Share

Kabanata III

Victoria is getting anxious while thinking the hands of Damian wrap around her neck. Yet sinasabi ng kanyang isip na lumaban at alam niyang hindi pa siya handang mamatay.

Sa kabila ng pananakit at takot, may natitira pa siyang lakas upang labanan.

Sa gitna ng hirap na paghinga, sumulyap si Victoria kay Damian, ang kanyang mga mata namumula, puno ng galit at poot.

"Damian, If you killed me. I’ll make sure that everyone around here and us will remembered that I am your one and only lovely wife.”

Napangisi si Damian, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa leeg ni Victoria.

"Victoria, you didn’t have the guts to be in our family. And trust me, pag namatay ka, I’ll just throw it somewhere that you deserve. Hell.

Bigla na lamang napangiti si Victoria sa sinabi ni Damian.

Nabigla si Damian sa reaksyon ni Victoria at tumaas ang kilay niya.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" tanong niya, galit na galit.

"Kahit anong gawin mo, Damian, hindi mo ako matatakasan. I am the legal wife and I know I wont be easy to be erase. Some part of you belongs to me. Kahit ayaw na ayaw mo sa akin. I’ll make sure that we will be in the paradise of the Hell. You and Me. Alone.”

Mas lalong sumidhi ang galit sa mga mata ni Damian, at sa pagkakataong iyon, mas humigpit pa ang kanyang pagkakahawak. Si Victoria ay halos mawalan ng malay, at nagsimulang bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Bigla, sa gitna ng pagkahilo at kalituhan, bitawan ni Damian si Victoria at itinulak siya pababa sa sahig. Nahulog si Victoria ng malakas at ramdam niya na tila nabali ang mga buto niya sa buong katawan.

 Pilit na huminga si Victoria habang siya'y nagpupumilit humanap at palitan ang hangin na naubos sa pagkasakal sa kanya ni Damian.

Si Lucas ay nakatingin lamang, tahimik na nagbaba ng tingin, at nagsabi,

"Boss Damian, I tried to make Ma’am Victoria leave early and I will accept every punishment that I’ve deserved.”

Samantala, si Isabella Sterling ay lumuhod sa tabi ni Damian, nanginginig sa takot sa galit na ipinakita ng lalaki.

"Ate, hindi kita sinadya'ng pigilan. Sumusunod lang ako sa utos ni Damian, baka kasi may ninakaw ka. I mean you get those things na hindi sayo."

Huminga ng malalim si Victoria, ngunit mahina pa rin ang kanyang boses.

"Wala akong ninakaw, wala akong dinala."

Tiningnan siya ni Damian ng malamig. "Wala kang dinala? Ang damit na suot mo ngayon ay mula sa pera ko, Victoria. Anong karapatan mo para sabihing wala kang kinukuha?"

Hindi makasagot si Victoria. Wala siyang magawa kundi tanggapin na mula nang sila'y ikasal, lahat ng gamit niya ay binili gamit ang pera ni Damian. At iyon ang pinakamabigat na katotohanan—ang lahat ng nasa kanya ay kontrolado ng taong halos pumatay sa kanya.

Pumatay sa pagmamahal na naiiwan siya sa sarili niya.

"Hubaran niyo siya at itapon palabas," malamig na utos ni Damian bago siya tuluyang umalis kasama si Lucas.

Nang makaalis si Damian, tumayo si Isabella, pinahid ang pekeng luha mula sa kanyang mukha at naglakad palapit kay Victoria, nakataas ang kilay at may mapanuksong ngiti sa labi.

"Victoria, What now? Pinagbigyan kita ng pagkakataong makisama kay Damian, pero ano'ng napala mo? In the end, ikaw pa rin ang itinapon! And you deserved it."

Tinignan lang ni Victoria si Isabella, hindi man lang umimik. Alam niyang ang bawat galit ni Isabella ay lumalabas dahil sa sarili nitong insecurities. Si Isabella ay hindi tunay na bahagi ng mataas na lipunan—isa lamang siyang opportunista.

Nakatayo si Isabella sa harap niya, nagngangalit, "Victoria, bakit ganyan ka tumingin?!"

Isang mahinang ngiti ang bumungad sa labi ni Victoria. "Kawawa ka naman, Isabella. Sa lahat ng ginawa mo, wala ka pa ring karapatang mahalin."

Ang bawat salita ni Victoria ay tila kutsilyong tumama sa dibdib ni Isabella, at mas lalo siyang nagalit.

Ngunit bago pa siya makasagot, itinuloy ni Victoria, "Kahit anong gawin mo, Isabella, hindi ka kailanman magiging bahagi ng pamilya Wolfe. Kahit pa ako'y mawala, wala kang karapatan. Huwag mong kalimutan, anak ka ng kabit."

"Tumahimik ka!" sigaw ni Isabella, kitang-kita ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

"Ako na nga ang naging tanga," ani Victoria, bahagyang humihinga ng malalim. "Pero ang totoo, ikaw ang talunan."

Sa bawat salita ni Victoria, mas lalong nanggigigil si Isabella, ngunit alam niyang totoo ang bawat sinabi ni Victoria. Si Isabella ay nanatiling mababa sa mata ng mga tao, kahit ano pa ang kanyang pagsisikap na umangat.

Sa kabila ng hirap ng kanyang kalagayan, alam ni Victoria na hindi pa tapos ang laban. Hindi siya basta-basta bibigay. At alam niyang ang bawat hakbang na gagawin niya mula ngayon ay isang hakbang patungo sa kanyang muling pagbangon.

-------

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status