naramdaman ko ang marahang pagpisil sa balikat ko ni Mom, tuluyan na ring huminto ang sasakyan sa tapat ng hotel de manila kung saan ang venue ng press conference. "Are you ready?" Tanong sa akin ni Mom batid ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. "Matagal na akong handa, Mom." Matipid akong ngumiti saka siya niyakap. How can I not be? It's been long overdue for

    Last Updated : 2024-11-22
  • WAY BACK HOME   Chapter Two

    CHRISTINA'S POV "To Miss Christine Carvajal, totoo ba na ikaw yung babae na isa sa mga kasama ni Mr Vasquez sa sex video with another actress? Because in a statement published by Andrei's team it stated na ikaw lang naman ang kasama ni Andrei sa condo niya bago dumating si another actress-," Bago pa man ako makapasalita ay iniangat na ni Andrei ang mikropono niya. "Yes, it's definitely Chin." Liar! "But Mr. Vasquez the question is for Miss Carvajal." Saad naman ng babaeng reporter. "I know Chin, and I don't want to put her in an uncomfortable situation. That video was not originally included in the plan-," Iniangat ko ang mic at naramdaman ko ang pagpisil ni Mom sa isa kong kamay na nasa ilalim ng mesa. I intertwine my fingers with hers, and smile at her to give her reassurance. "I was raised by my Mom with values, and dala-dala ko 'yon hanggang ngayon. Never na may nangyari sa amin ni Andrei. For ten years na magkasama kami, never kaming natulog ng magkasama sa isang ka

    Last Updated : 2024-11-22
  • WAY BACK HOME   Chapter Three

    CHRISTINA'S POV Nakatitig lang ako sa salamin na kaharap ko habang innayusan ako ng buhok. It's Mia, my best friend and personal assistance. I got a message from her kung asan na raw ba ako. WHERE NA U SISSSY??? - MiaStill getting my hair done. - I replied.OKAYYYY ingat and update me kapag pauwi ka na 😊 💋 - MiaOkay 💋 - MeNakakapagtaka lang na hindi siya sa akin sumama ngayon. Kapag usapang gala kasi automatic na sa sistema ng babaeng ito na i-cancel lahat ng appointments niya makasama lang. Ang dahilan niya ngayon may i-memeet up siyang lalake na nakilala niya sa dating app, though she promised na she will check on me from time to time. Ano ako bata? I get it everyone is worried but I am fine.Am I? I will be. After all that happened, I can't still keep my mind away from Andrei. I am trying my best na maging matigas sa mata ng lahat but deep inside, just somewhere within my heart, I do still care for him. Those girls provided him of something I cannot give for now, and so

    Last Updated : 2024-11-22

Latest chapter

  • WAY BACK HOME   Chapter Four

    Palubog na ang araw, mabilis na tinatahak ng mga mumunting binti ng dalawang bata ang madamong parang. Isang batang lalake at batang babae. Nangingibabaw ang tunong ng kanilang mga bungisngis sa payapang paligid. Ang malamlam na liwanag ay tumatama sa mukha ng dalawang paslit na siyang lalong nagpapatingkad sa kulay tsokolate nilang mga mata, at mga ngiting hindi mapawi buhat ng presensya ng isa't-isa.Narating ng dalawang bata ang dulong bahagi ng parang kung saan isang bangin ang matatagpuan at matatanaw ang malawak na mga kabundukang pastulan. Ang kalangitan ay pinaghalong kulay lila at kahel habang ang kagiliran naman ay nagmimistulang ginintuan na dala ng liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Magkahawak ang kamay nilang tinanaw saglit ang paligid upang ito ay apresyahin saka pikit matang nilasap ang sariwang hangin na siyang nagpapaalon sa abot tuhod na mga damo sa paligid. Dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata at magkahawak pa rin ang mga kamay na hinarap ang i

  • WAY BACK HOME   Chapter Three

    CHRISTINA'S POV Nakatitig lang ako sa salamin na kaharap ko habang innayusan ako ng buhok. It's Mia, my best friend and personal assistance. I got a message from her kung asan na raw ba ako. WHERE NA U SISSSY??? - MiaStill getting my hair done. - I replied.OKAYYYY ingat and update me kapag pauwi ka na 😊 💋 - MiaOkay 💋 - MeNakakapagtaka lang na hindi siya sa akin sumama ngayon. Kapag usapang gala kasi automatic na sa sistema ng babaeng ito na i-cancel lahat ng appointments niya makasama lang. Ang dahilan niya ngayon may i-memeet up siyang lalake na nakilala niya sa dating app, though she promised na she will check on me from time to time. Ano ako bata? I get it everyone is worried but I am fine.Am I? I will be. After all that happened, I can't still keep my mind away from Andrei. I am trying my best na maging matigas sa mata ng lahat but deep inside, just somewhere within my heart, I do still care for him. Those girls provided him of something I cannot give for now, and so

  • WAY BACK HOME   Chapter Two

    CHRISTINA'S POV "To Miss Christine Carvajal, totoo ba na ikaw yung babae na isa sa mga kasama ni Mr Vasquez sa sex video with another actress? Because in a statement published by Andrei's team it stated na ikaw lang naman ang kasama ni Andrei sa condo niya bago dumating si another actress-," Bago pa man ako makapasalita ay iniangat na ni Andrei ang mikropono niya. "Yes, it's definitely Chin." Liar! "But Mr. Vasquez the question is for Miss Carvajal." Saad naman ng babaeng reporter. "I know Chin, and I don't want to put her in an uncomfortable situation. That video was not originally included in the plan-," Iniangat ko ang mic at naramdaman ko ang pagpisil ni Mom sa isa kong kamay na nasa ilalim ng mesa. I intertwine my fingers with hers, and smile at her to give her reassurance. "I was raised by my Mom with values, and dala-dala ko 'yon hanggang ngayon. Never na may nangyari sa amin ni Andrei. For ten years na magkasama kami, never kaming natulog ng magkasama sa isang ka

  • WAY BACK HOME   Chapter One

    CHRISTINA'S POVKasabay ng unti-unting pagtigil ng sasakyan ay ang pagkapal ng tao sa paligid, karamihan sa kanila ay mga media, paparazzi, vloggers at fans na naghihintay sa official announcement na manggagaling sa akin. It's been three days nang pumutok ang balita ng break-up namin ni Andrei Vasquez, at ngayong araw ay nagdesisyon na ako na linawin ang lahat. Yes, ang loveteam na minahal ng maraming tao for ten years ay nagtapos na. Ang pantasya na sinimulan namin ay nagwakas na two months ago pa ngunit ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob, at pagkakataon na isapubliko ang lahat. Isinuot ko ang hawak na shades at naramdaman ko ang marahang pagpisil sa balikat ko ni Mom, tuluyan na ring huminto ang sasakyan sa tapat ng hotel de manila kung saan ang venue ng press conference. "Are you ready?" Tanong sa akin ni Mom batid ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. "Matagal na akong handa, Mom." Matipid akong ngumiti saka siya niyakap. How can I not be? It's been long overdue for

DMCA.com Protection Status