Pagkatapos ng kanilang mainit na sagupaan, tumayo si Victoria Sterling mula sa sofa at tahimik na lumapit kay Mr. Bennette. Alam niyang marami pa siyang dapat ayusin, ngunit natikman na niya ang unang tagumpay laban kay Isabella Blackwood.
Ngayon, kailangan niyang magpatuloy sa kanyang paghihiganti—hindi lamang laban kay Isabella, kundi laban sa buong pamilya na inagawan siya ng lahat.
Habang palabas na sila ng mansion, tumigil si Mr. Bennette at nagsalita ng seryoso.
"Miss Victoria, ang susunod mong hakbang ay maselan. Hindi lang si Isabella ang kalaban mo, kundi pati ang mga Wolfe."
Napatingin si Victoria kay Mr. Bennette, ang kanyang mukha’y puno ng determinasyon.
"Alam ko, Mr. Bennette. Hindi ako natatakot. Alam kong nasa tabi mo ako, at may hawak na akong testamento mula sa aking ina. Ito ang magiging sandata ko laban sa kanila."
Sumang-ayon si Mr. Bennette, ngunit nagbababala pa rin ang kanyang tinig. "Oo, ngunit si Damian Wolfe ay hindi simpleng tao. Malawak ang kanyang impluwensya, at gagawin niya ang lahat para manatiling nasa kanya ang kapangyarihan."
"Mayroon akong ideya," sagot ni Victoria, ang mga mata ay nagliliyab sa determinasyon.
"Hindi ko siya bibitawan nang basta-basta. Gagamitin ko ang lahat ng mayroon ako."
"Kailangan mong paghandaan ang lahat ng maaaring mangyari," sabi ni Mr. Bennette, ang boses niya’y nag-aalala.
"Maging ang mga pagsubok na darating sa iyo."
Isinawalang bahala nito at bumalik na sa kanyang estate. Alam niyang nag aalala lamang sa kanya ang abogado na naging kaibigan na rin nang kanyang ina. Ngunit sa panahon na meron siya ngayon. Hindi na muli siyang papayag na masayangan pa ng oras.
Para sa kanyang Ina at sarili. Di na muli magpapa - api.
-----
Pagbalik ni Victoria sa kanyang tinutuluyang lumang estate sa Quezon City, nakaramdam siya ng bigat sa kanyang puso. Matagal na siyang nawawala sa mundo ng kapangyarihan, ngunit ngayon, muli niyang ipinapakita ang sarili—hindi na bilang ang babaeng minamaliit at inaalipusta, kundi bilang isang babae na handang lumaban.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang dating kwarto. Sa loob nito, nagkalat pa rin ang ilang bagay mula sa kanyang nakaraan—mga alaala ng pagkabata, mga larawan kasama ang kanyang ina na si Serena Sterling, ang babaeng lumikha ng lahat ng ito para sa kanya. Ngunit masakit alalahanin kung paano nawala ang lahat sa kanya sa isang iglap.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko naibabalik ang lahat," bulong ni Victoria sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang reflection sa salamin.
Kinabukasan, dumating ang inaasahang bisita—si Damian Wolfe.
Si Damian ay nakatayo sa harapan ng malaking pinto ng kanyang estate, ang kanyang mga mata’y malamlam ngunit nagliliyab sa loob. Pinagbuksan siya ng katulong, at sa isang iglap, naroon na siya sa harap ni Victoria.
Nang magtama ang kanilang mga mata, tahimik ang paligid. Ang tensyon ay tila humigpit sa bawat segundo.
"Bakit ka nandito?" malamig na tanong ni Victoria, hindi nagpakita ng takot sa kanyang dating asawa.
Ngumiti si Damian, ngunit ang kanyang ngiti ay puno ng lihim na kahulugan.
"Narito ako para ipaalala sa’yo, Victoria, na kahit anong gawin mo, hindi ka makakatakas sa akin. I know you are planning with something Victoria."
