Chapter: Chapter SevenCHRISTINA'S POVTEKA SAGLIT! Paano ako makasisigurong hindi kidnaper ang isang 'to? Wala sa hitsura niya pero malala na ang trust issues ko ngayon. "Teka lang! Icoconfirm ko lang kay Daddy kung dapat ba talaga akong sumama sayo."Napangisi lang siya na may kasamang pag-iling habang nakapamewang. Hindi mo ako madadala sa mga ngiti mong 'yan. Napansin ko nang ngumiti siya ay may lumitaw na dimple sa kaniyang kanang pisngi, at isang tao lang ang kilala kong mayroon noon sa buong Poblacion. Scott AlvaroI know his face like the back of my hand. His unique features, his mannerisms, his past. Pero matagal nang panahon ang lumipas at marami na ang nagbago sa kaniya for sure. Di-nial ko ang numero ni Daddy upang tawagan siya.Please naman Dad, I am about to get abducted by someone here. Sagutin mo na ang tawag ko!Sinulyapan ko ulit si 'Scott' na tour guide ko kuno, at mukhang nagkakatuwaan sila ni Kuyang Taxi Driver. Mukhang hindi naman siya masamang tao pero mahirap nang sumugal. Las
Huling Na-update: 2024-11-26
Chapter: Chapter SixSCOTTMarahan kong hinaplos ang pisngi ng natutulog kong Prinsesa at hinawi ang mga hibla ng kulot niyang buhok na nakatabon sa parte ng kaniyang mukha. Alas-sinco palang ng umaga pero kailangan ko nang magtungo sa rantso upang tulungan si Mang Hector na maghanda sa pagdating ng anak niyang si Christina. “Ako na bahala dyan kay Liit. Puntahan mo na si Mang Hector, kagabi pa 'yon hindi makatulog kakaisip. Susunod nalang kami mamaya.” Ipinaling ko ang tingin sa babaeng nakatayo sa may bukana ng kuwarto ni Saphira. Morena ang babae na may abot baywang na buhok, nakalugay ito na akma sa simple ngunit maganda niyang mukha. Payat man ang katawan ay makikita naman na batak ito sa trabaho na siyang nagbibigay sa dalaga ng mala-atleta nitong hubog. Tomboyin rin ito kung pumorma sa suot nitong sando at pantalon. Ngumiti ako bilang tugon at lumapit kay Jordane. Isa siya sa mga kababata namin ni Christina, at parang kapatid ko na rin kung ituring. Sa kaniya ko ipinauubaya si Saphira kapag nasa
Huling Na-update: 2024-11-26
Chapter: Chapter FiveSCOTT'S POV Hinihintay ko na matapos ang pagsusukat ni Saphira sa napili niyang damit nang mapansin ko ang kahina-hinalang lalake na pumasok sa loob ng shop. Nasa loob ng fitting room si Saphira kasama ang isa sa mga saleslady na inaalalayan siya sa pagbibihis. Mahina kong pinitik ang kurtina upang kunin ang atensyon ng anak ko, at agad naman siyang sumilip sa kinatatayuan ko. “Anak, huwag ka munang lalabas. May aayusin lang saglit si Papa pakisabi na rin kay Ate na kasama mo diyan sa loob.” Hindi na nagtanong pa si Saphira at tumango nalang bago bumalik sa loob ng fitting area. Nakamaskara ang lalake at mabilis nitong itinutok sa nagkakaha ang hawak na .45. “Bilis! Bilisan mo kundi ipuputok ko to!” Singhal niya sa nanginginig sa takot na kahera habang sinususian nito ang drawer na lalagyan ng pera. “O-opo! Wag nyo po akong sasaktan pakiusap!” Ani ng humahagulhol sa takot na kahera. “Pare.” Saad ko. Bago pa man siya makaharap sa direksyon ko ay nahawakan ko na ang balikat
Huling Na-update: 2024-11-26
Chapter: Chapter FourPalubog na ang araw, mabilis na tinatahak ng mga mumunting binti ng dalawang bata ang madamong parang. Isang batang lalake at batang babae. Nangingibabaw ang tunong ng kanilang mga bungisngis sa payapang paligid. Ang malamlam na liwanag ay tumatama sa mukha ng dalawang paslit na siyang lalong nagpapatingkad sa kulay tsokolate nilang mga mata, at mga ngiting hindi mapawi buhat ng presensya ng isa't-isa.Narating ng dalawang bata ang dulong bahagi ng parang kung saan isang bangin ang matatagpuan at matatanaw ang malawak na mga kabundukang pastulan. Ang kalangitan ay pinaghalong kulay lila at kahel habang ang kagiliran naman ay nagmimistulang ginintuan na dala ng liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Magkahawak ang kamay nilang tinanaw saglit ang paligid upang ito ay apresyahin saka pikit matang nilasap ang sariwang hangin na siyang nagpapaalon sa abot tuhod na mga damo sa paligid. Dahan-dahan nilang iminulat ang kanilang mga mata at magkahawak pa rin ang mga kamay na hinarap ang i
Huling Na-update: 2024-11-26
Chapter: Chapter ThreeCHRISTINA'S POV Nakatitig lang ako sa salamin na kaharap ko habang innayusan ako ng buhok. It's Mia, my best friend and personal assistance. I got a message from her kung asan na raw ba ako. WHERE NA U SISSSY??? - MiaStill getting my hair done. - I replied.OKAYYYY ingat and update me kapag pauwi ka na 😊 💋 - MiaOkay 💋 - MeNakakapagtaka lang na hindi siya sa akin sumama ngayon. Kapag usapang gala kasi automatic na sa sistema ng babaeng ito na i-cancel lahat ng appointments niya makasama lang. Ang dahilan niya ngayon may i-memeet up siyang lalake na nakilala niya sa dating app, though she promised na she will check on me from time to time. Ano ako bata? I get it everyone is worried but I am fine.Am I? I will be. After all that happened, I can't still keep my mind away from Andrei. I am trying my best na maging matigas sa mata ng lahat but deep inside, just somewhere within my heart, I do still care for him. Those girls provided him of something I cannot give for now, and so
Huling Na-update: 2024-11-22
Chapter: Chapter TwoCHRISTINA'S POV "To Miss Christine Carvajal, totoo ba na ikaw yung babae na isa sa mga kasama ni Mr Vasquez sa sex video with another actress? Because in a statement published by Andrei's team it stated na ikaw lang naman ang kasama ni Andrei sa condo niya bago dumating si another actress-," Bago pa man ako makapasalita ay iniangat na ni Andrei ang mikropono niya. "Yes, it's definitely Chin." Liar! "But Mr. Vasquez the question is for Miss Carvajal." Saad naman ng babaeng reporter. "I know Chin, and I don't want to put her in an uncomfortable situation. That video was not originally included in the plan-," Iniangat ko ang mic at naramdaman ko ang pagpisil ni Mom sa isa kong kamay na nasa ilalim ng mesa. I intertwine my fingers with hers, and smile at her to give her reassurance. "I was raised by my Mom with values, and dala-dala ko 'yon hanggang ngayon. Never na may nangyari sa amin ni Andrei. For ten years na magkasama kami, never kaming natulog ng magkasama sa isang ka
Huling Na-update: 2024-11-22