Pinanatiling kalmado ni Victoria ang kanyang mukha, kahit na ang kanyang loob ay puno ng galit.
"Damian, wala ka nang kontrol sa akin. Hindi na ako ang dating babae na hinahawakan mo sa leeg at inaapakan."
Ngunit tumawa lamang si Damian, isang tawa na nagpakita ng kanyang mataas na tiwala sa sarili.
"You know what Victoria. I know you too well. Hindi ganoon kadaling bitawan ang isang tao na tulad mo. You become the worst part of my life and I won’t let you take everything that I built,”
"Hindi ba’t ikaw ang unang nagbigay ng lahat ng ito sa akin, Damian? Ngayon, gusto mong bawiin?" sagot ni Victoria, matalim ang mga salita.
"Remember this Victoria," sabi ni Damian, ang mga mata ay tila apoy na nagliliyab. "You wont win against me Dear. I have every way and moves to make you suffer and make you beg to stop this war. Or else you want to beg in other ways.”
Tumingin si Victoria kay Damian, isang tahimik na hamon ang kumikislap sa kanyang mga mata.
"Subukan mo lang, Damian. Pero sigurado akong hindi na ako ang babaeng tinalikuran mo dati. I’ve changed. I learn the lesson here. Maghanda ka, dahil hindi ako titigil hanggang hindi ko naibabalik ang lahat ng nawala sa akin."
Habang umaalis si Damian mula sa estate, ang kanyang mga salita ay patuloy na bumabalik sa isipan ni Victoria. Alam niyang hindi magiging madali ang labanang ito—ngunit alam din niyang handa siya, at gagawin niya ang lahat upang mabawi ang kanyang lugar sa mundo ng mga taong nag-aagawan ng kapangyarihan.
“You’ll see Damian. You will be the one who will beg.”
-----
Itutuloy.....
"Victoria Sterling!"Malamig na sigaw ni Damian Wolfe, tila puno ng galit habang mahigpit na sinasakal si Victoria Sterling. Nakahiga siya sa malaking kama, walang kalaban-laban, at hirap na hirap makahinga na siyang pinanghihinaan na ng loob.Ang mga mata ni Damian ay nagliliyab sa galit, ang kanyang mga kamay ay tila bakal na humahawak sa leeg ni Victoria, walang balak na pakawalan siya.Hindi ako makahinga!Nagising si Victoria sa gitna ng kaguluhan, hiningal at naguguluhan sa kung ano ang nangyayari. Pakiramdam niya’y unti-unting nauubos ang oxygen sa kanyang katawan. Instinct ang nagdala sa kanya para labanan at pilit na tanggalin ang kamay ni Damian sa kanyang leeg, pero walang balak ang lalaki na bitawan siya. Nagiging malabo ang kanyang paningin at pakiramdam niya’y mawawalan na siya ng hininga."Bang!"Biglang bumukas ang pinto at mabilis na pumasok si Henry, ang housekeeper ng Wolfe Residence. Natahimik ito sa nakita at mabilis na humawak sa braso ni Damian."Sir, tama na! M
Pagkatapos lumabas ng elevator, si Victoria Sterling ay saglit na tumigil nang makita si Isabella Sterling, ang kanyang half-sister, na nakatayo sa kanyang daraanan, may nakakalokong ngiti sa labi."Victoria, aalis ka na ba?" tanong ni Isabella, ang tono ng boses ay naglalaman ng pahiwatig ng panunuya.Napairap si Victoria, ngunit ngumiti rin siya, puno ng sarkasmo ang tonong isinagot si Isabella."Isabella, I don’t know that you are still here. And sa pag uugali mo wala man lang nagbago, mahilig makialam sa buhay ng mga tao.”Nakita ni Victoria kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Isabella—napalitan ng galit, ngunit mabilis niyang pinilit na bumalik sa kanyang peke at kaawa-awang anyo."Ate, nag-aalala lang ako sa'yo. Alam kong napakahirap ng araw na ito para sa'yo." Naging mahina ang boses ni Isabella, tila inaangkin ang papel ng isang mabait na kapatid.Pero si Victoria ay hindi natitinag. Pakitang-tao lang 'yan, naisip niya. Wala siyang ibang hangad kundi pagtawanan ang k
Victoria is getting anxious while thinking the hands of Damian wrap around her neck. Yet sinasabi ng kanyang isip na lumaban at alam niyang hindi pa siya handang mamatay.Sa kabila ng pananakit at takot, may natitira pa siyang lakas upang labanan.Sa gitna ng hirap na paghinga, sumulyap si Victoria kay Damian, ang kanyang mga mata namumula, puno ng galit at poot."Damian, If you killed me. I’ll make sure that everyone around here and us will remembered that I am your one and only lovely wife.”Napangisi si Damian, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa leeg ni Victoria."Victoria, you didn’t have the guts to be in our family. And trust me, pag namatay ka, I’ll just throw it somewhere that you deserve. Hell.Bigla na lamang napangiti si Victoria sa sinabi ni Damian.Nabigla si Damian sa reaksyon ni Victoria at tumaas ang kilay niya."Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" tanong niya, galit na galit."Kahit anong gawin mo, Damian, hindi mo ako matatakasan. I am the legal wife and I kno
Galit na galit si Isabella Sterling nang marinig ang mga sinabi ni Victoria Sterling. Piniga niya ang kanyang palad gamit ang kanyang mahahabang kuko, at ang kanyang dibdib ay mabilis na nagtaas-baba sa galit.Sa isang iglap, itinaas niya ang kanyang kamay at malakas na sinampal si Victoria sa kanang pisngi."Pak!"Narinig ang malutong na tunog ng sampal na tumama sa mukha ni Victoria. Agad na may dugo na pumatak mula sa gilid ng kanyang bibig, palatandaan kung gaano kalakas ang sampal ni Isabella.Ngumisi si Isabella, puno ng galit, at iniutos sa mga katulong sa di-kalayuan,"Kayo! Buhatin niyo siya at hawakan nang mahigpit!"Nabulag si Victoria mula sa lakas ng sampal, at ang kanyang paningin ay naging itim. Tila nabigla ang katawan sa lahat ng physical na naramdaman niya mula kay Damian at ngayon kay Isabella.Hindi nag-aksaya ng oras ang mga katulong, agad nilang hinawakan ang kanyang mga braso upang hindi siya makagalaw.Ang mga mata ni Isabella ay tila naglalabas ng apoy, at pin
"Tita Luisa, anong nangyari? Hindi mo ba ako nakilala? Matagal na tayong hindi nagkita!" tanong ni Victoria Sterling, ang mukha niya ay malamig.Nagsalita si Tita Luisa, tila nanginginig, "Miss, ikaw ba ay nagbalik?"Lumapit si Victoria, ang kanyang mga mata ay matalim."Oo, nagbalik ako, at hindi ako umalis. Tita. Pakiayos ang gamit sa kwarto ko."Nakatungo si Tita Luisa, nahihirapang magsalita. Ang kwarto? Wala nang kwarto si Victoria dito; ang dating kwarto niya ay matagal nang inookupahan ni Isabella Blackwood. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya makapagbigay ng opinyon.Ang aura ni Victoria ay tila nagbago, nagiging nakakatakot at puno ng kapangyarihan."Sino ang nandito?" tanong ni Victoria habang pinagmamasdan ang hardin. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi nagbago ang dekorasyon; ang bawat halaman at puno ay tila pareho pa rin sa kanyang alaala."Nandito po ang buong pamilya. Ang mag asawa at ang inyong kapatid," mahinang sagot ni Tita."Ayos lang na nandiyan silang lahat,